(Kensington High School, Lunch time)
(Kath Rence's POV)
(School Cafeteria)
BREAK TIME namin at nasa cafeteria ako. Habang kumakain ako ng meryenda kong pasta at chocolate cake ay isinasabay ko na ring mag-aral ng mga next lessons namin sa Math.
Habang nagbabasa ako ay muli na namang nagtilian ang mga estudyante sa canteen.
Haay...ano na namang meron?
Dahil na-curious ako ay napilitan akong lumingon at laking gulat ko na lang pagkat si Jack ang pumasok sa loob ng cafeteria...
AT PAPALAPIT NA SA AKIN!
T-teka, ba't naman papalapit siya sa akin?
May kailangan ba siya sa akin?
WAAAAAAAAAHHHHHHHH!
KATH RENCE, WAG MAG-PA-PANIC, WAG MAG-PA-PANIC!
Kalma lang.
* inhale *
* exhale *
"Hi Kath Rence." bati sa akin ni Jack with his matching killer smile. Ako namang si luka-luka, para na namang ginamitan ng stunning spell nang makita ko siya.
Oh I really love that smile!
Kinikilig tuloy ako!
"H-hi...Jack." ang bati ko naman sa kanya. Iniiwasan ko na lang na mapatingin sa guwapo niyang mukha dahil talagang hindi ko mapigilang kiligin!
"Pwede bang makisabay sayong kumain?" ang sabi niya na lalong nakapagpagulat sa akin.
"H-ha? I-ikaw...s-sasabay sa aking...k-kumain?" ang halos magkandautal-utal ko nang tanong sa kanya.
"Oo. Bakit, may kasabay ka na ba?" tanong niya.
"W-wala pa naman! M-maupo ka." ang yaya ko sa kanya. Naupo naman siya sa tabi ko.
"Mag-isa ka lang dito?"
"Ah...o-oo." ang sabi ko naman.
"Nasaan ang mga friends mo?" tanong niya sa akin.
"Busy sa tryout sina Rhian at Erich habang nasa library si Khendra. Si Yhannie naman, nasa DBC." sabi ko naman sa kanya.
"Hmm, okay." sabi naman ni Jack. "Nagre-review ka pala. Am I bothering you?"
"H-hindi. Okay lang. Hindi ka nakakaistorbo sa akin." ang pasimpleng sabi ko habang pinipilit kong kontrolin ang kilig na nararamdaman ko.
"Dito ka ba nagre-review?" tanong ni Jack. "Ba't hindi sa library? Mas kumportable ka ba dito?"
"Oo. Mas kumportable ako dito." nahihiyang sabi ko sa kanya.
"Anyways, kaya ako nandito kasi itatanong ko kung pumasok ba si Satchel. Pumasok ba siya sa klase ninyo?" ang tila worried na tanong sa akin ni Jack.
"Hindi eh. Pero nag-text siya sa akin na baka bukas na lang siya papasok. Bakit?"
"Wala. Natanong ko lang."
"Ah..." at napatangu-tango ako. "Anyways, anong klaseng kapatid si Satchel? Mabait ba siya? Pasaway? O spoiled brat?"
Hindi nakaimik si Jack.
"Naku, napasama ba yung tanong ko? Pasensya na ha, masyado na akong nagiging personal." ang apologetic na sabi ko sa kanya.
"Hindi, okay lang." at napangiti si Jack. "Medyo stubborn si Satchel at gusto niyang siya palagi ang masunod, pero deep inside, napakabait niya. Maalalahanin siya at mahal na mahal niya ang mga tao sa paligid niya. Lalo na ang Mommy niya. Tsaka ikaw."
"Ha? Tsaka ako? Anong ibig mong sabihin?" gulat na tanong ko sa kanya.
"Bakit? Hindi mo pa ba alam?" ang nagtatakang tanong sa akin ni Jack.
"Ang alin?"
"Na may--" at natigil sa pagsasalita si Jack nung tumunog na ang school bell.
"Sige, mauna na ako. See you around Kath." at nagmamadali na siyang umalis sa cafeteria.
"Okay." ang sabi ko naman sabay kuha ko sa mga gamit ko at nagmadali na rin akong lumabas ng cafeteria. Kung anuman ang ibig ipakahulugan ni Jack, siguro'y gusto niyang sabihin na i-guide ko si Satchel sa kanyang pag-aaral. Pero haay...unexpectedly...ang saya ng araw ko...dahil nakausap ko na naman siya...
