"Start!"
"Summer is months away but at this time of the year you must already prepare where to go to make it more memorable. Choose Britania Islands, breathtaking paradise in Surigao del Sur!" Nakangiting sabi ko habang nasa ere ang mga kamay ko.
Sa mahaba at makahoy na tulay ay bumaba pa ako sa hagdan para malapitan ang mga bangka. Tinuro ko iyon at nakangiting humarap sa camera. Dahil sa linaw ng dagat ay kitang-kita ko sa ilalim ang napakaraming hayop na hugis tala o tinatawag ding bituing dagat.
"And this one.. This is one of the boats that can be rented for island hopping. Ano ba yan, Alvino, galaw ka ng galaw!" Reklamo ko at mabilis na lumapit rito para matignan iyong nakuha niya saakin.
"Okay na 'yan. Halika na at papaandar na 'yong bangka, Licia."
"Ano ka ba, last one. Please?" Sabi ko at hindi parin kontento sa videong kinuha niya saakin. I want this perfect. Tapos ang isang ito, wala man lang pakialam kung panget ang kinalabasab ng kinuha niya.
Sa huli ay tumango ito. Ngumiti ako at mabilis na bumalik sa kinatatayuan ko kanina. Saglit lang ang pagkuha saakin ng video at nang makitang maayos naman iyon ay napagdesisyunan na namin na sumakay kaagad sa sumasayaw na bangka. Medjo nag-aalanganin pa akong ihakbang ang mga paa ko dahil sa takot na mahulog.
Hindi ko akalain ganito pala kaganda rito. Nga lang, walang hotel na ako lang pwedeng mag-isa sa kwarto at inn lng ang meron na mas malapit sa isla. And guess what, iyong dormitory lang ang meron at nakuha namin. Ano pa ba ang magagawa ko? Wala ng ibang mas malapit sa islang ito, kung hindi iyon. Tsaka.. Saan naman ako matutulog? Aarte pa ba ako rito.
Limang bedroom lang ang meron at double deck pa iyon. Hindi lang sampu ang pwedeng magkasya sa loob, kung hindi benteng tao ang makakatulog. Malaki at malawak sa loob, malayo sa iniisip ko.
Pinili ko ang sa baba at si Alvino naman ang sa itaas. Meron din kaming kasama roon. Matandang mag-asawa at iyong apo nilang babae. Buti naman at may makakasama kami. Ayoko pa naman makasama ang panget na ito na kami lang.
Suot ang life vest ay nagsimula ng umandar ang bangka. Malakas ang hangin kaya hinubad ko muna iyong suot kong Wide Brim Straw Hat na binili ko lang kanina sa souvenier store at baka mahagip pa ng hangin. Mura at magaganda ang makikita mo roon.
Pinili kong suotin ang floral print bikini with cover up beach skirt. Habang itong kasama ko naman ay suot lang ang kanyang kakhi shorts at mayabang na inilantad ang kanyang katawan.
Madaling araw nang marating namin ang islang Britania and I can't help but admire the shore facing the islets nearby. Kumuha pa ako ng maraming litrato at inupload iyon sa instagram ko. Ang iba naman ay sinend ko kay Enzo. Pero kanina pa iyon at wala parin akong natanggap na text mula sakanya. Iyong tawag lang kagabi ang huling interaskyon namin. Gusto ko tuloy magalit sakanya. Hindi naman siguro siya galit saakin, hindi ba?
"Susunod ako."
Hindi ko makakalimutang ang sinabi niya saakin kahapon. Totoo bang susunod siya rito? Alam niya ba ang isla na ito? At ang haba ng biyahe namin para makapunta rito kaya Impossible talaga!
Marami pa siyang meetings na kikitain at tatapusin roon sa Cebu. Lalo na iyong check-up na sinasabi niya kay Dr. Levi. Kung susunod nga siya, bakit niya naman gagawin iyon? O baka naman..hindi niya talaga gusto ang pagpunta ko rito? O saydang, sobrang seloso niya lang talaga at ayaw niyang dumidikit ako sa lalaking ito?
Hindi ko akalain may ganoon din pala siyang ugali.
SE-LO-SO. Napangiti ako.
"Ngumingiti ka mag-isa, Licia." Nagulat ako sa biglaang pagbulong ni Alvino saakin. Umayos ako ng upo at mabilis na tinikom ang bibig.
"Maganda kasi ang isla kaya ako nakangiti." Palusot ko.
"Ang sabihin mo ngiting-ngiti ka kasi nakikita mo itong katawan ko, no?"
Laglag ang panga sa kapal ng mukha ng lalaking ito.
"Ang lakas ng confidence mo sa sarili, Alvino!" Umirap ako pero humalakhak lang ito sa naging reaksyon ko.
Dahil sa init ay kumikinang na parang crystal ang bughaw na dagat sa malayo. Medjo lumakas pa ang alon dahil sa bilis ng pag-andar ng bangka kaya humahampas ang alon ng sinasakyan namin. Hindi na napigilan ay kumuha na ako ng video.
