Chereads / WHISKEY / Chapter 13 - 12

Chapter 13 - 12

MATAPOS ang gabing iyon ay iwas na iwas na ako sa binatang Torrero. Bukod sa wala akong mukhang ihaharap, umiiral ang pride ko dahil kinuha niya ang pinakauna kong halik. I thought first kiss should be memorable and it must come from the one you love... memorable nga naman ang pinakauna kong halik, nanggaling pa sa isang Torrero ngunit hindi naman kami nagmamahalan.

"Anong oras ka natulog kagabi?" tanong ni Brianna kinabukasan, napansin niyang huli na akong dumating at hindi rin maganda ang aura ko nang gabing iyon. Hindi ko alam kung kikiligin ako, ngunit umiiral talaga ang pride ko kaya hindi ako nakokonteto sa kaisipang nasampal at nasipa ko lamang si Asriel.

"Mabuti na ba ang pakiramdam mo?" sa halip ay tanong ko. Ngumiti siya at hyper na tumayo, napangiti na lamang ako at bumangon na rin. At dahil sabado ngayon, walang masyadong gagawin ang mga katulong. Ito naman daw ang pahinga namin, sa mga nakalipas na sabado ay nanatili lamang ako sa mansion, ngayon ay binabalak kong pumunta sa sentro upang bumili ng kung ano-ano. At para na rin makalayo kay Asriel.

Hindi ko na alam kung ano pa ang sunod niyang ginawa nang gabing iyon ngunit wala na akong pakialam. Gusto kong matuwa, ngunit naiinis ako sa kaisipang ginagawa niya iyon sa kahit na sinong babaeng matipuhan niya. Hindi niya pa ako tipo, lasing lang siya nang gabing iyon.

"Saan punta mo ngayon? Ganda mo ah..." puna ni Brianna nang mapansing nakaayos ako sa puti at mahabang bestida, "Papasyal ka mag-isa?"

"Oo, may bibisitahin lang..." saad ko kahit na ang totoo'y hindi ko alam kung saan ako pupunta. Biglang pumasok sa utak ko si Elliot, bibisitahin ko na lamang ang kaibigan ko para makapag-ikot-ikot na rin ako sa Collis Sierra, "Ikaw? Anong balak mo ngayong araw?"

"Dito nalang muna ako, hayaan mo sa susunod na sabado sasamahan kita sa lakwatsa," natatawa niyang aniya, "Mukha lang akong maayos, bugbog pa ang katawan ko."

"Buhat pa more, hindi mo na trabaho ang magbuhat ng kawayan at sinibak na kahoy..."

"Hindi nga, pero hindi ko matiim na panourin si Mang Remy... naaalala ko kasi si tatay," bahagyang humina ang kaniyang tinig, "Sige na,"

Ngumiti na lamang ako at tumango. Hindi lamang ako ang umalis nang sabadong iyon, at maayos lang naman dahil day-off kumbaga ang araw ng sabado. Hindi rin ako masyadong binungangaan ni Manang Letty, habang tumatagal ay hindi niya na ako pinapakialaman. Ngayon ay nauunawaan ko nang sa mga baguhan lamang talaga siya ganoon

Naglakad ako palabas ng mansion, at talagang napahanga ako sa laki ng Villa pati na rin sa naggagandahang mansion at bahay roon. Hindi ako nagkaroon ng pagkakataon upang tingnan ang kabuuan ng Villa Veluriya kaya naman sinulit ko na ang paglabas ko. Dahan dahan akong naglakad at sinalubong ang preskong hangin na tumatama sa aking balat.

Napapangiti akong naglalakad habang iniikot ang paningin, ngunit awtomatikong nawala ang ngiti ko nang mayroong humintong 2-door coupe sa aking tabi. Hindi man lamang ito lumikha ng ingay, basta na lamang itong sumabay sa akin. I wonder who's the owner of this car...

"Ephraim Asriel..." bulong ko nang bumukas ang pintuan sa tabi ng driver's seat kung saan ako naroroon at iniluwa niyon ang binatang Torrero.

"Where are you going?"

