Nagising lang ako nang maramdamn ko ang paghawak ng mga kamay ko at isang bakal na pinasok sa isang daliri ko. Pikit ang mga mata ay kumunot ang noo ko at hindi iyon binigyan ng pansin. Isang patak na halik din ang naramdaman ko sa labi. Dahan-dahan ay binuksan ko ang mga mata ko at siya agad ang bumungad saakin. Last night, I made love with The Man of my dreams. Ramdam ko parin sa buong katawan ang sakit at ang pagod. Pakiramdam ko, binagsakan ako ng malaking bakal ngayon. Hindi ko alam paano ko nalagpasan ang kahihiyang ginawa ko kagabi. Goodness! I even felt how sore I am, right now! Biglang uminit ang pisngi ko at alam kong napapansin niya iyon.
"Goodmorning.." Sa mababang boses na bati niya saakin. Napangiti ako pero agad din naglaho nang mapansin kung anong maliit na bagay ang hinawakan niya sa daliri ko. Agad akong napaupo sa kama at nilakihan pa lalo ang mata at baka sakaling nanaginip lang ako. Pabalik-balik ang tingin ko sakanya at sa suot kong singsing. Sinubukan ko pang kurutin ang sarili kung totoo nga itong nakikita ko. Humalakhak ito sa ginawa ko.
"Ano 'to?" Tanong ko kahit alam ko naman talaga.
Hindi ito kumibo at nakatitig lang saakin. Umangat ang kanyang kamay at nilagay sa likod ng tenga ang nakatakas na buhok sa mukha ko.
"Ano 'to?" Ulit ko.
Umangat ang labi niya para sa isang ngiti. Parang gusto ko naman matunaw sa ngiti na ito. Kung meron man akong gustong makita sakanya araw-araw, iyon ay ang mga ngiti niya. At gusto ko ako lagi ang dahilan sa mga tawa at ngiti niya.
"Baby..This is my promise ring that I'm gonna marry you, someday.."
"Huh?"
"I'll wait for you.."
"Huh?"
Humalakhak ito dahil sa naging reaksyon ko. Gumapang ang kamay niya sa baywang ko at marahan na hinawakan ako. Isang hawak niya lang saakin ay tumaas na agad ang balahibo ko.
Tinignan ko ulit ang singsing na iyon at nakita kung gaano kamahal iyon dahil sa kumikinang na dyamante sa gitna. Kahit kailan ay hindi ko ito naisip. Oo, pinapangarap ko si Enzo noon pa lang pero hindi ko akalaing aabot sa ganito. And what we did last night was intense and pure. We just made love, last night. At hinding-hindi ko makakalimutan ang gabi na iyon.
"Totoo ba talaga ito? Hindi ba ako nanaginip?"
"Uh-huh." Nakangiting tumango ito.
Walang pag-alinlangan ay bumagsak ng tuluyan ang mga luha ko dahil sa halo-halong emosyon na nararamdaman. Inangat ko ang dalawa kong mga kamay at marahan na hinawakan ang kanyang pisngi. Naramdaman ko agad sa mga palad kung paano kariin ang pagkuyom ng kanyang panga.
"Kahit kailan ay hindi ko nakita ang sariling maikasal sa ibang lalaki. Sa'yo lang, Enzo.."
Pumikit agad ako nang maramdaman ulit ang mga labi niya saakin. Tumagilid pa ito lalo para sa isang malalim na halik. Halos narinig ko ulit ang ungol ko. Hindi ko alam at bakit ganito siya kagaling humalik. Kung hindi lang ito tumigil baka saan pa umabot ang halikan namin dalawa at baka mabaliw pa ulit ako. Parehong namumungay ang mga mata namin at hinihingal mula sa halikan.
Ngayon ko lang din napansin na nakasuot na ako ng puting damit. Hindi ko alam paano iyon nangyari pero walang iba ang gagawa nito. I really did gave myself to him without even thinking. Pero hindi ko iyon pagsisihan. Mahal ko si Enzo.
Iba ang mga ngiti niya saakin at hindi ako sanay sa ganito. Hinawakan niya ang mga kamay ko at nilalaro ang mga singsing doon. Sa buong buhay ko ni kailanman hindi ko ito naisip na mangyayari. Ang gusto ko lang naman mahalin ako ni Enzo. Siguro bunos na saakin kung papakasalan niya nga ako.
"I have everything now and I can't imagine what I'd do without you. I can't promise that I'll be there for the rest of your life, Licia, but I can promise that I'll love you for the rest of mine."
Mabilis na sinapak ko ito.
"Hindi ka nga mamamatay nang maaga kung iyan nga ang iniisip mo!"
"I'll better die first. Hindi ko alam anong mangyayari saakin kung iiwan mo rin ako." Dugtong niya.
"Shut up!"
Humalakhak ito kaya mas lalo lang akong nairita. Lumapit ito at marahan na inalis ang mga luha sa pisngi ko.
