Chereads / WHISKEY / Chapter 11 - 10

Chapter 11 - 10

LUMIPAS pa ang ilang araw at hindi na iyon naulit dahil umalis ang binatang Torrero sa mansion. Wala na ring bumisita, si Ephraim Asriel lang talaga ang may bisita sa mga Torrero. Naging tahimik ang mansion, hindi ko masasabing maganda iyon dahil boring ang malaking bahay. At katulad ng mga nararapat kong gawin bilang katulong ay ganoon lamang ang ginawa ko sa araw araw. Natatanggap ng mga katulong ang kanilang sweldo sa katapusan pa ng buwan, kaya kinakailangan ko talagang magtiis upang makuha ito.

Hindi rin gaanong madumi ang labas kaya hindi kami gaanong napapagod ni Brianna, hindi na rin gaanong masungit sa akin si Manang Letty, siguro'y ganoon lang talaga siya sa mga baguhan upang masukat kung saan aabot ang pasensya at pagiging masunurin nito. Hindi ko rin siya masisisi dahil bilang inatasang mangasiwa, kailangan niyang masigurong maayos ang kanyang mga tauhan.

Isang araw ay napadako ako sa kubo, iyon ang lugar kung saan ako nakakita ng literal na milagro. Napangisi na lamang ako dahil hindi talaga maganda ang pagkakataong ibinibigay para sa amin ni Asriel. Wala akong natatandaang magandang pangyayari sa amin, gayong hindi pa naman kami nagkakasama. At ayaw ko siyang makasama dahil hindi maganda ang nararamdaman ko kapag nariyan siya. Kinakabahan ako, nanginginig sa hindi malamang dahilan at todo sa paghuramentado ang puso ko.

"Michaiah Tabitha..." pagtawag ni Brianna sa buo kong pangalan, mabilis akong napalingon sa kaniya at saka humakbang patungo sa kaniyang lugar, "Michaiah Tabitha Gacerez, ang ganda naman ng pangalan mo..." aniya, "Pero anong ginagawa mo diyan?"

Ngumiti ako, "Hindi ko lang nasabi sa'yo noon pero bago mo pa ako nabaalan, napadako na ako rito."

Napahalakhak ako nang takpan niya ang kaniyang bibig dahil sa gulat. Sa nagdaang araw, naging close kami ni Brianna. Wala rin silang pagkakaiba ni Elliot, tahimik lamang si Brianna kumpara sa bestfriend ko.

"Hala..." Brianna reacted, "Anong... nakita mo?"

Huminto ako sa kaniyang harapan atsaka muling lumingon sa kubo, "Parehas ba tayo ng nakita?"

Umiling-iling siya na ikinatawa ko, "Wala, nabalaan ako kaagad. Curious tuloy ako kung anong mayroon sa kubo na iyan," lumapit siya sa akin at kumapit sa braso ko, "Ano bang mayroon diyan? Ano'ng nakita mo?"

Napahagikhik ako habang sabay naming binaybay ang daan patungo sa mansion, "A miracle..."

"What? I wanna see it too!" Bulalas ni Brianna na mas lalo kong ikinatawa.

"Magtiwala ka sa akin, hindi mo gugustuhing makita..."

Ngumuso na lamang si Brianna bago kami tuluyang pumasok sa tahimik na mansion. Madalas ay wala kaming ibang ginagawa kundi ang magkwentuhan dahil madali lang naming natatapos ang aming mga trabaho. Hanggang sa tuluyan na kaming naging close ni Brianna, napagsasabihan ko na siya ng mga problema ko at ganoon din siya sa akin. Sabay naming pinagtatawanan ang sira kong cellphone kapag tumatawag si Elliot o ang pamilya ko. Hindi sumasama ang loob ko dahil pati ako'y natatawa sa hitsura ng cellphone ko.

"Tiwala lang, mabibili mo ang pinakamahal na cellphone baling araw..." ani Brianna isang gabi bago kami natulog.

"Hindi na kailangan, tamang cellphone lang okay na," nakangiti kong sagot.