Sandaling nag-init ang ulo ko ngunit agad rin akong bumawi dahil kahit papano'y Amo ko siya at ayaw kong masisante dahil lamang sa pagiging suplada.

"Sa kaibigan ko lang po..."

"Malayo ba?"

Ano naman ang kailangan ng isang 'to? He's wearing a white v-neck shirt but damn he looks hot along with his faded ripped jeans. Ngayon ko lang siya nakita sa ganoong ayos, hindi ko alam kung hindi siya nakapag-ayos o trip niya ang ganoong suot. All in all, he looks so fine.

"M-may bibilhin pa ako sa... grocery," aligaga kong sagot. Pinapamukha kong marami akong pupuntahan at nasasayang niya ang oras ko ngunit tila hindi ganoon ang nakarating sa kaniya.

"Sakay,"

Literal akong napanganga, "Hi-hindi na po! A-ano, kaya kong maglakad,"

Nilingon niya ako sa matalim na tingin, "Sakay,"

"Salamat nalang," mabilis kong tugon at naglakad palayo. Doble ang aking mga hakbang at mas lalo pa akong bumilis nang maramdaman kong sumunod sa akin ang sasakyan. Pumantay ito sa akin bago tuluyang nauna upang harangan ako.

I sighed, what the heck is his problem?

"Hindi ka ba talaga sasakay?" Saad kasabay ng pagbukas ng kaniyang sasakyan.

Umiling-iling ako, "Hindi na,"

Tinitigan niya ako ng mariin kasabay ng pag-igting ng kaniyang panga, "Sasakay ka o sasakyan mo ako?"

Namilog ang aking mga mata at mabagal akong napanganga. Nang hindi ko matiim ang hangin na namagitan sa amin ay hindi ko siya pinansin at nagsimulang maglakad palayo nang mas mabilis. Halos tumakbo na ako palayo. Naghuhuramentado ang aking puso, hindi ko maipaliawagan ang aking nararamdaman. Kung bakit tila biglang nasunog ang pisngi ko, at bakit tulamon ang puso ko nang makakita ng kakaibang emosyon sa kaniyang mga mata.

"Oh God..." bulong ko nang mabilis na lumampas sa akin ang coupe ni Asriel. Akala ko'y hahayaan niya na ako, ngunit napako ako sa aking kinatatayuan nang huminto mismo sa harapan ko ang kaniyang sasakyan na animo'y nag drift. Lumikha pa ito ng kaunting usok, at nang mawala ang usok sa paningin ko'y dumagundong ang puso ko sa kaba dahil deretso at walang habas niyang tinatahak ang direksyon ko.

"Natatakot ka ba sa akin?" tanong niya habang naglalakad.

Mabilis akong umiling-iling at umatras, "Hi-hindi..."

"Ayoko sanang gawin 'to, pero ang tigas mo masyado," aniya at ngumisi paghinto niya sa harapan ko. Napatili ako nang walang pasabi niya akong binuhat patungo sa kaniyang sasakyan. Maingat ngunit desidido niya akong ipinasok sa coupe at mabilis na isinara ang pintuan ko, pagkatapos ay umikot siya patungo sa driver's seat.

Napaatras ako nang lingunin niya ako pagpasok niya mismo sa sasakyan. Napalunok ako nang pasadahan niya ng tingin ang aking kabuaan. Ganoon na lamang ako kabilis na nag-iwas ng tingin dahil sa pagkailang. I heard him "Tsked", at nang sandaling iyon ay tinahak niya ang pagitan namin upang kunin ang kung anong bagay sa aking likuran. Halos masuksok na ako sa aking kinauupuan na ikinatawa niya ng bahagya.

"Damn innocent..." bulong niya at tinitigan ako. Ilang segundo pa'y narinig ko ang tunog ng seatbelt na inayos niya, "Always fasten your seatbelt,"

Napalunok ako at muling nag-iwas ng paningin. Hindi parin ako nakahinga nang maluwag kahit na umalis na siya sa mismong harapan ko at itinuon ang pansin sa pagmamaneho. Kinagat-kagat ko ang aking labi sa gitna ng tahimik naming byahe. The atmosphere was awkward, and God knows how desperate I am to get from that coupe out.

