You're already at the end of the story. I really put lot of emotion of this story. Thank you so much for your patience and giving your time to read all my stories I made. I would love to read all your feedbacks. Thank you!
Huling Paksa
"Siya ang tinutukoy kong anak ni Tita Lucia mo. Natandaan mo ba?" Turo ni Mama nang makaupo na kami.
"Iyong sabi mong nasa thirteen pa at marami ng manliligaw?" Tanong ko at nanatili ang tingin sa malayong direksyon.
"Oo, siya nga. Maganda 'diba, anak? Kaya hindi na ako magtataka kung maraming manliligaw ang batang 'yan. Ligawan mo 'yan pag tumungtong na ng eighteen!" Masayang sabi nito.
"She's not even my type, Mama." Sabi ko habang nanatili ang titig sa babaeng nasa malayo. Ang maalon niyang buhok ay sumasayaw dahil sa hangin. Bumaba ang mga mata ko sa buong mukha nito. She has this thin lips. Ang makurba niyang pilik ay mata ay mas lalong kinaganda ng mga mata niya pag ngumingiti.
"Naku! Tiyak pag nasa tamang edad na 'yan mas gaganda lalo si Licia."
Umigting ang panga ko dahil sa sunod-sunod na puri ni Mama sakanya. I think she really likes that young lady. Noon paman, lagi niya ng binabanggit ang babaeng ito. Hindi ko pa siya kilala at hindi ko pa siya nakakausap. Lagi ko lang naririnig ang pangalan niya dahil kay Mama at Papa.
Mabilis na napatuwid ako ng upo nang makitang lumipat ang mga tingin niya sa direksyon ko.
"Let's just eat, Mama."
Nasa Gathering event kami at napansin ko ang dalawang anak na gobernador na lumapit kaagad sakanya. Kumuyom ang panga ko. I admit she's pretty, but how could possibly be na papayag lang siya nang ganoon-ganoon lang. She's still thirteen at dapat alam niya iyon na bawal pa ang magpaligaw. At mukhang na-aaliw pa siya na pinapalibutan siya ng kalalakihan.
Damn! Ano bang pakialam mo, Enzo? It's her life.
""Hindi na ako bata, Mama! Thirteen na ako! Tsaka, palagay ko gusto rin naman ako ni Enzo, 'diba Enzo?"
Hindi ako makapaniwalang kaya niyang umamin nang walang pagdadalawang isip. Umiwas agad ako ng tingin at piniling umalis nalang muna sa hapag. Hindi ko kayang pinag-uusapan ang bagay na ito.
"Gusto niya ba talaga ako?" Bulong ko sa sarili matapos makaalis at nagkulong sa kwarto.
Hindi niya ako gusto. She's just infatuated. Ni hindi niya alam ang pinagsasabi niya. She's just thirteen at sigurado akong mawawala lang ang lahat kung ano man ang nararamdaman niya para saakin. A girl like her, is not up for serious relationship.
Hindi ko alam anong mararamdaman ko nang malaman niyang may sakit ako. Hindi ko alam kung kailangan kung matakot o pagkaawaan ang sarili ko. Ayokong lahat ng atensyon nila ay binibigay nila saakin. I can take care of myself.
Pero habang tumatagal mas sinasaktan ko lang ang sarili ko. Ang makita siyang nag-alala at nasasaktan dahil saakin ay hindi ko gusto. Parang pinipiga ang puso ko at ayokong malaman niya iyon.
Alam ko sa sarili kong hindi ako magtatagal sa mundo.
After she confessed, she's always there with me. At dahil nasanay na akong andito siya palagi sa tabi ko ay minsa'y hinahanap na siya ng mga mata and I hate it. Binabaliw ako ng babaeng ito.
"Gusto talaga kita. Enzo.."
Umigting ang panga ko sa narinig at parang naging ringtone pa iyon. Pikit parin ang mata at nakasandal ang ulo ko sa sofa. Alam kong hinihintay niya akong magsalita rito pero pinili kong huwag nang magsalita. I know, I have lots of things to say to her, but this is not the right time.
Yes, I won't say anything, baby. Kung kailangan kung pigilan ang sarili, gagawin ko. Kung sakaling aamin ako sa nararamdaman ko para sakanya, I know there will never be turning back for me.
"Stop making things that might hurt you in the end, Licia. Hindi ako magtatagal dito."
I don't wanna be selfish.
