Hinayaan ko lang ang sariling pagmasdan ito habang seryosong tiningnan niya ang menu sa harap.
Minsan sinusulyapan niya rin ako. Alam ko naman na napapansin niya ang paninitig ko at mukhang hinayaan niya lang din ako rito.
"Enzo, okay ka naba talaga? Sabihin mo pagnahihirapan-"
"Cut it, Licia. Okay ako. Don't worry to much about me. Kaya ko naman." Agaran na sagot nito. Fine!
"Okay..Pero sabihin mo-"
"Licia." Putol ulit saakin at mukhang iritado na.
"Fine! Ako nalang makikiramdam kong okay ka nga!" Umirap ako. Ibinalik niya naman ang sarili sa menu at nakita ko ang pagnguso niya doon. Pinigilan niya bang tumawa? O seryoso lang talaga siya diyan? Tse! Pero wala akong pakialam kung magsusuplado siya saakin ngayon, basta okay na siya at nakikita ko na ito ngayon.
Bago ko pa maibuka ang bibig ko ay natigilan na ako nang marinig ko ang tumawag sa pangalan ko. Mabilis na lumingon ako sa likod. Si Alessa at Slyvannia na agad namataan ko na palapit rito. Halos binili na ata lahat sa rami ng bitbit ng dalawa! At may kasama pang dalawang body guard!
"Licia! Ikaw nga!" Si Slyvannia nang makalapit na sila saamin.
"Bakit ka andito?"
Can you see may ka date ako?
Sa tingin ko hindi pa nila napapansin ang kasama ko at mas inuuna pa iyong pagpapakita ng binili nila. Sa yaman ba ng dalawa talagang hindi mauubos ang pera! Kaya ko rin naman bilhin 'yan. Nga lang, tinatamad ako minsan. At hindi ko naman 'yan gawain. Marami pa akong bagong damit at relo doon na hindi ko pa nagagamit.
"Sama sumama ka saamin! Tignan mo marami kaming nabili ni Alessa!" Sabi nito sabay pakita sa klase-klaseng brand. Meron ding Gucci, Chanel, Louis Vuitton at kung anu-ano pa!
"Sobrang rami nga e, no? Buti hindi niyo naubos?" Sarkisto kong sagot dito. Inirapan naman ako nang dalawa. Humalakhak ako.
Nakita ko rin ang malamig at seryosong pagbaling ni Enzo sa kaibigan ko. Ngayon lang ata na proseso ng dalawa na meron nga akong kasama ngayon kaya sila natigilan sa pagsasalita at magbulong-bulongan pa sa harapan ko.
"Ang guwapo!"
"Huwag mong sabihin siya iyong si Enzo!" Halos ma hysterical na sabi ni slyvannia.
Akala ba ng dalawang ito na hindi ko sila naririnig? Huy! Naririnig ko kayo!
"Licia, Pakikila mo naman kami."
a
Umirap ako. Hindi gusto itong malagkit nilang tingin sa kasama ko. Sa huli ay ginawa ko ang gusto ng dalawa. Palpak man ako noong isang araw na ipakilala sila, ngayon ito na siguro ang tamang araw.
"Enzo, ito nga pala ang mga kaibigan ko. Si Alessa at Slyvannia." Pakilala ko sakanya.
Pormal na ngumiti naman si Enzo sakanila at hindi ko ginusto kong paano sila naghaharutan sa harapan ko!
Bago pa tumayo si Enzo para kamayan ang dalawa ay mabilis na pinigilan ko ito.
"Huwag na! Okay na yan. Ngumiti ka nalang." Sabi ko at mapait na ngumiti sabay baba sa kamay niya.
Saglit kumunot ang noo niya sa ginawa ko pero kalaunan din ay tumango at umupo ulit sa silya niya. Buti naman. Umiling-iling ito at ngumuso. Napansin ko naman ang palihim niyang pag-ngiti at mukhang natutuwa pa sa sitwasyon na ito.
"Ano ba 'yan! Ayaw ipahawak!" Si Slyvannia sabay irap saakin. Umikot naman ang mata ko. Akin lang si Enzo, no! Kung maka asta itong dalawang 'to, mukhang hindi nila ako nakikita!
"Hindi mo naman sinabi Licia na ganito.." Bumaba ang tingin nila sa kung saan na ikinairita ko lalo. Nagsisi agad ako bakit pinakilala ko pa ang dalawa sakanya!
