Hindi ko alam anong oras ng dumilat ako. Ang alam ko lang nasa malambot na kama na ako nakahega. Unti-unting Kinusot ko ang mga mata ko at nagbalik iyong ala-ala kagabi. Kahit antok na antok pa ay pinilit ko ang sariling umupo sa kama at nakitang nag-iisa na ako sa kuwarto. Dahil sa rumi at negatibong pag-iisip ay tumayo na agad ako mula sa kama.
"Enzo?"
Damn it!
Hindi na nag-abalang mag-ayos ay lumabas agad ako. Bago ko pa matawagan ang kanyang numero ay napatalon na ako sa gulat nang makitang nasa baba lang pala ito. Nakatalikod at suot lang ang maong. Hindi na nag-abalang magsuot ng damit pang-itaas.
Bakit ba kailangan niya pang maghubad diyan?
Bumaba ang tingin ko sa parte ng katawan niya hanggang sa malapad niyang balikat. Palagay ko ay kakatapos niya lang maligo at bakit basa pa ng kaonti ang kanyang buhok.
Hindi ko na ata napansin na nakaangat na pala ang mga mata niya saakin.
"Licia."
Napatalon ako sa gulat at muntik na nawalan ng balanse. Nang makabawi sa sarili ay agad na binato ko ito nang maraming tanong.
"Anong nangyari at bakit napunta na ako sa kuwarto ko? Kamusta ang pakiramdam mo? Okay ka na ba? Pwede ba, magsuot ka ng damit mo!"
Tinaasan niya lang ako ng kilay at lumapit sa lamesa para mailapag iyong niluto niya.
"Kumain ka na." Iyon lang ang narinig kong sagot. Nice talking, Enzo.
"Uminom ka ba ng gamot mo? May naramdaman ka ba ngayon--Enzo!" Tawag ko nang mabilis niya akong talikuran para masuot ang kanyang T-shirt. Buti naman at naisipan niya ng magsuot at baka hindi ko na kailangan kumain dahil nabusog na ako sa nakita ko kanina.
"Enzo, Ano ba! I'm not yet done asking some questions!"
Bumaling ito saakin.
"Some? That's a lot of question, Licia.Halika na at kumain na tayo."
Sumimangot ako.
"Just answer me! Kahit isa lang naman. Uminom ka ba ng gamot mo? Naalala ko ang nangyari sa'y--"
"Don't worry to much about me, Licia." Malamig na putol niya saaakin At mukhang nagalit ko pa. Bakit ba lagi siyang galit pag tinanong ko siya tungkol rito? I'm just concern, Iyon lang!
"Ano ba kasing gusto mong gawin ko?Mawalan ng paki sa'yo?"
Hindi ito kumibo at mariin lang akong tiningnan. Umigting nang pabalik-balik ang kanyang panga bago iniwas ang tingin saakin.
Hinintay kong tingnan niya ako ulit pero hindi niya na ginawa. Halos masunog na ata siya sa ginawa kong paninitig. Ngumuso ako lalo dahil wala talaga siyang balak na tumingin na ulit sa direksyon ko.
Sa huli ay ginalaw ko nalang ang pagkain na niluto niya. Paminsan-minsan ay sumusulyap ako rito at nakita parin ang pagsusuplado doon. Hindi ko alam bakit siya ganyan. Wala naman akong ginawa, nagtanong lang ako.
Bahagyang natawa ako. Ni hindi ko alam bakit natatawa ko sa itsura niyang ito. Nakita kong umangat ang mga mata niya saakin. Kunot noo at nagtataka na pinanood ako. Sa huli, binalik ang sarili sa pagkain. Seryoso mo masyado, benedicto.
"Enzo, galit ka ba?
Hindi ito sumagot.
"Sarap mo naman kausap." Sarkisto na sabi ko.
Kung iisipin, parang wala akong kasama rito. Ayaw niya naman akong kibuin. Buti nalang talaga at maaga akong nagising kaya may oras pa akong natitira para kulitin siya.
"Nagtanong lang naman ako.."bulong na sabi ko.
Pagod na umangat ang mga mata niya saakin. Finally!
