"So..may kilala nga kayo?"
"Bakit nga kasi, Licia? May sakit ka ba at kanina pa natin ito pinag-usapan, ah?"
"Wala lang, tinatanong ko lang. Ano, may kakilala nga kayo?" Ulit ko."
"Itatanong ko sa kakilala ni Daddy baka may alam iyon."
"Thank you! Basta balitaan niyo ako, ah?"
Nasa cafeteria kami ngayon at iyon lang ang pinag-usapan namin dahil kanina pa bumagabag iyon sa isipan ko. Sinubukan ko nga huwag na magtanong tungkol rito, pero hindi ko na napigilan.
Kunot parin ang noo ng dalawa at may pagtataka at katanungan parin sa buong mukha. Ayoko munang ikwento ang tungkol sa sakit ni Enzo. Siguro, kung gagaling na siya saka ko pa ikukuwento.
Umaga nang magising ako at dumiritso muna ng hospital para mabisita si Enzo bago ako pumunta ng University. Sa kasalukuyan ay wala parin nahanap na heart donor. Sinubukan ko rin maghanap sa internet o mga kilalang magagaling na doctor at baka sakaling may iba pang paraan para sa sakit niya.
"Andito lang pala kayo!" Si Alvino na biglang sumulpot sa harapan namin. Ngumiti lang ako saglit at binalik rin kaagad ang sarili sa harapan ng laptop. Baka kasi may gamot para rito? O dikaya'y willing magbigay ng heart donor para kay Enzo.
"Heart donor?" Kunot noo ang noo ni Alvino nang tumabi ito sa tabi ko at nanatili ang maliit niyang mga mata sa laptop ko.
"Kanina pa siya naghahanap. Ewan ko ba diyan kay Licia! Baka may sakit na ata sa puso." Si Alessa.
"Sa tingin niyo..may paraan pa para gumaling ang isang tao na may Congestive Heart Failure?" Tanong ko sakanila at hindi pinansin ang mga sinasabi nito.
"Nakakatakot ka na magtanong, Licia. May sakit ka ba?"
"Wala nga kasi, Alessa. So ano? May paraan ba?" Ulit ko.
"Ang alam ko lang mahirap makahanp ng heart donor. Lalo na when your blood type is so rare."
"Or maybe you can search on the ireland. Mukhang meron ata roon." Si Slyvannia.
Hinilamos ko ang buong mukha ko. Gagawin ko ang lahat para kay Enzo. Hindi ko na alam anong gagawin ko, ngayon. As soon as possible kailangan na ng heart transplant para sakanya.
"May problema ba, Licia? Baka makakatulong kami?" Si Alvino.
Sa loob ng ilang araw, naging malapit na saamin si Alvino. Tinanggap narin ata ng dalawa kong kaibigan na kaibigan lang din ang turing ko sa isang 'to. Mukhang napagod na ata kakatukso saakin. Wala naman kasing epekto. Nasanay narin kami sa presensya ni Alvino kahit papaano. Hindi nga namin akalain magiging malapit kami sa isang lalaki at kilalang-kilala pa rito sa universidad. Minsan meron din nagagalit o naiingit, pero keber!
"May tinutulungan lang akong kaibigan. He's heart is needed of heart transplant as soon as possible."
"Omygod! Buti nalang talaga at sumasakit lang ang puso ko pag heartbroken!" Si Slyvannia.
Umirap ako.
"O, sige tutulungan ka namin maghanap para riyan. Tsaka, maraming alam si daddy." Si Alessa.
"Same! Maghahanap rin ako sa internet o mga kakilala ni Mommy sa ibang bansa, Licia. Kung sino man 'yan, ang swerte niya naman sa'yo." Si slyvannia.
"I will do the same, if you have heart failure, Slyvannia." Sarkismo kong sabi at pilit na pinagaan ang usapan.
"Shut up, Licia Rain!"
"Ako rin. Gwapo lang ako, Licia, pero may silbi ako para tulungan din kita riyan." Si Alvino.
Hindi ko na napigilang matawa rito.
"Thank you...malaking bagay ito para saakin."
"Kahit ganito kami, tandaan mo, lagi kami andito para sa'yo. Gagaling 'yon, maniwala ka, Licia."
