Pagkabalik niya ay hindi na ako nagtanong pa. Hindi niya rin naman binalik iyong kamaliang ginawa ko kanina. Pero kapansin-pansin ang supladong itsura at pagpigil niya sa sarili. Pasimpleng sumulyap ako sa pantalon nito at napansin bumalik na sa dati. Mukhang kalmado at hindi na gaya kanina na mukhang ahas at gusto ng manuklaw. Hindi maalis sa isipan ko ang nangyari kanina. Napansin ko ang pabalik-balik na pagkuyom ng kanyang panga. Gusto ko nalang matawa sa iritasyon niya.
Hindi sapat ang distansya ay umusog pa ito lalo saakin. Halos kumandong na ako sakanya. Pinerma niya ang dalawa kong binti at seryoso ang mga mata na tumingin saakin.
"Mawawala ako rito ng tatlong araw."
Tumuwid ako ng upo at hinarap ito ng maayos.
"Huh? Tatlong araw? Bakit? Saan ka pupunta?"
"The Garcia just launched their new design at gusto ko makita iyon ng personal."
"Hindi ba pwede akong sumama sa'iyo?" Malungkot na tanong ko.
Bumalik sa kalmado ang kanyang itsura. Bumuntong hininga ito at umangat ang mga kamay para mahawakan ako sa pisngi. Marahan na hinaplos at halos pumikit na ako sa ginawa niya.
"You will missed your class. Ayokong mangyari iyon." Agap niya na ikidismaya ko.
"Babawi naman ako, eh."
"Licia, I want you to focus on your studies."
Ngumuso ako.
"Ibig sabihin..ldr na tayo kung ganoon?"
Bahagyang humalakhak ito sa tanong ko. Seryoso naman ako sa tanong ko. Ah!
"I will call and text you everyday and Please, no parties."
"I don't do party!" Agap ko.
"Really? The last time I saw you, you were drunk and having much fun in the club, hmm?" Halos nakiliti na ako sa ginawa niyang pagbulong malapit sa tenga ko.
"Huh? Hindi ako masaya noong kasama ko ang mga iyon! Tsaka-uhh..heart broken ako nun saiyo!" Giit ko.
"Hmm..Pag galit ka saakin, sumasama ka sa lalaking iyon?" Hindi ko maiwasang tumindig ang mga balahibo sa ginawa niya. Pakiramdam ko tuluyan na ako mahihimatay sa lapit ng mukha niya saakin!
"Huh? Kaibigan ko lang si Alvino! Tsaka, sinabi ko naman sa'yo, nagkataon lang na nagkita kami roon, no!"
Umirap ito saakin na ikinagulat ko. Hindi ko alam na napakaseloso niya pala!
Halos mag-iisang minuto ata bago ko binasag ang katahimikan na bumalot sa amin. Bakit ba kasi lagi niyang binabalik ang topic na iyon!
"Iyon lang ba ang gagawin mo sa cebu, o may iba pa?" Pagiiba ko ng usapan.
Hindi ito sumagot at nanatili ang mga mata niya sa harapan ng telebisyon. Mukhang may malalim na iniisip. Sa ganitong anggulo, kita ko kung gaano kahaba ang mga pilik mata niya. Ang manipis na labi na kasing pula ng mansanas. Bumuntong hininga ito bago ako nilingon.
"I have to see Dr. Levi Plein too to have me check."
Namilog ang mga mata ko sa sinabi nito.
"Sasama ako kung ganoon. Gusto ko malaman ang kalagayan mo."
Seryoso ang mga mata niya na tumitig saakin. Kumalabog naman ang puso ko.
"Please, Licia.. Alam kong nag-alala ka saakin, but I promise you..I will be fine."
"Pero Enzo, Gusto ko andoon ako. Gusto ko parati akong nasa tabi mo. Hindi mo naman ma aalis saakin ang mag-alala saiyo."
Pumikit ito ng mariin. Ngayon bumaba na ang mga kamay nito at pinagsiklop ang mga kamay namin. Napatingin ako roon. Ang isang kamay naman ay inangat ang baba ko.
"You are the reason why I became stronger. I never thought I would treasure this life because of you. Oo, alam kong nag-alala ka saakin at iyon ang hindi ko gustong makita mula sa'yo. Ayokong ako ang magiging dahilan kung bakit ka malulungkot. I'll get rid of this and find a heart donor as soon as I can, I promise you, okay?"
Natunaw ang puso ko sa mga sinabi niya. Sa simpleng salita niya lang ay gumagaan na ang puso ko. Walang pag-alinlangan ay bumagsak ang mga luha ko. Malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya at inangat ang kanyang mga kamay para punasan ang mga luha ko.
"Papakasalan kita pag naging maayos na ang lahat."
Umawang ang labi ko at mabilis na pinaalis ang nanlalabong mga mata para matitigan ito ng maayos. Hindi makapaniwalang lumabas iyon galing sa bibig niya.
Tama naman ang narinig ko, hindi ba? Papakasalan niya ako?
"Huh? Papakasalan? Ako? Bakit hindi ngayon? Maayos naman ang lahat, Enzo!"
