"O, matamlay tayo ngayon, a?" Tanong ni Alessa saakin nang mapansin ang pananahimik ko sa loob ng classroom.
"Inaantok pa kasi ako." Palusot ko.
Pagkatapos ng tawag niya halos hindi na ako makatulog sa gabing iyon. Nang dahil lang naman sa babaeng iyon bakit kami nagtalo! Muling bumalik ang pait at iritasyon ko. Kung tatawag siya dahil lang doon sa ginawa ko sa Roanne niya, sana hindi na siya nag-abala pang tumawag dahil hinding-hindi ko pagsisisihan iyong pagbutas ko sa gulong niya!
"Hoy, Licia! Kanina pa tingin ng tingin si Buendea rito, oh."
Naalis ang mga iniisip ko nang magsalita si Slyvannia sa tabi ko.
"Sino?" Ulit ko.
"Si Buendea Alvino, nga, Licia!"
"Hindi naman siguro ako ang tiningnan niyan." Pagod na sabi ko at tinuon ulit ang sarili sa libro kahit wala namang pumapasok sa utak ko.
"Tignan mo kasi, Licia!" Si Alessa.
Hindi ata ako titigilan ng mga ito kung hindi nasunod ang gusto nila.
"Fine!"
Pagod na tumingin ako at sinundan kung saan nakatingin ang dalawa. At tama nga sila, nakatingin siya rito sa direksyon ko. Kilala ko si Alvino, pero hindi naman kami ganoon na laging nag-uusap. Moreno at guwapo rin naman, pero ibang lalaking ang sumagip sa isipan ko. Nakita ko ang pagkaway nito. Ngumiti lang ako at binalik ulit ang sarili sa harapan.
"Alam mo, ang kj mo!"
"Hindi ako interesado." Walang ganang umirap ako.
Hindi na rin nagpumilit ang dalawa at hinayaan na ako sa gusto ko.
Pagkatapos ng klase ay dumiritso agad ako ng cafeteria, kasama si Alessa at Slyvannia. Pumila agad kami para makabili ng makakain. Dahil wala naman akong gana. Juice at cheese cake lang ang binili ko, hindi gaya ng kasama ko na mukhang hindi ata nakakain sa umaga sa rami ng binili.
Kanina ko pa ata napapansin na panay ang tulak ng dalawa sa harapan ko. Kunot noong binalingan ko naman ito. Wala lang talaga ako sa mood ngayon, kaya kaonting galaw lang ng dalawa ay naiirita na ako.
"Ano bang nangyari sainyo at mukhang nabudburan ata kayo ng asin?"
"Ikaw ano ba nangyari at ang badmood mo?" Balik tanong ni Alessa saakin.
Umirap ako at piniling huwag nalang sumagot sa tanong niya.
"Puro kasi 'yan Enzo, no! Ni hindi na napansin na palapit rito si Alvino!" Mahinang tumili pa ang dalawa.
Ewan ko sainyo!
"Licia, magbigay ka naman ng paki kahit kaonti."
"Umayos ka nga diyan, Licia. Baka ito nga talaga ang para sa'yo at hindi ka para kay Enzo." Si Alessa.
Nagulat ako sa sinabi ng dalawa. Ano bang meron at pinipilit nila ako sa lalaking iyan? Hindi ko nga 'yan gusto. At alam naman nila iyon. Matalim na tiningnan ko ang mga ito.
"Shut up. Diyan na nga kayo."
Tumayo agad ako. Isang hakbang lang ang ginawa nang matalisod agad ako. Pero bago pa iyon mangyari ay isang kamay na ang sumalo saakin. Tumili pa ako sa gulat at kaba.
"Tangina!" Mahinang mura ko.
"You okay?"
Mabilis na tumayo ako nang maayos at laking gulat ko kung sinong lalaki ang sumalo saakin. Right! Akala siguro ng dalawa hindi ko alam ang pinanggagawa nila!
Hindi naman ako mawawalan ng balanse rito kung hindi ako tinalisod ng dalawang ito! Matalim na tiningnan ko ito at naabutan ang tawa nila. Nang mapansin ang paninitig ko ay tinikom nila agad iyon.
Binaling ko ulit ang sarili kay Alvino at nagpasalamat sa ginawa niya.
"Okay lang ako, Salamat, Alvino."
"You're welcome." Kumindat ito saakin pero binigyan ko lang siya ng ngiti. Guwapo naman talaga siya pero...nevermind!
Hindi na ako nagsalita pa at bumalik na sa pwesto ko. Nang tuluyan ng makaalis si Alvino ay tsaka ko pa hinampas ang dalawa sa harapan ko.
"Isa nalang talaga at malilintikan kayo saakin!"
"Pero sabihin mo, ang bango niya no?"
"Sus..pacute ka pa! Nagustuhan mo naman, no?"
