Hindi na ata nawala ang demonyong halakhak ko pagkatapos ko nagawa ang plano ko kanina. Hindi ko pagsisihan iyong ginawa ko. Tsaka, dapat lang naman iyon sakanya, ah!
"Licia, kanina ka pa ngisi ng ngisi diyan, a?" Si Papa na kakarating lang galing construction.
Tinikom ko agad ang bibig ko. Kagat ang labi na umiling-iling ako. Nakita pa iyon ni papa, baka isipin niya, nababaliw na itong anak niya.
"Masaya lang po!" Agap ko.
"May ginawa 'yang masama ang anak mo, Alberto, sigurado ako diyan." Si Mama na sumulpot sa usapan.
"Wala ah!"
"Kilala kita, Licia. Hindi ko alam anong magagawa ko pagnalaman ko talagang meron.."
Hindi ko na napigilan ay humalakhak na ako. Kadugo nga talaga kita, Mama!
"Wala naman akong ginawa. Masaya lang ako. Bawal ba maging masaya, pa?" Baling ko kay Papa na ngayon ay ngumisi na saakin.
"Hindi naman.." sumulyap ito kay Mama. Tumayo ito at lumapit bago may binulong pero rinig ko naman. "Inlove na talaga ang anak mo sa nag-iisang anak ni Jory." Humagikhik pa ito.
"Naririnig kita, Papa!"
Supportado naman talaga si Papa, si Mama lang talaga yung epal minsan.
"Tigil-tigilan mo nga yan, Alberto! Kaya naging ganyan ang anak mo dahil pangkokonsinte mo!"
"Bakit? Bagay naman ang dalawa. Mabuti nga at magkatuluyan na para mabigyan na tayo ng apo!"
"Alberto!" Mabilis na hinampas niya ito sa braso. Humalakhak lang si Papa at mabilis na pinatakan ng halik si Mama sa pinsgi.
Ngumuso ako at hindi napigilan ngumiti at kiligin sa nakita. Sila ang dahilan kaya bakit naniniwala akong totoo ang walang hangganang pag-ibig. Highschool pa lang nagsimula na ang pag-iibigan ng dalawa. Thirty-five years. At ito..sila parin hanggang dulo.
Alas onse na ng gabi ay dilat na dilat parin ang mga mata ko. Halos nagawa ko na ang iba't-ibang posisyon sa pagtulog pero hindi parin talaga ako dinadalaw ng antok. Nabaling naman ang mga mata ko nang tumunog ang cellphone ko sa gilid.
Nagulat agad ako nang makita kung sino ang nagtext saakin. Sa harap ng screen ay nabasa ko agad iyon.
"Licia, pwede ba tayong mag-usap?"
Hindi pa nakapagreply ay panibagong text agad ang natanggap ko mula sakanya.
"Licia, can I call?"
Bakit niya naman tinanong kung gising pa nga ako? At ano? Tatawag siya? Para saan pa? O baka naman nagsisi na siya sa ginawa niya saakin kanina?
Umirap ako at walang magawa kung hindi magtipa ng mensahe para sakanya.
"Bakit?"
Iyon lang ang tanging natipa ko. Galit nga kasi ako, hindi ba?
Nagulat naman ako nang tumunog agad ang cellphone ko. Akala ko ba galit ka, Licia? Bakit atat na atat ka ata ngayon sagutin ang tawag?
Kinalma at inayos ko muna ang sarili ko bago iyon sinagot.
"Licia?"
Biglang tumaas ang balahibo ko nang marinig ko ang tono ng boses niya. Hindi muna ako sumagot at hinayaan ang sariling marinig ito sa kabilang linya. Kahit ang paghinga niya ay naririnig ko. Pakiramdam ko tuloy ay nasa tabi ko lang siya.
"Licia, are you on bed now?"
Kinagat ko ang labi at inayos muli ang sarili bago sinagot ang tanong niya sa kabila.
"Bakit ka nga pala napatawag?"
"What are you doing?"
Kumunot ang noo ko sa tanong niya.
"Ginawa ko? Idi nakaupo sa kama." Umikot pa ang mga mata na sinagot ko ito.
"It's not that, Licia."
Huh? Ano ba ang tinutukoy niya?
"Idi ano nga kasi? O baka nam-"
"Licia." His voice was full of authority. Napatigil ako sa pagsasalita. "Alam kong binutasan mo ang gulong ng sasakyan ni Roanne."
Umirap ako nang marinig ulit ang pangalan na iyon. Akala ko pa naman kung ano na. Iyon pala, tungkol lang sa babaeng iyon kaya siya napatawag.
"And now you're accusing me. Hindi kaya ako!" Agap ko.
Narinig ko ang pagbuntong hininga nito sa kabilang linya. Mukhang nagpalit pa siya ng posisyon sa pagtulog.
"Really?" His husky voice gives me goosebumps.
"Oo!" Hindi maitago ang iritasyon ko sa pagsagot. "Tumawag ka lang ba dahil lang doon?"
"Licia." Malamig niyang tawag sa pangalan ko at pilit na aminin talaga ang ginawa kong kasalanan.
"Oo na! ako nga! Buti lang sakanya iyon!"
O ayan na, nagsabi na ako ng totoo! Sana naman, lubayan niya na ako rito!
"Alam mong hindi iyon tama, Licia." Kung makapagsalita siya ay parang pinapayuhan niya ako na parang bata. Gaya ng sabi ko, hindi ko pagsisisihan iyon. And if he wants me to say sorry to her, hindi ko iyon gagawin talaga!