Tumawa ito sa sinabi ko at hinaplos muli ang pisngi ko. Anong nakakatawa sa sinabi ko? Seryoso naman ako roon!
"How many times do I hear that 'huh', hmm?"
"Huh?" Nalilito na tanong ko at hindi maintindihan kung bakit siya natatawa ulit sa sinabi ko. "Enzo!"
"Fine, baby. I Just don't wanna be unfair to you. You still have your dreams. That would be selfish kung susundin ko ang mga gusto ko. Nag-aaral ka p-"
"You are my dreams, Enzo! Magaaral parin naman ako kahit kasal tayo!" Iritadong putol ko.
"You'll get pregnant if we get married." Seryosong sabi niya habang naka-igting ang kanyang panga.
Nanlaki ang mata ko dahil sa walang preno niyang mga bibig.
"Huwag mo akong buntisin kung ganoon." Agap ko.
"Baby, that's impossible." Humalakhak na ito ngayon.
"Gumamit ka nalang ng condom para hindi ako mabuntis. Or... I'll take some pills!"
Nanlaki ang kanyang mata at humigpit ang hawak niya sa binti ko.
"Kung gugustuhin ko, bubuntisin kita. Pero kung ayaw mo pa, kaya ko iyon. We'll make love without condoms, Licia." Iritadong sagot nito.
Uminit ang pisngi ko at hindi makapaniwalang pinag-usapan lang namin ito ng normal. Sobrang pula na ng pisngi ko at hindi ko alam kung napapansin niya ba. Wala pa naman nangyari saamin, pero ang marinig ng lahat ng ito ay kina-excite ko!
"Huh?"
Imbes na sagutin ako ay tumawa lang ito at pinatakan ako nang mabilis na halik sa labi.
Malungkot ang naging araw ko dahil sa pag-alis kahapon ni Enzo papuntang Cebu. Pagkarating niya roon ay tumawag agad ito saakin. Pero hindi parin sapat saakin na makita lang siya rito sa screen ng cellphone ko. Kung pwede lang ipasok itong mga kamay ko para mahawakan siya, baka ginawa ko na, kanina pa!
Tumihaya ito kaya nakita ko saglit ang kanyang dibdib. Halos umangat na ang ulo ko para silipin iyon kahit malabo naman na mangyari. Tumaas ang makapal niyang kilay saakin at napansin ang ginawa ko. Tumikhin ako at inaayos ang sarili.
"Namiss na kita." Malungkot na sabi ko.
"I miss you too.." Tumindig ata ang balahibo ko dahil sa panunukso niyang boses.
Nagkatitigan lang kami pareho sa screen. Hindi ko maiwasang mahiya at mailang kung paano niya ako titigan. Pakiramdam ko ako lang ang nakikita niyang babae sa buong mundo.
"How's your school?"
"It was fine and boring." Umikot pa ang mga mata ko. "Nacheck ka na ba? How was it?"
"I will meet Dr. Levi, tomorrow." Seryosong sabi niya at hindi parin inaalis ang mga mata niya saakin.
Halos umabot kami ng alas onse bago natapos ang tawag. At kanina pa tunog ng tunog ang kanyang laptop para sa isang online meeting roon sa ibang bansa. Sa kaonting taon, marami na siyang nagawa para sa De Martino at hanga ako roon. He handled it so well. Kaya hindi na ako magtataka kung ang daming humahanga sakanyang babae na kasing idad niya. Mayaman at may narating na, hindi kagaya ko. Kung iisipin, parang nanalo narin ako ng lotto. He has this everything. Swerte rin naman siya saakin kaya hindi na siya kawalan pa, no!
Hindi ko alam anong oras nang marating ko ang school. Ang alam ko lang, sobrang aga ko kaya may oras pa ako para isulat at e-check iyong script namin ni Alvino. Bago ako nagising ay nakatanggap rin ako ng simpleng text galing kay Enzo. Ni hindi ko pa nasabi sakanya ang tungkol rito sa plano na pupunta kami bukas ng Britania sa Surigao. Hindi ko pa iyon napuntahan pero sabi ni Mama maganda raw doon kaya iyon agad ang naisip ko. Basi rin sa nakikita kong litrato, maganda nga.
"Goodmorning:)"
Iyon lang ang natanggap ko pero napangiti niya na ako. Ang babaw ko talaga pagdating sakanya!
Nagtipon-tipon ulit iyong dalawang magkapares. Syempre, itong kasama ko, puro daldal na naman. Habang tumatagal, nakilala ko narin ng husto si Alvino. Mabait naman kahit mapang-asar minsan. Gwapo nga..pero hindi ko naman tipo. Minsan nga nagkayayaan na silang tatlo ni Alessa at Slyvannia sa Club. Ang guess what? Bumuo pa ng groupchat kasama ang lalaki na ito!Mukhang meron na ata akong pamalit, ah?
"Bukas na pala tayo pupunta roon. So..ibig sabihin niyan, masosolo na kita?"
"Huwag ka nga, Alvino. May boyfriend na ako, no!"