(Female Restroom)
(Mikki's POV)
"HOY MIKAY, tapos ka na ba dyan?!" ang paghihimutok sa akin ni Yogo mula sa labas ng restroom.
"Ano ka ba naman Yogo, sandali na lang ako dito! Parang naghihilamos lang eh." sabi ko naman sa kanya.
"Eew! Don't call me Yogo! Call me Yanna! As in Yanna!" ang pasigaw na sabi ni Yogo.
"Ewan ko sayo, bugoy."
"What the hell did you called me?" ang tila gulat na tanong niya.
"Wala." sabay balik ko sa paghihilamos ko. Pagkatapos kong maghilamos ay pinunasan ko ang mukha ko ng face towel na laging pinapabaon sa akin ni Mama tuwing papasok ako.
Nung malinis na ang mukha ko ay nagpulbos ako ng konti at sinuklay ko ang lagpas balikat kong buhok. Alam ko namang maganda ako pero dino-double check ko lang para hindi na ako magpabalik-balik pa dito sa restroom.
Nung kuntento na ako sa itsura ko ay lumabas na ako ng restroom.
"Haay sa wakas, after 65 years of existence, nakalabas ka na rin ng restroom!" salubong sa akin ni Yogo.
"Halika na girl, balik na tayo sa room." at nagmamadali na kaming naglakad pabalik sa classroom. Nakasalubong pa nga namin ang student tutor ni Satchel na si Kath Rence na papunta rin yata sa restroom. Pero napatigil kami ni Yogo sa paglalakad nung may nakita kaming tatlong babae na papasok din sa restroom at napansin naming may dalang timba ng tubig.
"Ano kayang gagawin ng mga babaing yun?" curious na tanong ni Yogo sa akin.
"Tara Yanna, tignan natin!" at dahan-dahan kaming bumalik sa restroom. At saktong paglinga namin sa pinto ng restroom ay narinig namin ang pag-uusap nung mga babaing yun.
"Nakita kong pumasok sa restroom ang nerd na yun!" - Girl 1.
"Grabe yung bruhang yun! Akala mo, mamanang-manang, pero deep inside, malandi pala siya!" - Girl 2.
"Inunahan ba naman tayo sa paglapit kay Prince Jack!" - Girl 3.
Hep hep hep! Si Kath Rence ba ang tinutukoy ng tatlong 'to?
"Maturuan nga ng leksyon ang panget na yan!"
Tsk, tsk, tsk. Sinasabi ko na nga ba't si Kath na naman ang pinupuntirya ng mga babaing 'to. Kawawa naman siya.
"Girl, anong gagawin nila?" mahinang tanong ni Yogo sa akin.
"Hindi ko alam. Magmatyag lang tayo. At kunan mo na rin ng video gamit ang videocam mo." sabi ko sa kanya.
Agad namang inilabas ni Yogo ang DLSR niya at itinutok sa mga babaing yun.
Maya-maya lang ay nakita namin ng malapitan ang pagbuhos nila ng isang timbang tubig sa cubicle kung saan nandun si Kath Rence.
"Serves you right, loser!" at nagtawanan ang tatlong yun. Kahit na sobrang shock kami ni Yogo ay nakuha pa naming i-save ang kinunan naming video. Tamang-tama lang na ipakita namin ito kay Satchel, pano kasi, sumosobra na sila.
Saktong aalis na sila nang humarang kami ni Yogo sa pintuan with matching dyosa smile namin sa kanila.
"Uhmm, do you need something?" tanong nung isa sa amin.
Hindi namin sila sinagot.
"Hoy, pwede ba, tumabi-tabi kayo dyan. Male-late na kami sa klase namin eh." pagtataray nung isa sa kanila.
"Sige." and Yogo smiled. "But before that..." at nagulat sila nung galit na galit na sumulpot sa likod namin sina Erich at Rhian. Galit na galit na itinulak ni Rhian ang pinaka-leader ng mga babaing yun.
"P-Princess Rhian....w-what a-are you d-doing?!" takut na takot na sabi nung mga babae.
"Bitiwan mo siya!" at akmang susugurin na sana nung isa si Rhian pero galit na galit na sinampal ni Rhian yung babae. Nanginginig na sinalat nung babae ang pisngi niya na pulang-pula sa pagkakasampal.
Nanginginig sa ginaw na lumabas si Kath sa cubicle habang umiiyak siya. Agad namin siyang tinulungan ni Yogo.