"Stop manipulating my feelings, Enzo"
Fuck, baby! I'm not manipulationg your feelings. I'm trying to save you. I'm trying to pull back your feelings for me dahil alam kong masasaktan lang kita sa huli.
"Kung magtatagal ka, idi susunod nalang ak-"
"Licia!" Pumikit ako nang mariin at sinubukan huwag siyang pagtaasan ng boses. Mabilis na kinalma ko ang sarili. "Umuwi kana."
"I really don't know why I like you! And stop pushing me na para akong aso, kasi nakakainis! Nakakainis ka!"
Nakita ko kung paano niya pinaalis ang mga luhang bumagsak sa pisngi nito.
Fuck!
Bakit ba kailangan kong maghirap nang ganito? Tangina!
I have to turn her down. I had to learn this the hard way. I have to let go of her because I want the best for her. And it's not about giving up, it's about walking away and never wanting to hurt her feelings in the end. And I chose to break my own heart kahit nanghihina na ito.
Alam kong masasaktan ko lang siya. In the end, mawawala lang ako rito. Hindi ko alam kung kailan, but I know I can't live longer and be with her in the near future.
Bawat araw na magkasama kami ay nakakalimutan ko na ang mga pangako ko sa sarili. Gusto ko man umalis at lumayo mula sakanya ay hindi ko kaya. Pakiramdam ko ay pinapatay ko na rin ang sarili ko. Bawat ngiti na binigay niya saakin ay nakatatak lagi sa isipan ko. Ako man ang rason na ikinaganda ng araw niya, ako din ang ang rason kung bakit siya nasasaktan.
"I forgot something."
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Bago pa ako makapagprotesta sa ginawa niya ay bigla niya akong hinalikan. Napamura ako.
"Okay, nakuha ko na."
Tumawa ito bago tumakbo papasok ng gate. Sumilay ang ngiti sa labi ko at umiling-iling. "Damn, woman."
"Ganoon dapat ang humalik, Licia."
Kissing her lips is like heaven to me. Bawat dampi niya sa labi saakin ay parang nawawalan ako ng lakas. I can't even express kung gaano ako kasaya pag nakikita ko siya araw-araw. I'm not good at saying words, but I've been waiting to scream it out to the world.
Lahat nang mga sinabi ko noon ay kinain ko lang. Alam kong makasarili itong ginawa ko. Kahit sabihin ko man sa sariling kong kakayanin kong makita siya sa ibang lalaki, pero tangina! Parang gusto kong manakit ng tao. Ginawa ko lang sinungaling ang sarili ko.
She's rare to me. And I like her for being true to herself. I'll spend my remaining life with you if that means getting to spend the rest of my life with you, Licia.
Owning and being inside her is the best memory for me. I will never forget how she begs at me. How she wants me inside her.
Lumipat ang tingin ko sakanya habang seryosong sinisimsim ang kape. Alam kong nag-alala siya ngayon. I can see through her face. Ni hindi niya alam na sinabi ko na kay Mama ang tungkol sa disidido kong papakasalan siya.
Does she even know how Mama really likes her? Kaya wala siyang dapat ikinatakot. Agad na sumagip sa isipan ko ang nangyari kagabi. Hindi napigilan may sumilay na ngiti. I won't get tired of her. She really taste like candy to me.
Every single day of my life, I just love her more and more. Baby, there is no one who can take your place. You are my world.
"Enzo, nakikinig ka ba?"
"Yes, Mama."
"Gusto kong bumalik ka kay Dr. Levi. Ayokong tinatakasan mo lang ito. This is serious, Enzo. Sobrang nag-alala ako sa'yo, kagabi."
"I'm sorry, mama.."
Kumawala ito nang malalim na hininga.
"Ive never been scared of losing someone, Mama. Mukhang ikakabaliw ko kung hindi ko makita si Licia."
"I know what you felt, anak..pero sa sitwasyon ngayon, gusto kong alagaan mo muna ang sarili mo, please.."
I can still remember her pain. I can stil remember the last word I heard from her. Her cry, her last smile and her last kiss.
"Si Licia? Ilang araw na ako rito?"
"You've been laying on your bed for one week, Enzo."
"Si Licia?" Tanong ko ulit habang ramdam parin ang pagod sa buong katawan. Tinukod ko ang mga kamay para makaupo nang maayos. Nakita ko ang pag-iwas ng tingin ng lahat sa tingin ko.
"Iho, kailangan mong magpahinga." Si Papa na lumapit saakin.
"Tama ang Papa mo, Enzo. Please, you still need to rest."
