Chereads / Heart Whisphers / Chapter 25 - Chapter 24

Chapter 25 - Chapter 24

Nanatili akong tahimik sa countertop habang sinisimsim ko ang kape. Minsan napapasulyap rin ako kay Enzo at Tita Jory na seryosong nag-uusap kung saan makikita ang matayog na building sa labas. Kabado parin ako at halos makakaposan na nang hininga dahil sa kaba ko.

Kahit kailan ay hindi nagalit saakin si Tita jory, ngayon lang.

"Kasalanan ko 'to..sana hindi ko hinayaan na mangyari ito." Sinapo ko ang noo ko. Pero hindi ako nagsisi iyong nangyari saamin kagabi. Ginusto ko iyon. Basi sa itsura ni Tita kanina, paniguradong nahahalata niya na may nangyari nga saamin. Nakakahiya!!

Nakasuot na ito ng gray short at puraw na T-shirt. Nakapamulsa at seryosong-seryoso ang buong itsura. Paminsan-minsan ay napapasulyap rin siya sa direksyon ko.

Gusto kong malaman kung ano ang pinag-usapan nila. Galit kaya si Tita saakin at gusto na kaming paghiwalayin? O 'dikayay...ewan!

Mabilis na tumuwid naman ako ng upo nang makitang tapos na sila mag-usap at papalapit na rito sa direksyon ko. Hindi ko maiwasang mangamba at matakot kung anong sasabihin saakin ni Tita. Nakita ko ang pag-alala sa itsura ni Enzo at mukhang napansin yata ang balisa ko sa sarili. Halos lumiyad na ako nang gumapang kaagad ang kamay niya sa baywang ko. Bahagyang yumuko ito at bumulong malapit sa tenga ko.

"You okay?"

"U-uhh..oo!" Agap ko at napansin ang  tumatayong balahibo saakin. Ano ba itong ginagawa mo saakin, Enzo!

Mabilis na tumayo ako at hinarap agad si Tita Jory. Hindi kayang matitigan ito dahil sa kahihiyan ko. Ngayon lang ata ako nahiya nang ganito sa harap niya. Lagi kasing makapal ang pagmumukha ko sa harapan nila ni Tito Benz.

"Licia, alam kong mahal mo ang anak ko, pero itong nakikita ko ngayon ay hindi ko nagu-"

"Mama!" Putol ni Enzo kaagad sakanya. Bahagyang siniko ko naman ito at pilit na kinombinse gamit ang mga mata ko na huwag na siyang sumali kung ano man ang sasabihin ni Tita saakin.

"Tita..sorry po talaga. Hindi ko po naisip na maaaring mag-alala kayo. Kasalanan ko po ito lahat."

"Baby, it's not your fault. Ako ang nagkombinse sa'yo rito." Iritadong sabi nito.

Biglang namula ako sa unang sinabi nito. Bakit mukhang wala lang sakanya ito habang ako mahihimatay na sa takot at kaba ko? Nakakahiya tuloy!

"Pasensya na po, Tita..I promise, hindi na mauulit ito. Sorry po talaga, Tita.." Sabi ko habang nakayuko at hindi pinansin ang sinabi ni Enzo.

Tumango-tango ito.

"Nag-usap na kami ng anak ko. Gusto kong bumalik siya roon kay Dr. Levi habang hinahanapan pa namin ng heart donor. Sana matulungan mo rin kami rito, iha."

"Please, ma..huwag na si Licia." Pumikit ito nang mariin at mukhang hindi nagustuhan ang narinig mula kay Tita Jory.

Umirap ako sakanya at binalik ang mga tingin kay Tita.

"Ginagawa ko rin po ang lahat. Kahit si Alessa, slyvannia at Alvino ay tinulungan rin ako rito." Nakangiting sabi ko.

"Alvino?" Nahimigan ko ang iritasyon sa boses ni Enzo. Matalim na tinitigan ko ito pero inirapan lang ako.

"Thank you, Licia. Malaking bagay ito para saamin." Si Tita at mabilis na niyakap ako. Mabait naman talaga si Tita at maintindihan ko iyong reaksyon na binigay niya saakin kanina.

Hindi na ako magtataka na sumunod rin si Mama rito at syempre, ang mala machine gun na bibig agad ang inabot ko.

"Mama, nakakahiya.." mariin na bulong ko rito. At kahit malayo-layo kami ay sigurado akong naririnig parin nila ang boses ni Mama. Sa lakas ba naman ng boses nito?

"Ikaw talagang bata ka! Ni hindi ka man lang nagpaalam! Nag-alala ako sa'yo kagabi! Kung hindi lang nagtext saakin si Enzo, baka pinagmalayan mo na ako!"

"Mama-"

"Naku! Nakakahiya pa kay Jory at naabutan ka na ganyan ang ayos mo? Ano?! Buntis ka na?"

