(Cambridge Royal Hospital, afternoon)
(Gianna's POV)
"I'M VERY very sorry, Gianna...but your Lola Lucy is..." ang malungkot na wika ng doktor ni Lola sabay tanggal niya sa salamin at punas sa mga luha niya.
Huminga ako ng malalim at hinawakan ko ang kamay nila at nginitian ko sila.
"Dr. Jane, maraming maraming salamat po sa lahat ng kabutihang ginawa ninyo para sa pamilya namin. Kahit matagal na pong wala sina Mama at Papa ay hindi ninyo kami pinabayaan ni Lola Lucy. Inalagaan at itinuring nyo po kami na parang isang pamilya. Salamat po talaga. You lessen the burden of my Lola. Salamat po."
"Gia..." at niyakap ako ni Dr. Jane. Siya ang family doctor namin at malapit na kaibigan ng mga magulang ko. Simula noong bata pa ako ay siya na ang nag-alaga sa amin at nung mamatay ang mga magulang ko ay siya na ang tumulong sa amin ni Lola Lucy.
I tap her back. "Pwede ko na po bang makausap si Lola?"
She released me from her hug then I gave her another smile at pumasok na ako doon sa loob ng kwarto.
Pinagmasdan ko ang katawan ni Lola na nakabalot na ng puting kumot. Naupo ako sa gilid ng kama nila at hinawakan ko ang malamig nilang kamay.
"Lola Lucy, kasama nyo na po siguro sina Mama at Papa noh? Sigurado akong maganda dyan sa kinaroroonan ninyo ngayon. Hindi na po kayo masusundan pa diyan ng anumang sakit at paghihirap, kaya kung iniisip nyo po na nagtatampo ako sa inyo, hindi po. Hinding-hindi po ako magagalit o magtatampo sa inyo dahil mahal na mahal ko po kayo. Pangako, kakayanin ko ang lahat ng pagsubok na ibabato sa akin ng tadhana. Kaya Lola, wag nyo na po akong intindihin ha? Pakisabi na lang po kina Mama at Papa na miss na miss ko na sila at mahal na mahal ko po sila. Ikaw din po Lola, mahal na mahal na mahal po kita. Alam kong magkakasama din tayo sa tamang oras." at may tumulong luha sa mga mata ko na agad kong pinunasan. Tumayo ako sa pagkakaupo ko at hinalikan ang noo ni Lola. "Bye Lola. You're with God now. I know he will protect you from pain and suffering. Hindi ka na mahihirapan pa Lola. Masaya na ako para sa inyo." at muli'y may tumulo na namang luha sa mga mata ko.
Kinuha ko isa-isa ang mga gamit namin ni Lola sa loob ng kwarto kung saan siya na-confine...at kalauna'y binawian ng buhay. I gave that room a one last look...and I smile.
"Mami-miss kita...Lola Lucy."
After that ay tuluyan na akong lumabas ng room at sinalubong ulit ako ni Dr. Jane.
"Dr. Jane, okay na po ako. Saang funeral parlor po ilalagay si Lola?" tanong ko sa kanila.
"Dun sa funeral parlor ng kaibigan ko. Wag kang mag-alala, binayaran ko na ang lahat ng magiging gastos mula sa lamay hanggang sa libing kaya ipanatag mo na yang sarili mo." sabi ni Dr. Jane. "Oo nga pala iha, may sasabihin ako sayo. Importante."
"Ha? Ano pong sasabihin ninyo sa akin?"
"Tungkol ito sa pagkatao mo."
"P-pagkatao ko? A-anong ibig ninyong sabihin?" nagtatakang tanong ko sa kanya.
May inilabas si Dr. Jane na papel mula sa document case na hawak nila at ibinigay nila ito sa akin. "Kung gusto mong malaman ang tungkol sa pagkatao mo ay mag-transfer ka sa eskwelahang ito." sabay bigay pa sa akin ni Dr. Jane ng isa pang papel.
"Kensington High School Incorporated. Ano 'tong school na 'to?" takang tanong ko sa kanila.
"School for elites yan. Wag mong problemahin ang tuition fee mo dyan dahil ako na ang bahala magbayad dun. Pagkatapos ng libing ng lola mo ay aasikasuhin na natin ang pag-transfer mo dun, okay?"
"O-okay po." sabi ko sabay tago ko ng papel sa backpack ko. "Anyways Dr. Jane, may available job po ba sa ngayon? Kasi gusto ko pong magtrabaho para sa sweldo ko na lang po kukunin ang baon ko."
"Sure. Merong available job sa Kensington High. Naghahanap kasi ng personal assistant ang anak ng isa sa mga stakeholders ng school, si Kath Rence Villas. Kung gusto mo ay personal kitang irekomenda sa kanya. Kilala ko siya at wag kang mag-alala dahil mabait siyang tao." sabi pa ni Dr. Jane.
"Salamat po. That helps me a lot." sagot ko naman.
"Sige, aasikasuhin ko na muna ang pag-aayos sa labi ni Lola Lucy. Magkita na lang tayo bukas sa Westminster Chapel. Pansamantala'y dun ka na muna magpahinga sa amin. Condolence again at ipanatag mo ang kalooban mo, Gianna." at umalis na sa lobby ng ospital si Dr. Jane. Naglakad na rin ako palabas ng ospital habang patuloy na naglalaro sa isip ko ang mga sinabi sa akin ni Dr. Jane.
Sino ba talaga ang tunay kong mga magulang?
Sino ba talaga ako?
I need to search the truth about myself.
Sana nga'y maging daan sa paghahanap ko ang eskwelahang sinasabi ni Dr. Jane sa akin.
Sana nga...