Nilipat ko rin ang camera kay Alvino. Napatingin siya rito. Maya-maya lang ay kumaway at masayang hinarap ang sarili sa camera. Bahagyang natawa ako. Meron rin akong hagikhik na narinig sa likuran ko.
"Babalikan ko ito. Maganda rito, Licia." Nakangiting sabi nito sa harap ng camera. Tumama sakanya ang sinag ng araw kaya nag-iba ang kulay ng kanyang mga mata.
Kung sana andito rin si Enzo kasama ko. Pero hindi niya nga kasi ako nirereplayan o kahit nagpaalam man lang kung nasaan na siya ngayon o kung totoo nga na susunod siya rito!Ni hindi niya nga alam ang islang ito, I'm sure of that! Bahala siya kung ayaw niya akong kausapin!
It is quite a long way to reach the island. Sa unang isla ay unang bumaba kami. The Hagonoy Island. Mangha-mangha ako at halos hindi na maalis ang mga mata ko roon. Medjo masakit pa sa paa ang bato-bato sa ilalim ng dagat pagkaapak ko. Sana manatiling ganito kaganda at malinis ang isla na ito. Ang buhangin na mahirap ignorahin dahil sa pinong butil ng bato at durog na durog iyon. Tumingala ako at kinuhanan agad ang litrato ng puno ng niyog. This island looks plain but still hold their natural old beauties.
"Ang ganda rito.. kunan mo ako ng litrato, Alvino!" Sabi ko.
"Hindi ka ba napapagod diyan, Licia? Mamaya na 'yan. Halika na rito. Marami pa naman akong nakikitang magaganda-"
"Ano ka ba! Iba ang pinunta natin rito, hindi iyang pambabae mo!"
"Selosa mo talaga.." panunukso niya ulit saakin. Hindi talaga ako titigilan ng lalaking ito.
Umirap ako. Sa huli ay lumapit ito sa tabi ko. Mabilis na kumuha ako ng litrato kasama siya. Kinuhanan niya rin ako ng litrato sa dagat, sa puno ng niyog at sa buhangin habang nakaalis na ang beach skirt ko. Kaya ngayon, kitang-kita na ang suot kong bikini. Maraming mga mata ang napapansin kong nakatingin sa banda ko pero hindi ko nalang iyon inantala. Hindi ko naman kasi ikinahiya itong katawan ko. Nakita ko pa ang pagdapo ng mata ni Alvino. Kunot noo at mukhang iritado.
"What the fuck, Licia? Just wear your damn skirt!"
Nagulat ako roon.
"Pakialam mo? Katawan ko ito, Alvino!"
Umiling-iling ito at iniwan ako bigla sa ere. Problema ng isang 'yon?
Nagsimula na rin kaming kumuha ng video. May iilang tourista rin ang kinuhanan namin ng komento sa isla na ito.
"What can you say about this island po?" Tanong ko rito.
"Lagi kami rito. Gusto namin ang isla na ito. Maganda, malinis at maraming bituing dagat sa ilalim at mga isda." Komento ng matanda.
"Is a place that totally left me us owe and would highly recommend to everyone who loves to discover new places." Komento rin ng isang mestisong lalaki na hindi na naalis ang mga mata niya sa katawan at mukha ko. Tumikhim ako at pinili ng umalis pagkatapos.
Mahabang oras ang naubos namin sa una at dalawang isla. Kompara roon sa dalawa. Ngayon sa huling isla. The Boslon Island. The third bigger island with a huge rock. It has a grotto and a cave. Nagulat ako nang mahagip ng mga mata ko ang mga iilang nagbebenta rin rito. Sea foods, souveniers and snacks. Buti nalang talaga at dala ko ang wallet ko.
Humarap ako sa dagat at napansin ang iba't-ibang aktibidad sa harap. It has many activities like banana boat ride, jet-ski, flying fish, kayak at kung ano-anu pa! Hindi na tuloy ako makapaghintay.
Mabilis na inangat ko ang mga kamay ko para kumuha ng litrato sa harap. I turned it into front cam at kumuha rin para sa sarili nang biglang dumikit si Alvino saakin at nagwacky. Walang magawa ay nagselfie na rin ulit kaming dalawa. Natawa pa ako sa eskpresyon niya. Dahil marami na kaming nakuha ay tumigil agad kami para magsimula na sa gagawing plano. Nasa tapat ng grotto ay nagsimula akong magsalita.
"Boslon Island is the largest in the group and is usually the most packed with visitors. The island boasts of beautiful limestone formations like that in El Nido. It also has a cross and a statue of the Virgin Mary at the side." Komento ko sa harap ng camera. Buti nalang talaga at memoryado ko na itong script na nakuha ko sa internet.
"At hindi lang tatlong isla ito, may pang apat pa, hindi ba, Alvino?" Sabi ko. Nagpaused ang video at inilipat niya iyon sa front cam para siya naman ang magsasalita.