"Ewan ko sainyo!" Iritadong irap ko.
Nagpatuloy ang dalawa sa pang-aasar pero hindi ko nalang iyon pinansin at piniling abalahin ang sarili sa pagkain. Sa gitna ng pananahimik ko ay narinig ko ang pagtunog ng cellphone ko sa gilid. Hindi lang isa, kung hindi dalawang text na magkasunod.. Mabilis na kinuha ko iyon at binasa.
"Maghihintay ako sa labas ng bahay niyo. Let's talk."
"And Eat your lunch."
Ngumuso ako at hindi napigilan sumilay ang ngiti sa labi ko dahil sa huli niyang mensahe. See, just a simple texts from him na appreciate ko na!
At ano nanaman ba ang pag-uusapan namin mamaya? Baka naman tungkol ulit iyon kay Roanne? Hmp! Kung tungkol lang ulit sa ginawa ko, hindi ako makikipag-usap!
Pagkatapos ng huling klase ay niligpit ko agad ang mga gamit ko.
"Uuwi na ako." Baling ko sa dalawa.
"Agad-agad? Hindi ka sasama?" Tanong ni Alessa.
Umiling-iling ako.
"Hindi na. May gagawin pa ako."
"Ano naman 'yon?"
"Wala na kayong pakialam doon. Sige na, alis na ako!" Sabi ko at mabilis na umalis sa harapan nila.
Iyon naman lagi ang ginagawa ng dalawa. Pumupunta ng mall at inaaksaya ang pera pagkatapos ng klase. Well, they both born from Elite Family kaya hindi na problema sakanila kung maubos ang allowance sa isang linggo.
Both born from Davao at lumipat lang dito sa manila para mag-aral. Magkakilala na sila noon pa. Sila lang naman dalawa ang naging kaibigan ko rito. Simula noong nakasama ko sila sa project, doon na nagsisimula iyong pagkakaibigan namin. Nga lang, silang dalawa ang nagkakasundo pagdating sa ibang bagay.
And guess what, hindi nila naabutan si Enzo nang lumipat sila rito sa Manila. Halos kwento lang naman ang naririnig nila mula saakin.
May humarang na agad saakin kaya ako tumigil sa paglalakad.
"Hi."
Dahil sa tangkad niya ay kailangan ko pang tumingala.
"Alvino?" Tawag ko kahit alam ko naman na siya talaga itong nasa harapan ko.
"Mukhang maganda pag ikaw ang tumatawag sa pangalan ko."
Gusto kong umirap pero hindi ko na iyon ginawa.
"What do you want?"
"Alam kong pauwi kana kaya Ihahatid na kita." Ngumiti ito kaya nakita ko ang malalim na dimple niya sa gilid.
"Hindi na! kasi-"
"Kung hindi dahil saakin, natumba kana siguro kanina. Kaya ang kabayaran nun, ihahatid kita sainyo." Putol nito at nagngising aso pa.
Kumunot ang noo ko. Ni hindi ako na inform na may kapalit pala ang ginawa niyang pagtulong kanina!
"Sana pala hinulog mo nalang ako." Tonog sarcastic pa iyon.
"Sungit mo talaga, no?" Bahagyang natawa ito.
Umirap lang ako at nilagpasan ito. Naramdaman ko naman ang pagsunod niya sa likuran ko.
"Hindi ako titigil hangga't hindi ka papayag."
"Sige na, Licia."
"Licia!" Tawag nito habang nakabuntot parin.
Sa huli ay hinarap ko ito ulit, at wala ng magawa kung hindi pumayag nalang sa gusto niya. Mukhang hindi talaga niya ako titigilan, hangga't hindi niya ako napapayag dito.
Dahil hindi ko naman dala ang kotse ni Mama hindi na hassle saakin kung ihahatid ako ni Alvino.
"May boyfriend ka na ba?" Simula nito nang makapasok na kami sa loob ng kotse niya.
"Meron na."
"Liar! Ni hindi ko nga napansin na may nakabuntot sa'yo. Baka imaginary boyfriend kamo?" Humalakhak ito.
"Meron nga ako."
"Sus! Baka ikaw lang ang may alam?"
Inirapan ko ito ulit pero tawa naman ang natanggap ko.
Matraffic kaya medjo natagalan ang pag-andar nang kotse niya. Minsan lang naman kami magkaron ng interaskyon sa klase, kaya hindi ko akalaing maging komportable agad ako kasama siya.
"Ngayon ko lang ata na appreciate yung traffic."
Kunot noo na ay napatingin ako ulit dito dahil sa sinabi niya.
"Huh? Bakit naman?" Tumaas ang kilay ko.
"Kasi mas nakakasama kita nang matagal."
