"You should study how to make the SOA, Licia.."
Seryosong sabi nito at wala akong ibang ginawa kung hindi ang titigan at panoorin lang siya rito. Hindi ako kailanman magsasawa sa mukha na ito. Walang kahit anong bahid na kapintasan ang nakikita ko. Napasulyap siya sa ginawa kong paninitig kaya agad na binalik ko ang sarili sa libro.
"Focus on your notebook."
"I'am!"
Sana pala maraming homeworks ang binigay ni Ma'am Jairah. Ayan tuloy, natapos kami agad. At parang hindi nga siya roon nahirapan. Sumimangot ako dahil wala na akong ibang rason para manatili siya rito sa tabi ko.
"Hindi ka parin ba matutulog?"
Tumayo na ito mula sa kama at bumalik doon sa maliit na mesa kung saan nandoon ang mga papeles at ang laptop niya.
"Mamaya na. Matulog kana."
"Pero..saan ka matutulog? Dito ka lang sa tabi ko, ha?"
Nakita ko ang gulat sakanya. Pero ilang sandali ay umiwas ng tingin at ngumuso.
"Dito ka lang sa kuwarto ko. Pwede naman sigurong bukas yan tapusin. Ano ba kasi 'yan?" Bago pa makatayo ay inunahan niya na ako sa binabalak ko. Supladong sinara niya ang laptop at mariin na binigyan ako ng pansin. O, ano?
"Licia! Go to sleep. Malapit na ito." Iritado na.
Ano bang problema niya? I just wanna see what he's up to, at bakit ang seryoso niya diyan!
"You can jus--"
"Licia." Putol at Mariin na tawag niya sa pangalan ko. Busangot ay binagsak ko muli ang likod sa kama.
"Oo na! Matutulog na!"
Hindi ko alam kung anong oras ako nakatulog. Basta nagising nalang ako sa umaga nang maamoy ko ang paboritong bacon sa baba. Tumama saakin ang sinag na araw kaya tinakpan ko ng unan ang mukha ko. Ang kurtina ay nilipad rin ng hangin.
Luminga-linga ako at nakitang wala na siya sa tabi ko. Wait, saan nga ba siya natulog kagabi? Hindi ko na alam o napansin kasi antok na antok na ako kagabi.
Dahil hindi ko naman siya makita rito, mabilis na bumaba ako at hindi na pinansin kung anong maging itsura pag nakita niya ako. Baka kung ano nanaman ang nangyari doon.
Akala ko panaginip lang itong nakikita ko pero laking gulat ko kung sinong babae ang kausap niya at nasa baba kasama niya. Uminit ang pisngi ko sa iritasyon.
Umaga pa lang ay nasira na agad ang araw ko!
Nakita ko kung paano yumuko ang Roanne na iyon at mukhang nakatanaw ang kung anong nasa laptop ni Enzo. Hindi ko alam kung sinasadya niya talagang ilantad ang dibdib niya diyan o malandi lang talaga siya? Pwede naman umikot at doon siya tumingin sa tabi ni Enzo!
Bumaling ako kay Enzo ay nakitang wala naman itong pakialam na nilalandi na siya ng babaeng ito. At mukhang seryoso talagang nag explena sa harap.
"How about this one? The kitchen leads through into an elegant and open-plan living room. " Seryosong paliwanag niya. Mangha naman na sumulyap ang katabi niya sakanya. Umapaw muli ang iritasyon ko nang makitang yumuko ito lalo.
Sana naman malaman ng babaeng ito na walang pakialam si Enzo sakanya. At ang laki ng hinaharap niya! o baka naman may tinurok kaya malaki?
"Pwede na rin..well, this give a serene and fluid feelings to airy ground floor. Kaya magandang idea nga ito, Enzo." Sinasadya ba na maging ganyan ang boses niya? Nakakairita!
Kung nakakamatay lang ang titig ko baka kanina ko pa sila pinaglamayan. At bakit ba andito ang babaeng ito? Ang kapal naman ng mukha para pumasok sa bahay namin?
"O, gising na pala ang bata mo."
Ngayon ko lang din napansin na nakuha ko na pala ang atensyon ng dalawa. Nagtama ang tingin namin ni Enzo. Umirap ako. Mabilis na lumapit agad ako at padabog na umupo sa harapan nila. Walang pakialam sa itsura ko.
"Gutom na ako." Nakasimangot na sabi ko.
"Licia, gising ka na pala. Niluto ko itong paborito mong bacon."
Oo kanina pa ako gising! Kita ko nga ang paglalandi niyo, eh!
Hindi ako nagsalita at iritadong sinulyapan itong babaeng nasa harapan ko. Ni hindi man lang niya napansin na kanina ko pa siya inirapan. Paano ba naman kasi, panay ang sulyap niya sa kasama niya! Ang landi talaga ng panget na ito! Alam niya naman na andito ako, hindi ba? Umirap ako.
