(Villas's Mansion, 8 pm)
(Kath Rence's POV)
(Kath's Room)
BUSY ako sa paggawa ng assignment ko nang biglang may kumatok sa kwarto ko.
"Tuloy po kayo. Bukas po yan." sabi ko.
Bumukas naman ang pinto at nakita ko si Yaya Melinda na may dalang chocolate cookies at malamig na pineapple juice.
"Young Mistress Kit-kat, may dala akong meryenda para sayo. Kumain ka muna." at ipinatong ni Yaya ang meryenda ko sa study table.
"Salamat po Yaya." sabi ko sa kanila.
"Walang anuman. Mauna na ako Young Mistress." at lumabas na ng kwarto si Yaya.
Paglabas ni Yaya ay itinuloy ko ang pagsusulat ng assignment ko nang biglang pumasok sa loob si Kuya Leo.
"Kath, balita ko'y may nambully na naman sayo kanina ah." sabi sa akin ni Kuya.
"O-oo nga eh. Pero wag kang mag-alala...okay lang ako." ang sabi ko kahit na deep inside...ay hindi naman talaga ako okay.
"Hinding-hindi ko na mapapahintulutan pang may mang-api sayo, kaya whether you like it or not, babantayan na kita. Naiintindihan mo?"
"Opo Kuya." at niyakap ko ang Kuya ko. "I love you Kuya."
"I love you too, bunso." sabi naman ni Kuya.
"Anyways bunso, kaya ako nandito ay dahil may bisita tayo. Remember Lola Martha, our lola's kumare." at lumabas na si Kuya sa kwarto. "Kanina ka pa hinihintay nila Mommy sa baba kaya mamaya na yan."
"Sige Kuya, susunod na po ako." at iniligpit ko sandali ang mga libro at notebook ko at saka na ako dumiretso sa sala.
(Visitor's Lounge)
(Kath Rence's POV)
SAKTONG pagdating ko sa sala ay nakita kong nag-uusap sina Daddy, Mommy, Lola Lia at si Lola Martha.
"Good evening po." bati ko sa kanilang lahat.
"Kit-kat, magmano ka kay Lola Mart." sabi ni Mommy sa akin.
Nagmano naman ako kay Lola Martha.
"Ahm, ba't po pala kayo nandito Lola Mart?" tanong ko sa kanila.
"Kasi gusto ko sanang ipa-tutor sayo saglit ang apo ko, pano kasi, hirap siya sa Math. Pwede ko bang mahingi saglit ang oras mo para turuan ang apo ko?" sabi ni Lola.
"Sige po. Wala pong problema." sabi ko naman. Haay, kung sino man yang apo ni Lola, for sure, parehong-pareho lang sila ni Satchel na ayaw na ayaw sa Math.
"Sige Cesar, Czarina at Lia, mauna na kami sa inyo't hihiramin ko na muna sandali itong inaapo ko ha. Bye." at umalis na kami sa sala.
"Bye Tita Mart." sabi naman nina Mommy at Daddy.
(Roswell's Mansion)
(Kath Rence's POV)
PAGDATING namin sa bahay nina Lola Martha ay napansin kong medyo tahimik na ang paligid maliban sa isang katulong doon na pinupunasan ang mesa ng dining hall.
"Nasaan po ang apo ninyo?" magalang na tanong ko kay Lola.
"Nasa kwarto niya. Tatawagin ko lang saglit." at umakyat si Lola sa malawak na hagdan papuntang second floor. Sumunod naman ako sa kanila.
Pag-akyat namin sa second floor ay marahang kinatok ni Lola ang pintuan ng kwarto ng kanyang apo.
"Sachi, apo, andito na ang tutor mo." sabi ni Lola.
Agad na binuksan ng apo nila ang pintuan pero laking gulat ko nang makita ko ang apo nila.
"Lola, sino naman po ang magiging tutor k-KATH RENCE?!!" ang shock na sabi ni Satchel sa akin.