Muling lumipas ang mga araw hanggang sa naging linggo na ay hindi parin bumabalik si Asriel, siguro'y katulad ng mga kapatid niya'y may inaasikaso rin siyang trabaho. Busy silang tao, at isa iyon sa hinahangaan ko sa kanila. They are responsible at such a young age. Napag-alaman kong si Asriel ang nagmamanage ng Torrero Hotel and Resort kapag wala ang mga magulang niya, halimbawa na lamang ay kapag nasa ibang bansa. At napag-alaman ko ring sa kaniya iyon ipapamana dahil may kanya-kanya na ring business ang mga kapatid niya.

He is 21 years old, paano akong hindi hahanga eh sa murang edad ay marami na siyang narating. Napakaswerte ng mapapangasawa niya, nasa kaniya na halos ang lahat. Palakaibigan pa siya at mabuting tao, sa aking kalusugan lang siya mabuti. Dahil hanggang ngayon ay wala parin akong ideya kung bakit ako nanghihina kapag nariyan siya.

Nang isang umagang mapadako ako sa malaking picture frame ay matagal ko siyang tinitigan. Halos wala siyang pinagkaiba sa mga kuya niya, mas matured nga lamang ang mga iyong tingnan. Sa araw-araw kong pananatili dito sa mansion ay unti-unti kong nakikilala ang mag Torrero sa pamamagitan ng pakikinig sa mga usap-usapan ng mga katulong, at masasabi kong napakabuti nilang tao. Wala akong maipipintas, at sana'y magpatuloy ang panahon na wala akong maipintas sa kanila.

"Ang gagwapo ano?" Tinig iyon ni Brianna sa aking likuran, "Lalo na iyang panganay, isang beses ko lang nakita si Asher Adriel pero napahanga na kaagad ako," natatawa niyang aniya, "kahanga-hanga naman kasi sila, hindi na iyon bago."

Lumingon ako kay Brianna at tiningnan siya ng mapanudyong tingin, "Ikaw ha, crush mo si Asher Adriel 'no," pangungulit ko.

Ang bruha, mabilis akong binalikan, "Parang nakita kong sumundo si Ephraim sa wine room noon, ang alam ko'y naroon ka, anong nangyari?" aniya sa nang-aasar na tinig.

Tinampal ko ang kaniyang braso, "Marinig tayo ni Manang Letty sisante aabutin natin, bawal daw lumandi diba."

Humalakhak si Brianna, "Oo nga pala, bawal lumandi. Kaya simula nang mapadpad ako sa mansion na ito'y hindi na ako nagka boyfriend pa..."

"Hinatayin mo iyang Asher Adriel mo..."

Siya naman ang tumampal sa akin, "Bu'ang, tara na nga. Ayokong masisante kakapangarap sa mga Torrero."

Lumipas pa ang linggo'y hindi na nga bumalik si Ephraim Asriel, at ganoon parin ang mansion. Malungkot, boring dahil walang nagpapapasok ng bisita. Wala si Asriel, kahit papaano'y namimiss ko ang presensya niya kahit na maghuramentado ang puso ko sa kaba. Iniisip ko lang kung anong ginagawa niya sa mga oras na yaon. May babae kaya siya, o nagtatrabaho? Bumabalik kaya siya sa bar na iyon? Nakikipag-make-out sa kung sino-sinong magandang babae? Natural, ganon naman siguro sila... kahit na anong gawin ay hindi ako nababagay sa kanilang mundo, sa kanyang mundo.

Ilang araw na lamang ay matatanggap na naming ang sweldo, malapit nang matapos ang buwan, ibig sabihin lamang ay mag-iisang buwan nang hindi dumadako si Asriel sa mansion. Hindi ko maintindihan ang aking sarili kung bakit palagi ko nalang siyang naiisip. Pakiramdam ko'y konektado kami, dahil walang araw na hindi siya pumasok sa isipan ko.

Hangang sumapit ang gabing ako na lamang ang naiwan sa veranda. Tumulong kasi ako sa pag-ayos ng mga halaman kaya ako ang nahuli, sakto pang nagkasakit si Brianna kaya ako lang mag-isa ang umasikaso ng mga natirang gamit tulad na lamang ng pintura, balde at iba pa. Mabuti na rin iyon kay Brianna para makapagpahinga siya. Napapansin ko kasing may katigasan ang kaniyang ulo,sige lang ng sige kahit bugbog sarado na ang katawan.

