Chapter 3 - CHAPTER TWO

(Kath Rence's POV)

(IV-1 Classroom)

NANDITO kami ngayon sa classroom at dahil wala naman akong ibang matinong magawa ay nagbabasa ako ng latest novel ni Gayle Forman na "Where She Went."

Classmate ko sina Yhannie, Rhian at Kuya Leonard, at dahil nga nasa star section kaming apat ay nahiwalay kami sa mga kaibigan namin. Nasa IV-2 sina Khendra, Jack (my crush...), Yusof at Jhake habang nasa IV-3 naman sina Erich, Zeric, Joshua at ang mayabang na si Satchel. All in all, pinaghiwa-hiwalay kaming magkakaibigan at idinepende iyon sa mga naging grades namin last school year.

Habang binabasa ko ang favorite book ko ay tinabihan ako ni Yhannie.

"Haay. Ayan ka na naman. Libro na naman ang hawak mo." sabi ni Yhannie sabay tingin niya sa binabasa ko. "Diba, sequel yan ng "If I Stay?"

"Oo. Regalo 'to sa akin ni Daddy last birthday namin ni Kuya." sabi ko naman.

"Kath, isinumbong sa akin ni Erich na may muntik nang mam-bully sayo kanina. Ano, resbakan na natin?" sabad ni Kuya Leo sa amin.

"Naku Kuya, wag na. Baka mamaya, ma-guidance pa tayo."

"Hmp! Pasalamat sila't malamig ang ulo ko kanina, dahil kung hindi, tiyak na hinding-hindi na sila makakatapak pa sa school na 'to kinabukasan." sabi ni Rhian.

Mabuti na lang at medyo chill si Rhian kanina dahil kung hindi, naku baka naloko na.

"Haay kayo talaga, napaka-dragonesa ninyo pero sweet pa rin kayo sa akin." sabay akbay ko kina Kuya at Rhian.

"Haha! Itigil mo na nga yang pagpapa-baby mo. What are friends for?" ang nakangiting sabi ni Rhian.

"Kaya nga love kita Rhian eh."

"Awww...I love you too, bessy."

Kahit kailan talaga, napakalambing ni Rhian sa akin.

"Eh pano naman ako Kath? Sige ka, baka magtampo ako sayo." ang nagtatampu-tampuhang sabad ni Kuya sa amin.

"Hmp! Si Kuya talaga, makakalimutan ba kitang sabihan ng I love you? I love you Kuya..." at niyakap ko si Kuya.

"I love you too, bunso." ang sabi naman nila with matching kindat pa sa akin.

Haay...ang swerte ko talaga sa kapatid ko at mga kaibigan ko.

Natigil lang kami sa pag-uusap nung biglang may dumating na teacher. Agad kaming nagpulasan pabalik sa mga upuan namin.

"Good morning class." ang bati ni Ma'am sa amin.

"Good morning Ma'am." bati rin namin sa kanila.

"By the way, I'm Miss Rica Nicdao, you're new class adviser and the same time, your Science teacher. So be nice to me for whole year. Is that clear?"

"Yes Ma'am."

"Okay, so here's the copy of your class schedule. Ms. Villas, can you distribute it?"

"Yes Ms. Nicdao." at kinuha ko ang papers na nasa table ni Ma'am. Agad ko iyong ibinigay sa mga classmates ko.

Nung maibigay ko ang papers sa mga classmates ko ay akmang uupo na sana ako nang biglang nagtilian ang mga classmates ko.

"Kyaaaaaaa!!!!!"

Anong meron?

Napatingin ako sa harap at laking gulat ko nang biglang pumasok sa loob si Satchel De Vega.

Teka lang, ano naman kaya ang ginagawa ng mayabang na yan dito?

"Kayo po ba si Ms. Nicdao?" tanong ni Satchel kay Ma'am.

"Yes. I'm Ms. Nicdao. Bakit?"

"Here's the transferring approval from the principal. It saids that I'm already a new student of this class." sabi ni Satchel sabay bigay niya ng approval paper kay Ma'am Nicdao.

WHAT THE HELL HE SAID?!!!

SIYA?!!

NEW CLASSMATE NAMIN?!

NAGPAPATAWA BA SIYA?!

Nakita kong kinuha ni Ms. Nicdao ang approval paper at pinirmahan niya ito.

Teka! What's the meaning of this?!!

"Well Mr. De Vega, hindi ko sana tatanggapin ang approval paper mo. Pero dahil nangangailangan ka pala ng tutorial session sa top 1 ng Senior Department ay tinanggap ko ito, for your own sake. So study well Satchel. Is that clear?"

"Yes Ma'am! Yahoo!" at napatalon ang kumag sa sobrang tuwa.

"Okay class, kaya nandito si Satchel De Vega ay dahil siya ang magiging new classmate ninyo."

"Yeeeeeeesssss!!!"

"Kyaaaaaaaaaa!!!"