Hindi na ako nakapagpigil, hindi ko na maintindihan ang mga ginagawa niya, "Ano'ng ginagawa mo?" Bigla kong tanong.

Bahagya siyang lumingon sa akin ang nakakunot ang noo, "Driving, what else do you think and see?"

Ako naman ang napasimangot, "Bakit mo ginagawa ang mga ito?"

He sighed, "May pupuntahan ako, pwede lang naman kitang isabay diba,"

"Pero hindi ako pumayag. Kaya kong maglakad, at isa pa baka makaistorbo lang ako sa pupuntahan mo,"

Muling umigting ang kaniyang panga, "Hindi ka istorbo, Michaiah Tabitha..."

My breathe became rapid, gusto kong haplusin ang aking dibdib upang pakalmahin dahil tila nagsasayawan ang aking sistema dahil sa kaniyang sinabi.

"Bakit mo ginagawa 'to?" Makulit kong tanong.

"Bakit ba ang dami mong tanong? Hindi ba pwedeng manahimik ka nalang at magpasalamat dahil nagmamagandang loo bang iyong Amo saiyo? Ang dami mong reklamo,"

"Hindi ako nagrereklamo, ngunit hindi ko nauunawaan ang mga ginagawa mo sa akin at wala akong makitang dahilan para gawin mo ang mga ito,"

"So, ano'ng gusto mong iparating?"

I sighed, "Wala akong gusting iparating dahil walang dumadating na paliwanag sa akin kaya ako nagtatanong."

"Too noisy for an innocent demoiselle, Michaiah Tabitha."

Pakiramdam ko'y muli na namang nasunog ang aking mukha. Why does my name sounds so good when it was him calling. Hindi ako sanay na tawagin sa buong pangalan, ngunit napakagandang pakinggan ng paraan nang kaniyang pagtawag sa akin.

"Hindi mo kailangang gawin ito," malumanay kong saad atsaka yumuko.

Naramdaman ko siyang lumingon sa akin, "Damn it."

Muli kaming natahimik sa byahe, hanggang sa nakarating na kami sa sentro ng Collis Sierra. Ito talaga ang pinakamagandang lugar sa tabing bundok. Maraming gusali, at dahil nasanay ako sa kakahuyan ay nakakapanibago parin ang lahat.

"Saan ka maggogrocery?"

Itinuro ko ang isang gusali na may nakatatak na Gaisano mall, "Diyan na lang,"

"Okay."

Iyon lamang ang kaniyang sinabi pagkatapos ay ipinarada ang sasakyan sa garage. Gulat akong lumingon sa kaniya at mas lalo pa akong nagtaka nang nauna siyang lumabas sa coupe. Akala ko ba'y may pupuntahan siya, alangan namang parehas kami ng pupuntahan?

"Saan ka pupunta?" tanong ko pagkalabas ko ng sasakyan.

"Dito ka?"

Tumango ako.

"Dito rin ako, sabay na tayo."

Wala akong nagawa nang mauna na siyang pumasok sa loob. Ako tuloy ang nagmukhang sumusunod sa kaniya. Napapayuko na lamang ako sa tuwing may napapalingon kay Asriel, mukha akong stalker o sasaeng fan, hindi... nagmukha akong alalay ng binatang Torrero.

Dumeretso kami sa supermarket. Bahagya na akong humiwalay sa kaniya at inuna ang station ng mga shampoo. Kumpleto ang gamit sa mansion, namimiss ko lang gumamit ng hiyang kong shampoo at conditioner. Pakiramdam ko kasi'y mas magaan ang buhok ko sa hiyang kong shampoo. Pagkatapos ay dumeretso ako sa napkin area, nahihiya na ako kay Manang Letty. Kahit provided na ang mga gamit na ito'y nahihiya ako dahil sa kaniya kami humihingi, minsan ay hindi pa kami nakakuha pag mainit ang ulo ng matanda. Mabuti na lamang at mayroong reserba ang ibang katulong, kami kami na lamang ang nag-aabutan. Gayunpaman ay nakakahiya paring umasa na lamang ako sa kanila.

