(Kensington High School)
(Kath Rence's POV)
(Gymnasium)
NASA gymnasium ako ngayon at kasalukuyan kong hinihintay si Satchel nang makita ko si Jackson na nagpa-praktis sa gym kasama si Jhake.
"Jhake, habulin mo ang bola! Dali!" sabi ni Jackson kay Jhake.
"Oo na, oo na." at nagmamadaling kinuha ni Jhake ang tumatalbog na bola sa court.
Haay...
Ang sipag talaga niyang magpraktis.
Napangiti ako.
Kumpleto na naman ang araw ko dahil sa kanya.
Natigil lang ako sa pagpapantasya nang makita ko si Satchel na palapit na sa akin. Bahagyang magulo ang buhok niya pero napakaguwapo naman niya sa suot niyang PE uniform.
"Tapos ka na pala." bungad ko sa kanya.
"Oo. Pasensya na kung pinaghintay kita." sabi ni Satchel.
"Okay lang. Kumasya naman ba sayo ang PE uniform ni Kuya?"
"Oo." and he smiled.
Bumalik na muli ang atensyon ko sa gym kung saan nagpapraktis pa rin sina Jack. While Satchel only staring and smiling at me.
"Bakit Satchel?"
"Ahm...may napupusuan ka na ba Kath?" ang tamis ng mga ngiti niya.
Bigla akong namula. Pumasok sa isip ko yung tunog ng bola. Si Jackson Lauren. Biglang nag-init ang mukha ko sa matinding hiya.
"W-Wala pa noh. Study first muna." sabi ko sa kanya.
"G-ganun ba?" ang tila natahimik na sabi niya.
"Oo. Bakit?"
"W-wala." and he smiled at me. "Halika na, turuan mo na ako ng linear equation sa library." at hinila na ako ni Satchel palabas ng gym.
Sorry Satchel, pero di pa ako handang sabihin sayo ang totoo.
Lalo na ang special feelings ko sa stepbrother mo.
I'm still not ready.
(Gymnasium)
(Jack's POV)
"OKAY, 5 minutes break muna tayo." ang sabi ko kay Jhake.
"Haay salamat naman." at nahiga sa mismong sahig ng gym ang pagod na si Jhake. Ako naman ay naupo sa tabi niya
Habang umiinom ako ng Gatorade ay may kumalabit sa akin at nung napalingon ako ay nakita ko si Khendra Zachary. She's smiling at me.
"Oh...ahm...K-Khendra...h-hi." ang nauutal kong bati sa kanya. Si Khendra Zachary nga pala ang bestfriend ko, and the same time...my dream girl. She won the title of Miss Sports Fest last year at bukod sa akin ay marami ring mga lalaki ang nagkakandarapa sa kanya. She's so beautiful, kind and smart, kung kaya naman agad ko siyang nagustuhan.
"Kamusta ka na? First day na first day, naglalaro na kayo kaagad." sabi niya sabay upo niya sa tabi ko. Ako naman ay medyo nahihiyang tumingin sa kanya dahil talagang nakaka-flattered ang kagandahan niya.
"Okay lang ako Khen. Wala kasi kaming magawa sa room kung kaya naman nag-praktis kami saglit dito." sabi ko naman sa kanya. "Ikaw, kamusta ka na?"
"I'm fine and happy at the same time." ang nakangiting sabi niya.
"Happy? What do you mean happy? At sino naman ang nagpapasaya sayo?" tanong ko sa kanya.
She smiled and said, "Si Jimuel. Siya ang nagpapasaya sa akin. Actually, kami na ni Jimuel." at pinakita niya sa akin ang bracelet na suot niya. "I'm so happy talaga!"
Nang marinig ko ang sinabing iyon ni Khendra ay biglang napalitan ang ngiti ko ng lungkot. Isang lungkot na ang hirap ipaliwanag. Basta, masama ang loob ko sa nalaman ko.
Hindi ako nakaimik sa sinabi ni Khendra habang paulit-ulit na nagtutumining sa isip ko ang sinabi niyang, "Kami na ni Jimuel."
Hanggang...
"Jack, are you okay?" ang nag-aalalang tanong ni Khendra sa akin.
Saka na lang ako nakabalik sa katinuan ko sabay tingin ko kay Khendra. She looked worried at me.
"H-huh? Ah...I'm okay." ang pag-aalibi ko na lang.
Sa totoo lang ay nasaktan ako sa sinabi ni Khendra. I know she likes Jimuel and Jimuel likes her too, kaya hindi malayong magkagustuhan sila.
Sayang...wala na akong chance para kay Khendra.
"Aww c'mon Jack, parang hindi ka okay eh. Tell me, what's your problem? May sakit ka ba?" ang tanong pa niya sa akin, halata na sa boses niya na talagang nag-aalala na siya.
"Khenny, okay lang ako. Tsaka wala akong sakit. Sadyang ginulat mo lang talaga ako."
She laughed. "Really?! I'm sorry! Sorry talaga! Super happy lang talaga ako!"
"I'm so happy for you Khen." and I tried my best to smile pero deep inside, malungkot ako.
"Thank you!" and Khendra hugged me. Medyo nabigla ako sa ginawa niya pero sandali lang akong tumugon sa ginawa niya, baka kasi makita pa kami ni Jimuel, mahirap na. "Thank you huh! You're the best talaga."
"You're welcome Khenny." and I smiled.
A fake smile.
Nung matapos na ang 5 minute break namin ay umalis na si Khendra. Bumalik na rin kami sa pagpapraktis pero hindi na ako kasinsigla di tulad nung kanina dahil sa nalaman kong si Jimuel na ang boyfriend ni Khendra.