"So kailan natin pupuntahan iyong gusto mong ipakita saakin?"
Napatigil ako sa pagsubo at umawang ang labi dahil sa narinig. Puntahan? May ipapakita si Enzo sakanya? Anong ipakita? Nakakainis! Ano bang pinag-uusapan nila habang tulog ako kanina?!
Sumimangot ako at hindi maiwasang makaramdam ng iritasyon sa dami at rumi nang iniisip.
"Titignan ko pa kung pwede na iyon, Roanne."
"Hmm, sige! Tawagan mo nalang ako."
Nagtiim bagang ako. Halos madurog na ang bacon dahil sa ginawa ko. Kung tao lang ito, baka kanina ko pa ito napatay. Kung gusto nilang maglandi, huwag naman sa harapan ko! At pinapasok niya pa talaga ang babaeng ito!
Nakakainis! Nangigigil ako sa galit! Gusto ko nalang matapos ako rito at iwan nalang silang dalawa.
"Ihahatid kita pagkatapos mo." Baling ni Enzo saakin.
Pwedeng huwag na rin at makipaglandi ka nalang sa kasama mo!
Hindi ako kumibo at inirapan lang ang mga sinasabi niya. Pansin niya naman iyon. Sumulyap ako saglit sakanya at nakitang ngumuso ito at binasa ang kanyang labi gamit ang dila. Umupo ako ng maayos at tinaasan siya ng kilay.
Wala nang gana ay mabilis na tumayo ako at pumunta agad sa lababo para ilagay ang kinain ko doon. Busog na ako, at ayoko ng kumain. Nakakawalang gana!
"You should eat more, Licia."
Hindi niya nakita ang pag-irap ko dahil nakatalikod na ako sakanila.
"Busog na ako!" Ewan ko kung napansin niya ba sa boses ko ang iritasyon o sadyang wala siyang pakialam dahil busy siya sa babaeng iyan!
"Stop, babysitting, Enzo. Alam naman niya siguro ang ginagawa niya. Huwag mo na pilitin." May bahid na pang-iinsulto na sabi niya.
Nilingon ko ito at binigyan nang masamang tingin. I even saw how she smirked at me na ikinainis ko lalo. Kung wala lang si Enzo, baka kanina ko pa siya tinataboy dito!
Babysitting mo mukha mo! Malaki lang naman ang hinaharap mo! Puro pa makeup sa mukha! Hindi ko lang kung alam anong magiging itsura kung wala 'yan!
"Text nalang kita pag pwede na, Roanne." Nagsalita bigla si Enzo. Nakita kong pasimpleng sumulyap saakin si Roanne at mukhang nang-iinis pa saakin. I know what she's doing. Bruha ka!
Pigilan niyo ako at baka maitapon ko sakanya ang tinidor na ito!
Tumayo na rin si Enzo gaya niya at hindi ko na alam ano na ang pinag-usapan ng dalawa. Sumimangot ako sa nakita nang unti-unti na silang naglaho sa paningin ko.
"Nakakabwisit!" Ginulo ko ang buhok ko at padabog na nilagay ang pinggan sa lababo kaya iyon tumunog nang napakalakas. Nataranta naman ako doon at baka nabasag ko pa. Buti naman at hindi.
"Licia, anong nangyari?"
O, ang bilis niya naman nakabalik? Asan na iyong panget na iyon? Sana naman umuwi na. Ang kapal talaga ng mukha para pumasok dito! Baka sabugin ko ulit ang mga gulong niya pagbumalik pa iyon. Inirapan niya pa ako kanina! Hindi ba iyon napansin ni Enzo? Syempre hindi!
"Wala!" Bayolenteng sagot ko na ikinagulat niya.
"Licia."
"What?!" Hindi ko na talaga kayang maitago itong galit ko sakanya at sa babaeng iyon! Alam niya naman siguro na ayaw ko sakanya. Tapos ngayon..pinapasok niya pa rito!
Nakapamaywang na siya ngayon at tinaasan ako ng kilay. Mukhang tinitimbang ang galaw ko.
"What's wrong?"
What's wrong? Alam mo naman siguro kung bakit!
Hindi na ako sumagot pa at baka kung ano pa ang masabi ko. Mabilis ko itong nilagpsan pero mabilis niya naman nahuli ang braso ko. Pumiglas pa ako doon pero nagulat ako nang pinermi niya ako at hinawakan ang baywang ko. Parang may kuryente pa ang mga kamay niya dahil tumitindig ang balahibo ko sa rahan ng hawak niya. Kahit natutunaw na ay hindi parin ako nagpapaapekto at pumipiglas parin.
"Pitawan mo nga ako!"
