Napatalon ako sa gulat nang marinig ang malakas na hampas at kalabog sa pinto ng kotse.
"Lumabas ka riyan!" Sigaw ng lalaking nakasuot ng suit. Ngayon ko lang din napansin ang nakatali niyang mahabang buhok. He had eyebrows slit at the right side. Mukhang mayaman at sigurado akong nakita ko nga siya noon sa Upper Class Social Event! Sigurado ako!
Sa takot ko ay sumiksik ako lalo sa gilid at nanginginig at umiiyak sa takot. Sabay nun ang malakas na kulog sa langit at ang pagdugtom ng kalangitan.
"I didn't do something! Sino ka ba? Sino ba kayo?!"
"Pag hindi ka lumabas riyan, sasabugin ko ng bomba ang kotse mo!"
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nito. Hindi ko sila kilala, ni hindi ko maalala na may atraso ako sakanya o sa mga kasamahan niya. Bullshit!
"Sanya, lumabas ka!"
W-what?! Sanya? Did he called me sanya? Baka...shit! Pagkakaalam ko hindi ako si Sanya kung hindi si Licia Rain!
"Hindi ako si Sanya, I'm Licia Rain Ordoveza!" Sigaw ko rito.
"Huwag ka ng magpanggap pa, Sanya! Kilala kita!"
"I'm not fucking Sanya! Kung gusto niyo ng pera, babayaran ko kayo!" Pakiramdam ko ay mawawalan ako ng boses dahil sa lakas ng sigaw ko pabalik sakanya. Namumuo na nang pawis ang buong katawan ko. Ni hindi ko na maramdaman ang buong sarili at pakiramdam ko ay mawawalan na ako ng malay rito.
"Pera? Nagbibiro ka ba?" Mainsultong tumawa ito saakin. "I don't need your money!"
Hindi naman ako nanaginip, hindi ba? Totoong nangyari ito lahat ngayon. Pumikit ako ng mariin at ipinatong ang noo sa tuhod para takpan ang sarili. I don't want to see his face. Hinding-hindi ko makakalimutan ang pagmumukha ng lalaking ito. Sinisigurado kong makukulong silang lahat. Hindi ko na alam anong gagawin ko. Ni hindi sila naniniwalang hindi nga ako si Sanya.
There must be a possibility of mistaken identity. I don't even know who the fuck is Sanya! Maybe they will realize soon na hindi nga ako si Sanya at ako si Licia Ordoveza. Maybe.. they will apologize and withdraw their plans. Napatingin ako sa lalaki at mukhang nawawalan na ng pasensya at halos hindi na maimtim ang kanyang galit saakin. Mukhang hindi ko na nga siya kayang makombinse sa lagay na ito. Damn it!
"Sabing lumabas kana ri-putangina!" Biglang napatalon naman ako sa gulat. Nakita ko rin kung paano ito umatras at tumakbo paalis.
Napatili ulit ako nang marinig ang sunod-sunod na putokan na baril sa labas. Mabilis na yumuko ako at tinakpan ang mga tenga.
"Shit!"
Maingat na nilingon ko ang likuran at nanlaki ang mga mata ko kung sino ang nakita ko sa malayo.
Si Enzo! Damn it!
Hindi siya nag-iisa kung hindi marami siyang kasamahan. He's with Rilo too na isa sa pinakamagaling na bodyguard niya sa De Martino. Hawak ni Enzo ang kanyang baril ay nakipag putukan ito nang wala man lang takot at mukhang sanay na.
"Enzo!!" Tawag ko rito kahit alam ko naman na hindi niya ako maririnig rito sa loob ng kotse.
Kumawala ako ng malalim na hininga at hindi na nagdadalawang isip na lumabas mula sa kotse. I need to go with him. Hindi ko kayang panoorin lang ito at baka ano pa ang mangyari sakanya! Kahit takot na takot ako ay ginawa ko parin ang gusto ko.
What the hell is he doing? Gusto niya bang mamatay nang maaga riyan? He's with his bodyguard! Bakit kailangan niya pang sumama riyan!
"Ma'am Ordoveza!" Sigaw nang lalaki hindi ko makilala.