Kumindat pa ito saakin. Nakaawang ang labi ay hindi ko inasahan na ganito pala ang gawain ng isang 'to. Tumawa ulit ito sa naging reaksyon ko. Hindi ata nauubusan ng linya ang lalaking ito. Kung si Alessa o Slyvannia ang kinindatan niya baka naging uod na ang dalawa sa sobrang kilig. Isang tao lang naman ang nagpapakilig saakin, e.
Tinuro ko rin sakanya ang tamang daan tungo sa bahay namin. Isang liko ulit at narating na agad namin. Mabilis na lumabas naman ako at hindi na hinintay na pagbuksan ako.
"Wow! Salamat, ah?" Sabi nito nang makalabas narin kagaya ko.
"Ikaw naman ang may gusto nito. Kaya na saakin na iyon kung magpapasalamat ako o hindi." Tumawa ako. "Pero sige, salamat sa paghatid."
"Ayun! Napatawa kita. Pero dapat lang na magpasalamat ka saakin."
"Dami mong sinasabi. Umuwi ka na nga!"
"Kiss mo na?"
Nagulat naman ako sa sinabi nito.
Tama nga ako, Ang playboy ng lalaking ito!
"Alvino! Tahimik ka nga at baka marinig ka n--"
"Licia."
Napatalon agad ako nang marinig ko ang baritonong boses na iyon. Bumaling ako doon at agad namataan si Enzo sa labas ng gate namin. Nakapamulsa at madilim ang mga mata. Bumaling rin siya sa katabi ko. Nanliit ang mga mata nito at unti-unting sinakop iyon ng ibang ekspresyon. Hindi ko alam kung galit o ano.
"Kuya mo?" Tanong ni Alvino..
"Umuwi kana bilis!" Sabi ko at hindi pinansin ang tanong niya saakin.
Nagpasalamat naman ako nang pumasok agad ito at hindi na nagpumilit pa.
Bago niya pa maiandar ang kotse ay binaba niya muna ang bintana at tinanaw ako ulit sa labas.
"Yung goodbye kiss ko?"
Pumikit ako nang mariin at sinapo ang noo. Shit ka, Alvino!
"Umalis ka na nga!"
"Oo na! See you tomorrow, Licia." Natatawang paalam nito.
Hindi ko alam bakit ako kabado at mukhang may ginawa pang masama rito. Nang tuluyan ng makaalis si Alvino ay tsaka pa ako tumalikod para makapasok sa loob. Tumigil lang ako nang humarang siya sa dinaanan ko. Nagtaas ito ng kilay saakin at halata ang pagsusuplado sa itsura.
"Boyfriend mo?"
Taas noo ay hinarap ko ito. Hinatid lang ako ng tao, boyfriend kaagad, Enzo? Really?
"Ano naman ngayon?" Umekis ang braso ko. "At bakit ka pala andito?"
His jaw dropped at my statement. Nagiwas agad siya ng tingin.
"Hinintay ko ang paguwi mo, Licia, but seems you're enjoying your night, huh?" May halong sarkisto pa iyon.
Ngayon ko lang din naalala ang text niya saakin kanina. Totoong hinintay niya nga ako!
"Ano naman ngayon? Pagagalitan mo na naman ako na parang bata dahil may kasama akong lalaki?"
Nag angat siya ng mga mata ngayon saakin. Hindi ito nagsalita at mukhang pinigilan pa ang sariling may masabi sa harapan ko.
Hindi ko alam anong ikinagalit niya ngayon. Ako nga dapat iyong magalit sakanya, eh!
"Ayokong hinahatid ka nang kung sino sinong lalaki, Licia." Ngayon kalmado na ito.
"And why is it? Mabait naman si Alvino, ah!"
Nakita ko ang pagdidilim ng kanyang mata dahil sa naging sagot ko.
"Hindi mo pa siya ganoon kakilala para magpahatid ka na." Malamig niyang sabi.
"Bakit kilala mo ba si Alvino?"
Pumikit ito nang mariin at hinilot ang kanyang sentido. Mukhang iritado na.
"Just please, go inside and have your dinner."
"Idi tumabi ka!" Kung iritado ka, 'idi iritado rin ako!
Bahagyang tinulak ko pa ito sa dibdib pero mukhang hindi man lang siya nagalaw sa ginawa ko. Ganoon ba talaga siya kalakas?
"Tabi!" Mariin na sabi ko.
"Can you please calm down, Licia?" Tanong niya na medjo kalmado ngayon.
"Kalmado naman ako!"
Talaga kalmado ka, Licia? Hindi halata, ah?
"Really? Mukhang hindi."
Umirap ako.
"Bahala ka nga! Gulo mo! Tsaka, hindi pa tayo bati kaya tumabi ka!" Mabilis na nilagpasan ko naman ito at agad na umakyat sa itaas.
Ngayon ko lang napansin na kanina ko pa pala pinigilan ang paghinga ko. Pumikit ako ng mariin at sinapo ang noo.