Chereads / WHISKEY / Chapter 14 - 13

Chapter 14 - 13

LUMIPAS ang araw na iyon at muli akong bumalik sa trabaho. At walang araw na hindi ako nagulo dahil laging sumusulpot si Asriel upang panuorin ako.

"Ayaw mo pang sumama sa restaurant ang dami mo ngang nakain," saad niya isang beses na nagpahinga ako sa landscape garden, "How was our date?"

Napalingon ako sa kaniya. Nakatayo siya sa gilid ng isang maliit na puno at nakasandal habang nakakrus ang mga braso.

"Sayang niyong pagkain, hindi ako marunong magsayang," napapansin kong habang tumatagal ay natural akong nagiging masungit kay Asriel, Amo ko pa naman siya mabuti na lamang at hindi niya ako pinapatalsik dahil sa pagtrato ko sa kaniya, "At isa pa, wala akong natatandaang date..."

Napangisi ako nang makita kung paano nangunot ang kaniyang noo. I just pissed him.

"We had a date," seryoso niyang saad.

Tumaas ang kilay ko, "Ang alam ko'y kumain lang tayo, pinilit mo pa ako..." saad ko sa nang-aasar na tinig.

"Shoot" Bulong ko sa aking sarili at mabilis na napatayo nang magsimula siyan maglakad sa akin sa iritadong ekspresyon. Para siyang susugod dahil hindi nasang-ayunan ang kaniyang sinabi sa pinakaunang pagkakataon. Malamang maiinis siya dahil lahat ng babaeng nakasalamuha niya'y nag-aaya o nagpipilit ng date sa kaniya, samantalang ako'y itinanggi ang kaniyang ginawa.

Ang totoo'y tahimik akong nagpapasalamat kay Asriel dahil nakakain ako sa isang mamahaling restaurant sa pinakaunang pagkakataon ang problema nga lang ay natutuwa akong asarin siya dahil ang cute niyang mapikon. Ano namang pinagsasasabi ko?

"We dated..."

"No, we didn't," mabilis kong tugon atsaka tumakbo palayo sa kaniya.

"Huwag lang kitang masaktohang nakakulong sa akin, malalagutan ka talaga, Michaiah Tabitha," saad niya, hindi iyon sigaw ngunit sapat ang lakas upang maintindihan at maunawaan ko.

Lumipas pa ang araw na naroon ay ganoon lagi ang eksena namin, nababaliktad ko ang pangpipikon niya dahil masyadong mataas ang kaniyang pride. Madalas siyang wala sa mansion dahil sa kaniyang trabaho, at kapag bumabalik siya'y nagtatago ako. Alam ko kasing aasarin niya lang ako at mag-aaway lang kami, ayaw kong makahalat ang sinuman sa mga katulong sa hindi maunawaang pakiramdam na namamagitan sa amin. Madalas rin siyang pagod kung umuuwi, kaya naman deretso siya sa pagtulog at kapag natyempuhan ako'y manggigisa ng manggigisa at sa huli'y siya nga ang pikon.

Isang araw ay umuwi siyang kasama ang kaniyang grupo, naroon si Eros na agad akong hinanap. Hindi ako nagpakita, nagtago lamang ako sa aming station at kung hindi pa ako tinawag ni Manang Letty ay wala akong balak magpakita sa grupo.

"Ihatid mo sa kanila, tapos naman na ang trabaho niyo sa labas hindi ba?"

"Opo," tugon ko kay Manang Letty pagkatapos ay kinuha ng tray ng mga pagkain, "Nasaan po sila?"

"Sa pool, iwan mo nalang sa lanai."

Tumango ako atsaka nagsimulang humakbang patungo sa pool. Nakaramdam ako ng pangingig dahil sa kaba nang unti-unting marinig ang kanilang sigawan. I did all my best not get their attention, ngunit isang lingon lamang ni Eros ay mabilis itong tumakbo patungo sa akin.

"Micha!" sigaw nito.

Nakagat ko ang labi ko at pilit na ngumiti, "Magandang umaga po," batik o nang makarating ito sa aking harapan.

"How are you?" nakangiting tanong niya at pinagmasdan ang kabuuan ko na tila ba tuwang-tuwang nakita ako.

Hindi ko siya nasagot dahil natuon ang paningin ko kay Ephraim Asriel na hinahalik-halikan ng isang babae sa tabing pool. Hindi nito pinapansin ang ginagawa sa kanya ng babae, matiim na nakatuon sa akin at kay Eros ang kaniyang atensyon. Tila ba hindi natutuwa sa nakikita.

"Hey,"

Napapitlag ako at napalingon kay Eros, "A-ano, okay lang... ju-juice?"

"I am not that wet, can I hug you?" tanong niya at ibinuka ang mga kamay. Naghiyawan ang ibang naroroon dahil sa ginawa ni Eros maliban kay Asriel na agad na umasim ang mukha.

