Chereads / WHISKEY / Chapter 9 - 8

Chapter 9 - 8

MABILIS na lumipas ang aking unang araw at sumapit ang kinabukasan. Mabuti na lamang at sanay akong maagang gumising dahil maaga ang mga katulong sa mansion, kanya-kanya ng gawain ang mga katulong doon. Ang nakaassign sa labas, ay sa labas lamang. Ang nakaassign naman sa loob, sa kusina, sa mga kwarto, ay doon lang din. Kahanga-hanga dahil maayos at organisado ang mga naroroon, hindi magulo at hindi nakakalito gayong nagtutulungan kami sa pag-ayos ng hapag.

Magkaiba ang hapag ng mga Torrero at ng mga katulong. May main area at maid area. Ang mga Torrero ay sa main dining kumakain, hindi rin sila sabay-sabay dahil maaga magtrabaho ang karamihan katulad na lamang ni Annabeth at Percy Torrero, ang mag-asawang Torrero na alas singko pa lamang ay umaalis na kaya naman maaga rin silang ipinaghahanda ng pagkain ng mga katulong na naka-assign sa dining at kitchen area. Si Ephraim Asriel na lamang at ang mga kaibigan niya ang pinag pinagsisilbihan ng mga katulong sa maghapon. At dahil iwas na iwas ako sa binatang iyon ay pinili ko na lamang manatili sa kitchen and dining area ng mga katulong, tutal hindi naman kami required tumulong sa ibang areas.

May kanya-kanya rin kaming uniform, at upang matukoy kung saang area ay may kanya-kanya ring kulay. Kami ni Brianna na nakaassign sa labas ay kulay puti na green ang laces. Nakakatuwa dahil hindi talaga pinapabayaan ang ayos ng mga katulong, may sapatos rin kami na isang pulgada ang takong. Kung tutuusin nga ay hindi kami nagmukhang katulong, komportable rin ako sa bestidang uniporme dahil pakiramdam ko'y bumagay sa akin ang kulay.

"Michaiah, tawag ka..." ani Brianna na galing sa main kitchen, "Si Manang Letty..."

Napahawak ako sa aking sintido at kinakabahang ibinaba ang sandwich na kinakain ko. Nagbuntong hininga muna ako bago tumayo, "Bakit daw?"

"Hindi ko alam, pero huwag kang mag-alala dahil lahat ng katulong dito'y dumaan sa mga kamay niya," aniya at lumapit sa akin, "Ayusin ko lang buhok mo,"

Nahinto ako nang lumapit siya sa akin at ginawang half-bun ang medyo kulot at tan brown kong buhok. May natirang kulot sa unahan, at ang kalahating lugay sa likod ay inilagay niya rin sa unahan, "Huwag kang mag-alala, nakikita ko ang sarili ko sa'yo noong mga unang araw ko dito..."

I nodded and smiled when Brianna smiled at me. I caressed my cheeks and started walking against her, ngumiti siya sa akin at dumeretso sa mesa ng mga katulong habang ako'y papunta kay Manang Letty sa main kitchen. Naroon ang kaba sa akin dahil baka makasalubong ko si Ephraim Asriel, hindi ako handa. I traipsed the way to the main kitchen, nakayuko lamang ako dahil unti-unti ko nang naririnig ang ingay ng grupo ng binatang Torrero.

Dumaan ako sa pintuan ng main table, hindi ako lumingon sa mga naroroon ngunit naramdaman kong napalingon sila sa akin. Nahinto rin ang tawanan ng mga kalalakihan, mas lalo ko tuloy binilisan ang aking paglalakad dahil sa hiya. Mas lalo pa akong nangamba sa kaisipang naroon si Ephraim Asriel at nakita ako. Sana naman ay hindi niya na ako naaalala o nakilala man, ayokong mapahamak at masisante ng wala sa oras.

Nakarating ako sa main kitchen kung saan sinabing naroroon si Manang Letty, ngunit halos maputol na ang leeg ko kakalingon ay hindi ko siya nakita.

"Ano'ng kailangan mo, hija?" tanong ng isang matandang lalaking sa tingin ko'y tagaluto, "Bago ka ba rito?"