"Lagi kang kinukwento saamin ni Licia." Si Alessa. Nagulat ako doon at hindi na gusto saan ang tungo nang pag-uusapan nila.
Ngumiti si Enzo sakanila at may kahulugan ang ngiti na iyon.
"Talaga?"
"Oo! Marami siyang kwento tungkol sa-"
"Tumigil nga kayo!" Nahihiyang sabi ko.
"Totoo nga ang sabi niya. Guwapo ka at maganda ang katawan mo!" Walang preno na sabi ni Slyvannina.
Unti-unting naramdaman ko ang pamumula ng pinsgi.
"Hoy!" Mabilis na tumayo ako at tinakpan ang bibig ng dalawa. "Sige na! Magkita nalang tayo sa Monday!" Mabilis na tinulak ko ang dalawa pero nagpupumilit pa.
"Ano ba, Licia! Sama naman kam-"
"Huwag na! Sasama ako sainyo bukas mag gym kung iyan lang ang pakay niyo. Alis!" Agap ko na biglang kinatuwa ng dalawa. Tuwing weekend kasi nag gygym sila at gusto nilang isama ako. Pero ito nalang paraan ko para matulak itong dalawang 'to, kahit ayaw ko naman talagang mag gym. Sinira pa moment ko kay Enzo, eh!
"Sabi mo 'yan, ah?"
"Oo nga! Umalis na kayo! Epal kayo sa date ko, eh!"
Tumili ang dalawa sa huling sinabi ko. Nakahinga naman ako nang maluwag nang tuluyan ko na silang napaalis. Agad na bumalik ako sa ikina-upuan ko. Naabutan ko naman ang pagtawa ni Enzo na agad niya iyon tinikom nang makita ko. Matalim na tiningnan ko ito.
"Hindi iyon totoo, ah!"
"Wala akong sinabi ni Licia." Nahimigan ko ang tuwa sa boses niya.
Masarap at nabusog agad ako sa kinain ko sa gabing ito. Hindi ko alam kung ganoon din ba si Enzo. Nasa loob na kami nang kotse nang magsalita ito sa wakas.
"Mag gigym ka?"
Kunot noong bumaling ako sa naging tanong niya. Ngayon lang din naalala na sinabi ko nga pala iyon kina Alessa na sasama nga ako bukas. Hindi ko alam na ganito kalakas ang pandinig niya at narinig niya pala ang sinabi ko, O sadyang malakas lang ang pagkasabi ko nun.
"Oo, sasama ako mag gym. Kahapon pa nila ako pinipilit doon. Bakit?"
Ngumuso ito at mukhang nag-isip bago ako sinagot.
"Wala lang. Ihahatid na kita bukas."
"Bukas? Talaga?" Hindi ko maiwasang matuwa dahil sa sinabi niya.
"Maaga ako bukas kaya idadaan nalang kita kung saan kayo magkikita. Sino mga kasama mo?"
"Si Alessa at Slyvannia lang."
"Wala ng iba?"
Napalingon ako ulit sakanya.
"Wala na! Bakit may iba pa ba?" Tinaasan ko ito ng kilay. Tumikhim ito at umiling-iling sa naging tanong ko.
Kunwari ka pa! Ang sabihin mo, akala mo andoon din si Alvino, no? Hmp! Ano naman ngayon kung andoon nga bukas si Alvino? Magagalit siya ulit? Hindi ko alam bakit niya ito ginagawa o sadyang binabantayan niya lang talaga ako na parang bata at dapat sundin ko siya sa mga gusto niya dahil nga..matanda siya saakin! Kahit gusto ko naman siya, hindi dapat lagi siya ang nasusunod rito, no!
Pagkaparada ng kotse sa labas ng bahay ay napansin ko na agad si Mama sa labas at mukhang hinintay talaga ang pagdating ko. Sumimangot ay hinarap ko ang sarili sakanya.
"Andito na pala si Mama? Akala ko bumalik sila agad ng Butuan, ah?"
Ngayon, binigay niya na saakin ang buong atensyon. Tinaasan pa ako ng kilay.
"Ayaw mo ba?" Mapanuya niyang tanong at binalik ang sarili sa harapan.
Sumimangot ako lalo. Syempre mas gusto ko ikaw nalang kasama ko!
"Akala ko kasi ikaw parin makakasama ko.." Biglang may naalala ako. " Pero okay na rin na huwag na at makapagpahinga ka naman." Dugtong ko.