Maganda ang pananalita ni Alvino. Mababa at may magandang accent pa iyon. Hindi halata sa itsura niya.
"The fourth one is the Hiyor-Hiyoran Island, just like the other smaller islets in Britania, is mushroom-shaped but has a sliver of sand on one side lined with coconut trees. The island is also full of starfish and sea urchins. So baby girls, be careful."
Nagulat ako sa huling sinabi nito.
"Alvino!"
"What?" Natawa lang ito.
Sa mabatong dagat ay tinapak ko iyon at kinuhanan ng video ang nalulunod na paa bago ang umaalong bughaw na dagat sa harap. There was no way I was going to pass up on the opportunity to swim on Britania Islands.
Umahon rin ako sa dagat kalaunan at bumalik na sa pinong buhangin. Nagsimulang naglakad-lakad ako sa maraming tao sa harap habang nakasunod naman saakin si Alvino na hawak-hawak at nakatutok ang camera saakin.
"The islands were beautiful and the sand bar was just unforgettable. Fine sand, clear and crystal waters. At ang mas maganda rito, local people are trained to inform visitors about no eating in the island and no littering. At mas gusto ko iyon. I swear guys, sobrang ganda rito." Sabi ko habang nakangiting nagsasalita sa harap ng camera.
Dahil sa kagustuhan subukan lahat ng activities rito ay lumapit kami sa dalawang nagbabantay na lalaki para sa rentahan ng Jetski. Nahiya pa ito nang magsalita ako at nagkamot sa batok. Hindi ako marunong kaya aangkas lang ako sa likuran ni Alvino.
"Dahan-dahan lang, Alvino, at kukuha ako ng video natin. We should film this perfect para maganda ang kalabasan ng finals natin."
"Yes, Madam!" Sabi nito at nagulat nang walang paalam na pinaadar ang jetzki. Natakot pa ako roon kaya mabilis akong napakapit sa baywang niya. Mabilis na hinampas ko ito sa tiyan.
"Magdahan-dahan ka naman, Alvino!" Reklamo ko. Tumawa lang ito pero sinunod rin naman ang utos ko. Nagsimula narin akong kumuha ng litrato at video.
"Ahh!" Tili ko sa sobrang takot ng biglang umangat ng kaonti ang sinasakyang jetzki dahil sa bilis ng kanyang pagpapatakbo.
Hindi lang jet-ski ang sinubukan namin. Sinubukan rin namin ang Disco Ball Ride at ang banana boat. Ilang beses ata kami nahulog dahil sa sinasakyang banana boat. Kung sana andito si Alessa at Slyvannia.
Dahil basang-basa na ako, pinili kong maligo na ng dagat. After all, no island hopping adventure is complete without a little swimming escapade. Patuloy naman ang pag jejet-ski ni Alvino at mukhang na aaliw na ata roon. Nang biglang huminto ito sa tapat ko.
"Halika, Licia at turuan kita nito."
"You're making a move, Alvino, no? Pero, sige at gusto kong masubukan!"
Isang braso ay naangat niya ako at mabilis naisampa sa jet-ski. Ako na mismo ang nagmamaneho roon habang nasa likuran ko naman si Alvino. Hawak niya ang mga kamay ko at sinubukang turuan ako.
"Go, andar mo."
"Omygod!"
"Right! That's good, Licia."
Mukhang nakalimutan na ata namin kung ano ang pinunta namin rito. Umihip ang hangin at tumama ang mga buhok ko sa mukha ni Alvino. Sinikop ko iyon pero bumalik lang sa dati. Natawa naman kami pareho.
Naglaho lang ang mga tawa ko nang mahagip ng mga mata ko ang pamilyar na lalaki sa tabi ng grotto. Nakapamulsa at kung may ano sa buong itsura niya. His wearing his dark-colored suit and tie. Paired with a professional, closed-toed shoe oxford. No trace of humor on his face at galit lang ang nakikita ko. Hindi lang galit, kung hindi matinding galit na kailanman ay hindi ko pa nakikita noon.
Kumalabog naman ang napakalakas ang puso ko. Kahit sa malayo, kapansin-pansin ang pagkuyom ng kanyang panga at madilim na tumitig saakin at sa lalaking nasa likuran ko na mukhang walang ka alam-alam.
Hindi ko akalain totohanin niya nga ang sinabi niya! Paano niya nalaman ito? Paano niya ako nahanap? Bakit hindi man lang siya tumawag og nagtext saakin?
"Ito, hawakan mo ito, Licia, dali!" Si Alvino at pinatong ang mga kamay niya saakin para paandarin ang jet-ski. Hindi naman ako nakinig sa sinabi nito at mukhang napansin na yata na wala sakanya ang buong atensyon ko. Kung hindi sa matipuno at supladong lalaki sa malayo.
"Sino ba ang tinitingnan mo riyan, Licia?" Si Alvino at mabilis na sinundan ang mga tingin ko.
Halos hinahabol ko ang hininga ko dahil sa bilis ng tibok ng puso ko.
"Si Enzo.."