"I've been resting for one week, Mama. Where is Licia? Gusto ko siyang makita."
Umawang ang labi ko nang makita ang pagbuhos ng luha ni Mama.
"I'm sorry, anak.."
"For what, Mama?" Pilit na kinalma ko ang sarili at hindi kayang maniwala kung ano man ang nasa-isipan ko.
"Apat na araw na bago siya nawala-"
"That's not true!" Taas-baba ang paghinga ko at namumula ang mga mata dahil sa iritasyon. Paano nila ito nasabi? Licia is Alive! Hindi pwedeng iiwan niya ako.
"I wanna see he-" sinubukan kong tumayo pero mabilis na pinigilan nila ako.
"Mr. Martino-"
"Fucking shut up! Gusto kong makita si Licia! Gusto kong sabihin niyo na nagsisinungaling lang kayo!"
"Enzo!"
"No! Hindi pwede! I wanna see her!"
Hindi ko narin napigilan ang sarili ang magwala. Sinubukan ko rin tanggalin ang oxygen na nakatusok saakin. Narinig ko ang tili ni Mama. Bago ko pa magawang makatakas ay naramdaman ko nalang ang isang maliit na karayum na nakatusok sa braso ko bago ako nawalan ng malay.
Isang taon na ang lumipas pero nanatili parin ang ala-ala mo saakin. Ang araw kung paano mo'ko iniwan. Pakiramdam ko gusto ko narin mawala sa mundong ito. Pero bakit pakiramdam ko ay pinipigilan mo'ko. Kahit sa panaginip ko ay lagi kita nakikita, Licia.
I blamed myself why you're not here anymore with me. I felt that my body tear into pieces that it was my mistake that I couldn't make you stay, that you're no longer with me, Licia. If I could turn back the time, I wouldn't let this happen to you. Kung pwede ako nalang ang nabaril noon, kung sana ako nalang ang kinuha at hindi ikaw. Mamamatay din naman ako, sana ako nalang.
Our page of our story are over. The book closed and these memories will buried inside me.
"I miss you so much that I think I'll go crazy.."
Sometimes the wounds hurt even if year has passed. Our paths are different now. We are travelling on two different roads that's never going to meet. Tinanggap ko na hindi na tayo magkikita. I also learnt that sometimes we can let go, still hurt, but there's no other way, but to accept.
"If you see me, right now, baby, you'll hate me. I'm miserable. I change a lot. I don't even know how to a live normal life without you.."
"Just please..take me with you.."
Maybe one day in a corner of the world, we might meet again. And I can't wait to tell you how much I miss you, Licia.
"Sir, mukhang papalupog na ata ang companya ng mga hernandez. Even the corp from UK is pulling their investment."
"Bilhin mo ng doble-"
"Pero Mr. Martino mukhang h-"
"Ang sabi ko bilhin mo ng doble!" Hindi na napigilan tumaas ang boses ko. "Just leave in my room, right now!"
"Sige po, Sir. Pasensya na po."
Mabilis na hinilamos ko ang mukha gamit ang palad ko at hindi na mapigilan ang sariling magmura.
"Putangina!"
Alam kong hindi pa sapat ang lahat. Kahit maubos ko man ang mga pera nila, hindi ko parin nakukuha ang hustisya. Ni hindi ko pa mahanap ang lalaking bumaril kay Licia.
Tumunog ang cellphone ko at mabilis na pinulot ko iyon.
"Anong balita?"
"Sir, pasensya na po pero wala parin kaming nasagap na balita kung saan nagtatago si Mr. Hernandez."
"I give you more weeks to find him. Kung walapa kayong mahanap, you're fired!"
Mabilis na tinapon ko ang cellphone. Ang mahaba kong buhok ay halos natakpan na ang buong mukha ko.
Umuwi agad ako sa condo pagkatapos at mabilis na hinubad ang pang-itaas. Kaagad na pumasok ako ng banyo at hinarap ang sarili sa salamin habang nakatukod ang dalawang kamay sa counter top. Tumingala ako at hindi na napigilan ang sariling maluha. Wala akong ibang inisip kung hindi ang paghihiganti ko para sa'yo. Kaya kong pumatay ng tao para sa'yo, Licia. If I could just turn back the time.
"I miss you...Licia.."
Tumuwid ako nang tayo at marahan na hinawakan ang dibdib at dinama iyon sa palad ko. Sa bilis ng tibok ng puso ko ay halos kakaposan na ako ng hininga.