"Kath! Are you okay?" worried na tanong ko sa kanya.
"O-oo. O-o-okay lang ako..." at napayakap si Kath sa akin.
"Yanna, akin na muna ang towel mo." at kinuha ko ang towel na nakasukbit sa balikat ni Yogo.
"Oh 'eto." at pinunasan ni Yogo ang mukha, buhok at balikat ni Kath. "Bebe girl, wag ka nang umiyak, nandito na ketch, ang dyosa ng Earth, si Yanna!"
"Dyosa ka dyan." sabi ko kay Yogo.
Samantala, halos magyakapan na sa sobrang takot ang tatlong babaing yun habang palapit na ng palapit sa kanila sina Rhian at Erich.
"Totoo ba ang nalaman namin na binuhusan nyo si Kath ng tubig?" tanong ni Rhian sabay sabunot sa isa sa mga babaing yun.
"H-hindi namin siya b-binuhusan...m-maniwala kayo sa a-amin...p-please..." pagsisinungaling pa nung isa sa kanila.
"SINUNGALING KA!" sabay sampal ng malakas ni Rhian sa mukha nung babae. "Wag mo kaming gawing tanga! Baka nakakalimutan ninyo na may CCTV sa bungad ng comfort room! Kaya kitang-kita namin ang mga pinagagagawa ninyo!"
"Oo nga! Don't you dare to lie at us...or else..." at nagtinginan sina Erich at Rhian, "MALILINTIKAN TALAGA KAYO SA PRINCE SATCHEL NINYO! UNDERSTAND?!"
Takut na takot na tumango ang tatlong mapagmatapang na mga babaing yun.
Erich angrily pulled that girl's hair at inilapit ang mukha nito sa mukha niya.
"You don't have a right to give our bestfriend a hard time. Do you understand...low lying cheap sluts?!" ang ubod sakit na panlalait ni Erich sa kanila. Marahas pa niyang binitiwan ang babaing yun.
Umiiyak na tumangu-tango ang tatlo sa sobrang kahihiyang tinanggap nila kay Erich.
"MAGSILAYAS NA KAYO! NOOOOW!" ang ubod lakas na sigaw ni Rhian sa kanila.
Takot na takot na nagpulasan ng takbo palabas ng restroom ang mga babaing yun.
Paglabas nung mga babaing yun ay nag-aalalang niyakap ni Rhian si Kath Rence. Si Kath naman ay hindi na napigilan pang umiyak habang nakayakap siya sa bestfriend niya.
"Kath, wag ka nang umiyak. Sssh. Wag ka nang umiyak. Hinding-hindi ka na guguluhin pa ng mga babaing yun." sabi ni Rhian.
"Ba't ganun Bess? Ba't napakasama ng ugali nila sa akin? Ba't nila ako ginaganito? Wala naman akong ginagawang masama sa kanila ah." ang malungkot na sabi ni Kath Rence.
"Hayaan mo na ang mga bitch na yun. They're such a bunch of famewhores who wants to be with their beloved Prince Jack." sarcastic na sabi ni Erich.
Tsk. Kahit kailan, manlalait na talaga ang babaing 'to.
"Oo nga noh! Akala ng mga babaitang yun, mga feeling dyosa sila, eh mukha naman silang mga nilagang higad! Its so eeewie!" ang kunwaring nandidiring sabad ni Yogo.
Isa pa 'tong baklitang 'to. Ang kati rin ng bibig kung manlait.
"Bess Rhian, Bess Erich, Mikki at Yogo...salamat sa pagtatanggol ninyo sa akin kanina." sabi ni Kath sa amin.
"Ano ka ba, okay lang yun. Parang napakaliit na bagay lang yun eh." sabi ko naman sa kanya.
"Basta, thank you pa rin Mikki."
"Bess naman, kaya namin ginagawa yun ay dahil love na love ka namin." sabay yakap nina Erich at Rhian kay Kath Rence.
"Sige, mauna na kami ha at tutulungan pa naming magpalit ng damit si Kath. Thanks for the call, Yogo." at umalis na silang tatlo sa restroom.
Pagkaalis nilang tatlo ay bumalik na rin kami sa classroom. Para sa amin ay mabait naman si Kath Rence kaya nagtataka kami ni Yogo kung bakit palagi na lang siyang pinag-ti-trip-an ng mga estudyante dito.
But we hope someday, maging friend namin siya, kasi talaga namang super nice niya.