"S-SATCHEL?!!" gulat na gulat na sabi ko sabay turo ko sa kanya. "I-ikaw ang apo ni Lola Martha?!"
"Yes. Apo ako ni Lola Mart. At kakalipat ko lang dito." sabi pa niya sa akin.
"Magkakilala na pala kayo." sabad ni Lola sa amin.
"Yes Lola. She's my tutor in school." ang nakangiting sabi ni Satchel sabay kindat niya sa akin.
"Talaga Kit-kat?" tanong ni Lola.
"Opo Lola." sabi ko naman.
"Very good Sachi. Tama ka lang ng pinili mong maging tutor dahil bukod sa matalino si Kit-kat ay dedicated siya sa kanyang pag-aaral. Tsaka hindi siya nagpapabaya sa kanyang ginagawa. Kaya kumpyansa ako na hinding-hindi ka niya pababayaan, Sachi." ang nakangiting sabi ni Lola Martha.
"Thanks Lola." at nagulat ako nung bigla akong akbayan ni Satchel. "Anyways, dahil sinabi ninyong neighbor natin sina Kath Rence, pwede bang lagi akong dumalaw sa kanila?" sabay ngiti sa akin ni Satchel.
"Sige, walang problema. Malapit lang naman ang bahay nila sa atin eh." sabi naman ni Lola.
"O-okay lang Satchel. W-welcome ka sa bahay namin." sabi ko naman habang pinagtatakpan ko ang hiya't ilang na nararamdaman ko sa kanya.
"Talaga? Wow. Thank you." at nabigla ako nung yakapin ako ni Satchel at kahit naguguluhan ako ay niyakap ko rin siya.
"Y-you're welcome...Satchel." sabi ko sa kanya.
"Sige na Sachi, mag-aral na kayong dalawa sa library. Magpapahatid ako ng meryenda mamaya kay Yaya Medel sa library. Mauna na muna ako sa inyo ha." sabi ni Lola sabay panhik nila paakyat ng third floor kung saan nandun ang kwarto nila.
"Goodnight Lola Mart!" pahabol na sabi ni Satchel.
"Goodnight apo." sabi naman ni Lola.
Nung makaakyat na si Lola sa third floor ay nagulat na lang ako nung bigla akong hilahin ni Satchel palabas ng mansyon nila.
"T-teka, s-san tayo pupunta?" tanong ko sa kanya.
"Sa lugar na ikaw at ako lang ang nakakaalam." he said seriously.
Lugar? Na ako't siya lang ang nakakaalam?
Waah! Baka naman...
KATH RENCE TALAGA! KAHIT KAILAN, ANG DUMI NG ISIP MO!
Nung makalabas na kami ng mansyon ay naglakad kami sa malawak na garden sa harap ng mansyon. Napakaganda ng garden nila at punumpuno ito ng mga rosas at cadena de amor.
"Ang daming mga bulaklak dito. Ang gaganda nilang lahat." ang humahangang sabi ko habang nakatitig ako sa mga bulaklak.
"Gusto mo bang ipagpitas kita ng bulaklak?" tanong niya sa akin.
"Naku, wag na. Okay lang kahit wag mo na akong bigyan. Masaya na akong pagmasdan sila." sabi ko naman pero nakita kong pumitas pa rin si Satchel ng bulaklak sabay bigay niya sa akin.
"S-Satchel..."
"Sige na, tanggapin mo na ito." sabay sabit niya ng bulaklak sa tenga ko. "Wow, you look so...beautiful."
"Beautiful?" at natawa ako. "Malabo na ba ang mga mata mo? Ang chaka ko kaya."
"Chaka ka dyan. Talagang napakaganda mo...Katy." and he smiled at me.
"Ako? Si Katy? Hindi Katy ang palayaw ko." sabi ko pa pero nginitian lang niya ako.
