KATULAD ng palaging nangyayari ay wala akong nagagawa. Malaya akong sumunod sa kaniya nang igiya niya ako patungo sa wine room.
"Ephraim Asriel..." marahan kong bulong habang nagtatakang nakalingon sa kaniya, "Ano'ng ginagawa mo?"
He just shrugged, "Whiskey please..." utos niya pagka-upo sa isang stool, "At wag kang magtatangkang tumakas ngayon, hindi mo magugustuhan ang gagawin ko,"
Napalunok ako at mabilis na sumunod. Kinuha ko ang paborito niyang inumin, ngunit agad ko iyong ibinalik at sa halip ay kinuha ang Glenfiddich. Nang lingunin ko siya'y nasa mukha niya ang pagtataka at pagkamangha. Gusto kong ipamukha sa kaniya na hindi sa lahat ng oras ay gusto niya lamang ang pwedeng mangyari. Yes, I immediately obeyed him ngunit hindi ang gusto niyang alak ang kinuha ko kundi ang gusto ko. Gusto kong ipamukhang iba ako sa mga babaeng kilala niya, hindi ko lang alam kung nakukuha niya ang mga kilos ko. Sa napapansin ko'y mukhang hindi dahil wala siyang pakialam sa iniisip ko o ng ibang tao, tanging ang sarili niya lamang ang kaniyang iniitindi.
"Glenfiddich, huh..." aniya habang nakangisi. Pinagkrus niya ang kaniyang mga braso at pinanuod ako.
Kinuha ko ang bagay na ginamit niya upang mabuksan ang whiskey noon, at mabilis ko ngang nabuksan ang Glenfiddich na hawak ko. Napairap ako nang pumalakpak siya dahil sa aking ginawa, mabilis kong pinuno ang maliit na baso atsaka ipinatong iyon sa mesa.
"May paa ka, Ephraim Asriel..."
Nangilabot ako nang masilayan ang nakakainis niyang ngisi. Bahagya akong natinag nang tumayo siya at dahan-dahang naglakad papunta sa akin.
"Ang whiskey ang kunin mo..." kinakabahan kong saad, "Iaabot ko nalang pala..."
Nang akma kong kukunin ang baso'y pinigilan niya ako. Napasinghap ako nang mahigpit siyang yumakap mula sa aking likod at ipinatong ang kaniyang ulo sa aking balikat. Napakurap ako at naghabol ng hininga. Naroon na naman ang pakiramdam na siya lamang ang nakakagawa. Kumakabog ng malakas ang aking puso, pakiramdam ko rin ay nagliliparan ang mga paru-paru sa aking tiyan. Posible pala iyon, may kung ano kasing kiliting gumagalaw sa aking tiyan at nangyayari lamang iyon kapag may ginagawa si Asriel na bago sa akin.
"Ano'ng-"
"Hush," pigil niya sa mismong tainga ko kaya naman napaigtad ako dahil sa kiliti niyon.
"Please, ayokong masisante."
He chuckled, "Why would you even get kicked?"
I sighed, "Ma-maraming bawal sa amin... Ephraim Asriel,"
"I love it," he whispered.
Napalingon ako sa kaniya, at bahagya akong nagsisi dahil noon ko lamang napansin kung gaano kami kalapit sa isa't-isa. Muli akong nag-iwas ng paningin at itinuon ang pansin sa whiskey na nasa aking harapan. Kinakabahan ako, baka sa halip na si Asriel ay ako ang makainom ng Glenfiddich.
"I love it, when you say my full name... Michaiah Tabitha,"
I heave a deep sigh, trying to overcome the sensation I am feeling towards him. Mayroon sa aking hindi ko maipaliwanag, ang pakiramdam na gusto ko rin kapag tinatawag niya ako sa buo kong pangalan. Dati'y hindi koi yon gusto, ngunit unti-unti kong minamahal ang aking pangalan kapag si Asriel na ang bumabanggit nito.
"Ephraim Asriel... anong ginagawa mo?"
Ibinaon niya ang kaniyang ulo sa aking balikat, "Hindi ko alam. Ikaw... Michaiah Tabitha, ano ang ginawa mo sa akin?"
Sinubukan kong tanggalin ang kaniyang yakap ngunit hinuli niya lamang ang aking mga kamay at mabilis akong hinarap sa kaniya. Mas lalo lamang akong kinapos ng hininga nang mapagtanto kung gaano kami kalapit sa isa't-isa, I almost lost my breath when he pressed his body against mine. He held my chin and cupped my face as he stared at every inch of my face.