Kahit minsan, nakakatulong din sila saakin para pawiin ang lungkot at ang mga takot ko ngayon. When times are hard, madali lang sabihin kung sino ang totong kaibigan mo and who is only there for you during the great times when everything is going well. True friends stick by your side and give you the support that you need to make it through. These are the people in your life na gusto kong bigyan ng halaga. Sapat na saakin kahit kaonti lang ang alam kong kaibigan, basta alam kong totoo sila saakin. These are the people who helped you before you even had to ask. Hard times, really reveal true friends.
Kahit sa gitna ng discussion ay lumilipad parin ang isipan ko sa ibang bagay. Hindi ko pa pala natapos ang ini-edit kong video dahil mas inuuna ko pa ang paghahanap ng heart donor para kay Enzo. At wala akong pakialam sa lahat. Ang gusto ko lang ay gagaling na si Enzo.
Wala naman sigurong mali sa ginagawa ko, 'diba? I can't lost him and I'm willing to give up and do everything for him. Ang sabi nila, hindi raw maganda ang pagbibigay ng buong sarili mo para sa isang taong pinakamamahal mo. Nagkakamali kayo. Love means sacrificing yourself sometimes. Anyone who has ever loved knows that true love requires sacrifice. I'am willing to give anything to ensure that Enzo is safe. Ang pagmamahal na walang sakripisyo ay parang karagatan din 'yan na walang dagat. At walang masama rito sa gingawa ko. There is no love without pain. There is no love without giving. And it's up to you to decide what's worth sacrificing. At para saakin..Enzo is worth sacrificing.
If I lost him, hindi ko na alam paano magiging masaya ulit. Kaya gagawin ko ang lahat kahit buhay ko pa ang kapalit.
"Uuwi kana?" Tanong agad ng dalawa saakin pagkatapos ng huling klase.
"Oo, marami pa akong gagawin, eh."
"Tungkol sa sakit ng kaibigan mo?"
Mapait na ngumiti ako at tumango.
"Tutulong kami riyan. Mamaya, maghahanap din ako."
"We will update you. So don't worry, Licia. Ang tamlay-tamlay mo tuloy ngayon."
Hindi ko na napigilan ang dalawa para yakapin.
"Thank you! Utang na loob ko ito sainyo, Alessa at Slyvannia."
Humiwalay ako sa yakap at nakangiting tinitigan ang dalawa kong kaibigan.
"Ganoon ba talaga ka importante 'yan ang tao sa'yo, Licia?"
"Sobra pa sa buhay ko."
"What? Sino ba kasi 'yan?"
"Nevermind. Just let me know kung meron nga kayong kakilala."
Walang magawa ay hindi na nagpumilit ang dalawa. Umalis narin ako at nagpaalam. Nakatulala at mabagal lang ang lakad ko palabas ng unibersidad. Sa dami ng iniisip ko ay hindi ko na napansin na nakaharang na pala si Alvino sa dinadaanan ko.
"Alvino?"
"Ang guwapong nilalang sa mundo."
"Feeling mo! Tabi ka nga. Nagmamadali ako."
"Sungit mo parin saakin, ah. Ihahatid na kita."
"Hindi pwede may pupuntahan pa ako."
"Idi samahan na nga kita."
"Kulit mo, Alvino!" Sabi ko at mabilis na nilagpasan ito. Nagulat naman ako nang mabilis niyang hinila ang mga kamay ko. Sinubukan ko pang pumiglas pero sobrang higpit ng pagkahawak niya saakin.
"Alvino!"
"Ihahatid lang kita, Licia. Alam kong may problema ka at hindi kita hahayaang umuwi mag-isa. At sigurado akong hindi mo dala ang kotse mo."
Hindi ko nga dala. Damn it! Bakit ba kasi ang tamad kong magmaneho?
"Kaya ko nga kasi, Alvino!" Hindi ko alam bakit nanginginig ang boses ko dahil sa sinabi niya.
Nang makalabas na kami sa parking area ay tsaka niya pa ako hinarap. Mariin ang bawat titig niya saakin at pakiramdam ko ay maiiyak na ako sa harapan niya ngayon. Hindi ko alam bakit nanghihina ako ngayon. Siguro sa bigat ng dinadala ko at kanina ko pa ito pinipigilan.
"May problema ba, Licia?"
Mabilis na umiling ako.
"Kaibigan mo ako at pwede ka naman magsabi saakin. Tignan mo nga itsura mo, ang panget mo na. Buti nalang hindi na kita crush!" Humalakhak ito. Mabilis ko naman itong sinapak.