"Ive fallen inlove manytimes and always with you, Licia."
Umawang ang labi ko at hindi makapaniwalang maririnig ang mga salita na ito mula sakanya. Alam kong minsan ay pinagduduhan ko ang pagmamahal niya saakin, pero ngayon napapatunayan kong mali nga ang mga iniisip ko. He's inlove with me..mahal niya ako. Mahal na mahal ako ni Enzo. At ang tanga ko para hindi iyon paniniwalaan.
Kumunot naman ang noo ko nang makita ang pagpikit niya ng mariin. Hawak ang dibdib ay taas-baba ang kanyang paghinga. Agad napatayo ako at nataranta dahil sa nakita.
"Enzo?" Mabilis na inalalayan ko ito gamit ang nanginginig kong mga kamay. "Enzo!"
Hindi ko na rin napigilan ang mapaluha dahil sa takot at pangamba dahil sa nakita ko ngayon.
"Lici-
"Enzo! Tangina!"
Hindi ko alam paano ko nagawang humingi ng tulong sa kabila ng takot ko. Mahigit na minuto bago dumating ang ambulansya. Nawalan narin ng malay si Enzo. Wala akong magawa kung hindi humagulhol ng iyak. Kung hindi lang ako inalalayan ng kung sino baka nahimatay narin ako.
"Paki bilisan po.."
Hindi ko alam anong gagawin ko kung sakaling iiwan niya na nga ako. Mababaliw ako kung mangyayari na nga ang kinatatakutan ko. Alam kong malakas si Enzo at hinding-hindi niya ako iiwan. Magpapakasal pa kami, hindi ba? Kaya hindi ako papayag na kukunin lang siya saakin nang basta-basta!
Dumating din si Tita Jory at Tito Benz na mabilis na humagulhol sa iyak nang mabalitaan ang nangyari. Ganoon rin si Mama. Nasa likod ko si Papa at hinagod ang likod ko.
"Papa, I'm scared.."
"Shh..hahanap tayo ng paraan. Gagaling si Enzo.." Si papa at mabilis akong niyakap.
Hindi ko alam anong oras akong nakatitig lang sakanya habang nakahega ito sa kama.
"I love you..please gumising kana.."
Dumating rin si Ares at ang mag-ina niya. Ni wala na akong oras para batiin sila at nakatutok lang kay Enzo. Hinihintay na magising ito.
"Licia, magpahinga ka muna."
"Ayoko, Mama.."
Hindi ko na pinansin kung ano na ang itsura ko ngayon. Kahit pagod na pagod ang buong katawan ko, gusto kong andito ako para kay Enzo. Laking pasalamat ko at hinahayaan na ako ni Mama at Papa. Halos mag walong oras na kami rito at hinihintay nalang ang resulta.
Agad napatayo ako nang makita kung sinong pumasok sa loob. Mabilis na bumati si Ivanna na agad din hinawakan ni Ares ang maliit niyang baywang.
"Magandang hapon, Dr. Levi Plein." Bati ni Ivanna habang hawak niya ang anak na si Ara.
"Good to see you again, Mrs. Campbell." Nakangiting bati niya pabalik. Napansin ko pa ang pagkunot ng noo ni Ares at mabilis na binalingan ang asawa.
"Doc, ano po ang nangyari? Ano po ang naging resulta?" Agad na tanong ni Tita Jory. Kapansin-pansin rin ang pag-alala at takot sa buong itsura niya.
Kumawala ito ng malalim na hininga at basi sa itsura niya at mukhang hindi ko magugustuhan ang ibabalita niya ngayon.
"I have undergone 2D Echocardiography test and all with the same results, Mrs. Martino. It's a genetic disease and this is not a joke, anymore. His heart is totally damage and advised for heart translpant as soon as possible. Kung maari, dito na lang muna siya at para matignan namin. His heart really needs a transplant."
I knew it! Alam kong mangyayari nga ito! Tangina!
Mabilis akong napaupo at humagulhol ng iyak. Lumapit agad si Mama saakin at sinubukan akong patahanin.
"Licia..he will be fine..shh.."
"Mama..takot na takot po ako.."
Mabilis niya akong hinila at niyakap ng mahigpit. Kailanman ay hindi ko nagawang umiyak sa harapan ng lahat, ngayon lang. At ang takot ko ngayon noon ay nangyari na. Alam ko naman na mangyayari ito, pero hindi ko akalaing ganito kaaga. Kung may magagawa lang ako para rito. I don't know how to survive without him by my side. Araw-araw ay ikakamatay ko iyon. Hindi ko kaya..mas gugustuhin kong sasama narin sakanya.
"His blood type is rare, Mrs. Martino. Hangga't maaga, kailangan na natin makahanap ng heart donor."
Kagaya ko ay humagulhol rin ng iyak si Tita Jory na agad din niyakap ni Tito Benz.
