Chereads / Heart Whisphers / Chapter 16 - Chapter 15

Chapter 16 - Chapter 15

Ngayon lang ata naproseso ang sinabi niya. Gusto niya rin ako? Gusto ako ni Enzo?!

"Huh?"

Narinig ko ang bahgyang pagtawa niya dahil iyon parin ang lumabas sa bibig ko. Nasa loob na kami ng sasakyan at wala parin akong imik simula nung inamin niya na gusto rin ako. Totoo ba 'to? Hindi ako makapaniwala! Siguro, ginawa niya lang ito para makalimutan ko ang kasalanan niya! Pero..hindi naman ganoon si Enzo. His words were really genuine..

"Gusto mo rin ako?" Ulit ko rito at mukhang hindi parin sapat iyong sinabi niya saakin kanina.

Sumulyap siya saakin habang pabalik-balik ang tingin sa daan at saakin. May sumilay na ngiti sa kanyang labi.

"Uh-huh." Simpleng tumango ito saakin.

Hindi na ako kumibo dahil hindi parin talaga ako makapaniwala. Hindi na ako makapagsalita sa gulat at tuwa. Halo-halong emosyon na yata ang naramdaman ko sa gabing ito. Hindi ko alam kung maniniwala ako, o ano!

Sa ilang taon na hinintay kung marinig ito, ngayon pa talaga. Kaya it's normal for me kung magugulat talaga ako ng ganito!

Gusto ako ni Enzo? Gusto ako ni Enzo! Nanaginip ba ako? Pero hindi! Palihim na hinawakan ko ang labi ko at ramdam parin doon ang labi niya kanina. Muli siyang napasulyap saakin kaya umayos ako ng upo.

Tumigil ang pag-andar ng kotse at ngayon lang napansin na nasa tapat na kami ng mansyon. Ngayon lang napansin ang bigat kong paghinga. Mahihimatay na ata ako rito.

"Uh..uwi na ako!" Iyon lang ang lumabas sa bibig ko. Pakiramdam ko kung hindi na ako aalis baka tuluyan na ako mawalan ng malay. Ito naman ang gusto ko, hindi ba? Pero bakit...mukhang umuurong ako?

"Licia." Mabilis na hinawakan niya ang braso ko kaya ako napatingin sakanya. "Nabigla ba kita?"

Nagulat ako roon. Dumilim ang nga mata niya nang napansin ang reaksyon ko. Mabilis na umiling agad ako. Ngayon, hinarap ko na ito kahit ramdam sa dibdib ang kaba ko.

"Hindi! Hindi lang talaga ako makapaniwala..hindi ko alam kung..kung totoo ito."

Bumuntong hininga ito.

"That wasn't a lie, Licia. Alam mo 'yon."

"Pero bakit..uhh..ibig ko sabihin na ano.. na kailan lang 'to?" Halata pa sa boses ko ang pagkautal at pagkataranta. Ayusin mo sarili mo, Licia!

"That's not important anymore, Licia. I Just won't lost this chances, anymore. Gusto kita at totoo itong mga sinasabi ko sa'yo. Sana sapat na ito para paniwalaan mo ako."

Sa raming gabing dumaan saakin. Ito na ata ang pinakamaganda at hindi ko makakalimutan. Bibitbitin ko ito habang buhay kung sakaling mawala man ako. Bahaygang nakaawang ang labi ko at naramdamang bumibilis pa lalo ang tibok ng puso ko. Mabilis na umiwas ako ng tingin. Hindi na kaya itong paninitig niya saakin.

Parang gusto kong tumalon sa tuwa at saya pagkatapos marinig lahat ng ito. Gusto ko pa sana siyang tanungin nang napakarami, pero umaatras ata ang kaluluwa ko. Sapat na saakin ang marinig na gusto niya rin ako.

"Ibig sabihin..boyfriend na kita at girlfriend mo na ako?"

"Baby, what do you think we're doing, huh?"

Uminit ang pisngi ko sa una niyang sinabi. Kung naging kutsilyo lang ang mga salita baka kanina pa ako duguan rito.

"Akala ko, fling o-"

Umigting ang kanyang panga sa naging sagot ko.

"Flings it's not my thing, Licia." Mariin na putol niya saakin at iritadong binalingan ako. "Why? Do you have flings, before?"

"H-huh? Wala akong naging lalaki, maliban sa'yo!" Agap ko.

"I'll talk Tita Lucia and Tito Alberto about this, okay?"

"Okay.."

Ramdam sa dibdib ang matindi ng kalabog ng puso ko.

Nagpapasalamat ako at madilim sa loob ng kotse kaya hindi niya kita itong pamumula ng pisngi ko. Nagmukha na ata akong kamatis rito.