"Just eat your breafast, Licia. May pasok ka pa." Iyon lang ang sinabi niya sa dami kong sinabi. Ano ba itong ginagawa ko? Umiinom? It's obvious tha I'm eating! Hindi niya lang kita kasi hindi niya ako tinitingnan!
"I'm eating!"
"You talk to much. Tss."
Umirap ako at hindi parin huminto kakasalita.
"Tumawag ba si Mama o Papa sa'yo? They're not replying to my texts." Pag-iba ko ng usapan.
"Maagang tinawagan ako ni Mama kanina. Matatagalan pa sila doon sa Butuan. At baka bibisitahin narin nila si Ares doon sa burasao."
"Burasao? Should we go there too?"
"You have your class here, Licia." Mabilis niyang sagot habang hindi parin ako nililingon.
Sumimangot ako. Oo nga naman, may pasok pa ako. I'll make sure to visit there in summer!
Tumikhim ako at muling nag-isip ng katanungan.
"Hindi mo ba ako ihahatid ngayon? May trabaho ka ba?"
"I cancelled my meetings this morning. Mamaya rin ang meeting ko kina Dela Fuena." Sabi nito at sinubo ang natitirang pagkain niya. "Ihahatid na rin kita sa araw na ito." Dugtong nito.
Nagulat ako doon at hindi maiwasang may sumilay na ngiti sa labi ko.
"E, mamaya, susunduin mo ako?"
Hinintay kong sagutin niya ang tanong ko pero hindi ito sumagot at nagpatuloy sa ginawa. Ngumuso ako.
"Wala ang kotse ni Mama rito..kaya mahirap. O siguro..." napaisip ako at naalala si Alvino.
"Pwede rin, magpapahatid nalang ako kay Alv--"
Hindi na natuloy at mariin na inangat niya ang ulo saakin. Lumapad ang ngisi ko.
"Subukan mo."
Natawa ako na ikinairita niya lalo.
"Give me your schedule and I'll check it." Mariin niyang utos. "At kumain ka na riyan."
Hindi na ata nawala ang ngiti ko.
Ewan ko kung saan ko mas gusto, iyong suplado o ang pananahimik niya.
"See, I'm eating!" Sabi ko habang nakangiti.
Kinagat ko ang labi ko at pinigilan ang kilig na naramdaman. Sus! Ang sabihin mo nagseselos ka at ayaw mong ihatid ako ni Alvino, no?
"Eat and stop talking."
"Okay!" Maligayang sabi ko.
Mabilis akong natapos at sinuot ang turtle neck white at isang faded 90's highwaist pants. Lumabas na agad ako at namataan si Enzo sa labas habang nakahalukipkip na naghihinatay saakin. Bagong ligo lang ito at amoy na amoy ko ang after shave niya. Kung pwede nga lang, amoyin lang ito buong araw.
Wearing his usual work attire ay hindi ko parin maiwasan panoorin siya ng mabuti kung gaano kabagay ang suot niya. Nagtagal ang titig ko rito. Kung may camera lang ako baka nakuhanan ko na siya ng litrato. Mukhang minomodel niya kasi ang kotse.
Ngayon ay napansin niya na ang pagdating ko.
Biglang sumagip sa isip ko ang bagay na hindi alam ng lahat. Gaya ko, nakikita rin ba nila? Kasi ako..kahit ayaw niya man sabihin, alam kong mabigat ang dinadala ni Enzo. He's not vocal about it kaya iyon ang ayaw ko. Marami akong gustong itanong sakanya. 'Kung anong naramdaman niya? Kung bakit ayaw niyang ipaalam sa lahat na nahihirapan rin siya. Or may pakialam ba talaga si Enzo sa kalagayan niya?
Binuksan niya agad ang pinto ng kotse saakin nang makita ako. I said thank you at sinirado niya na iyon. Umikot na siya at pumasok.
"Ang ganda ng araw ko.." May panunuya na sabi ko. Hindi niya naman ako pinansin at pinaandar na ang kotse.
Saan ko kaya makikita ang paki niya? Dapat pala simulan ko na ang paghahanap.
"Dapat pala hindi na uuwi sila Mama para naman ikaw lagi maghahatid saakin!" Sabi ko.