"Licia! Stay fucking inside!" Narinig ko agad ang boses ni Enzo pagkalabas ko.
Isang putok ang narinig ko kaya agad na napaupo ako sa likod ng kotse at nagtago. Isang patak na tubig ang nahulog bigla sa mukha ko. Agad na tumingala ako at sabay nun ang pagbagsak ng napakalakas na ulan. Ngayon pa talaga umulan!
"Sir, kailangan na natin ng back-up para rito!" Narinig kong sabi ng ibang kasamahan niya.
"Darn it!" Pumikit ako nang mariin at hindi na nagdadalawang isip na tumayo at mabilis na itinakbo ang distansya namin ni Enzo.
"Fuck, Licia!!"
Napatili ako nang marinig ulit ang putok na baril. Narinig ko ang malutong na mura ni Enzo at mabilis akong sinalubong at sabay nun ang pakipagputukan niya. Mabilis na hinila ako nito at nagtago agad kami pareho sa likod ng kotse. Hindi ko alam bakit gamay niya ang makipagputukan ng ganito.
Kagaya ko ay basang-basa narin ang damit niya dahil sa ulan. May pumapatak rin na tubig mula sa buhok nito kaya bumabagsak iyon sa mukha niya. Kahit sa ganitong sitwasyon ay may panahon parin ako para matitigan ang galit at frustration na gumuhit sa buong itsura nito.
"Licia, What the hell are you doing?! I told you to stay inside!" Kahit galit na galit siya ngayon ay umaapaw parin ang pag-alala niya saakin. Kahit kailan ay hindi ko siya nakita nang ganito kagalit. Mukhang handang-handa ng pumatay ng tao na walang takot kung anong mangyayari sakanya ngayon.
"I'm s-sorry.."
Mabilis na niyakap naman ako nito nang mahigpit.
Taas-baba ang paghinga ko at pakiramdam ko ay nauubusan ako ng hininga dahil sa ginawa kong iyon. Akala ko matatamaan na kami pareho. Ngayon ko lang din naramdaman ang lamig na dumapo sa balat ko. Dahil sa yakap niya ay naramdaman ko ang init na bumalot ngayon saakin.
"Sir!!" Isang sigaw ang narinig ko sa malayo. Tumakbo ito palapit sa direksyon namin. Sa bilis ng pangyayari ay tinakpan niya kami pareho at nakipag putukan rito na walang kahit anong bullet proof sa katawan.
"Tumakbo na kayo, Sir!"
Segundo ay nagulat ako nang bumagsak ito sa harapan namin ni Enzo nang matamaan ito. Agad nakita ko ang dugong umaagos mula sa katawan niya. Hindi ko naman maiwasang tumili sa gulat at takot.
"Licia!"
Wala na sa sarili ay mabilis akong binuhat ni Enzo pero bago pa iyon mangyari ay isang dalawang putok na ang tumama saakin na ikinabagsak ko.
"Licia! Fuck!"
Hindi ko alam paano nabaril ni Enzo ang lalaking bumaril saakin nang ganoon ka bilis. Naramdaman ko rin kaagad ang panghihina sa buong katawan. Sinubukan kong tumayo pero mukhang kinapos na ako ng hininga sabay pa nun ang pag-apaw ng mga dugo galing sa gilid ng tiyan ko.
Mabilis na lumapit si Enzo saakin at agad na binuhat ako.
"Fucking called the ambulance, Rilo!"
"They're on their way, Enzo. Tangina! Saan na ba kasi si Dylan!" Mura ni Rilo ang narinig ko sa gilid.
"Enzo.." Nanginginig ang labi na tawag ko rito.
"Licia, hold on..Licia, look at me.." Agad na sinunod ko naman ang gusto niya. Wala akong ibang napansin ngayon sa mga mata niya kung hindi ang takot at ang pag-alala. "Breath in...breath out..that's right, baby. Stay with me..don't even dare to close your eyes, Licia.."
Nakita ko rin ang pagtakbo ng raptor na sinasakyan ng lalaking humabol saakin. Mukhang ako nga talaga ang mission nila na barilin ako.