"Omigosh! Is this true?! Classmate na natin si Prince Satchel?!"

"I'm gonna die na! Omigooooosssshhh!!!"

Tsk. Nagsasayang lang kayo ng mga boses ninyo. Kahit tumili pa kayo ng tumili dyan, hindi kayo papansinin ng mayabang na yan.

"Uhm anyways, sino ang top 1 last year?" tanong ni Ma'am sa amin.

"Si Prince Leonard po." sagot nung isa sa mga classmates namin.

"Okay, so Leonard, ikaw na ang bahala kay Satchel." ang sabi ni Ma'am pero biglang sumabad si Satchel.

"Wait, wait, wait. Leonard is my close friend. At naging tutor ko na siya last year. Kaya ang gusto kong maging tutor...ay ang top 2 ng department natin. Si Kath Rence Villas." at kinindatan ako ni Satchel.

Gulat na gulat ako maging ang buong klase sa mga sinabi ng hambog na si Satchel.

HUWAT DA PAK?!!!

AKO....GUSTO NIYANG MAGING....TUTOR!!!

MISS NICDAO, WAG KAYONG PUMAYAG! WAG KAYONG PUMAYAG! PLEASE!

* dasal-dasal *

"Ms. Nicdao, no please! Hindi kami makakapayag na ang nerd na yan ang maging tutor ni Prince Satchel!" - Classmate 1.

"Oo nga Ms. Nicdao! Ako na lang ang gawin ninyong tutor niya! Magaling ako sa Science!" - Classmate 2.

"Anong ikaw Floral?! Ako ang magiging tutor ni Prince Satchel at hindi ikaw!" - Classmate 3.

"Ma'am, ibagsak mo na lang ako this grading period basta ba't hindi yang nerd na yan ang magiging tutor ni Prince Satchel!" - Classmate 4.

Wow dre! Ang martyr ng mga babaing 'to ah! Tsk, akala nila gusto ko namang maging tutor ng mayabang na lalaking yan.

AYOKO NGA!

PERIOD!

Nag-isip-isip saglit si Ms. Nicdao at kalauna'y nagsalita na rin sila.

"Okay, so if that's what you want, pumapayag na ako. Basta ba, mag-aaral ka ng mabuti ha? Umaasa ang parents mo sayo." sabi ni Ms. Nicdao kay humal.

"I will Ma'am. Thank you." at nagtatalon sa tuwa ang walangya.

WAAAAAAHHHH!!!!

TOTOO BA 'TO?!!!

AKO NA SI KATH RENCE VILLAS NA ISANG NERD...

MAGIGING TUTOR NA NG HAYUP NA 'TO?!!

OH NOO!!!

HINDEEEEEEE!!!!!!

"Urgh! Bakit si nerd pa ang napili ni Prince Satchel na maging tutor niya?!" - Classmate 1.

"Oo nga?! Ang panget-panget naman ng babaing yan, hindi ba siya nandidiri?" - Classmate 2.

"ANONG PINAGBUBULUNGAN NYO DYAN?!" ang pasigaw na sabad ni Rhian sa kanila.

"W-wala Pr-princess R-Rhian..." ang halos matiklop na sa takot na sabi ng mga tsismosang kaklase namin.

"Wala naman pala eh. KAYA MANAHIMIK KAYOOO!" Rhian angrily shouted at them. Takut na takot na sumunod sa kanya ang dalawang octopus na yun (naku, mukhang nahahawa na ako kay Erich sa pagiging laitera ah! Hehe...peace!)

"Ayaw nyong maging tutor ko si Kath Rence?" at napahalukipkip si Satchel. "Eh di aalis na lang ako sa section na 'to."

TAMA! MABUTI PA NGANG UMALIS KA NA LANG AT BUMALIK KA SA PLANETANG PINANGGALINGAN MO!

"Oh no! Wag kang umalis dito, please!" - Classmate 1.

"Oo nga! Don't leave me!" - Classmate 2.

"Pumapayag na kaming siya ang maging tutor mo, basta't wag ka lang umalis!" - Classmate 3.

Humarap si Satchel sa kanila, with a slight frown on his face.

"Talaga? You mean it?" ang pa-cute na sabi ni Satchel sa kanila.

"Yes!" sabay-sabay na sabi nila.

"Then thank you." at muli'y kinindatan ako ni Satchel. Inirapan ko siya sa sobrang inis ko sa kanya.

"Ahm Ma'am, last request ko na lang po." at tumingin siya sa akin ng makahulugan.

Waaah! Ano na namang susunod na balak ng impaktong 'to?!

"Ano yun Satchel?" tanong ni Ma'am.

"Pwede bang seatmates kami ni Kath Rence?"

ANO?!!!

GUSTO NIYA AKONG MAGING SEATMATE?!!!

AYOKO NGA!

AS IN A-Y-O-K-O!!!!

MS. NICDAO NAMAN! WAG NA KAYONG PUMAYAG! PLEASE LANG!