Sa gabing iyon, halos hindi na ako makatulog kakaisip. Dagdagan pa nung tumawag siya saakin pagkatapos niya akong maihatid.

Buti nalang at wala si Mama at Papa nung makauwi ako at nasa Ilocos raw. Kaya madaling araw na nang makauwi.

"Are you on bed now?" Tanong niya sa mababang boses.

"U-uh, Oo.."

Kagat ang labi ay pinigilan ko ang sariling huwag tumili. Kahit ang boses niya sa kabilang linya ay namamangha ako. Dahil sa ginawa niyang ito, mas binabaliw niya ako."

"Goodnight, Licia.."

Hindi ako sigurado kung nanaginip ba ako o totoo nga itong nangyayari. Gusto ako ni Enzo. Tangina! Nababaliw na talaga ako. Madaling araw ay tumawag rin ang nag-alalang kaibigan na si Slyvannia. Dahil goodmood si ate mo, ni hindi ko inintindi ang mura niya saakin sa kabilang linya. Nababaliw na yata ako at nakangiting pinakinggan ko lang si Slyvannia kahit galit na galit na ito at mukhang gusto na akong kainin.

"Licia! Nag-alala ako sa'yo kagabi!"

"Akala namin ano na ang nangyari!"

"Kung iniiwasan mo si Alvino, magsabi ka naman. Goodness! Napapawisan at kinabahan ako sa'yo!Tsaka ito si Alessa! Iniwan ako at sumama raw kay Cato! Tapos ikaw..hindi nagpaaalam!"

"Sorry na..nahilo kasi ako kaya umuwi na agad ako Slyvannia." Palusot ko. Gusto ko sanang ibalita sakanya ang tungkol kay Enzo, pero mukhang hindi pa ata siya tapos saakin.

"Ewan ko sainyo dalawa! Iniwan niyo ako!"

Humalakhak lang ako sa kaibigan na ikinairita niya lalo.

Maaga nang magising ako mula sa masarap na tulog. Naligo at nagbihis agad ako. Suot ang uniporme ay malapad ang mga ngiti na bumaba ako at nadatnan roon si Ate Rosaline at Manang judy. Laking pasalamat ko at hindi naman masakit ang ulo ko. Marami pa naman akong nainom kagabi. Ganito siguro talaga ang naging epekto ni Enzo saakin.

"Magandang umaga, Ate at Manang Judy. Si Mama po?"

"Magandang Umaga, iha. Gising ka na pala. Pinagluto na pala kita. Si Ma'am Lucia nasa itaas pa. Si Sir Alberto naman ay umalis at maaga ang kanyang meeting." Nakangiti na sagot ni Manang judy saakin.

Napansin ko rin ang nakabraid na buhok ni Ate Rosaline habang inaayos ang kubyertos sa harapan. Inaamin kong mas gumanda ata siya lalo sa buhok niyang ganyan. Bagay sakanya ang pagiging morena.

"Sige, puntahan ko na muna si Mama, Manang." Paalam ko.

"Sige, iha at ihahanda ko ang magiging almusal niyo."

"Salamat po!"

Umaapaw ata ang kasiyahan ko at pati ang ibang tao ay gusto kong hawaan.

Umakyat agad ako sa taas at walang paalam na binuksan ang pinto. Saglit ay dinungaw ko muna ito at naabutan ang mahimbing na tulog ni Mama.

"Mama!" Tawag ko rito at mabilis na tinalon ang kama dahilan nang kanyang pagkagulat. Narinig ko ang bahagya niyang mura. Hindi naman maiwasang matawa sa naging reaksyon niya.

"Licia! Ginulat mo'ko!"

"Gumising kana! I have goodnews for you, Mama.." Umupo ako sa harap nito habang siya'y inaayos ang maiksing buhok. Namumungay at iritadong binalingan ako.

"Pwede naman na mamaya mo sabihin saakin 'yan, Licia. Pagod pa ako simula pa kagabi!"

"Maganda itong babalita ko, Mama. Guess what.."

Kumunot ang noo nito at mataman akong tiningnan. Hinintay na dugtungin ko.

"Kami na ni Enzo!"

Gusto ko man si Enzo ang magsabi nito, pero hindi ko na kayang ilihim ito. Ayokong hindi malalaman ng lahat na boyfriend ko na ang Lalaking pinapangarap ko lang noon.

"Haynaku! Nag iimahinasyon ka na naman, Licia. Halika na at kumain na tayo sa baba." Walang ka reak-reaksyon at mabilis na tumayo mula sa kama.

Shocked and offended mabilis na tumayo ako at hindi nagustuhan na iyon lang ang sasabihin niya saakin.

"Mama, Totoo iyon!"

"Tigil-tigilan mo nga ako, Licia. Oo gusto mo si Enzo, pero hindi na ata tama itong pagka ilusyonada mo."