"Hindi, Mama!"

"Licia, bata ka pa. Sinasabi ko sa'yo."

"Alam ko po iyon, Mama." Umirap ako.

"Huwag mo'ko irapan! Nakakahiya ka talaga!"

Kung hindi lang tumunog ang cellphone niya baka hindi na siya matapos-tapos rito. Kung sino ka man, you save my life!!!

Habang okyupado si Mama sa kausap niya ay nilingon ko ang direksyon nila. Kagaya ni Mama ay mukhang may kausap din si Tita jory sa kabilang linya. Lumipat ang tingin ko sakanya at napansin ang pag-irap nito saakin. Umawang naman ang labi ko at nagulat bakit niya nagawa iyon. Anong ginawa ko? Wow!

Hindi ko alam kung maganda ba ang naging umaga ko ngayon. Sobrang pagod pa ng katawan ko dahil sa nangyari kagabi. Biglang namula ang pisngi ko habang iniisip iyon. Tumikhim ako at umupo nang maayos. Napasulyap naman si Enzo saakin at tinaasan pa ako ng kilay.

Nasa hapag na kaming apat at napagdesisyunan narin na rito na kumain nang pang umagahan. Dito narin nila pinag-usapan ni Mama at Tito Jory ang tungkol sa bagong disenyo sa Alucia Resort sa Butuan. Tahimik na sinusulyapan ko naman ang supladong lalaki na nasa tapat ko. Minsan ay na aabutan ko siyang nakatitig saakin pero agad din naman umiwas pag nahuli ko ito. Hmp!

Alam ko na kung anong kinaputok ng butsi niya ngayon! Siguro tungkol iyon sa pagtulong ni Alvino saakin.

"Jory, alam kong matagal na tayong kaibigan, pero hindi ako papayag na hindi magpapakasal ang dalawang ito. Pero hindi ko naman sinabing, papakasalan mo agad itong anak ko. Kailangan niya pang matapos sa pag-aaral. Makakapaghintay ka ba, iho?"

Halos nabulunan na ako dahil sa narinig ko. Mabilis na kinuha ko ang tubig at nilagok iyon.

"Mama!"

Narinig ko naman ang halakhak ni Tita jory. Sumulyap ako kay Enzo at nakita ang pag-angat ng kanyang labi. Mabilis na itinago ko ang singsing sa daliri at napa-upo nang maayos. Ni hindi ko pa pala nasabi ang tungkol rito! Buti nalang talaga at hindi naman nila napansin ang mamahaling sinsing na nasa kamay ko.

"Baka buntis ka na, iha?" Si Tita Jory na mas lalong kinabulunan ko sa tubig.

"Tita, hindi po!" Agap ko.

"I will marry you daughter, Tita. I'm willing to wait for her. Pero gusto ko munang unahin muna ang pag-aaral niya."

Ngumuso ako sa narinig ko at biglang nahiya.

"Napag-usapan narin namin ito."

Pumikit ako ng mariin.

"Ano?!" Si Mama na mabilis na napasulyap saakin at mukhang may pagbabanta pa sa mga tingin niya.

"Iha, may I see?" Si Tita jory na biglang inilahad ang kamay niya sa tapat ko. Hindi ko alam anong gusto niyang makita.

"Po..Tita?"

Napansin ko rin ang pagtataka sa itsura ni Mama. Hindi ko alam bakit mangyayari ang ganitong umaga saakin. So much stress!

"The ring, Iha." Nakangiti niyang sabi habang mahihimatay na ako sa sobrang kaba. Hindi ko alam bakit kinakabahan ako. Halo-halo na yata ang emosyon na nararamdaman ko ngayon.

Alam na na ni Tita Jory ito? Ibig sabihin...nasabi na ni Enzo ang tungkol sa singsing na ito?! Iyon ba ang pinag-usapan nila kanina?! Namumula ang mga pisngi ay unti-unting inangat ko ang mga kamay ko sakanya.

"Omygod, Licia!" Si Mama at mabilis na napatayo.

Kaya pala kanina pa titig ng titig sa mga kamay ko si Tita Jory!!

"Sorry po Tita Jory hindi ko nasabi agad."

"Saakin, Licia? You don't want to say sorry? Kailan mo pa balak sabihin ito saakin? Licia!" Napansin ko sa itsura niya ang iritasyon. Ewan ko kung matatawa ako o matatakot sakanya ngayon.

"Mama, calm down..binigay niya saakin 'yan bago siya isinugod sa hospital. Nawala na sa isipan ko na sabihin po ang tungkol diyan." Paliwanag ko.