Nag-angat ito ng tingin saakin. At mukhang ginalit ko pa dahil sa simpleng sinabi ko. Igting ang panga na iniwas niya ang tingin saakin. May ginawa na naman ba ako at nagbago ang timpla ng itsura niya?
"Alam mong ayokong iniisip mo itong kalagayan ko, Licia. Kaya ko. Huwag mong isipin na sobrang hinang-hina ko na."
Nagulat ako sa sinabi at hindi inasahan iyon. Hindi naman ganoon ang iniisip ko sakanya! Nag-alala lang talaga ako at baka maulit iyong nangyari sakanya kahapon.
Paulit-ulit na umigting ang kanyang panga at sumulyap saakin ulit. Kapansin-pansin rin ang pagdidilim ng kanyang mga mata. Kinabahan agad ako doon. Agad nagsisi bakit sinabi ko pa iyon.
"Sorry..nag-alala lang naman ako, Enzo."
Bumuntong hininga ito at bumalik ang maamo niyang itsura.
"Kaya ko, Licia, at kakayanin ko ito. Please..ayokong masyadong nag-alala ka saakin. Hindi ko iyon gusto."
Ngayon ay nagkatingin na kami.
"Hindi mo iyon ma aalis saaki-"
"Gagaling ako. Mabubuhay ako para sainyo...saiyo.."
Para saakin?
Umawang ang labi ko sa narinig at hindi makapaniwala. Ngayon, sa nagdaang taon, ngayon ko lang narinig lahat ng ito mula sakanya. Akala ko wala lang sakanya ang lahat. Na hinayaan niya lang ang sakit na iyan. Pero hindi ko akalain nilalabanan niya ito. Sana nga..May heart donor nang makita para sakanya.
Hindi ko akalaing pinag-usapan namin ito ng normal lang. Kagat ang labi ay iniwas ko na ang tingin ko sakanya. Hindi ko kaya iyong mga titig niya. Oo, Gusto kong tinitigan niya ako ng ganito, pero ngayon..nangangatog ang tuhod ko sa kaba!
Sumulyap ako ulit sakanya at nakitang bumaba ang tingin niya sa labi ko. Napatingin din ako sa nakaawang niyang labi at mukhang sumisiklab ang nararamdaman ko. Hindi ko itatanggi na minsan din ay iniisip ko ang labi na iyan. At gustong-gusto kong malasahan iyon kahit saglit. Dahil sa kagustuhan para sa sarili ay mabilis na pinatakan ko ito ng halik. Nagpasalamat naman ako at madilim kaya hindi niya napapansin ang pamumula ng pisngi ko! Omygod!
Mahinang mura ang narinig ko galing sakanya.
Gusto kong ngumiti pero pinigilan ko iyon. Kinagat ko nalang ang labi ko para hindi niya mapansin itong pagpigil ko. At mukhang kulang na kulang pa saakin at gusto pang ulitin iyon. Uminit an pisngi ko sa kahihiyang iniisip.
Hindi parin ito kumibo kaya nilingon ko na ito. Nakaawang parin ang labi niya at paulit-ulit ang pag-iting ng panga. Pakiramdam ko sasabog na ang buong mukha ko sa kahihiyan. Bakit ko nga ba iyon ginawa? Hindi ko nga rin alam!
"Bakit mo iyon ginawa?"
Mukhang nabasa niya pa ang isipan ko at tinanong talaga iyon. Halos hindi ako makahanap ng isasagot at nauutal pa!
"B-bakit hindi mo ba..nagustuhan?"
Hindi ito kumibo at umayos ng upo. Isang dampi lang naman iyon at ayaw niya pang ibigay saakin.
Gusto kong magalit dahil mukhang hindi niya talaga ginusto ang ginawa ko. Basi sa itsura niya ay mukhang dismiyado pa ito. Hindi ko alam bakit pumait ang lalamunan ko sa iniisip. Alam ko naman na hindi mo ako gusto pero huwag mo naman ipakita saakin na nandidiri kapa!
"Sorry, sana hindi ko na pala iyon ginawa!" Pinigilan kong huwag maging iritado pero sa boses ko mukhang halata pa.
Bago ko pa mabuksan ang pinto ay mabilis at marahan na hinila niya ako sa siko. Napatalon ako doon sa gulat.
"Ano ba-"
Bago ko pa iyon matapos ay isang marahan na halik ang naramdaman ko sa labi. Akala ko hanggang doon lang pero nakita kong tinagilid niya lalo ang ulo para mahalikan ako ng maayos. Halos maramdaman ko ang pangagatog ng tuhod.