"That's the right thing for me!" Hindi na napigilan tumaas ang boses ko.
"Licia."
Umirap ako. Ilang beses niya bang tawagin ang pangalan ko? Hindi ko na ata mabilang!
"Ano?!"
"Hindi iyon tama. Hindi mo dapat ginawa ang bagay na iyon dahil galit ka, Licia."
Sige, ipagtanggol mo! Sana pala hindi ko na sinagot ang tawag mo!
"Dapat lang iyon sakanya! Ang kapal ng mukha para insultuhin ako! May gusto iyon saiyo, no? Ano? Baka nga ginagawan na ako ng storya nun!"
Malalim na hininga ang pinakawalan niya sa kabila at mukhang hindi na alam anong gagawin saakin.
"Dapat hindi mo iyon ginawa, Licia. Masama iyon. I told you to respect older than y--"
"I know how to respect elders, Enzo. Siya lang iyong nagbigay ng dahilan bakit hindi ko siya dapat respetuin!" Iritadong putol ko.
Sige, labanan mo pa 'yan! At kung makapagsalita siya parang ang bata bata ko. Hindi na ako bata! Tsaka, tama lang naman iyong ginawa ko sa babaeng iyon!
"At pwede ba, hindi na ako bata, Enzo! Alam ko itong ginagawa ko! Apat na taon lang naman ang agwat natin. I can be mature pag naging tayo!"
"Tss. Your changing the topic."
"Tangina!" Mura ko dahil sa hindi napigilang iritasyon at galit. Mabilis na pinaalis ko naman ang luhang lumandas sa pisngi ko. Pisteng luha talaga at bigla-bigla nalang bumabagsak!
"Licia!" Baritonong boses na tawag niya sa pangalan ko.
"Bakit ba kasi ayaw mo saakin? Sabihin mo kasi!" Pumiyok pa ang boses ko.
"Licia, You're still young. I don't want you to hurt in the end beca--"
"Paulit-ulit ko sinabi sayo na gusto kita, Enzo! Gustong-gusto! At hindi na magbabago iyon! Stop bringing my age here! Hindi ka magsisi paghinayaan mo na lang akong mahalin ka! Aalagaan naman kita at magpapakabait na ako gaya ng gusto mo, eh.." Sa huli ay lumabas na ang hikbi ko sa kabilang linya.
"Licia, stop-"
"You're inlove with Roanne, kaya ganun!"
"Licia, hindi ganoon iyon."
"Kung hindi mo'ko kayang mahalin, okay lang. Pero itong pagtulakan mo ako..ay masakit, Enzo! Nasasaktan din naman a-ako!"
"Licia-"
"Stop calling my name!"
Hindi ko alam bakit nangunguna na itong galit ko. Gusto ko siyang sigawan. Ilang beses ko nang sinabi sakanya ito. Pero bakit ang hirap para sakanya na ibigay itong mga gusto ko? Siguro nga hindi niya ako gusto. Hindi niya ako magugustuhan. Hindi ko alam ilang taon na ang hinintay ko. Pero ang alam ko hindi ko lang siya gusto, kung hindi mahal. Wala naman sigurong masama na magmahal ako na mas matanda saakin ng apat na taon. Tsaka, hindi naman sukatan sa idad iyon!
And don't tell me that I'm just infatuated to him kasi sa buong buhay ko, hindi ako sumubok magkagusto ng ibang lalaki, siya lang!
Noon naman siguro, alam niya na itong paghanga ko sakanya. At kahit isa, parang hindi man lang niya iyon binigyan ng importansya.
Kahit yayain niya ako ng kasal, sasagot agad ako ng Oo!
"Licia, I'm sorry, okay?"
"Don't call me if you just want to nag at me. Hindi na ako bata para lagi mong pinapagalitan!" Mabigat ang hininga ko na sinabi iyon.
"I'm sorry.."
Hindi ako kumibo pero sigurado akong naririnig niya ang iyak ko. Sinubukan kong pakalmahin ang sarili pero umaapaw na ang emosyon ko. Ni halos hindi na ako makahinga. Hindi ko alam bakit kailangan kong umiyak ng ganito ka tindi.
"I'm not nagging at you, Licia. Hindi ko lang gusto na gumawa ka ng masama." Mahinahon at maingat niyang sabi.
Pero sa sitwasyon ito, hindi na maawat ang galit at iritasyon ko sa gabing ito.
"Oo na, mali ko na! Maling mali na ako sa ginawa ko kay Roanne mo!"
Narinig ko naman ang mahinang mura nito.
"Lici-"
"Stop! I don't wanna hear it, anymore!" Mabilis na putol ko sakanya at mabilis na binaba ang tawag.
Kung ipagpapatuloy ko ang tawag niya, baka magtatalo lang kami dalawa. Kaya huwag na!
Pinaalis ko naman ang luha ko pero patuloy parin ang paglandas doon. Bahagyang magmura ako.
Nakakainis talaga! Bakit ba kasi nagtiis pa ako sa lalaking ito! Damn it! I hate him so much! Pero..I love him too! Tangina! Napipikon ako sa sarili ko, sakanya at sa Roanne na iyon! Kasalanan niya bakit kami nag-aaway ngayon!
Tumawag ulit si Enzo saakin pero hindi ko na iyon sinagot at pinili nalang patayin ang cellphone. Bahala ka!