"Hey,"

Napalingon ako kay Asriel na ngayon ay napakasama ng tingin sa akin, "Bakit ka nawala sa tabi ko?"

I furrowed, "I have my own business here, diba ikaw rin?"

Hindi ko alam kung bakit ganoon na lamang nakakaasar ang kaniyang ngisi, "I like it, talk to me like that."

"Huh?" masungit kong reaksyon atsaka dumeretso upang kumuha ng ibang bilihin.

"Wag kang masyadong pormal, sungitan mo ako... mas masarap pakinggan."

Tumaas ang sulok ng labi ko at inirapan siyang patalikod. Naiinis ako sa kaniyang mga sinasabi, ngunit mas naiinis ako sa aking hindi maipalawanag na nararamdaman.

"Huwag ka na ulit mawawala, hindi mo gugustuhing marinig ang pangalan mo sa buong gusaling ito dahil bigla kang nawala sa tabi ko,"

Iritado ko siyang nilingon, ngunit wala akong nakitang bakas ng pang-iinis sa kaniyang mukha. Seryoso siya nang sabihin niya iyon, kaya naman akong nagbawi ng tingin dahil sa pagkailang. Hindi ko na talaga naiintindihan ang nangyayari sa akin, kailangan ko nang umiwas sa binatang Torrero. Ngunit paano, kung siya mismo'y hindi ako tinatantanan?

Naghihiganti ba siya sa akin dahil sa gabing iyon?

Hanggang sa natapos ako'y nakasunod lamang siya sa akin. Ako na tuloy ang nahihiya dahil sa kaniyang ginagawa. Pagdating namin sa cashier ay naglabas siya ng pera, ngunit mabilis ko siyang pinigilan at sinamaan ng tingin.

"Kapag binayaran mo, sa'yo nalang,"

Itinaas niya ang kaniyang mga kamay na tila sumusuko, pagkatapos ay umatras at itinago ang kaniyang wallet. Naghintay ako sa pila, at nang lingunin ko siya'y tahimik siyang nakaupo sa isang malambot na upuan habang pinapanuod ako. Napangiti ako sa mga babaeng tahimik siyang kinukuhanan ng mga litrato, hindi ko masisisi ang mga babaeng iyon dahil napakagwapo nga naman talaga ni Asriel.

Nang matapos ako sa counter ay mabilis niya akong tinungo at inagaw ang bag na aking hawak.

"Ano ba?!"

Ngumisi siya sa akin at kumindat, "Ako na... saan ang sunod mong destinasyon?"

Napanganga ako nang magsimula siyang maglakad patungo sa kaniyang coupe, at talagang wala na akong nagawa nang ipasok niya ang aking mga pinamili. Nararamdaman kong sinadya niya iyon upang huwag akong makatanggi na pumasok sa kaniyang sasakyan.

"Saan ang sunod mong punta?"

Naningkit ang mga mata ko habang pinapanuod siyang paandarin ang kaniyang sasakyan, "Akala ko ba may pupuntahan?"

"I am afraid our destinations are the same, kung saan ka doon din ako,"

"Pwede ba 'yon?"

Lumingon siya sa akin atsaka ngumisi, "Kahit ano sa ating dalawa pwede, Michaiah Tabitha..."

Nag-iwas ako ng paningin at pasimpleng humigop ng hininga, "Wala na akong pupuntahan."

Sandali siyang natahimik pagkatapos ay naramdaman kong lumingon sa akin, "Perfect..."

Iyon lamang ang kaniyang sinabi bago niya muling pinaandar ang kaniyang sasakyan. Natagpuan ko na lamang ang sarili kong nakikipag-away sa kaniya dahil ayaw kong pumasok sa mamahaling restaurant na pinagdalhan niya sa akin. At katulad ng lagi niyang ginagawa kapag hindi niya ako napapaamo'y dinadaan niya sa kaniyang sariling paraan kahit na sa gitna kami ng maraming tao.

Binuhat niya ako at kinarga papasok sa restaurant na iyon kahit na pinagatitinginan na kami ng marami, "Hindi talaga kita madaan sa santong dasalan ah, para saan pa ang santong paspasan kung hindi ko gagawin. Tingnan lang natin kung di pa kita makuha."