Umuwi lang ako para magbihis pero agad din bumalik. Hindi ko namalayang ilang oras akong nakatulog. Kung hindi dahil sa palad na naramdaman ko sa pisngi ay baka hindi na ako nagising. Unti-unting minulat ko ang mga mata ko.
"Baby.."
Sa mababang boses na iyon ay agad na tumuwid ako ng upo at mabilis na niyakap ito. Hindi narin napigilan ang sariling maluha ulit.
"Enzo..gising ka na!"
"Sorry at pinag-alala kita, Licia.."
Marahan na inangat niya ang ulo ko para matingnan ang buong mukha ko na punong-puno na ng luha. Tinulungan niya rin akong punasan iyon.
"Hush, baby..Everything will be fine.."
"I'm scared..takot na takot ako kanina..please, hindi ko kaya..hindi ko kakayanin."
Nakita ko kung paano kumuyom ang kanyang panga at umiwas ng tingin. Hindi alam anong nasa isip niya ngayon. Kung ano ang nararamdaman niya sa sitwasyong ito.
"Hindi ko alam kung magtatagal nga ako rito. Ginawa ko ang lahat para makahanap ng heart donor para sa puso ko. I really tried, pero bakit mukhang ayaw ata ng diyos na mabuhay pa ako nang matagal rito? I want to spend my short days with you, Lic-"
"Ganoon lang ba kadali para sa'yo? Paano ako, Enzo? Iiwan mo ako? Hindi ko kaya! Huwag naman ganito!" Medjo tumaas na ang boses ko.
"If I could do something about it. Pagod na pagod ako, Licia.."
Malutong na nagmura ako at bahagyang umatras. Lintek naman na luha ito at ayaw pang tumigil!
"Bata pa lang ako, pangarap na kita. Ngayon na pamamay-ari na kita, hindi ako papayag na kukunin ka mula saakin. Please, lumaban ka naman, Enzo..lumaban ka naman, oh.." Nanginginig ang labi at buong katawan ko ay tuloy-tuloy na ang bagsak ng mga luha ko. Nakita kong tinukod nito ang sarili niya at umupo sa kama. Kumawala ito ng malalim na hininga bago nagsalita.
"Come here.." Sa mahaba niyang braso ay naabot ako nito para sa isang yakap. "I'm sorry.."
"Gagawa ako ng p-paraan!" Iritadong sabi ko. Humalakhak ito.
"Walang nakakatawa, Enzo!"
Hindi ko alam at nasaan sila. Pero buti nalang talaga at ako ang unang nakita niya pagkagising.
"So how was it, Doc?"
Sabado nang maaga ay pumunta na ako ng hospital para sa plano ko ngayon. Tulog pa si Enzo nang makarating ako. Buti nalang at andoon din si Ares at ang mag-ina niya para mabantayan ito.
"Your heart is healthy, Ms. Ordoveza. At ang maganda rito match kayo ng dugo ni Enzo."
"Talaga po?!" Lumapad ang mga ngiti ko.
Tumango ito pero may pagtataka sa buong mukha niya.
"Alam kong wala akong karapatan manghimasok sa buhay niyo, Ms. Ordoveza. Pero..gusto mo bang maging heart donor sakanya?"
"Hindi ko pa alam. Sinubukan ko lang naman. Gusto ko lang po malaman niyo na kung nasa bingit ng kamatayan ang buhay ko, please, give and donate my heart to Enzo."
Nanlaki ang mga mata ni Dr. Levi at mukhang hindi makapaniwalang sinabi ko ito sakanya.
"Are you sure about this thing, Ms. Ordoveza? Hindi ka pa naman siguro mamamatay?" Bahagyang humalakhak ito at pilit na pagaanin ang usapan namin.
"Hindi ko alam..pero kung meron nga, iyon ang gusto kong mangyari. Ito, I made my own contract. I already signed it already." Agad na nilahad ko ang papel sakanya.
"Hindi namin ito matatanggap, Ms. Ordoveza. At kahit may contrata ka, alam kung hindi papayag ang lahat o kahit ang pamilya mo sa gusto mong mangyari."Paliwanag niya. "Sigurado rin akong hindi malalagay sa bingit ng kamatayan ang buhay mo. Hangga't maaga, maghahanap tayo ng heart donor para sakanya na hindi galing sainyo."
"Alam kong nababaliw na ako. Pero..mahal ko si Enzo at gaya ng sabi ko, gagawin ko ang lahat para sakanya. Mas gusto ko pang ako nalang ang mauna, kesa sakanya. Hindi ko kakayanin iyon."
Hindi ito kumibo at manghang-mangha na tinitigan ako. Mukhang tinitimbang ang bawat kilos ko. Nababaliw na yata siguro ako.
"He's my paradise, Dr. Levi. And I would happily get stranded on him for a lifetime. Hindi man ang buong sarili ko, pero kahit itong puso ko nalang.."