"This innocent face... thin long eyebrows, long eyelashes, damn your lips drives me crazy Tabitha." Bulong niya at hinawakan ang aking labi saka bahagya itong ibinuka, "Impeccable, pure, I didn't know mere demoiselle like you exists. I was captivated, Michaiah Tabitha... you captured me."
Hindi ako agad nakapagsalita, ngunit kung may gusto man akong gawin nang mga oras na iyon ay ang manahimik na lamang. Mas lalo lamang akong naguguluhan sa mga salitang namumutawi sa kaniyang bibig.
Naestatwa ako sa aking kinatatayuan nang muli niya akong yakapin nang mahigpit. He held my face and softly pushed it against his chest to give rest.
"A-ano'ng ginagawa mo, Ephraim Asriel?" hindi ko alam kung gaano na ako nagmumukhang tanga ngunit iyon talaga ang gusto kong itanong. Hindi ko maunawaan ang mga kilos niya, natatakot akong makuha ang ibig niyang sabihin dahil baka mali ako ng iniisip.
"I am cleansing you... an ugly creature has touched you earlier," mariin niyang bulong atsaka hinaplos ang aking buhok, "Don't you dare push me away, Michaiah Tabitha, you were fully under his embrace earlier and that sucks."
Napairap ako, hindi ko na rin napigilan ang aking mga ngiti. Ang tinutukoy niya ay si Eros, ibig sabihin ba niyon ay nagseselos talaga siya kanina kaya siya tila nagalit?
"Hindi naman pangit si Eros..." wala sa sariling bulong ko na sana'y hindi ko na lamang ginawa. Dahil mabilis siyang kumalas at nang magtama ang aming paningin ay halos masugatan ako dahil sa talim niyon.
"Simula ngayon, hindi ka na pwedeng lumapit sa Eros na iyon,"
Nangunot ang aking noo, "Excuse me? He is your friend, Ephraim Asriel!"
"Damn it, Michaiah Tabitha! Away na kung away pero hindi kita ibibigay kay Eros!"
Napaatras ako at napakapit sa table na aking nasandalan. I heard him right... right? Tama ba ang narinig ko? Ayoko sanang magbigay ng kahulugan ngunit hindi ako tanga upang huwag makuha ang ibig niyang sabihin. He's making me under his possession. Hindi ko inakalang ganito ka possessive ang binatang Torrero na ito, at hindi ko rin maunawaan kung sa lahat ng magagandang ginto ay ako pang alikabok.
"Ephraim Asriel?" hindi makapaniwala kong tugon at humakbang patagilid upang lumayo nang tangkain niyang lumapit sa akin.
"Damn it, you still don't get it?" frustrated niyang saad at napahawak sa kaniyang ulo, "Really? Saan ka ba sa Montanus matatagpuan dahil hindi mo alam ang mga bagay na ganito?"
Bahagya akong tinamaan doon. Siguro nga'y masyado kong isinarado ang aking isip sa ibang bagay katulad na lamang ng pag-ibig dahil pinipili kong huwag itong pansinin kahit na nasa mismong harapan ko na.
"You still don't get it, right?"
Humakbang akong muli patagilid upang umiwas sa kaniya at dahil doon ay mas lalo kong nakita ang pag-alab ng kaniyang mga mata dahil sa aking ginawa.
"Hindi ka pwede kay Eros, hindi ka pwede sa kahit na kaninong lalaki. Sa akin ka lang, Michaiah Tabitha..."
"Ephraim Asriel..."
"I like you the first time I saw you... that night, you still remember that night? You caught my attention because you were very different. Palagi akong naiinis kapag nadudumihan ang paborito kong damit, ngunit nang gabing sinukahan mo iyon ay hindi ako nakaramdam ng galit," he said as he started walking towards me, "What you saw at the bahay kubo... damn it, ano ba kasing ginagawa mo doon?"
Namuo ang luha sa aking mga mata nang maalala ang mga pangyayaring iyon. Lalo na iyong nasa kubo, tila kinurot ang puso ko sa eksenang iyon. Ayoko na iyong maalala pang muli dahil nasasaktan ako. Hindi ko rin alam kung ano ang ginawa ni Asriel sa aking puso ngunit hindi ko matiim na isiping may iba siyang babae. Siguro'y wala akong pakialam noon, ngunit ngayon... sa mga oras na ito'y hindi kinakaya ng aking puso. Hindi ko lubos maisip na ginagawa rin ni Asriel sa ibang babae ang mga ginawa niya sa akin maging ang ginagawa niya ngayon.
"Forget about it, I promise you hindi na iyon naulit pa. I-I had my boner... but I didn't had it with other women." Aniya na tila nagpapaliwanag kahit hindi ko naman iyon hinihingi, "Hindi mo parin ba nakukuha?"