Hindi ito umimik at mabilis na umikot para tumabi kay Tita at para makita narin nang mas malapitan ang singsing ko. Hindi ko mapigilan ang matawa sa reaksyon ng dalawa. Sumulyap ako sa iritadong katapat ko at kinindatan lang ito. Bahagyang umawang naman ang kanyang labi sa ginawa ko. Nginitian ko rin ito at natawa nang bahagya nang makita ang kasupladohan niya saakin. Hindi parin ba siya tapos sa galit niya saakin?

SELOSO.

Naging mabilis ang oras ko sa araw na ito. Natupad rin ang hiling ni Tita Jory na bumalik si Enzo sa hospital. Akala ko nga hindi parin siya iimik saakin, pero kinausap niya parin ako.

"I'll call you if I get there."

"Okay..bibisita ako, mamaya."

Syempre, kahit nasa kotse hindi na tumigil si Mama sa kakasalita hanggang sa narating namin ang mansyon. Excited rin na ibinalita niya ito kay Papa. Akala ko ba, maaga pa ako para rito? Bakit mukhang atat na atat ata siya na maikasal ako ngayon, ah?

"Naku! Ikakasal na ang unica-ija natin!"

"Sabi ko naman sa'yo, Lucia. Magkaka-apo tayo nang maaga nito."

"Dapat bibili tayo ng magandang gown. Or doon tayo bibili sa New york!" Si Mama. Mukhang sila ata dalawa ang ikakasal?

Umirap ako.

Ni hindi na natapos ang dalawa. Kitang-kita sa itsura ang kasiyahan nila.

Sa oras na ito, dumiritso agad ako sa kuwarto dahil sobrang kulang na kulang pa ako sa tulog. Madaling araw nang magising ako at ang dami pang nangyari sa araw na ito. Hindi pa natapos ang buong araw pero ang dami ng nangyari sa umaga ko. Syempre, Naligo muna ako bago ako gumapang sa kama ko. I can still remember the 'Made Love' we had, last night. Hindi ko alam, magiging ganoon ako ka sabik sakanya sa gabing iyon. Siya rin kaya saakin?

Natanggap ko rin ang text ni Enzo kanina.

"I'm home. When can you visit me?"

Napangiti ako sa nabasa ko. Kabago-bago lang natin nagkita, namiss mo naman agad ako.

"It's a secret. You miss me already, huh?"

Almost afternoon nang magising ako. Bumaba ako at nadatnan roon si Manang Judy at Ate Rosaline.

"Goodmorning po.."

"Magandang umaga, Iha. Buti naman at gising kana. May lakad at meeting ang Mama at Papa mo. Hindi ka na nila ginising dahil sa ganda ng tulog mo." Sabi nito nang makababa na ako.

"May inihanda na kami ni Mama sa'yo." Nakangiting sabi ni Ate Rosaline saakin.

"Salamat po! Sorry, late na nang magising ako."

Bacon at Tocino ang nakalatag sa mesa. Madali lang akong natapos at kailangan ko pang bisitahin si Enzo. Napag-isipan ko rin na roon na siguro matulog kahit isang gabi lang. Wala naman kaming gagawin, matutulog lang!

Naligo at sinuot ko ang Knitted black top at highwaist Pants. Hinayaan ko rin bumagsak ang maalon kong buhok. Blush-on at lipstick lang ang ginawa ko sa buong mukha. Buti nalang at sabado ngayon kaya walang pasok. Kaya kay Enzo ngayon ang dalawang araw ko.

Tumunog ang cellphone ko at agad na kinuha ko iyon sa loob ng bag. It's Alessa. Mabilis na sinagot ko ito.

"I have good news!!" Masayang sabi nito sa kabilang linya. Napatalon naman ako roon at hindi mapaliwanag nang marinig ko ang masayang boses niya.

"What? Omygod! Meron ka bang nahanap?"

"No, it's not me. Pero sabi ni daddy pumunta ka rito at may alam daw siya. So makakapunta ka ba?"

"Of course! Great timing, nakapag-ayos na ako sa sarili ko. Pupunta ako diyan, Ngayon na."

"Great! I'll wait for you."

"Thank you, Alessa. Malaking bagay ito para saakin."

"Ano kaba! Basta ikaw. Ano pa bang kwenta ng pagkakaibigan natin kung hindi kita tutulungan?"

Napangiti ako sa sinabi nito. Binaba ko narin ang tawag at nakapagpaalam na kay Ate Rosaline at Manang Judy.

"Aalis na muna po ako at pupunta ako sa kaibigan ko."

"Sige, iha. Mag-ingat ka ha?" Agap ni Manang Judy na may pag-alala sa buong mukha niya.

Ngumiti lang ako rito at nagpaalam narin. Mabuti nalang at nakaparada ang isa pang kotse ni Mama kaya iyon nalang ang ginamit ko. Tinawagan ko na rin si Mama at makapagpaalam nang maayos.

"Mama, pupunta po ako sa bahay ni Alessa."

"Anong gagawin mo roon?"