Napahawak ako sa kanyang damit habang napapikit dahil sa nakaliliyo niyang mga halik saakin. Inaangkin niya ang bawat sulok ng labi ko at isang ungol ang biglang narinig ko mula saakin.
Ako ba iyon? Mukhang hindi!
Tumigil ito at namumungay ang mga mata na dumilat ako. Kung hindi lang ako nakaupo baka kanina pa ako natumba rito. Hindi makapaniwalang gagawin niya ito. Na hinalikan ako ni Enzo. Nakaawang parin ang labi ay hiningal ako sa halik na iyon.
Dahan-dahan na umangat ang ulo ka at kagaya ko, mabilis din ang paghinga niya at namumula ang manipis na labi.
"Ganoon dapat ang humalik, Licia."
Umawang ang labi ko sa gulat at hindi makapaniwalang iyon agad ang maririnig ko pagkatapos sa halik niyang ikinabaliw ko. Hindi ako siguro sa halik ko sakanya. Bagohan pa ako at hindi ganoon ka experto..kaya paanong nasabi niya ito?
"Sinasabi mo bang hindi ako marunong humalik?" Ngayon nagbago ang timpla ko dahil sa sinabi nito. Siya ang unang humalik saakin kaya huwag siyang umasang ganoon na talaga ako kagaling! Bakit masarap ba humalik ang mga babae niya?!
"Idi doon ka sa babaeng magaling humalik iyong nilulunod ka!"
Tumawa ito. Bago pa ako makapagreact ay natigil na ako at napalingon sa boses na iyon.
"Licia?"
Nawala ang iritado ko at napalitan ng gulat nang makitang nasa labas pala si Mama at kinatok pa ang pinto malapit saakin. Agad nataranta ako.
"Huwag mong sabihin kay Mama na naghalikan tayo, ah!" Agap ko.
Sumimangot naman ako nang humalakhak ito dahil sa sinabi ko. Hindi naman nakakatuwa, ah? May nakakatuwa ba sa sinabi ko? Wala naman!
Hindi ko nalang iyon pinansin at mabilis na lumabas.
"Mama! Andito ka pala!" Sabi ko at hinalikan ito sa pisngi. Andoon parin ang kalabog ng puso ko at mukhang hindi na ata ako makakahinga! Ni hindi na nawala sa isipan ko ang mga halik niya saakin.
"Kanina ka pa diyan sa loob at mukhang walang balak na lumabas kaya nilapitan na kita rito."
Hindi pa nakasagot ay may sumunod pang tanong iyon.
"Pulang-pula ka, ah? Okay ka lang ba?"
Nagpapahalata ka Licia, eh!
"Oo naman, Mama, okay ako. Ah, may ginawa lang ako, Mama."
"Talaga lang, ha? Anong ginawa mo diyan?"
'Naghahalikan lang kami ni Enzo sa loob, Mama.' Uminit ang pisngi ko nang maalala iyon. Syempre, hindi ko sasabihin!
Agad nakahinga ako nang maluwag nang marinig ang pagbukas ng pinto at lumabas doon si Enzo mula sa kotse, kaya nalipat agad ang tingin niya doon.
"Tita, magandang gabi po."
"O, iho. Salamat pala sa paghatid sa Anak ko. Hindi ka na dapat nag-abala. Kamusta na pakiramdam mo?"
"Okay na po, Tita. Salamat po."
Hindi ko maitago ang ngiti ko sa gabing iyon tuwing iniisip ko ang labi niya. Ang mapula at marahan na halik niya saakin. Hinaplos ko ang labi ko at biglang may sumilay na ngiti sa labi.
Hindi ko rin maiwasang tanungin ang sarili kung para saan iyong mga halik niya. Gusto niya ba ako, o gusto niya lang patunayan saakin na ganoon dapat ang humalik? Pero hindi naman iyon normal na gawain. Hindi iyon normal para sa isang kaibigan lang, hindi ba? Isang dampi lang saakin tapos sakanya..halos angkinin na!
'Hinalikan ako ni Enzo'
Hinalikan ako ni Enzo'
Hinalikan ako ni Enzo'
Paulit-ulit iyon sa isipan ko.
Kumalabog ang puso ko at gumulong-gulong sa kama dahil sa tuwa at kilid. Bahala na. Basta hinalikan niya ako! Nagkahalikan kami! Hindi na importante 'yon saakin.
"Mababaliw na ako!"