KATULAD ng gusto niyang mangyari ay inihatid ko siya sa Wine room. Ganoon ko na lamang hiniling na lamunin ng lupa dahil sa awkwardness. I hope he's one of those who forgets when sober. Hindi ko talaga alam ang mukhang ihaharap ko pag natapos ang lahat ng ito. Nakaabang siya at prenteng nakaupo sa isang stool habang pinapanuod akong aligagang pumili ng iinumin niyang whiskey.
Sa huli'y kinuha ko na lamang ang paborito niya, ang Johnnie Walker. At dahil inosente ako sa mga alak ay pinagmasdan ko muna ito bago ko sinubukang buksan. Napayuko ako nang humalakhak siya at tumayo upang kunin ang isay bagay na nakalagay mismo sa aparador ng mga whiskey. Pinanuod ko siya at sumandal sa puti at mahabang mesang kinalalagyan ng kinuha kong whiskey. Mas lalo pang dumiin ang pagkakadikit ko sa table nang dumeretso siya mismo sa harapan ko at ipinakita ang bagay na hawak niya.
"You open alcohol..." aniya at kinuha ang whiskey sa hindi ko inaasahang paraan. Halos mahugutan ako ng hininga nang tila yakapin niya ako at kinuha ang whiskey mula sa aking likuran sa ganoong posisyon. Naestatwa ako habang nakatitig sa kanyang namumungay na mga mata.
"Using this thing..." dagdag niya pa at binuksan ang whiskey nang ganoon kadali. Napaiwas ako ng tingin dahil sa pagkapahiya, humalakhak siya at muling inilagay ang whiskey sa mismong likod ko dahilan upang muli niya akong yakapin at maidiin ang kaniyang katawan sa akin.
Gulat ko siyang nilingon at buong tapang na itinulak, ngunit ngumisi lamang siya at tuluyan na akong yinapos ng kaniyang mga bisig. Napasinghap ako at napayuko nang bumaba ang kaniyang paningin sa aking mga labi. Is he really drunk?
"Wh-what are you doing?" Nanginginig kong tanong, "Pa-pasensya na, hindi kita masasamahan sa pag-inom mo, kailangan ko nang umalis..."
"Hush..." he stopped me by pressing his thumb against my lips, mas lalo akong kinapos ng hininga nang iangat niya ang aking mukha at ipinantay sa kaniya. Ramdam na ramdam ko ang pagbabago ng kaniyang hininga, sumasabay ito sa akin, bumibilis.
"Anong ginagawa mo?" buong tapang kong tanong at sinalubong ang nakakapaso niyang titig, "Please... pakawalan mo ako,"
"Pure... impeccable... innocent, justice for my boner please..." he hoarsely whispered and let go of my chin. Namuo ang mga luha sa aking mga mata, hindi ko nagustuhan ang kaniyang sinabi. Hindi tanga upang huwag iyong maunawaan, at hindi ko nagugustuhan ang kanyang pagtitig sa akin. Kahit na isa pa siya sa pinakagwapong nilalang sa mundo, hindi maalis sa inosenteng tulad ko ang takot dahil sa kakaiba niyang kilos.
"Please..." halos pumiyok na ang bulong ko.
"What's your name?"
Napalunok ako, "Michaiah Tabitha..." tugon ko.
Bahagya siyang napaatras nang banggitin ko ang aking pangalan, naramdaman kong bigla ang kagustuhan niyang paglayo ngunit mayroon sa kanyang hindi niya mapigilan, kaya hindi niya nagagawang lumayo sa akin.
"So innocent... Where are you from?"
Hinuli niya ang mukha ko nang tangkain kong iwasan ang kaniyang paningin. Tila tuloy ako nagsisi dahil ngayon ay mas malapit na kami sa isa't-isa. Inangkin niya ang kaunti pang distansya at muling inilapit ang mukha sa akin.
"Anong ginagawa mo?" tanong ko habang nilalaban ang maiinit niyang titig, "Lasing ka, magpahinga ka nalang," suhestiyon ko at malakas na napalunok.
"I'm not drunk, I just had a bottle of whiskey tho..."
Nanlaki ang mga mata ko, hindi pa siya lasing sa ganoong lagay eh mukha na nga siyang alak?
Inatras niya ang whiskey sa aking likuran. Muli akong napasinghap nang idiniin niya ako sa mesa, tila hindi nagugustuhan ang aming posisyon dahil higit akong mababa kaysa kanya. Kinakailangan niya pang yumuko upang magpantay ang mukha. Kaya naman halos mapatili ako nang kargahin niya ako at ipinatong sa mesa, sa ganoong lagay ay pumantay an gaming mukha at naglabanan ng maiinit na titig. Kinakapos ako ng hininga dahil sa kaniyang ginagagawa, hindi ko nauunawaan ang ginagawa niya at talagang nanghihina ako.