Laglag ang panga nang marinig ang huli niyang sinabi. I can't believe you, Mama! Ikaw pa naman ang una kong sinabihan tungkol rito. Tapos hindi mo pala ako paniniwalaan!

"Mama, maniwala ka, Boyfriend ko na nga si Enzo."

"Kailan lang kung ganoon?" Ngayon nilingon niya na ako. Mukhang hindi parin kombinsedo sa sinabi ko.

"Kahapon! Hinatid niya ako kahapon!" Iritadong agap ko at hindi makapaniwalang hindi siya naniniwala sa mga sinasabi ko.

"Talaga?" Tonog sarkisto pa iyon.

I can't believe her!

"Mama, totoo nga!"

Humalakhak lang ito at pumasok na sa banyo para manghilamos ng mukha. Hindi kombensido ay sinundan ko ito.

"Bumaba kana roon at maliligo na ako, Licia."

"Boyfriend ko nga, Mama. Hayaan mo, si Enzo magpapatunay sa'yo!"

Busangot ang mukha ay padabog na tumalikod ako at iniwan ito.

"Licia!" Tawag niya saakin habang natatawa parin.

Nakakainis! Sinira niya ata ang araw ko. Bakit naman hindi siya maniniwala saakin? At ano raw?! Ilusyonada?! hindi naman ako ganoon kabaliw para gumagawa ng kwento! Totoo naman na boyfriend ko na si Enzo!

At..parang katatawanan lang itong mga sinasabi ko!

Dahil maaga ang meeting ni Mama, siya na mismo ang naghatid saakin sa University. Syempre, hindi parin naalis ang simangot ko sa mukha, at kapansin-pansin iyon sa itsura ko. Minsan sinusulyapan ako ni Mama pero inirapan ko lang ito.

"Sige na nga, maniniwala na ako, Licia."

"Napilitan ka lang naman, Mama."

Humalakhak lang ito saakin at pabalik-balik ang tingin saakin at sa daan. Bumuntong hininga ito.

"O sige, sabihin nating totoo nga 'ya-"

"Totoo naman kasi, Ma!" Iritado na ngayon.

"O, sige, totoo nga. Pero I want you to priorities your studies, Licia. Hindi naman kita pinagbabawal sa pagboboyfriend mo, but know your limitations. Huwag mo masyadong ibuhos ang pagmamahal mo. Magtira ka parati para sa sarili mo. Bata ka pa at marami ka pang mararanasan tungkol sa pag-ibig."

Napa-isip ako sa sinabi nito.

"Bakit, Mama, mali ba kung ibuhos ko ang lahat?"

"Hmm..syempre, hindi. Pero noon, naranasan ko 'yan bago ko nakilala ang papa mo. Masakit at mahirap. Binuhos ko lahat-lahat hanggang noong iniwan ako, nawasak ako. Nabaliw at halos nawalan na ng gana sa lahat. Pero kinaya ko lahat ng iyon. Kaya noong nakilala ko ang papa mo, doon ako nakakuha ng leksyon sa huli kong pag-ibig. I become a better person from the pain he caused me, Licia. Gaya mo, seventeen din ako noong unang nagmahal. Kaya ikaw..magtira ka parati para sa sarili mo, anak.."

Hindi ko pa nasagot ay dinugtungan niya na agad iyon.

"Sabagay, walang nagmahal ang hindi nasasaktan sa pag-ibig. Lahat tayo makakaranas ng iba't-ibang sakit dulot ng pagmamahal."

Mangha-mangha ay nanatili ang titig ko kay Mama. Seryoso ang mga mata niya sa daan. Nang napansin ang paninitig ko ay napasulyap ito saakin at ngumiti. Hindi makapaniwalang narinig ko ang lahat ng ito galing sakanya. Ito ata ang kauna-unahang pinayuhan niya ako nang ganito ka seryosong usapan.

Hindi ko alam kung hahantong din ako gaya sa nangyari kay Mama. Pero..kung ibubuhos ko man lahat ng pagmamahal kay Enzo, hinding-hindi ko iyon pagsisihan dahil alam kong binigay ko lahat para sakanya. Binigay ko ang pagmamahal na nararapat para sakanya. Kung masaktan man ako, idi masaktan na.

"Akala ko nga siya na iyong makakasama ko habang buhay, but I was wrong. He was just a big lesson for me, anak."

Hindi ako kumibo at nanatiling walang imik pagkatapos marinig lahat ng iyon kay Mama. Ngayon ko lang din nalaman na nagmahal pala siya ng iba bago si Papa.

Parehas na napasulyap kami ni Mama nang marinig ang pagtunog ng cellphone ko para sa isang mensahe. Kinuha ko iyon at binasa.

"Goodmorning! I'll fetch you, later, okay?

