(Kensington High School, Friday evening)
(Satchel's POV)
PAGKATAPOS NG victory dinner sa directress's office kasama ang mga kapwa winners namin ay nauna nang umuwi sina Tito Cesar at Tita Czarina na dala ang sash, crown, kapa, scepter, trophy at certificate ni Katy. Sumunod na ring umuwi sina Lola Martha at Yaya Medel dala ang napanalunan kong sash, trophy at certificate. All in all, masasabi kong napakasaya ko dahil nanalo kaming dalawa ni Katy sa Mr. Campus Prince and Ms. Campus Princess. At ito ang isa sa mga pinakamasasayang nangyari sa buhay ko....na siyempre, kapiling ko ang babaing mahal na mahal ko.
Habang magkaakbay kaming naglalakad ni Katy sa paligid ng Autumn Park ay nakita kong may taong palapit sa amin. At habang palapit ng palapit ang taong yun ay unti-unti na namang nagbabalik ang matinding kirot sa puso ko na ayaw ko nang maramdaman pa.
"Sachi." ang tawag sa akin ng taong yun.
"What the hell are you doing here...Dad?" ang mahina pero mariing tanong ko sa kanya.
"Jack told me about the pageant so I decided to go here and support you."
Anak ng p*ta!
Bakit pa sinabi ni Jack ang tungkol sa pageant na 'to?! At ako?! Susuportahan ng imoral na lalaking ito?!
IRONIC!
"Sorry but I don't need you." I said straight to his face. Alam kong kabastusan ang sinabi ko sa kanya but who the hell I care? Galit ako sa kanya at hinding-hindi na mabubura pa ang galit kong ito.
"Satchel, wag ka namang ganyan sa akin. I'm still your father. I know you're so mad at me. Sorry."
REALLY?!
SORRY?!
AS IN SORRY?!
GANUN NA LANG YUN?!
PAGKATAPOS NG MASASAKLAP NA NANGYARI KAY MOMMY AT SA KAPATID KONG SI CHELSIE, SORRY LANG ANG SASABIHIN NIYA?!
Hindi ko na mapigilan pang mapaiyak sa sobrang galit.
"Sorry?" I said very sarcastically. "Saan? Sa pagkamatay ni Mommy nang dahil sa inyo ng malanding Vivian na yun?! Sa pagkawala ni Chelsie?! Sabihin mo, saan?!!"
Hindi nakasagot si Daddy habang inaawat na ako ni Katy. Pero hindi ako nagpaawat sa girlfriend ko.
"Sachi...anak..."
"WALA KANG KARAPATANG TAWAGIN AKONG ANAK DAHIL MATAGAL NA KITANG KINALIMUTAN BILANG AMA KO."
Pagkasabi ko ng mga salitang yun ay hindi na ako nagulat pa nang sinampal ako ni Daddy.
"Sir Albert, Sachi, tama na." awat ni Katy sa amin.
"BASTOS KA SATCHEL. WALA KANG UTANG NA LOOB!" sigaw niya sa akin.
"TALAGA?!" I yelled at him. "SALAMAT HA! SALAMAT KASI PINALAKI MO AKONG BASTOS AT WALANG UTANG NA LOOB! SALAMAT DAHIL PINATAY NYO NI VIVIAN ANG NANAY KO! SALAMAT DIN DAHIL HINAYAAN MONG MAWALA ANG KAPATID KONG SI CHELSIE! SALAMAT HA! YUN ANG GUSTO MONG MARINIG DI BA? DIBA?!!"
Natulala sa sobrang pagkagulat si Daddy.
"Magmula ngayon, itatak mo dyan sa kukote mo na wala akong masamang ama na katulad mo. At kung meron man, matagal ko na yung ibinaon sa limot...katulad ng ginawa mo sa amin. Let's go Katy." at hinila ko na si Katy palayo kay Daddy.
Habang naglalakad kami palabas ng school campus ay nangingilid na ang luha sa mga mata ko habang paulit-ulit na nagtutumining sa isip ko ang isang pangungusap na gustung-gusto kong ipagsigawan sa harapan niya mismo.
Galit ako sa kanya.
Galit ako sa kanya.
"GALIT AKO SA KANYA!!!!" I angrily screamed at the top of my lungs.
"Sachi..." at niyakap ako ni Katy. "Tama na."
Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko, napaiyak na ako sa sobrang galit at sama ng loob ko sa walanghiya kong ama.
"Katy, ayoko nang makita siya. Ayoko nang makita siya. Ayoko nang makita siya." ang paulit-ulit na sabi ko habang nakayapos ako sa girlfriend ko.