"Sus! Okay lang naman saakin kahit kabet ako." Nakangiti niyang sabi. Nagulat ako roon. Hindi na napigilan ay kinurot ko ito sa gilid.
"Aray!" Natawa pa ito. "Pikon mo talaga, Licia!"
"Ewan ko sa'yo! Hindi mo na nga ako tinutulungan rito." Umirap ako.
"Nakakatulong naman itong presensya ko, Licia." Inilapit nito ang mukha niya saakin at sinubukan akong patawanin gamit ang iba't-ibang ekspresyon. Hindi ko ito pinansin pero sa huli ay natawa na rin ako sa ginawa niya.
"Lumayo ka nga! Ang panget mo!" Natatawa na sabi ko.
Nagyaya ulit si Alessa at Slyvannia pumunta ng club, pero hindi ako pumayag. Mas gusto ko nalang umuwi agad para makausap ko si Enzo at ibuhos ang natitirang oras sakanya. Hindi ko alam kung kailan ang uwi niya rito sa manila, pero ang sabi niya baka magextend pa. Bukas rin ang alis namin papuntang surigao. Kung uuwi man siya bukas, hindi kami magkikita!
Pagkatapos kung magbihis ay gumapang at humega agad ako sa kama para matawagan ito. Pero bago ko pa iyon magawa ay mabilis na tumunog iyon. Lumawak ang mga ngiti ko sa nakita.
"Hi!" Bati ko agad rito.
Mukhang nakapatong pa ang cellphone niya sa kung saan habang nakatutok naman ito sakanya. Hindi na ako magugulat kong walang saplot ulit siya sa pang-itaas. Ewan ko ba..pakiramdam ko tinutukso niya ako sa lagay na ito. Bumaba ang tingin ko sa mabalahibo niyang dibdib. Hindi ko alam na maganda at attractive pala sa lalaki ang ganyan. Tapos..sobrang ganda pa ng katawan niya. Napalunok ako sa dami ng iniisip.
"Sorry, I just took a bath. Magdadamit lang ako-"
"Huwag na, okay na 'yan!" Putol ko. Hindi naman siguro kita ang pamumula ng pisngi ko.
Umawang ang kanyang labi sa sinabi ko at nakita roon ang nakatagong ngiti. Saglit na hindi muna ito gumalaw pero sa huli ay tumayo ito para suotin ang puting T-shirt. It looks good on him too, pero mas maganda ata kung wala. Hindi ko maiwasang mamangha kung paano gumalaw ang kanyang dalawang braso habang sinusuot ang kanyang puting damit. Ngumuso ako. Nababaliw na talaga ako sakanya!
Hold yourself, Licia!
"Hindi ka ba makakauwi bukas?" Hindi ko napigilan itanong iyon.
"Hindi pa ako sigurado. Pero susubukan kong makauwi bukas. I made a promise to you na tatlong araw lang ako rito."
"Okay lang naman saakin, Enzo. Wala rin ako rito bukas. Pupunta ako ng surigao kasama si Alvino." Direstahan na sabi ko.
Kumuyom ang kanyang panga sa huli kong sinabi at napansin agad ang iritasyon na bumalot sa buong mukha niya.
"Sorry! Hindi ko pala saiyo nasabi. It's for our final exam. Kailangan namin mag shoot doon sa Surigao, roon sa Britania. Alam mo ba iyon? At iyon nga..Partner kami." Nakangiti kong sabi habang suplado naman ang kanyang itsura sa screen.
Kilala ko na si Enzo. Kaya hindi ako magkakamali, galit nga siya. Ewan ko ba at bakit ayaw na ayaw niyang binabanggit ko ang pangalan ni Alvino. Kawawa naman ang isang iyon. Kung nagseselos siya sa isang 'yon. Naku! Hindi ko iyon tipo, no! Kaya paanong magseselos siya roon?Boyfriend na nga kita, Enzo. Gusto na kita noon pa at alam mo iyon. Kaya bakit ko sasayangin ang pagkakataong ito?
"How long would It takes you there?"
"Hindi pa kami sigurado kung matatapos namin ng isang araw, so.."
Ewan ko ba sa lalaking ito. Mas gumwapo ata lalo kung galit o 'di kaya'y.....nagseselos?
"You should told me about this, earlier, Licia. I can cancelled my flight in Cebu para masamahan kita." Umiwas ito ng tingin kaya lalong nakitaan ko nagkasalubong niyang mga kilay. Ngumuso ako. Hindi na napigilan ay umangat na ang gilid ng labi ko para sa ngiti.
"Kaya ko naman, eh..andoon namn si Alvino para bantayan ako." Sabi ko at sinubukan siyang asarin lalo.
"Really, huh?"
Kinagat ko ang labi para pigilan ang sariling matawa. Ewan ko ba at bakit natatawa ako ngayon.
"Huwag kang magselos. Mag sho-shoot lang kami, iyon lang."
Hindi ito kumibo at nanatili ang seryoso at iritado niyang titig saakin.
"I'll cancelled all my meetings."
"Huh?"
"Susunod ako. Sasamahan kita, Licia."