Tumango ako at ngumiti, "Opo, hinahanap ko po si Manang Letty..."

"Ganoon ba? Hintayin mo lang, babalik iyon dito,"

Muli akong tumango at nilingon ang paligid. Bahagya akong napasimangot nang isiping pinagtitripan na naman ako ng matandang hukluban. Mabuti na lamang at hindi ako immature, kung hindi ay papatibungan ko ang matandang iyon bilang ganti sa mga ginagawa niya sa akin. Ngunit dahil hindi naman ako ganoong tao at sadyang may pangangailangan lamang, hindi ko iyon gagawin.

"Wow,"

Napasinghap ako at napalingon sa likod nang may magsalitang lalaki. Napaatras ako at nahihiyang nagbigay daan atsaka yumuko.

"May bago pala dito... Asriel," sigaw nito habang nakatingin sa likod ko.

Humigpit ang pagkakahawak ko sa aking uniporme, halos magkandaugaga ako sa hindi malamang gagawin. Ngumiti na lamang ako sa lalaking kaharap ko at hindi nagbadyang lumingon sa likod, natatakot akong naroon siya... natatakot akong makilala niya. Dahil pakiramdam ko'y naroon si Ephraim Asriel, pinagmamasdan ako mula sa aking likuran.

"Magandang umaga po," I tried my best not to stutter when I greeted the visitor. Aligaga akong lumingon sa magkabilang gilid upang tingnan kung naroon na si manang Letty, ngunit pinanghinaan ako ng loob matapos mapagtantong wala pa rin ang matanda. Bagsak ang balikat akong lumingon sa lalaking nasa aking harapan na tila tuwang-tuwa akong pinagmamasdan.

"Babalik na po ako sa trabaho ko..." saad ko at humakbang, ngunit nang lalampasan ko siya'y napasinghap ako nang higitin niya ang braso ko upang pahintuin.

"What's your name?" he asked.

Namimilog ang mga mata kong tinitigan pabalik ang lalaki. Napalunok ako nang tuluyang makita ang kaniyang kabuuan. Bahagya silang magkaiba ni Ephraim Asriel gayong hindi ko pa natitigan ang binatang Torrero, ngunit mukhang chickboy ang lalaking may hawak sa akin dahil sa earpiercings nito. Idagdag mo pa ang nakakairita nitong ngisi na maaaring nakakaakit sa paningin ng ibang babae ngunit hindi sa akin. Kulot ng kaunti ang kaniyang buhok na bumagay naman sa kaniya. Bumaba ang paningin ko sa ayos nito, he's neat and clean hindi ko lang nagustuhan ang piercings niya at ang paraan ng pagtitig niya sa akin. Tila ba pinapasok ang aking kaluluwa, napakalalim. All in all, he is indeed handsome.

I blinked when he pressed my arm. Kaagad kong binawi ang aking braso at nahihiyang ngumiti sa kaniya, "I-I'm leaving..." wala sa sarili kong sagot.

The man chuckled, "Hi Leaving, I'm Eros." Nakangising aniya. Literal akong napanganga at napasimangot. Mas lalo pa siyang napangisi nang sumimangot ako.

"I am not... Leaving," kunot noo kong saad na maging ako'y nalito rin. "No, I'm leaving..."

Goodness gracious, ano na namang kalutangan 'to. Bigla ay gusto ko na lamang lamunin ng lupa o kaya ay maglaho dahil sa kahihiyan. Nag-iwas ako ng paningin atsaka nagsimulang humakbang palayo ngunit hindi pa ako nakakalagpas ay muli akong hinakawakan sa braso ni Eros upang pigilan.

"Wait, what's your name?" Muli niyang tanong.

Nanatiling nakabuka ang aking bibig. Magsasalita na sana ako ngunit literal akong nanginig nang mayroong magsalita sa aking likuran.

"Leave her alone, Eros." Wika ng lalaki sa baritonong tinig, "Let go..." matalim nitong wika.