"Palayaw ko yun sayo. Kaya from now on, tatawagin na kitang Katy. Okay."
"S-sige. Ahm...S-Sachi...h-halika na sa loob...tuturuan pa kita sa Math." sabay hila ko sa kanya papasok pero bigla niya akong pinigilan.
"Bakit?" nagtatakang tanong ko sa kanya.
"Mamaya na. Dito na muna tayo." at nahiga siya sa malawak na damuhan ng garden.
"P-pero..."
"Please...pretty please..." and he pout his lips cutely. Dahil hindi ko talaga matanggihan ang napaka-cute na nilalang na 'to ay pumayag na rin ako.
"Sige na nga. Pero sandali lang tayo dito ha." at naupo ako sa tabi niya. Napatingin ako sa langit at napa-wow ako pagkat napakaganda ng mga bituin ngayon at napakaliwanag pa ng buwan. Ang sarap tuloy mag-star gazing.
"Ang ganda ng mga bituin noh." sabi ko sa kanya. "Madalas kaming mag-star gazing ng Mommy ko nung maliit pa ako. At hanggang ngayon ay ginagawa pa rin namin yun."
"Kami rin ni Mommy. Madalas din kaming mag-star gazing kasama si Daddy. Pero mula ng mamatay si Mommy at magkaroon na ng ibang pamilya si Daddy ay ako na lang mag-isa ang tumitingin sa langit gabi-gabi." ang malungkot na sabi niya.
"G-ganun ba?" sabi ko sa kanya.
"Yes. Mula nung magpakasal si Daddy at ang kabit niya'y naramdaman ko na mag-isa na lang ako sa buhay ko. Matagal na akong nasanay na wala na akong mga magulang. Kaya nga masuwerte pa rin kayo ni Leonard, kasi hanggang ngayon ay kasama nyo pa rin ang parents ninyo." seryosong sabi ni Satchel.
"Nami-miss mo na siguro ang Mommy mo noh." sabi ko sa kanya.
"Yes. I miss her so badly. Gustung-gusto ko siyang makita ulit. Gustung-gusto ko siyang mayakap at mahagkan ulit. At gustung-gusto ko ulit na sabihin sa kanya kung gaano ko siya kamahal. Katy, mahal na mahal ko ang mommy ko." sabi niya sabay tingin niya sa kawalan. "Kaya nga kung bibigyan ako ng kahilingan ni Lord, gusto kong hilingin na sana'y mabuhay si Mommy para makasama ko siyang muli."
Saglit akong napatingin kay Satchel sabay tingin ko sa kalangitan.
"Ikaw ba Katy, kung bibigyan ka ng isang kahilingan ni Lord, anong sasabihin mo?" tanong ni Satchel sa akin.
Teka, ano nga bang hihilingin ko? Hmm...
* isip-isip *
"Sana...mapansin ako ng crush ko...at matutunan niya akong mahalin sa kabila ng pagiging nerd ko." ang mahinang sabi ko kay Satchel kasabay ng pamumula ng pisngi ko.
"Katy...magagawa ko yun...mamahalin kita sa kabila ng itsura mo..." Satchel said very huskily.
"Ha?! Anong sabi mo?!" gulat na tanong ko sa kanya.
"W-wala. Ang sabi ko...sana matupad yung wish mo." sabi niya sa akin. "Pero may itatanong lang ako sayo...hope you don't mind...s-sinong crush mo?"
"Wag mong sasabihin sa iba ha? Maski kina Yhannie, wag mong sasabihin." at huminga ako ng malalim. "Si Jack. Si Jack ang crush ko."
Gulat na gulat si Satchel pagkarinig niya sa pangalan ng crush ko.
"R-really?" at nakita kong huminga siya ng malalim. "Katy...I'm warning you...don't fall for my stepbrother. Don't fall for him." he said.
"Bakit naman?" nagtatakang tanong ko sa kanya.