"Sige, papayag ako. Yhannie, move forward to the left side of your row. Satchel, makakaupo ka na."

YHANNIE, WAG KANG UMALIS SA TABI KO! WAG KANG UMALIS!!!

Nakita kong umalis si Yhannie at naupo sa seat na malapit sa bintana.

"Thank you Ms. Nicdao. You're the best!" at naupo na si Satchel sa tabi ko. Hindi ko na lang siya tinignan sa sobrang pagkainis ko sa kanya.

Waaah! Ba't ang biased ni Ma'am kay Satchel?!

Di kaya...crush niya si Satchel?

Haay naku Kath! Kung anu-ano na ang pinag-iiisip mo dyan! Nasisiraan ka na ba ng bait?

"Hi Kath Rence. Dalawang buwan din tayong hindi nagkita. Na-miss kita." and he smirked at me.

"Pwes, di kita namiss." ang mataray na sabi ko sa kanya.

"Grabe ka naman. Ang aga-aga pa lang pero ang sungit-sungit mo na sa akin?" sabi niya sabay pisil niya sa pisngi ko pero tinabig ko ang kamay niya.

"Kasi nakakainis ka. May balak ka yatang sirain ang buhay-estudyante ko dito sa Kensington."

Halatang nagulat siya sa sinabi ko pero agad din siyang nakasagot.

"Hindi naman sa ganun. Kailangan ko lang talaga ng tutor. Kasi, natatakot akong baka hindi ako maka-graduate next year." ang kalmado pero malungkot na sabi niya sa akin.

"Pwes, kasalanan mo yan. Hindi ka kasi nag-aaral ng mabuti." ang sarkastikong sabi ko sa kanya. "Sorry pero nakaka-dissappoint ang mga katulad mong tamad at walang hilig sa pag-aaral."

Natahimik siya sa sinabi ko at medyo na-guilty ako nung makita kong yumuko siya.

"Ahm...S-Satchel...k-kasi..." at napakamot ako sa ulo ko. "S-sorry..." Haay! Ba't nagui-guilty ako sa tuwing may napupuna na lang akong mali sa iba?

"Hindi. Okay lang. Totoo naman kasi ang mga sinabi mo eh. Pasensya ka na ha, naperwisyo pa kita. Pero kailangan ko talaga ng magiging tutor eh. Sige na, pumayag ka na. Please. Pangako, susundin lang kita palagi at mag-aaral akong mabuti. Gagawin ko yun...para mapasaya kita. Para maging proud ka sa akin." at nginitian niya ako. Isang ngiti na hindi ko mawari kung ano ang ibig ipakahulugan.

"D-dapat lang." ang tila na-awkward na sabi ko sa kanya.

"Waah! Thank you talaga. Thank you talaga!" at nagulat ako nang bigla niya akong yakapin. Sinubukan ko mang bumitiw sa kanya ay hindi ko magawa dahil ang higpit ng yakap niya sa akin.

"Grr! Nakakainis talaga yang nerd na yan!" - Classmate 1.

"Seatmate na nga siya ni Prince Satchel, and worst, nayakap pa siya ng prince charming natin! Kagigil!" - Classmate 2.

"Humanda talaga sa atin ang babaing yan!" - Classmate 3.

"ANOO?! HUMANDA SA INYO SI KATH RENCE?!" ang galit na galit na sabad ni Rhian sa kanila.

"P-princess R-Rhian...a-ano k-kasi..." ang halos matanggalan na ng kaluluwa sa takot na sabi ng tatlong kaklase namin.

"SUBUKAN NYONG SAKTAN MAMAYA SI KATH RENCE, OR ELSE, HINDING-HINDI NA KAYO SISIKATAN NG ARAW! INTIENDES!" Rhian screamed at them.

"Y-yes...P-princess...R-Rhian..." ang nginig na nginig na sabi ng tatlo.

"AT KAYO, SUBUKAN NYO LANG SAKTAN SI KATH RENCE, TIYAK NA MALALAGOT KAYO SA AKIN! UNDERSTAND?!"

"Y-yes P-princess R-Rhian." ang takut na takot na sagot ng buong klase.

Hmp. Buti nga sa inyo. Ang lalakas ng loob ninyong magparinig tapos duduwag-duwag kayo kapag si Rhian na ang kaharap ninyo. Tsk.

"Okay class, kung wala na kayong problema o iba pang tanong, maaari na tayong magklase. So open your books on page 5 about the Definition of Physics."

Kaysa mag-isip na lang ako ng kung anu-ano ay binuklat ko na lang ang libro ko. At dahil ako na ang bagong tutor ni Satchel ay uumpisahan ko nang pagtuunan ng pansin ang pag-aaral niya dahil kapag oras na hindi siya maka-graduate ay tiyak na ako ang sisisihin niya.

Haay...ba't ba kasi nangyari sa akin ang kamalasang ito?!!