Akma ko nang isasara ang main door nang umilaw ang gate, napako ako sa aking kinatatayuan nang pumasok ang isang magarang sasakyan at dumeretso sa garage. Nagtaka naman ako kung sino iyon sa mga Torrero, wala sa bansa ang mag-asawang Torrero at hindi pa ngayon ang kanilang uwi. Wala ring natanggap na tawag si Manang Letty kung may uuwi ba sa mga binatang Torrero, hindi ko tuloy nalabanan ang kuryusidad ko at hinintay na dumaan sa main door ang taong dumating.

At ganoon na lamang kalakas na kumabog ang puso ko nang wala sa sariling lumitaw sa Veranda si Asriel, titig na titig ito sa akin habang nakangisi. Malayo ang distansya naming ngunit amoy na amoy ko ang alak sa kaniyang damit. Uminom siya... lasing si Asriel.

Ngumisi ito at humakbang palapit sa akin na siya namang pag-atras ko, "You waited for me?" Tanong niya sa namumungay na mga mata.

Napalunok ako at muling napaatras, hindi talaga maganda nag pagkikita namin, iyon na siguro ang nakatadhana sa aming dalawa. Umiling-iling ako bilang pagtugon at muling binuksan ang pintuan upang sana'y papasukin siya ngunit ang kigwa, sa akin mismo dumeretso.

"You could have left... why are you still here?"

Pilit niyang hinuhuli ang lugar ko, ako naman ay todo atras sa bawat hakbang na kaniyang ginagawa. Akma na akong aalis nang higitin niya ang mga kamay ko at malakas akong isinandal sa pintuan. Napasinghap ako at tinakpan ang aking bibig upang huwag makalikha ng ingay. Namuo ang luha sa aking mga mata nang ikulong niya ako sa kaniyang mga bisig. He pinned me on the wall while his other hand grip my waist and pressed his body against mine.

Naghuramentado ako at hindi malaman kung paano iiwas, "A-anong ginagawa mo?"

"You missed me?" aniya sa bumubulong na tinig. At tuluyang pumatak ang mga luha ko nang yukuin niya ang leeg ko at doon inilagay ang ulo matapos akong yakapin, "I missed you..."

Kumabog ng malakas ang puso ko, at kaunti na lamang talaga'y hihimatayin na ako dahil sa panghihina. I never encountered such things like this, kaya naman naninibago ako. Wala akong magawa dahil matangkad siya at malaki kumapara sa akin. His fine muscles and hard tummy that seemed to have abs pressed against my body.

"Anong ginagawa mo?" Aligaga kong tanong, natatakot na baka may dumating na katulong o kaya ay si Manang Letty. Mas lalo pa akong namroblema dahil nasa pintuan kami, hindi na ako magaugulat pa kung may makakita sa amin, sa kanyang ginagawa sa akin.

Sandali siyang nanahimik sa aking leeg habang yakap-yakap ako, hindi nabago ang posisyon. Nangamba akong baka nakatulog na siya, hindi ako magtatagal sa ganoong posisyon.

"Ephraim Asriel..." banggit ko sa kaniyang pangalan atsaka siya sinubukang itulak. Hindi siya gumalaw, ganoon lamang siya at kahit na anong tulak ko'y hindi ko siya mailayo sa akin. Higit siyang malakas at walang magagawa ang tulad ko kumpara sa kaniya.

Nangatog na ako dahil hindi parin siya gumalaw, mas lalong nadagdagan ang pangamba ko. Sana naman ay huwag akong masisante kinabukasan dahil sa ginagawa niya.

"Whiskey..." kalaunan ay bulong niya.

Napatungo ako.

"A-ano, Ephraim Asriel?"

Napaarko ako nang dumikit ang kaniyang labi sa aking leeg nang muli siyang magsalita, "I want whiskey... I need whiskey... Whiskey..."

Bahagya akong nalito sa ibang tono ng kaniyang pagbanggit, at sa nais niyang mangyari. Lasing na siya, at iinom pa siya ng whiskey?