"Fuck! Follow them, Rilo! Huwag mo hayaang makatakas sila! Call France, right now at siguraduhin mong mahuhuli sila!" Sabi nito gamit ang kulog at kidlat niyang boses. He's really out of patience, right now.
Saglit na pumikit ako nang maramdaman ang pagkahilo sa sarili.
"Licia, hold on, please.." Napansin ko ang pamumula ng kanyang mga mata at pilit na pinigilan ang sariling maluha. Kumukuyom nang mariin ang kanyang panga sa takot habang tinitigan ako.
"Enzo..I.." sinubukan kong tapusin ang mga salita na gusto kong sabihin, pero nahihirapan na akong ibuka ang sarili kong bibig.
"Don't say something, Licia!" Saglit ay nakitaan ko ang ibang takot sakanya na kailanman ay madalas ko lang nakikita. Napangiti ako nang may maalala. Kung gaano ako kabaliw sa lalaking ito. Nangininig na umangat ang mga kamay ko at hinawakan ang kanyang panga.
"My love for you is greater that you can ever imagine."
Habang nagsasalita ay pilit na hinahabol ko ang hininga ko at alam kong napansin niya iyon. Naninikip ang dibdib habang tinitigan ang lalaking noon ko pa pinangarap.
"Ive fallen inlove manytimes, and always with you.."
"Licia..Please, just stop it!" Namumula na ngayon ang mga mata niya sa iritasyon.
"Masama bang ibuhos ang pagmamahal sa'yo, Enzo?"
Nagdilim ang kanyang paningin at mukhang ayaw marinig ang gusto ko man sabihin rito.
"Enz-"
"Hindi masama, Licia! Please, baby..save your energy huwag ka masyadong magsalit-"
Pumikit ito nang mariin nang hindi ko na pinatapos ang gusto niya man sabihin.
"Kung hindi masama..hayaan mo nalang akong mamatay para maibigay ko ang puso sa-"
"Licia!" Ngayon halos sumabog ang boses niya sa matinding galit. "Sabing tumigil kana! Ayokong marinig ang mga salita na ito mula sa'yo! Just live and stay with me, baby, please.."
Kasabay ng mga ulan ay nakita ko ang mga luhang pumapatak sa magkabila niyang pisngi. Ang pagmamakaawa na nakikita ko sa mga mata niya. Kahit pilit ko man maging matapang sa harapan niya ay hindi ko na napigilan ang sariling mapaluha. Nasasaktan ako dahil sa nakita ko. Ibang-ibang Enzo ang nakikita ko ngayon.
Ilang minuto ang lumipas bago dumating ang ambulansya at agad na isinakay ako roon. Pakiramdam ko ay mawawalan na ako ng malay. Pumikit ako ng mariin nang maramdamn ulit ang pagkahilo.
"Damn it! Bilisan niyo!" Sigaw nito. Yumuko ito at patuloy na hinaplos ang pisngi ko. Maingat na pinunasan niya rin ang mga luha ko. "Andito lang ako, Licia..hold on, okay? Malapit na tayo."
Halo-halong emosyon na ang nakikita ko sakanya ngayon. Kahit nahihirapan ay inangat ko ang sarili para mapatakan siya ng halik sa labi.
"I love you, Enzo.."
"Licia..stop telling me all these, please..Hindi ko na nagugustuhan!" Ngayon ay bumuhos nang sunod-sunod ang kanyang luha na ngayon ko lang nakita.
Kahit masakit na makita siyang ganito sa harapan ko ay pilit ko parin pinakita sakanya na kaya ko pa, na hindi niya kailangan mag-alala saakin. At gusto kong marinig niya lahat ng ito.. Kailangan niyang marinig lahat..hindi ko alam anong mangyayari saakin, pero gusto ko malaman niya na sobrang mahal ko siya.
"Baby, stay with me..just please stay with me..I'm begging you, Licia.."
Hindi ko alam bakit naninikip ang dibdib ko habang naririnig ang nga bagong salita mula sakanya. Pilit at sinubukan kong ngumiti rito para ipakita sakanya na 'okay ako'
Kung mawala man ako sa mundong ito, hindi ko iyon pagsisisihan dahil alam kong nagiging masaya ako na nakasama kita. At sapat na saakin lahat ang malaman kung gaano natin kamahal ang isa't-isa. You have filled my heart with love and happiness, Enzo.