Nanlaki ang aking mga mata dahil sa gulat at kaba. Naghuramentado ang puso ko, at talaga namang nawala sa wisyo ang utak ko nang maramdaman ko siyang humakbang papalapit sa amin mula sa aking likuran. Hindi ko alam kung bakit ganoon na lamang ang aking reaksyon, marahil ay natatakot akong makilala niya dahil hindi maganda ang una naming pagkikita. But aside from that, there's something I can't explain about his presence making me shiver, tremble, and making my heart skip a beat.

"What?" Tila nalilito at naiinis na tanong ni Eros.

At tuluyan akong napasinghap nang agawin ni Ephraim Asriel ang braso kong hawak-hawak ni Eros, "I said let go..."

Mabilis akong lumingon sa dalawa. Nakasimangot si Eros habang si Ephraim Asriel ay nakangiti sa nakakainsultong paraan. Nangilabot ako nang dumako sa akin ang paningin ni Ephraim Asriel, hindi ko nagawang agawin pabalik ang aking braso dahil humigpit lang lalo ang pagkakahawak niya sa akin. Hindi ko alam kung bakit namuo ang luha sa aking mga mata nang makita ko siyang sumimangot. Nakaramdam na lamang ako ng takot na baka nakilala niya ako at masisante ako ng wala sa oras, o kaya naman ay pahirapan niya ako.

"What the heck, dude?" natatawang saad ni Eros at muli akong nilingon bago bumalik kay Ephraim Asriel ang kaniyang paningin, "We were just talking..."

Napalunok ako at nilingon si Eros, at nang ibalik k okay Ephraim Asriel ang aking paningin ay nadagdagan ang tubig sa aking mga mata dahil matalim na ang tingin niya sa akin. Tila hindi niya nagustuhan ang ginawa kong paglingon kay Eros gayong nasa harapan ko siya. Nakagat ko ang pang-ibaba kong labi dahil sa pangamba at sinubukang agawin ang aking braso. Bahagya akong nanginig.

Nang mapansin niyang hindi ako komportable ay niluwagan niya ang pagkakahawak sa akin ngunit hindi niya parin ako binitawan. Nagbago rin ang kaniyang hitsura, tila iyon lumambot matapos mapansin ang aking mga luha. At sa pagkakataong iyon ay tuluyan kong nakita kung gaano kaaya-aya ang binatang Torrerong nasa aking harapan.

I cannot forget how mesmerizing his eyes were, it was dark oasis, his tall nose looks perfect along with his immaculate jawline, thick lips, thick eyebrows, long eyelashes, and his clean haircut made him look neat and clean too... nag-eexist palang talaga ang mga gwapong katulad niya. Akala ko'y artista o kaya sa pelikula lamang may ganoong mukha dahil masyadong inaalagaan. Ngunit hindi ko maikakailang si Ephraim Asriel ang pinakagwapong nilalang na nakilala ko mula Montanus hanggang Collis Sierra. Dumagundong ang aking puso nang bahagya siyang ngumisi, tila napansin na tinititigan ko ang bawat anggulo ng kaniyang mukha.

I blinked for so many times before I got back to my senses. Nang makabalik ako sa aking wisyo ay mabilis at malakas kong inagaw ang aking braso, "Magandang umaga po," nahihiya kong bati.

Ngumisi pang lalo si Ephraim Asriel bago lumingon kay Eros, "You want to drink?" Tanong ng binatang Torrero.

Nalilito akong lumingon kay Eros, maging si Eros ay ganoon din.

"Yes, of course, you want," Si Ephraim Asriel parin ang nagsalita saka ito lumingon sa akin, "Whiskey..." aniya na nakapagpalito sa akin lalo.

"P-po?" naguguluhan kong tanong.

I lost my senses again when he smirked at winked at me. Tila ba sinasadyang iutos iyon sa akin dahil may bagay o pangyayari siyang naalala. "Whiskey... get me a whiskey,"

Napaatras ako at kinakabahang tumango.

"Now,"

Ganoon na lamang kalaki ang aking mga hakbang umaatras. At mas lalo pa akong nawindang nang mabangga si Manang Letty mula sa aking likuran.