Akala ko ba hindi mo ako iiwan? Akala ko ba magpapakasal pa tayo, Licia? Bakit kailangan mong gawin ito? Bakit kailangan mong ibigay ang puso mo saakin. Para ano? Para mabuhay ako? Kung sana hinayaan mo nalang narin ako mamatay at makasama ka.
Gumapang ang mga darili ko sa marka na iyon. It was a Roman Numeral's Tattoo. It's your birthday, baby..
Isang kalabog ang narinig ko sa pinto kaya agad na lumabas ako.
"Enzo!"
"Mama? Ano po ang ginawa niyo rito?"
"Akala mo ba hindi ko alam ang mga pinang gagawa mo, huh?"
"Mama.."
"Ano ba, Enzo! Please, tigilan mo na ito..malalagay mo lang ang sarili mo sa kapahamakan. Hindi na kita kilala!"
Umigting ang panga ko at umiwas ng tingin.
"Sa tingin mo kung mapapatay mo ang pumatay kay Licia, maging masaya ka na pagkatapos? Hindi, Enzo!"
"I will be happy to take my revenge, Mama!"
"Just stop it, Enzo! Just stop this nonsense!"
Hindi ko kayang pagtaasan siya ng boses pero minsan ay nawawala na ako sa sarili.
"It isn't, Mama. Ayokong hayaan lang ang mga hayop na iyon na magtagumpay. Kung hindi dahil sakanila, buhay pa sana si Licia! Buhay pa sana siya hanggang ngayon!"
"Sa araw na iyon, mawawala ka rin dapat saakin, Enzo. Kung hindi kay Licia, nawalan na rin ako ng anak kagaya ni Lucia! Pero itong ginagawa mo? Parang pinatay mo narin ang sarili mo. Hindi na kita makilala! Tignan mo nga ang itsura mo!" Nakita kong bumuhos ang luha nito. Pumikit ako ng mariin. Mabilis na hinawakan ko ito sa siko pero agad niya iyon iniwas saakin.
Yumuko at hindi na napigilan ang sariling mapaluha.
"Ikakasanal na sana kami ni Licia, Mama. But they took away the love of my life.. masakit para saakin na tanggapin agad ang lahat na nangyari."
Unti-unting binalot ako ng yakap ni Mama.
"I'm sorry, Mama..ang sakit..sobrang sakit at hindi ko na kaya ito..mababaliw na ako.."
Kailan man ay hindi ako nasaktan ng ganito ka tindi. I don't think I cried this before. The pain is too much to handle.
"I'm sorry, Mama...but I don't think I'm going to stop to seek justice for my Licia."
Alam ko sa sarili ko na hindi ko na siya makakalimutan pa. Siya lang ang minahal ko ng ganito at sigurado akong hindi ko na kayang magmahal pa ng iba. No one can replace her. Siya na ang babaeng huli kong mamahalin.
Kung alam ko lang na kukunin siya nang maaga para saakin, sana noon palang sinabi ko na sakanya kung gaano ko siya ka mahal.
"Enzo?"
Napalingon ako sa pamilyar na boses na iyon at laking gulat nang makita ko si Tita Lucia at Tito Albert.
"Kailan lang po kayo nakarating?" Agad na tanong ko at nagmano.
Sumulyap si Tita saakin at mukhang sinusuri pa ako ulo hanggang paa.
"Kaninang umaga. Matagal na kitang hindi na kita, Enzo. Kamusta kana? Mukhang ang laki ng pinagbago ng itsura mo."
Mapait na ngumiti ako.
"I'm fine, Tita. Alam ba ni Mama na nakauwi kayo galing paris?"
"I called her earlier. Actually, bibisita kami sa bahay niyo mamaya."
Bumalot kami ng katahimikan. Umatras din ako at binigyan sila ng espasyo. Seryoso na nilagay nila ang bulakbalak sa lapida at dinama iyon. Parang pinipiga ang puso ko habang nakikita silang ganito. Na kagaya ko ay nangulila rin sila sa babaeng pinakamamahal ko. Hindi ko akalain mangyayari ang lahat ng ito.
"Hindi parin ako makapaniwalang iniwan mo na kami, anak."
"Miss na miss ka na namin."
Umigting ang panga ko at pilit na sinubukan huwag masaktan. Pakiramdam ko kasalanan ko ang lahat ng ito. Kung hindi lang sana siya umalis nun para puntahan ako, baka hindi mangyayari ang trahedyang 'yon.