"Dahil may mahal siyang iba. And worst...isa sa mga bestfriends mo pa." sabi niya.
"Hmp! Binibiro mo naman yata ako eh." sabi ko sa kanya pero umiling-iling siya, it means, seryoso siya sa mga sinasabi niya.
"I'm not joking. May mahal siyang iba. Ayoko sanang sabihin sayo pero maigi pang malaman mo na hangga't maaga para hindi ka umasa sa kanya sa wala. Katy, concern ako sayo dahil mahal kita...bilang kaibigan. Alam mo yan."
"S-Satchel." ang tila natulalang sabi ko sa kanya.
"It"s up to you kung maniniwala ka sa akin. But believe me or not, nagsasabi ako ng totoo." at tumayo siya sa pagkakahiga niya at hinawakan ang kamay ko. "Halika na, mag-aaral pa tayo sa library."
"S-sige." at sabay na kaming bumalik sa mansyon. Sikapin ko mang ipagkibit-balikat ang mga sinasabi ni Sachi ay hindi pa rin ako matahimik lalo pa't maaaring nagsasabi siya ng totoo. Or maybe, binibiro niya lang talaga ako.
Pero kung sakali mang totoo yun...sino naman sa mga bestfriend ko ang gusto ni Jack?
Hindi ko alam.
Haay, ang gulo! Hindi ko na alam ang iisipin ko!
(Roswell's Mansion)
(Satchel's POV)
KATATAPOS ko lang gawin ang assignment ko, with help of my Princess Katy (Kath Rence). Habang nagmemeryenda ako ay napansin kong tulog na siya sa mesa ng library. Saglit kong ininom ang natitirang laman ng orange juice sa baso at saka ko dahan-dahang binuhat si Katy palabas ng library.
Dinala ko siya sa guest room ng mansyon at inihiga ko siya sa kama. Pagkaayos ko kay Katy sa kanyang higaan ay kinuha ko ang makapal na kumot na nasa aparador at ikinumot ko yun sa kanya.
Saglit kong pinagmasdan si Katy habang natutulog at lalo akong nabibighani sa itinatago niyang kagandahan. At dahil sa pagkabighani kong yun ay di ko na napigilan pang alisin ang fake prosthetics na nakakabit sa mukha niya. Tumambad sa akin ang makinis na pisngi niya. Inalis ko rin ang fake wig niya at ang eyeglass niya at nakita ko ang mala-diyosang kagandahan niya na unang nagpatibok ng puso ko sa kanya.
Habang hinahaplos ng mga daliri ko ang tungki ng ilong ni Katy ay nakita kong kanina pa nakatitig sa akin ang anak ni Yaya Medel at childhood tropa ko na si Mikki. At halatang mapanuri ang tingin niya sa akin.
"Hey Mikay. May kailangan ka ba? Maraming Summit Books at PSICOM sa library, kumuha ka lang." sabi ko sa kanya.
"Kakakuha ko lang. Eto oh." sabay pakita niya sa librong "Operation: Break The Cassanova's Heart" sa akin. "Sabi nila, maganda raw 'to."
"Maganda ang kwentong yan. Nabasa ko na yan." sabi ko sa kanya.
"Siguruhin mo lang." at tumawa si Mikki. "Anyways, narinig ko ang usapan ninyo kanina. Sinabi na pala niya ang tungkol sa crush niya."
"And?" I said sarcastically.
"Wish niya na sana'y tuluyan na siyang mapansin ng crush niya." dugtong pa niya.
"Tapos?"
"Nagulat ka nung malaman mong si Jack na anak sa labas ng daddy mo ang crush ni Katy."
I gave her a death glare.
"Alam ko ang ibig sabihin ng mga titig mong yan. Nanggigigil ka na naman sa stepbrother mo. Right?"
"Alam mo na pala, ba't tinatanong mo pa?" inis na sabi ko sa kanya.