Nanlalaki ang mga mata kong pinanuod ang kabuaan ni Eros, at talagang nahiya ako nang mapansing topless siya. Napayuko ako upang makaiwas ng tingin, pakiramdam ko'y sinusunog ang mukha ko dahil kay Eros. Kumakalabog pa ang puso ko, at mas lalo pa akong kinabahan nang maramdaman ang malalamig na braso ni Eros na dahan-dahang yumakap sa akin.

"E-eros?"

"Just a hug, Micha..." bulong niya atsaka hinigpitan ang yakap sa akin.

Literal akong nanginig nang maghiyawan at magpalakpakan ang ibang naroroon. Nakabaon lamang ang ulo ko sa dibdib ni Eros kaya hindi ko alam ang reaksyon ng mga naroroon, gayunpaman ay nangilabot ako nang marinig ang pagmura ni Asriel. Marahang bumitaw si Eros at sabay naming nilingon si Asriel na madilim ang mukha habang papunta sa aming direksyon.

"Ephy, where are you going?" sigaw noong babaeng humahalik-halik sa kaniya kanina lamang.

"Dude," nakangising saad ni Eros at inakbayan ako.

Matalim na nagtitigan ang dalawa, at gusto ko na lamang maglaro ng mga oras na iyon. Kinakabahan talaga ako sa maaaring gawin ni Asriel, at hindi maunawaan kung ano ang nangyayari sa kaniya at bakit siya nagkakaganoon.

Napasinghap ako nang humakbang siyang muli papunta sa amin, akala ko'y may gagawin siyang kung ano-ano ngunit nahigit ko ang aking hininga nang lumagpas siya sa amin.

"I'm gonna take my shower," ani Asriel sa malumanay na tinig ngunit bakas ang inis dahil sa diin ng kaniyang pagkakasaad. Iyon lamang ang kaniyang sinabi pagkatapos ay mabilis siyang nawala sa pool, mas lalong humigpit ang pagkakaakbay sa akin ni Eros.

"Inasar niyo na naman ba? Alam niyo namang pikon ang isang 'yon," natatawang saad ni Eros sa grupo.

"Itong si Daze kasi!"

"Ako? Ikaw ang nagbalitang may kahalikan si Cassandra kagabi, malamang magagalit si Ephraim!" maktol pa niyong isa, nilingon ko iyong babaeng kahalikan ni Asriel kanina na tingin ko'y si Cassandra.

Napalunok ako, iyon pala ang dahilan kung bakit biglang dumilim ang paningin ni Asriel. I should stop having hopes, hindi maganda sa aking kalusugan. Hindi ko rin nauunawaan kung bakit na disappoint ako, kinakailangan ko na talagang iwasan ang lalaking iyon. Hindi ko na naiitindihan ang mga nangyayari sa akin.

Nang gabing iyon ay hindi ko nakita si Asriel, hindi rin nanatili doon ang grupo hindi katulad noon dahil mainit ang ulo ng binatang Torrero. Masyadong makulit si Eros, dahil hindi ito umalis nang hindi ako lumalabas. Kaya naman si Manang Letty na mismo ang nag-utos sa akin na lumabas upang makaalis na ang grupo.

"Ano ba ang ginawa mo sa binatang Nieves? Hindi makaalis alis nang hindi ka nakikita," wika ni Manang Letty pagkatapos ay iniwan na ako sa pintuan.

Umalis na rin sa wakas ang grupo matapos ang mahabang yakap sa akin ni Eros. Kumaway pa ako bilang paalam, nakakatuwang nakikaway rin ang ibang naroroon. Ilang minute pa akong tumayo sa pintuan bago naisipang tuluyang pumasok at isara ang main door. Nakakaugalian ko nang ako ang magsasara ng pintuan dahil ako ang laging nahuhuli sa lahat ng mga katulong, palibhasa'y gabi na umuuwi ang hardinero ay gabi na rin kami magliligpit ni Brianna. Nauna na rin siya sa silid, siguro nga'y tulog na. Tulog na rin naman siguro ako sa ganitong oras kung hindi lang hinanap ni Eros ang presensya ko.

"That Nieves is in love with you, isn't he?"

Halos mapalundag ako nang mayroong bumulong sa aking likuran. Mabilis akong naghabol ng hininga matapos ipulupot ng taong iyon ang kaniyang mga kamay sa aking baywang.

"Tell me, are you in-love with him?"

Napalunok ako at mabilis na umiling "Hi-hindi," hindi komportable kong saad dahil sa ginagawa ni Asriel.

"Good," muli niyang bulong at hinigpitan ang pagkakayakap sa akin mula sa likod. "Whiskey, I need a fucking whiskey..."