Chereads / WHISKEY / Chapter 10 - 9

Chapter 10 - 9

"ANO'NG nangyayari dito?" Tanong ni Manang Letty at umiwas sa akin nang mabangga ko, "Hijo, bakit hindi pa kayo kumakain?" Sa halip ay tukoy niya sa dalawang binata.

"Good morning, manang," bati ni Eros at yumakap kay Manang. Ganoon talaga siguro ang mayayaman, walang malisya sa anumang bagay at natural na sweet. Kaya naman hindi ko dapat bigyan ng ibang kahulugan kung pinapansin nila ako o tinatrato ng iba. Malamang naninibago lang sila sa akin dahil nga bago ako, pati naman siguro ako'y maninibago kapag mayroong bago.

Nakahinga ako nang maluwag dahil hindi ako pinagalitan ni Manang Letty, at may nakabasag na rin ng nakakailang na hangin na namagitan sa aming tatlo. Hindi ko maunawaan kung anong hangin ang dumaan sa amin, ngunit hindi ako komportable at tila ba ayokong maunawaan.

"Ano'ng kailangan mo, hijo?" Muling tanong niya kay Ephraim Asriel pagkatapos ay sinamaan ako ng tingin. Tila ba nagdududa sa aming posisyon.

"Whiskey, manang..." Tugon ni Ephraim Asriel.

"Uutusan ko nalang si..."

Ephraim Asriel cut her off, "No, para saan pa ang bagong katulong natin dito. Para na rin malibot niya ang mansion," aniya at humalakhak. Tila ba ipinapamukhang mawawala ako sa paghahanap ng Whiskey niya kaya malilibot ko ang mansion.

Lumingon sa akin si Manang Letty, batid kong ayaw niya rin akong payagan ngunit wala siyang magagawa dahil ang binatang Torrero na ang nag-utos.

"Diyan ka dumaan," turo niya sa isang pintuan, napakalaki talaga ng mansion at natatakot akong magkatotoo ang sinabi ni Ephraim Asriel na malibot ko ang mansion dahil mukhang mawawala talaga ako, "Deretsuhin mo lang, kapag nakakita ka ng library syempre hindi doon. Doon sa kabilang silid, may nakalagay na storage room, syempre hindi rin doon. Sa harapan, wines and alcohol, pumasok ka nalang doon..."

Humalakhak si Eros dahil sa sinabi ng matanda habang si Ephraim Asriel ay nakatungo lamang sa akin. Wala akong nagawa kundi ang humakbang patungo sa pintuang sinabi ni Manang. Nang lingunin ko sila'y pabalik na sila sa main table ng dining room para kumain habang kausap ang matanda. Lumingon si Eros sa akin at ngumiti, at talaga namang mabilis akong napaiwas ng tingin nang si Ephraim Asriel na ang tumingin sa akin.

Doble ang aking mga hakbang habang tinatahak ang tahimik na daan. Hindi ko maiwasang mapamangha dahil walang pangit sa lugar. The cream walls, tan brown doors and gold knobs, the highly sculpted designs of the windows, the curtains... everything feels new and good. Hindi ako magsasawang hangaan ang lugar na iyon. Nilampasan ko ang Library, at nakita ko nga ang lugar ng mga alak sa harapan ng storage room. Bukas ang sliding door niyon, nagpapahayag lamang na madalas kuhanan ng mga alak ang lugar dahil madalas uminom ng mamahaling alak ang grupo o bisita ng mga Torrero.

Nangamba pa ako dahil pagpasok ko'y tumambad sa akin ang iba'-ibang uri ng alak. Hindi ko matukoy kung alin ang kukunin ko, kung saan ang whiskey doon. Mabuti na lamang at may label na nakalagay, may rum, vodka, whiskey at kung ano-ano pa. Siguro'y naroon na lahat ng klase ng alak, napakarami talaga. Pumunta ako sa aparador ng mga whiskey, ngunit muli akong pinanghinaan ng loob dahil walang whiskey na nakatatak sa mga alak. At hindi ko alam kung anong klase ng alak ang kukunin doon. But I am pretty sure the drinks were the finest whiskeys.

Mangha kong binasa ang iba't-ibang uri ng whisky doon, "Glendronach, Glenmorangie Quinta Ruban, Highland Park, Legend Bourbon, Ardbeg Traigh Bhan, Balvennie, Glengoyne Legacy Series, Colonel E.H. Taylor Amaranth..." Sa huli'y hindi ako nakapagdesisyon kung ano'ng whiskey ang kukunin ko. Wala akong alam sa alak, mahinga nga ako pagdating doon.

"Oh God..." napasinghap ako nang mayroong humapit sa baywang ko at dahan-dahan akong dinala sa isa pang aparador ng mga whiskey. Nanginig ako at naghuramentado ang aking puso lalo na nang hawakan niya ang isa kong kamay at iginiya upang abutin ang isang alak, Johnnie Walker.

"What's taking you so long?" Bulong niya sa aking batok. Kulang na lamang ay himatayin ako dahil sa kaba. Bakit ba bigla-bigla na lamang dumating si Ephraim Asriel, hindi man lamang ako nakapaghandang umiwas, "I see, no idea about whiskeys huh... pero nakipag-agawan ka sa akin nang gabing iyon,"

Nangatog ako at napasandal sa kaniyang dibdib dahil nakaramdam ako ng panghihina. Nilakbay ng kaniyang bibig ang espasyong namamagitan tungo sa aking tainga, at sa mismong tainga ko pa talaga siya bumulong. Napalunok ako nang humigpit ang pagkakahapit niya sa aking baywang habang patuloy na iginigiya ang aking kamay na abutin ang Johnnie Walker.

Nanginginig ko iyong inabot. At nang tuluyan ko na iyong makuha ay niyakap koi yon upang huwag mahulog sapagkat nanghihina talaga ako sa presensya ni Ephraim Asriel.

"Pagkatapos ay walang pasabi mong nilagok ang offer na whiskey ni Axcel, mahina ka pala sa alak," muli niyang bulong sa aking tainga. Napaarko ako at bahagyang umiwas sa kaniya, hindi ako nakaalis sa kanyang mga bisig dahil mas lalo pang humigpit ang pagkakahawak niya sa akin, "Still remember that night? Huh? When you vomit on me?"

Napalunok ako, "So-sorry po," kinakapos kong saad.

"Too young, too innocent... I wonder what do you at home."

Binitawan niya ako at lumayo sa akin nang mapansing hindi na naman ako komportable. Nanigingig akong humarap sa kaniya at inabot iyong hawak kong alak. Kunot-noo niya iyong tinanggap at tinitigan ako.

"Ngayon alam mo na kung ano'ng paborito kong whiskey. Ganito ang kukunin mo kapag inutusan kita ulit," aniya at tumalikod sa akin.

Mabilis at paulit-ulit akong tumango. Ibig sabihin ay hindi ito ang huling beses na uutusan niya ako. Napapikit ako ng mariin at nagbuntong hininga, papahirapan niya kaya ako bilang ganti sa nagawa ko sa kanya?

Nakahinga ako ng maluwag nang tuluyan na siyang umalis at iniwan ako. Hindi talaga madali ang banggain ang isang Torrero, lalo na si Ephraim Asriel. Hindi siya maganda sa aking kalusugan, hindi maganda ang dala niya sa aking puso. Humakbang ako palabas habang hinahaplos ang aking dibdib. Mabilis parin ang pagkabog nito, hindi mahinto, at hindi nililisan ni Ephraim Asriel ang aking isipan.