"Too small,"
Nangunot ang noo ko nang sabihin niya iyon. Alam kong maliit ako kumpara sa kaniya, kailangan niya pa ba iyong sabihin sa akin nang harapan?
"Please... baka makita tayo rito," nanghihina kong saad.
"So what?"
Inis ko siyang tinitigan, "Hindi maganda sa paningin. Uminom ka nalang mag-isa,"
"I see, nawawala ang pagiging magalang mo sa akin habang tumatagal..."
Nakagat ko ang pang-ibaba kong labi. At naestatwa ako nang ibuka niya ang aking mga hita at ipinosisyon ang kanyang katawan doon upang mas lalong mapalapit sa akin. Napakapit ako sa mesa upang alalayan ang aking likod, ngunit inagaw niya ang mga kamay ko at ipinatong iyon sa kaniyang balikat. Mas lalo akong nawala sa aking sarili, siya ang lasing sa amin ngunit tila mas nalalasing ako sa aming dalawa sa mga oras na yaon.
"Whiskey..." bulong niya na tila tinatawag ako, "I want Whiskey..."
Tumango ako at nanghihinang inabot ang bote sa aking likuran ngunit hinuli niyang muli ang aking mga kamay at ibinalik sa kaniyang balikat. Sa halip na ako ay siya na nga ang kumuha at dahil doon ay mas lalong lumapit ang mukha namin sa isa't-isa.
"You know how to kiss?" Bigla niyang tanong.
Namimilog ang mga ko siyang tiningnan at sinamaan ng tingin, "What?"
"You know how?" he insisted.
Umiling-iling ako atsaka nag-iwas ng paningin. Ngunit ngumisi lamang siya at sinabayan ang paglingon ng aking ulo, saka niya hinuli ang aking mga labi. Tuluyan akong nabato, nangatog ang aking mga tuhod at nanginig ang aking mga kamay nang maramdaman ang paglapat ng kaniyang mga labi sa akin. I felt his body pressed against mine, naglakbay ang kaniyang kamay sa aking likuran, tila inaabot ang whiskey doon habang ang isang kamay ay ipinatong niya sa aking ulo upang diniinan ang halik.
Kinapos ako ng hininga nang gumalaw ang kaniyang bibig upang laliman ang kaniyang halik. I tried pushing him away ngunit humigpit lamang ang pagkakahawak ko sa kaniyang balikat dahil sa panghihina. He pressed his body against mine and held my head making sure I couldn't do anything to stop his kisses. Napapikit na lamang ako dahil hindi ko alam pa ang aking gagawin, hindi ako gumalaw, hinayaan ko na lamang siya sa kaniyang ginagawa dahil wala na akong lakas upang lumaban pa.
Narinig ko ang pagbuhos ng whiskey sa baso, gusto ko siyang tingnan kung pano niya iyon nagagawa habang hinahalikan ako ngunit wala na ako sa tamang pag-iisip ng mga oras na iyon. Tila ko nakalimutan kung nasaan kami, kung sino siya, at kung ano ako sa kanilang mansion. Naramdaman ko siyang ngumiti nang mapansing nagusot ko ang kaniyang suot. Hindi ko na alam kung saan at paano ako kakapit, nalulunod na ako sa kaniyang mga halik.
llang sandali pa'y pinakawalan niya ang mga labi ko at sabay kaming naghabol ng hininga. Napaangat ako at humigop ng hangin. Air rushed on my lungs making me gasp so deep that I even made a loud gasping sound making him chuckled.
Hindi siya lumayo, hindi na rin siya lumapit. Nanatili ang ilang pulgada naming layo. Itinaas niya ang basong hawak niya at namangha ako nang puno na iyon ng alak.
Tinitigan niya ako ng mariin bago tuluyang nagsalita, "Was that your first kiss?"
Dahan dahan akong napatango. Ngunit habang tumatagal ay kumukunot ang aking noo dahil unti-unti pumapasok sa akin ang ginawa niya. He just stole my first kiss.
"Yes," he whispered and raised his whiskey, "I got my whiskey," aniya habang nakangiti.
Nang mahimasmasan ay kusang gumalaw ang mga kamay kong mainit at malakas na dumapo sa kaniyang mga pisngi. Ganoon na lamang ang kaniyang gulat nang sampalin ko siya, pati ako'y natakot sa aking ginawa. Naibaba niya ang whiskey na kaniyang hawak at saka hinaplos ang nasampal na pisngi.
Akala ko'y mumurahin niya ako o sisigawan, ngunit nagulat ako sa reklamong lumabas sa kaniyang bibig. "Ouch..." aniya at muli akong tiningnan. "You... slapped me," hindi niya makapaniwalang saad.
"I got your whiskey..." muli niya pang bulong bago siya tuluyang lumayo dahil sa malakas kong sipa at tuluyan na nga akong tumakbo palabas sa wine room na iyon.