"Totoo nga ang sabi nila. Lahat ng kasiyahan mo sa buhay may kapalit. At hindi ko akalain kukunin nila nang maaga ang anak ko, si Licia.."
Tumayo ito at seryosong nakatitig sa lapida
"Sa araw na iyon, parehas na naghirap kami ni Jory. Gusto ko siyang tulungan noong araw na iyon, pero ayokong iwan ang anak ko. Ang balita ko kinakailangan ka na ng heart donor nun."
Hindi ako nagsalita at piniling pakinggan ang gusto man sabihin niya saakin. Isang taon na rin at kahit kailan hindi ko pa nakausap si Tita Lucia pagkatapos sa nangyari. Ang alam ko lang lumayo-layo agad sila para makalimutan ang trahedya.
"Buhay pa si Licia nun noong nahimatay ka. Naging kampante ako nun noong hinawakan niya ang mga kamay ko. Kahit nga sa pagtulog ko napaginipan ko siya. Alam mo ba anong sabi niya saakin?"
Kumawala ito ng malalim na hininga at agad nagulat ako nang makita ang pagpatak ng luha nito.
"Lucia..." si Tito albert na agad din na dinalo ito.
"Sabi niya, 'Mama, I'm sorry, but I want him to live.' Hindi ko akalain kahit sa panaginip, sinabi niya iyon saakin. Mahal na mahal ka nga talaga ng anak ko."
"I'm sorry, Tita.."
"You don't have to say sorry. Hindi natin konrolado ang buhay ng tao. Lahat tayo rito meron mission sa buhay. And maybe, Her mission is...you.."
"Kagaya mo, Hindi ko mapapatawad ang lalaking pumatay sakanya. Isang taon na ang lumipas, iho, at gusto kong maging masaya ka ulit. Ayoko man sabihin ito, pero ayokong mabuhay ka na may masamang loob at ang paghihiganti. Kagaya mo, galit na galit din ako. Pero ayokong pumatay ka ng tao. Ayokong maging masama ka dahil lang sa nangyari.
"Tita.." pumikit ako nang mariin at namumula ang mga mata habang pinakapakinggan ito.
"Nakwento lahat ni Jory saakin. At totoo nga ang sabi niya. Pinapabayaan mo na ang sarili mo. Parang anak narin kita, Enzo. At ayokong isipin mo na ikaw ang may kasalanan bakit nawala si Licia."
"I'm sorry, Tita..pero ibahin niyo po ako. Hindi ko kayang hayaan lang ang lahat. She's the love of my life..araw-araw parang sinasaksak ang puso pag naiisip ko siya. I miss her so much that I think I'll go crazy. Parang minsan gusto ko nalang din mawala sa mundong ito."
"Enzo.."
Nagulat ako nang mabilis akong hinila nito at niyakap nang mahigpit.
"Please...don't. She sacrifice for you. At alam kong masasaktan siya pag nakikita ka niyang ganito. She wants you to live. Live with new memories even she's no longer with you."
Alam kong kahit ano pang sabihin nila. Sigurado akong hindi na mababalik ang kasiyahan na binigay saakin ni Licia. Buong buhay ko siya lang ang nagparamdam saakin kung paano maging masaya.
Marahan na inangat ni Tita ang mga kamay niya at idinampi niya iyon sa dibdib ko.
"Kahit wala na siya rito para yakapin ko o maramdaman man lang. kahit itong tibok ng puso niya ay sapat na saakin para maramdaman ko siya ulit galing sa'yo."
Umalis narin sila pagkatapos habang ako'y nanatiling nakaupo sa harapan ng lapida. Kaagad naramdaman ko ang lamig na dumampi sa balat ko. Ang mahaba kong buhok ay inihip ng hangin.
"I miss you.."
Hindi namalayan ay naramdaman ko ang mga luhang bumagsak. Hindi narin napigilan ang humagulhol ako sa iyak. Sa buong buhay ko ay hindi ako nasaktan at maghirap ng ganito.
Sobrang sakit na makita ka sa ganitong sitwasyon, Licia. Kung sana, andito rin ako sa loob kasama ka.
You may not here with me, baby, but I promise to love you forever until I lost my breath.
Bumilis ang tibok ng puso ko at mabilis na hinawakan ko iyon. I may not see you o kahit makausap man kita saglit, but I know your heart whisphers.
"Wala akong pakialam kung buhay pa ang kapalit. As long as I'm alive, I will never stop seeking justice for you, Licia.."