Literal na akong nanginig, at dahil sa gulong pumapasok sa aking isipan ay walang pasabi kong kinuha ang hawak whiskey inihanda ko par asana kay Asriel. Nilagok ko iyon kahit na pumipikit pa ako sa kakaiba nitong lasa. Hindi ako handa nang inumin ko iyon, at dahil mahina ako sa alak ay agad akong nahilo.
"Michaiah?" Hindi makapaniwalang tawag sa akin ni Asriel, "What the heck are you doing?" Gulat niyang tanong habang inaagaw sa akin ang whiskey at baso dahil sinubukan kong maglagay na muli upang uminom, "Stop this, mahina ka sa alak!"
Iritado ko siyang itinulak at pinakawalan ang baso, "Tantanan mo ako Asriel! Ang dami mo nang babae, bakit mo pa ako isasama sa mga listahan mo? Dahil alam mong madali akong bibigay sa'yo'y pinaglalaruan mo ako?"
Hindi ko na napigilan pa ang aking sarili, malayang nagsipatakan ang aking mga luha na animo'y bumubuhos na ulan. Ganito ba ang nagagawa ng alak? Ang lakas ng loob kong sigawan ang binatang Torrero, lumakas ang loob kong isigaw ang nararamdaman ko.
"Michaiah Tabitha!" Sigaw niya nang tangkain kong lagukin ang bote ng whiskey. Mabilis niya iyong inagaw sa akin at inilayo, "Ano ang ginagawa mo?!"
Umikot ang paningin ko, bahagya akong nanghina mabuti na lamang at mabilis akong naalalayan ni Asriel.
"Please," humihikbi kong saad, "Tigilan mo na ako, mahina akong tao. Huwag mo akong paglaruan, Ephraim Asriel..."
Mas lalo pang lumakas ang aking paghikbi nang maramdaman kong niyakap niya ako. He even caressed my back and rested his chin on top of my head.
"Hindi kita pinaglalaruan, Michaiah Tabitha..."
"May girlfriend ka parang awa mo na ayoko ng gulo,"
He kissed me forehead, it electrified that I almost lost my senses as I was stunned by what he did.
"I don't have girlfriends... anymore. Si Cassandra na lamang ang lumalapit sa akin, believe me ilang beses na akong lumayo, ngunit makulit siya. May gusto siyang ituloy na mangyari..."
Napaungol ako nang bahagyang sumakit ang ulo ko. Nakalagok ako ng whiskey, at dahil nga sobrang hina ko sa alak ay nagsisimula na akong mawala sa tamang pag-iisip.
"Hindi kita pinaglalaruan. Trust me, ikaw lang talaga, Michaiah Tabitha..."
Nahinto ako sa pag-iyak at ginantihan ang kaniyang mga yakap. Muli niya akong hinalikan sa aking noo, tuluyan ko nang nakalimutan kung nasaan kami, ang mga bilin ni Manang Letty, at ang katayuan namin ni Asriel sa buhay. Everything feels so right whenever I am with him, in his embraces... naroon ang pakiramdam na ayaw ko na sanang mawala at pakawalan pa. Ngunit naroon parin ang takot sa akin, dahil unang-una sa lahat ay hindi kami pwede ni Asriel. Mayroon pala talagang ganoon, langit siya, lupa ako.
"Asriel..." wala sa sarili kong bulong.
Bahagya siyang lumayo atsaka hinawakan ang magkabila kong pisngi, "Duda ka parin? Hindi ka parin naniniwala?"
Kumurap-kurap ako, lumalabo na ang paningin ko. Hindi ko na gaanong maunawaan ang kaniyang mga sinasabi, gumagalaw na rin ang paligid, maging si Asriel ay unti-unti nang natutunaw sa aking paningin. Muli siyang nagsalita, hindi ko iyon naunawaan ngunit tumango na lamang ako bilang pagtugon kahit na hindi malinaw sa akin ang kaniyang mga sinasabi.
"I am serious, I love you... Michaiah Tabitha,"
Bumagsak ang mga mata ko, ngunit awtomatiko akong napangiti nang bahagyang maunawaan ang kaniyang mga sinabi. Sana'y hindi lamang ito dala ng aking pagkalasing, sana'y hindi ito imahinasyon lamang, sana'y tama ang aking narinig.
"Let me prove it to you then..."
And with that, I felt his lips pressed against mine. Kung nawala ako sa aking sarili kanina dahil sa whiskey, ngayon ay tuluyan ko nang naisantabi ang lahat nang maramdaman ang kaniyang marahang halik. He tasted whiskey... I tasted whiskey and this time it came from his lips.