"Baliw ka talaga!" Hindi ko narin napigilan ang sariling maluha sa harapan niya.
Narinig ko naman na kumawala ito ng malalim na hininga bago ako hinila para sa isang mahigpit na yakap. Kahit papaano ay gumaan din ang pakiramdam ko. Hindi ko akalain maging malapit at maging kaibigan ko nga ang lalaking ito.
"Gusto ko lang malaman mo na andito lang ako."
Humiwalay ako sa yakap at mabilis na pinunasan ang mga luha ko. Ngumiti ako rito.
"Thank you, Alvino.."
"Ano kaba! Mal-
Agad napaatras at napatili ako nang biglang may humila rito sakanya at bumagsak ng napakalakas dahil sa isang malakas na suntok na dumapo sakanya.
"What the fuck!" Malutong na mura ang narinig ko mula may Alvino. May nakita rin akong dugo sa labi niya kaya agad nataranta akk.
Mabilis na nilingon ko ang lalaki sa gilid ko at nakita ang dumadagtum niyang mga mata at paulit-ulit na pag-tabia ng kanyang panga. Taas-baba ang kanyang dibdib at binalot muli ng matinding galit. Hindi ko akalaing gagawin niya ito kay Alvino!
Bago ko pa malapitan at matulungan si Alvino ay mabilis niya akong hinila.
"Enzo!"
"Let's go."
Mabilis ang kanyang lakad at gusto kong magalit dahil hindi ko man lang natulungan o nakahingi ng tawad kay Alvino. Mabilis na huminto kami sa tapat ng kanyang Montero at hinarap na ako nito gamit ang galit niyang mga mata. Nangingilid ulit ang mga luha ko. Kahit nanlalabo na ang paningin ko ay sinubukan ko parin matingnan ito gamit ang galit kong mga mata.
"Sinuntok mo si Alvino!"
Taas-baba ang paghinga niya at natatakot akong makakaposan ito ng hininga dahil sa ginawa niya. Nanatili rin ang mariin niyang titig saakin at gusto ko nalang matunaw sa ginawa niya.
"Enzo! Magsalita ka naman!"
"Enzo!" Ulit ko ay medjo tumaas na ang boses.
"I'm fucking jealous, Licia! I'm crazy about you at ayokong may kahit sinong yumakap sa'yo, kung hindi ako lang!"
"Yes, baby..I'm madly inlove with you..Alam kong makasarili ako pero gusto ko akin ka lang, akin ka lang, Licia!"
Napatalon ako sa taas ng boses nito. Nakaawang ang labi ko ay hindi makapaniwalang sasabihin niya ito saakin. Hindi ko alam kung matutuwa ako o maiinis sakanya. Pero mali parin ang ginawa niya kanina!
"Pero hindi parin sapat na dahilan para suntukin mo si Alvino!"
"Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Gusto ko lang makita at sunduin kita rito pero iyon agad ang nakita ko. Fuck!"
"Kahit na! Tinulungan lang naman ako ni Alvino kaya hindi mo parin dapat iyon gina-"
"Fuck!"
"Fuck ka rin!" Iritadong sabi ko. Mabilis na pinaalis ko ang natitirang luha sa pisngi ko bago umiwas ng tingin.
"Licia! Your mouth!" Baling nito saakin gamit ang namumulang mga mata dahil sa iritasyon.
Gusto ko nalang sumabog sa matinding galit. Hindi ko alam kung saan mas naiirita ako. Ang pagtakas niya sa hospital o panununtok niya kag Alvino. O 'dikaya'y pareho!
Binalot kami ng katahimikan at mabigat na hininga lang ang naririnig ko. Isang sandali ay kumawala ito ng malalim na hininga sa gilid ko.
"Baby.. I'm sorry..nabigla lang ako." Pinilit niyang inabot ang braso ko pero iniwas ko agad iyon.
"Baby.."
Fuck! Bakit hindi ko kayang magawang magalit ng matagal sakanya?
Huminga ako ng malalim at pilit na pinakalma ang sarili. Sa huli ay hindi narin napigilan ang sariling yakapin ito ng mahigpit. Pakiramdam ko pagod na pagod ang buong katawan ko kahit wala naman akong ginawa masyado sa araw na ito. At kahit galit nga kami sa isa't-isa, kailangan ko parin ang mga yakap niya.
"I'm so sorry too, Enzo.."