"Over ka naman!" at siniko ako ni Mikki. "Pero hindi lang yun ang narinig ko..."
"Ano pang narinig ng bwisit na radar ng tenga mo, Mikay?"
"Na binalaan mo si Katy na wag siyang ma-i-in-love kay Jack."
"Na siyang tama. Hinding-hindi ko hahayaang mahulog ang loob ni Katy kay Jack." disididong sabi ko sa kanya.
"Pero ang di ko lang alam, sino sa mga campus princesses ng Kensington High ang gusto ni Jack?" curious na tanong ni Mikki.
"Gusto mo talagang malaman?"
"Oo naman! Sino? Sino siya?" excited na tanong niya.
"Si Khendra Zachary." sabi ko.
"WHAAAAAT??!!!" ang napasigaw sa gulat na sabi niya pero maagap ko siyang nahampas ng unan, dahilan para agad siyang tumigil sa pagtili niya.
"Wag ka ngang maingay!" sita ko sa kanya.
"Totoo? Si...Khendra Zachary ang gusto ni Jack?" this time, mahina na ang boses ni Mikki nang magtanong siya.
"Yes." diretsahang sabi ko sa kanya.
"Eh pano naman nangyari yun, samantalang may boyfriend na si Khendra." nagtatakang sabi ni Mikki.
"Hindi ko alam sa stepbrother kong tanga." and I rolled my eyes.
"Well, ngayong nalaman mo na ang secret ni Katy, anong next plan mo?"
"Plan?" and I smiled evilly. "Simple lang naman ang plano ko eh. Ipapakita ko kay Katy ang aktwal na pagkikita nina Jack at Khendra. At dahil sabi mo'y truth hurts for a while, dadamayan ko na muna si Katy sa kalungkutan niya at saka ko sasabihin ang feelings ko sa kanya."
"Eh pano mo naman gagawin yun?" tanong pa niya.
"Basta. Ako na ang bahala sa plano ko. Pero may hihingin sana akong pabor sayo."
"Pabor? Sure! Kahit anong pabor, game ako dyan." sabi naman niya.
"Keep an eye on Jack and Khendra. At ganun din ang gagawin ko kay Katy. Kapag nagawa ninyo ni Yogo yun, bibilhan kita ng collection ng Diary ng Panget 1 to 4. That's a deal." sabi ko sa kanya.
"Talaga?! Sige ba! Promise, hindi ako papalpak sa gagawin ko! Basta ba tuparin mo ang deal mo sa akin ha! Alam mo namang crush ko si Cross Sandford eh!" Mikki said excitingly.
"Siyempre naman, kailan ba ako hindi tumupad sa mga naging deal natin, Mikay. And last favor na lang, wag na wag mong sasabihin kay Jack o kahit sino sa mga campus princesses ang tungkol sa ipinagtapat sa akin ni Katy. Dahil oras lang na malaman kong ipinagkalat mo ang secret ni Katy, tatamaan ka talaga sakin. Understand?"
"Yes sir!" at nag-salute pa ala-sundalo si Mikki.
"Sige na, makakabalik ka na sa kwarto mo. Wag ka na lang maingay sa pinag-usapan natin ha." sabay tulak ko sa kanya palabas ng kwarto.
"Okay." at umalis na si Mikki sa guest room.
Nung wala na si Mikki ay isinara ko ang pintuan ng guest room at muli kong pinagmasdan si Katy. Hinaplos ko ang tungki ng ilong niya at hinagkan ko iyon.
Sabihin man ng iba na makasarili na ako sa balak kong ito ay hinding-hindi ko hahayaang mapunta si Katy kay Jack dahil ikamamatay ko oras na magkatuluyan silang dalawa. Ayokong pati ang babaing pinakamamahal at pinakainiingatan ko ay tuluyan ding maagaw sa akin ng walanghiyang anak sa labas ni Daddy.