"No matter the distance, I assure you there is no one who can take your place, Enzo."
Kunot noo ay hindi niya naintindihan ang sinabi ko. Ngumiti ako nang pinatakan niya lang ako ng halik sa labi at ramdam ang pagkahihpit na hawak sa kamay ko.
Mabilis na tinakbo ako sa loob ng Emergency room at sabay nun ang pagdating ni Mama at Papa na umiiyak sa takot at Pag-alala. Hinanap rin ng mga mata ko si Enzo nang mawala ito sa tabi ko. Andito lang siya kanina sa gilid ko.
"Licia!" Humagulhol na iyak ni Mama.
"Licia, what happened? Mananagot ang gumawa sa'yo nito! Putangina!" Si Papa at mabilis na inawat nang sinuntok niya ang pinto sa gilid.
May dalawang nurse ang dumating at agad na nilagyan ako ng oxygen at swero.
Nakapikit ang mga mata ay pilit na sinubukan kong magsalita kahit unti-unti nang kinukuha ang enerhiya ko.
"Mama.." mabilis na hinuli ko ang mga kamay niya.
"Please, give my heart to Enzo..kung mababawian ako ng buha-"
"Licia!" Putol kaagad saakin ni Papa. Galit na galit ang buong itsura.
"No...please...Give my heart to him.."
"Anak, ano ba! Please, lumaban ka naman para saamin..I'm begging you, Licia. Kaya mo'to 'diba? Please..anak.."
"Ma'am, sorry, pero kailangan niyo ng lumabas. Marami ng naubos na dugo sakanya." Sabi ng isang lalaking Nurse.
Mabilis na kinuyom ko ang mga kamao nang maramdaman kong unti-unting kinapos na ako ng hininga.
"Anong nangyari?! Licia! Licia!" Si Mama at mabilis na inalo ako.
"Anak! Ano ba! Gumawa kayo ng paraan!"
"Si..E..Enzo.."
"Ms. Ordoveza! Lorane, call Dr.Levi, right now!" Natarantang utos ng lalaki nang makita ang pagbaba ng Heartbeat Monitor ko.
"Enzo.."
Iyong lang ang paulit-ulit na lumabas mula sa bibig ko.
"Tita? Anong nangyari? What the fuck is happening?!Bakit wala pa kayong ginawa rito?!" Narinig ko agad ang kulog na boses na iyon sa kung saan. Nakapikit ang mga mata ko kaya hindi ko makita ang reaksyon niya. Pero sigurado akong si Enzo iyon. Naramdaman ko kaagad ang mga kamay niyang nakahawak nang mahigpit saakin.
"I want you to breath, Licia..baby, don't stop breathing, please...please..open your eyes for me, Licia.." para akong hinihili habang naririnig ko ang pagmamakaawa sa boses na iyon malapit sa tenga ko.
Unti-unting bumukas ulit ang namumungay kong mga mata. Mula sa dilim na paningin kanina ay siya agad ang nakita ko. Napansin ko rin ang pamumutla niya sa labi at ang maamo niyang mukha malapit saakin.
"Enzo.."
"Dr. Levi, andito na po kayo." Sabi ng Nurse sa kung saan.
"Sorry at nahuli ako. Please, lumabas muna kayo, Mr and Mrs. Ordoveza. Lorane, I need the-Mr. Martino!" Narinig ko ang gulat at taranta sa boses ni Dr. Levi.
Nagkagulo agad sa loob nang makita ko ang pagbagsak ni Enzo sa harapan ko.
"Enzo!" Narinig ko agad ang boses ni Tita Jory.
Sinubukan ko pang tumayo at magsalita pero nawawalan na ako nang lakas. Wala na akong ibang nakita, kung hindi ang nakahandusay niyang katawan sa sahig. Kahit gusto ko man tumulong ay bumabagsak nang paunti-unti ang katawan ko.
Bumagsak ang mga luha ko at sa mahinang boses ay naririnig ko parin ang sariling banggitin ang pangalan niya.
"En..zo.."
Iyon lang ang huling salita ang lumabas mula saakin bago nagdilim ang paningin ko.