Kahapon lang gusto mo kumuha ng kasambahay, Licia, ah? Well..nagbago na ang isip ko. We're okay now.
"Did you finish your homeworks?" Tanong niya at hindi pinansin ang sinabi ko.
"Of course!" Mayabang kong sabi. Tumango-tango ito at hindi na nagsalita pa.
Na hahalata niya ata ang madalas kong pagsulyap sakanya kaya siya minsan napatingin saakin. Ngumiti lang ako pero kunot noong binalik niya lang ang mga mata sa daan.
"Did you work out?"
Hindi ito sumagot pero nagpatuloy parin ako.
"Kasi si Daelan nakikita ko iyon nag gigym kaya malaki ang braso nun. Kasabay niya nga si Alessa at Slyvannia, eh."
Biglang bumaling ito sa sinabi ko. Tinaasan ako ng kilay. Mukhang hinintay talaga ang susunod kong sasabihin. Nagtaka naman ako. What now?!
"Oo, malaki ang braso niya!" Sabi ko dahil pakiramdamn ko hindi siya naniniwala sa sinabi ko. At dahil binanggit ko iyon ulit ay nakita ko ang busangot at pagsusuplado niya.
"Bakit ba lagi ganyan ang itsura mo? I'm just telling my story here!"
"Story, huh? Story with your boys? I'm not interested, Lica."
Boys? Wala akong mga lalaki, Enzo. Alam mong ikaw lang ang natatangi kong 'lalaki.
"Idi huwag ka nalang sumagot at makinig nalang saakin." Naka-ekis na ang braso ko ngayon. "Sinabi ko lang naman kung nag gigym ka rin dahil pareho kayo ni Daela--"
"I didn't go to gym, Licia, if that's what you want to hear from me. Stop comparing me to him."
Napahinto ako at natigilan sa narinig. Sa tono niya ay galit na galit na siya ngayon. Tinagilid ko ang ulo ko at sinusuri siya nang mabuti. May ginawa ba ako? Alam kong seryoso siya lagi, pero ngayon..hindi ko na alam. Mapanuyang ngumisi ako at may ibang napapansin sa inasta niya.
"You look like a jealous boyfriend." Mahina at natatawa kong sabi.
Ngayon nasa akin na ang buong atensyon niya. Ngayon ko lang din napansin na nasa tapat na ako ng university. He glared at me. Marami pa sana siyang gustong sabihin pero mukhang pinipigilan niya ang sarili. Naramdaman kong naapektuhan pa siya sa sinabi ko.
"I'll call you later. And eat your lunch with your friends." Madiin niyang utos.
Tumaas ang kilay ko. Tinikom ko na ang bibig ko at pinigilan ang sariling hindi niya makita itong ngiti ko at baka magalit ko pa lalo.
"Bakit sinong mga kaibigan ba ang tinutukoy mo?"
Imbes na sagutin niya iyon ay iniwas niya lang ang tingin saakin. Tumawa lang ako na ikinainis ng mukha niya lalo. Lumabas narin ako pagkatapos.
"You know my schedule already, so don't make me wait for you, later." Sabi ko habang nakasilip sa bintana. Palihim na tumango lang ito saakin. Bago pa tuluyang makaalis ay naisipan kong bumalik. Nakita niya ata ang pagbalik ko kaya binuksan niya agad ang bintana ng kotse.
May pagtataka sa mga mata niya na tumingin saakin.
"May nakalimutan ako!" Malapad ang ngiti ko na bumaba ang mga mata sa labi niya. Namumula iyon at nababasa pa. Mukhang binasa niya ata iyon gamit ang dila.
Kunot noo parin na pinanood niya ako. Kagat labi na ngumisi ako lalo sakanya. Bahagyang yumuko ako at mabilis na pinatakan ng halik sa gilid ng kanyang labi. Buti nga sa gilid lang.
"Okay, nakuha ko na."
Lumayo ako at nakita ang gulat sakanya. Narinig ko naman ang mura nito sa loob bago ako tumakbo at humagikhik sa ginawa.
"Fuck!"
Baliw ka na talaga, Licia!