"Sssh. Naiintindihan kita. Naiintindihan kita. Sige lang. Ilabas mo lang ang sama ng loob mo. Umiyak ka lang. Akong bahala sayo." ang kalmado pero napaka-sincere na sabi niya.
"Talaga? I-ikaw ang bahala sa akin?"
"Oo naman. Promise, dito lang ako sa tabi mo. Hinding-hindi kita iiwan." sabi niya sa akin.
"K-Katy..." at muli'y umiyak ako na parang bata sa mga bisig niya. Habang siya naman ay nakayakap sa akin at hinehele ako.
"Sachi..." at hinagkan ako ni Katy sa noo ko. "I love you..."
Tinitigan ko si Katy sa mga mata niya at nakita ko ang kanyang pagmamahal at sincerity sa akin.
"I love you too..." I whispered at her.
Muli'y niyakap ako ni Katy at sa isang iglap ay nakaramdam ako ng pansamantalang kapayapaan sa kalooban ko na para bang wala akong iniindang problema kanina.
"Okay ka na ba?" tanong niya sa akin.
"Medyo. Pero dito muna ako sa tabi mo." paglalambing ko sa kanya.
"Sige, walang problema." at mas hinigpitan pa niya ang pagkakayakap niya sa akin. I just hugged her back...hanggang sa nakatulog ako sa piling niya.
(Autumn Park)
(Esprit's POV)
"SI SATCHELna ba yan...s-siya na ba ang anak ko?" ang halos mapahagulgol ko nang sabi habang nakatitig ako sa binatilyong nakayakap sa isang magandang babae mula sa 'di kalayuan.
"Oo, siya na nga yun. Siya na yung anak mo." sabi ni Cynthia, ang bestfriend ko at ninang nina Satchel at Chelsie sa binyag.
"Halika, lapitan natin siya! Gustung-gusto ko nang mayakap ang anak ko. Gustung-gusto ko na siyang mayakap." at akmamg lalapit na ako sa kanya nang pigilan ako ni Cynthia.
"Wag kang magpadalus-dalos, Esprit. Makakasama mo rin ang anak mo, okay?" mahinahong sabi niya sa akin.
"Pero miss na miss ko na ang anak ko. Miss na miss ko na siya." ang umiiyak na sabi ko kay Cynthia pero nakita ko siyang napabuntung-hininga sabay akbay niya sa akin.
"Espie, naiintindihan kita sa sitwasyon mo. Nanay rin ako at natural lang sa ating mga nanay na ma-miss yung mga anak natin. Pero intindihin mo rin ang dahilan mo sa pag-uwi dito sa Pilipinas. Mas makakabuti kung uunahin na muna natin ang plano mo na pabagsakin si Albert De Vega dahil hindi mo makukuha ang custody ni Satchel hangga't nasa poder siya ng mga De Vega. At kapag nagtagumpay ka sa plano mo, yun na ang right time para mabawi mo na siya." mariing paalala sa akin ni Cynthia.
"Hindi ko na kasi kaya pang tiisin na malayo sa kanya. Remember Thia, pitong taon akong nagtiis na wala sa tabi ko ang anak ko."
"Alam ko. Pero mas mahihirapan ka lang kung magpapadalus-dalos ka sa mga desisyon mo. Kaya kung gusto mo nang mabawi kaagad si Sachi, kailangan mo munang paralisahin ng husto si Albert De Vega. Gamitin mo ang itsura mo, talino mo at ang diskarte mo para makuha mo ang loob niya. At kapag nagawa mo yun, siguruhin mong masisira mo siya ng husto tulad ng nais mo. At kapag nagtagumpay ka sa plano mo, doon mo na makakakuha ng tiyempo para bawiin ang anak mo. Wag kang mag-alala dahil nandito lang ako para umalalay sayo. Basta't ang ipagpasalamat natin ay nakita mo ulit ang anak mo kahit sa malayo. Ang problema na lang natin ay kung nakatira pa rin siya sa poder ni Albert o di kaya'y nagsarili na siya." sabi ni Cynthia.
"Sige. Gagawin ko, Cynthia. Salamat dahil nandyan ka pa rin para sa akin."
"Ikaw talaga Espie, para saan pa ang pagiging mag-bestfriends natin kung hindi tayo magdadamayan sa oras ng kagipitan." at nakangiti akong niyakap ni Cynthia.
Ngayong nakita ko na ang anak ko ay gagawin ko na ang unang plano ko:
ANG PAIBIGIN, LINLANGIN AT SIRAIN SI ALBERT DE VEGA SA LAHAT.
SAMPU NG KANYANG KABIT AT KANILANG ANAK SA PAGKAKAMALI.