Hindi ito natinag at mas lalong diniin pa ang pagkahawak niya saakin. Mukhang natutuwa pa siya sa inasal ko. Bakit ba ganun? Bakit natutuwa siya lagi pag-naiinis ako!?
"Doon ka kay Roanne mo! Dinala mo pa talaga rito! Sinisira niyo ang araw ko!"
Nalaglag ang kanyang panga at mas lalong nakitaan ang pag-ngiti.
"Why are you smiling? Tingin mo nakakatuwa?! Huh?!"
Humalakhak na siya ngayon. "She's here for our project. Architect siya kaya kailangan ko rin siya para sa disenyo. Sa mga bagong furniture." Paliwanag niya pero hindi parin ako naniwala doon.
"Project?! Talaga project? Kung yumuko iyon parang gusto ng ipakain ang hinaharap niya saiyo!"
Nanlaki ang mata nito sa sinabi ko. Umigting ang panga at mukhang nagalit ko pa.
"Licia! Where the hell did you learn that, huh?"
"At ano iyong ipapakita mo sakanya?" Balik kong tanong.
"The design from Hudson Furniture, Licia." Simpleng sagot niya saakin.
"Hindi ako naniniwala!"
Nang makatiempo ay mabilis na tinulak ko siya kaya agad ako nakawala.
"Licia!"
"Bahala ka!"
Akala ko makakatakas na ako pero mabilis na hinarang niya ang pinto ng kuwarto ko gamit ang paa niya.
"Enzo! Ano ba!"
"Let's talk." Mariin na utos nito.
Sa inis ko ay padabog na binuksan ko ang pinto at umupo sa kama. Nakaekis ang braso at halos bumagsak saakin ang mundo dahil sa itsura ko. Halos hindi na siguro maitsura ang mukha ko dahil sa iritasyon sakanya. Kailanman ay hindi ako nainis ng ganito. Ni hindi ko alam na ganito pala ang feeling nun!
Sumikip ang dibdib ko at alam kung maiiyak ako pagnagsalita pa ako rito. Ni hindi ko alam bakit ako nagkakaganito. Gusto ko nalang sumabog sa tindi ng galit ko dahil sa nakita ko at ginawa nilang dalawa sa baba!
Paano pag hindi ako nagising? Kung hindi, baka iba na ang nakita ko! Baka nga naglampungan na sila doon!
Mas tumindi ang iritasyon ko habang iniisip iyon.
"Licia..why are you so mad? Wala kaming ginawa ni Roanne, kung iyan ang iniisip mo."
Hindi ako nagsalita at nakabusangot parin. Sa gilid ng mata ko ay nakita kong kinuha niya ang silya at umupo doon para maharap ako. Umiwas agad ako ng tingin.
"Licia, look at me.."
Hindi ko parin sinunod ang gusto niya. Narinig kong huminga siya nang malalim.
"Are you jealous?"
Dahil sa narinig ay napatingin agad ako sakanya.
"Hindi ako nagseselos! Ayoko lang talaga sa babaeng iyon! She's too plastic and...and..panget!"
Umawang ang labi niya at bahagyang natawa.
"It's not funny, Benedicto!"
Mas lalo akong naasar nang makitang tumawa ito lalo.
"Enzo benedicto!"
"Oh, god..you're really a little girl."
Nanlaki ang mata ko. Dahil sa inis ay mabilis ko itong tinulak. Mabilis niya naman nahagilap ang mga kamay ko at pinerme iyon sa paanan ko.
"I'm sorry, okay? What do you want me to do then?"
"Wala!"
"Really?"
"Wala nga!"
"Okay. So...should I still let her fo--"
"Sige subukan mo at sasabugin ko ulit ang gulong niya!"
Oo na! Nagseselos ako! At ayokong lapit siya ng lapit sa babae na iyon! Nang-iinis ata siya saakin!
"You brat!" He chuckled. Nanatili lang ang mga mata niya saakin at hindi parin ako binitawan. Bahagyang inangat ko ang ulo ko para kahit papaano masulyapan siya saglit pero dumapo lang ang mga mata niya sa labi ko. Tumikhim ito at umiwas ng tingin.
"Be ready, may pasok ka pa."
Umirap ako at mabilis ng tumayo para iwan siya doon. Nang makapasok ay hindi ko na napigilang ngumuso at ngumiti. Talagang kikiligin ako! Hinawakan niya kaya ang kamay ko!
Akala ko ba galit ka, Licia? Bakit pagdating sa lalaking ito nakakalimutan ko agad ang galit ko?Hmp!
Nakakainis parin! Pag talaga dinala niya ulit ang Roanne na iyan dito at baka hindi na talaga ako magdadalawang isip na sabugin ang mga gulong niya! Hindi lang sabog, baka tatanggalan pa!