"Guess what? Matutulungan niya ako para sa Heart donor ni Enzo, Mama." Masayang balita ko rito.

Narinig ko ang buntong hininga nito.

"Licia, huwag mo masyadong inabala ang sarili mo rito. Kami na bahala rit-"

"Ayokong tumunganga lang at maghihintay ng himala, Mama. Huwag po kayong mag-alala saakin, kaya ko ito, okay? Tsaka, hindi ko naman pinabayaan ang pag-aaral ko. Gusto ko lang makatulong at gawin ito para kay Enzo. Alam niyo naman po iyon."

"I know, anak.."

"I'm driving now. I love you, Mama. Have to turn off this call."

"I love you, Licia. Mag-ingat ka at balitaan mo ako agad."

"Opo, I love you!"

Pagkatapos ng tawag ay iniliko ko agad ang manibela para sa ibang direksyon. Saglit na sumilip ako sa rear-view mirror at napansin and Raptor na sasakyan na nakasunod saakin. Isang liko ulit ang ginawa ko at nakitang mas naging mabilis ang takbo ng pulang Raptor at laking gulat ko nang bigla niyang isinangga iyon sa sasakyan ko. Mabilis na hinigpit ko ang hawak at sinubukang ibalanse ang kotse.

"Tangina!"

Naa maibalik sa ayos ang pagmamaneho ay nilingon ko ito at nakita ang karamihang mga lalaki sa loob ng Raptors. They were like six men. What the hell are they doing?! Gago ba 'to at walang magawa?! I'm gonna fucking sue them!

Ramdam ko rin ang bilis ng tibok ng puso ko. Sa haba ng daan ay mas binilisan ko pa ang takbo ng kotse pero mas dumoble yata ang kaba at panginginig ko sa buong katawan nang makitang ipinutok nila ang baril sa pinto nang walang pagdadalawang isip.

"What the fuck!" Hindi ko na napigilan ang tumili sa takot nang binaril nila ulit iyon sa likod ng kotse. Laking pasalamat ko at bullet proof ito kaya sigurado akong hindi ako matatamaan.

Pagkakaalam ko wala akong ginawang masama sa kanila. Are they stupid or on drugs?! Damn it!!

Hindi ko alam saang lugar ako napadpad basta ang alam ko nasa tahimik na daanan kami at walang kahit anong tao o ibang kotse man lang ang dumadaan. Napatalon ako sa gulat nang biglang tumunog ang cellphone ko at walang pag-alinlangan na sinagot iyon. Hindi ko narin mapigilan ang mapaiyak dahil sa takot.

"Where are you- Licia? Licia?! Anong nangyari diyan?"

"Enzo! Enzo! Tulungan mo-fuck!" Mura ko nang marinig ko ulit ang putok na baril mismo sa pinto kung saan ako naka-upo.

"What the fuck is happening, Licia? Where the hell are you?! Ano 'yon? Nasaan ka? Licia!"

It was a dead end road kaya mabilis na hininto ko ang kotse sa gilid. Humigpit lalo ang nanginginig kong mga kamay sa manibela. Lumingon ako at nakita ang pagbaba nila mula sa likod na may dalang mahahabang baril at maraming tattoo na nakatatak sa buong mukha at braso nila. Isa lang ang nakuha mismo ng atensyon ko. Ang lalaking nakasuot ng suit at itim na slack. Mukhang siya lang ata ang may maayos na damit. Hindi siya pamilyar saakin, pero pakiramdam ko ay..nakita ko na siya sa kung saan. Ugh!

"Licia, Speak up! I'm fucking worried. Where are you? Pupuntahan kita."

Taas-baba ang paghinga ko dahil sa takot ko ngayon. Ni halos kinapos na ako ng hininga. Napansin ko rin ang butil-butil na pawis ko sa noo kahit malamig naman sa loob.

"Enzo, hinahabol ako ng mga armadong lalaki, ngayon. Ni hindi ko sila makilala! Sinubukan din nilang ambushin itong sinasakyan ko. This is a bullet proof kaya ligtas ako-"

"Fuck!" Narinig ko ang malutong mura nito. "Licia, stay there. Diyan ka lang. No matter what happen, huwag na huwag kang lalabas diyan. I'm gonna track your phone at pupuntahan kita-"

"Enzo, Delikado! Marami sila rito at hindi ko alam anong gagawin nila sa'yo. Please...Natatakot ako, Enzo..." maluha-luhang sabi ko rito at halos ibinulong na ang mga salita kahit alam ko naman na hindi talaga nila ako maririnig rito.

"I don't fucking care, Licia! I don't really fucking care now! Just...stay inside your car at hintayin mo ako. Don't worry about me, I'll bring Rilo and my other bodyguards with me. Wait for me, okay?"

"I'll wait for you, Enzo.." sa nanginginig na boses kong sabi.