Pinigilan ang ngiti ay nagtipa ako ng mensahe. Tumikhim naman si Mama sa tabi ko.

"Okay. I'll wait for you:)"

Nagulat naman ako nang magreply agad ito. Mukhang inaabangan niya talaga.

"Sorry, I'll be busy later. Hope you had a great day today, Licia."

Hindi na napigilan ang sarili ay sumilay na ang ngiti ko sa labi at nakita iyon ni Mama. Hindi ko akalain makakatanggap ako ng ganitong mensahe galing sakanya. I mean..galing sa boyfriend ko.

"We, hindi nga?"

Pagkatapos nang unang klase ay lumapit ang dalawa kong kaibigan saakin. Syempre, hindi na napigilan ang sariling magkwento tungkol samin ni Enzo.

"Omygod! Talaga?!" Maarteng nilagay pa ni Alessa ang kamay niya sa bibig.

"Kailan lang kung ganoon?" Si Slyvannia.

"Kahapon..Sinundo niya ako kagabi sa club tapos..'yon na ang nangyari. Boyfriend ko na siya."

"Kaya ka pala umalis?"

Mayabang na tumango ako at ngumisi.

"Hindi nanligaw? Agad na agad, kayo na?" Si Slyvannia at mukhang dismayado saakin.

Noon paman, gustong-gusto ko ng maranasan kung paano ligawan ng isang lalaki. Pero ang nangyari kagabi, biglaan iyon. At sa tingin ko, hindi na importante kung paano naging kami. Gusto ako ni Enzo at sapat na iyon saakin. Nagka-aminan at 'yon na. Kung gawin man niya ang pangliligaw, I'll say yes right away. Doon narin naman patungo.

"Kahit gusto mo siya, dapat nagpaligaw ka man lang, Licia!" Si Alessa.

Ngumuso ako. Nagsimula na ang klase ay iyon parin ang iniisip ko. Tama naman si Alessa at Slyvannia, pero...nevermind then!

Hindi rin nagpahuli at nalipat ang atensyon kay Alessa. Of course! Inignora niya kami ni Slyvannia. Alam ko naman na ayaw niya lang pag-usapan ang tungkol doon sakanila ni Cato.

"Ah, oo nga pala! May tatapusin pa ako." Paalam niya at nagmamadaling bumalik sa upuan niya.

"Ang daya mo, Alessa!"

Lahat nang magkapares ay nagtabi ngayon para sa gagawing plano ayon kay Ms. Chanjueco. Binigyan lang kami ng isang buwan para matapos iyon at mapresenta ang final exam namin at gusto ko nalang matapos agad ito.

"So kailan natin sisimulan ang project?" Si Alvino.

"Ikaw kailan ka pwede?"

"I'm always available, Licia."

Tumaas-baba pa ang makapal niyang kilay.

Umirap ako. Tahimik na sinulat ko nalang ang magiging plano namin pagkarating roon at ang script para sa presentasyon. At mukhang ako lang ata ang nagbigay ng buong atensyon rito dahil kanina ko pa napapansin ang paninitig saakin ni Alvino.

"So..boyfriend mo na pala iyon?"

Kumunot ang noo ko sa naging tanong nito.

"Ano mag-uusap lang ba tayo tungkol sa lovelife ko?" Sarkismo kong tanong. Humalakhak ito.

"Fine! O, sige, sa sabado pwede ako. Hindi ko alam saan 'yong sinasabi mong magiging location natin for the final. Alam mo ba 'yon?"

"Oo, naalala ko pa naman 'yon. But we'll check the map incase mawala tayo. Sabi ni Mama four hours ang magiging byahe Butuan to Britania."

"Okay then. Maraming magaganda ba roon?"

"Ewan ko saiyo, Alvino!"

"Selos ka naman."

"Feeling mo!"

Sana naman mapasukan ng langaw 'yang bibig mo kakatawa.

Ilang oras bago natapos ang discussion namin ni Alvino kaya lumapit agad ang dalawa saakin habang nililigpit ng maayos ang gamit ko. Nagpaalam narin saakin si Alvino at mukhang may date ata. See? His damn playboy!

"Sama ka saamin? May appointment kami for spa. Pero kung gusto mo-"

"Huwag na! Susunduin ako ni Enzo."

"Great! Magpapahatid nalang din kami sa boyfriend mo!"

Nanlaki ang mata ko. No way!

"Ano? You have your driver, Alessa! Hindi taxi driver ang boyfriend ko para magpahatid kayo."

"Madadaan niyo ang spa na iyon, Licia. Sige na, please!"

"Hindi namin dala ang kotse, please?" Pagmamakaawa ni Slyvannia saakin.

Sapo ang noo ay wala akong magawa kung hindi pumayag.

"Fine!"

"Great! Halika na!"

Wow! Ang kapal naman ng mga ito.