"Saan tayo?" Tanong ko nang makitang huminto kami sa tapat ng Magarbong Restaurant. It's an Italian Restaurant.
"Let's go. They're waiting for us."
"Huh?" Bumaba ang tingin ko sa suot ko at nakitang nakasuot parin ng uniporme. Huwag mong sabihin papasok ako diyan habang nakaganito? "I'm wearing my school uniform, Enzo!"
"What's the matter?" Hinarap na ako nito ngayon at bumaba ang tingin sa suot ko. "That's fine, Licia." Kalmado niyang komento at binalik na ang mga mata saakin.
"Nakakahiya kaya! Ang panget kong tignan. Magbibihis muna ako. Sana sinabi mo na pupunta tayo rito at para makahanda ak-"
"Kahit anong suotin mo, maganda ka." Agad na putol niya saakin. Uminit naman ang pisngi ko sa biglaang puri nito saakin. Umangat ang labi niya at sumilay ang ngiti roon.
"Halika na. They're waiting for us."
"Huh? Sino?"
"Baby, let just go, okay?"
Walang magawa ay tumango nalang ako. Unang lumabas ito sa loob ng kotse bago ako pinagbuksan. His wearing his usual work attire again at hindi ko kayang hindi pagmasdang kung paano naninigas ang braso niya habang hinahawakan ang mga kamay ko. Kitang-kita ko iyon dahil nakatupi ang sleeves nito hanggang siko. Pakiramdam ko ang liit-liit ko ngayon sa tabi niya. At tignan mo nga, mukhang magkapatid lang kami sa lagay na ito. Suot ko pa ang uniporme! Ang panget lang talaga tignan!
Sana man lang, sinabi niya na pupunta kami rito para naman nakapaghanda ako at dinala nalang iyong binili ni Mama para saakin noong isang linggo. Nakakahiya talaga! Dagdagan pa ang iilang nakatingin saamin!
Naglalakihang chandelier ay napatingin ako sa itaas. Kumikinang pa iyon at mukhang bago kung titignan. Napasinghap naman ako nang hinawakan niya ng marahan ang baywang ko. Napatingin ako roon bago inangat ang sarili para tignan siya. Ang ganda ng pagkagawa ng kanyang panga. Lalo na iyong manipis niyang labi at brunette niyang mga mata na mas gumanda dahil sa haba at kurbadong ng kanyang pilik mata. Kung meron man akong gustong makita, iyon ay...basta alam niyo na iyon.
"Andito na sila!"
Agad nalipat ang tingin ko sa pamilyar na boses na iyon at nanlaki ang mga mata nang makita si Tita Jory at Tito Benz. Mas nagulat ako at kasama nila si Mama at Papa.
"Thankyou po at dumating kayo." Si Enzo at mabilis na nagmano sa nakakatanda. Nanatili naman ang kamay niya sa likuran ko. Sumunod din ako pagkatapos niyang magmano. Narinig ko ang pagtikhim ni Mama nang makitang hinila ni Enzo ang upuan para saakin at pinaupo ako sa tabi niya.
"Hello po Tita and Tito Benz! Hindi nasabi saakin ni Enzo na andito rin pala kayo!" Nakangiting bati ko. Nilingon ko rin si Mama at Papa. "Hindi po kayo nagsabi tungkol rito, ah."
"It was a sudden call, Anak. Pinatawag kami lahat ni Enzo rito."
Nilingon ko si Enzo at seryosong nilagyan lang ako ng pagkain sa pinggan ko.
"Ang dami naman niyan, Enzo." Komento ko.
"This is for us."
"Huh?"
Uminit ang pinsgi ko sa sinabi niya. He has his own plate, pero naisip niya talaga ito. Ngayon lang ata ako nakaramdam ng hiya sa harap ng magulang namin dahil sa ginawa niyang ito. Sa gilid ng mga mata ako alam kong nakatingin sila. Saglit na sumulyap ako sa harapan at napansin ang pagtaas ng kilay ni Mama saakin kaya agad akong umiwas. Nanatili naman ang kamay ni Enzo sa likod ng upuan ko habang isang kamay lang ang gamit para pagsilbihan ako. Ngayon ay kinuha niya na ang pitsel para lagyan ang baso ko ng tubig.
"Ako na 'yan, Enzo." Sabi ko. Mukhang hindi niya ata napapansin ang paninitig ng lahat at saakin lang nakatuon ang buong atensyon niya.
"Baby, let me do this."
Ngayon, kasing pula na ng kamatis ang pisngi ko. Damn it!
Sa ginagawa niyang ito hindi na talaga lihim ang relasyon namin. Hindi pa nga namin na amin, mukhang nakuha na ng lahat kung anong meron sa amin ngayon. Gusto ko nalang magtago kung paano sa paraan sumulyap si Tita Jory saakin habang may panunuya naman ang mga ngiti ni Tito Benz.
"Mukhang may sariling mundo ata.." Si Mama.
Ngumuso ako para pigilan ang pagngiti. Ano ka ngayon, Mama? Naniwala kana? Hmp!
"Mukhang mapaaga ang kasal, ah.."
Nagulat ako sa sinabi ni Papa. Mukhang wala atang narinig si Enzo at patuloy lang ang ginagawa. Mukhang gusto ko nalang mawalan ng mga kamay dahil sa ginawa niya. Wala na atang silbi ito.
"Do you need more, Licia?"
Seryosong tanong niya. Umangat ang maganda at brunette niyang mga mata saakin at hinintay ang sagot ko. Pakiramdam ko mahihimatay na ako sa titig niyang ito. Hindi na ako makahinga! Baka nakalimutan niyang may mga kasama kami rito!
"Uhh..W-wala na, Enzo! Halika na at kumain na tayo."
Alam kong kapansin-pansin ang pamumula ng buong mukha ko. Hindi naman sa ikinahiya ko ang ginawa ni Enzo, kinikilig ako sa ginagawa niyang ito! Ngayon lang ata na ginawa niya ito saakin at sa harapan pa mismo ng mga magulang namin. Kung wala lang sila, baka kanina ko pa siya hinalikan rito. Nanggigil na talaga ako sa isang ito!
Ang tagal-tagal ko na itong hinintay. Hindi parin talaga ako makapaniwala. Syempre, ang dami kung katanungan sa isipan ko, pero inaalis ko ang lahat ng iyon. Alam kong mahal ako ni Enzo at paniniwalaan ko iyon. Hindi niya naman gagawin ito, kung hindi nga totoo. Kung panaginip lang ito, ayoko ng magising pa.
Binalot kami ng matinding katahimikan pagkatapos. Umabot ata ng ilang minuto bago may nagsalita sa harapan.
"So..kailan ang kasalan?"
Napasinghap ako sa tanong ni Papa.
"Alberto!" Si Mama at mabilis na sinapak ito sa braso. "Ang bata pa ng anak mo!"
"Ano kaba, Lucia. Doon din naman patungo. Para naman magka-apo tayo nang maaga!" Natatawang komento ni Papa.
Narinig ko ang bahagyang pagtawa ni Tito Benz at Tita Jory.
"Sa tamang panahon, Tito, papakasalan ko po ang anak niyo at tutuparin ko po iyong milyones na apo na gusto niyo." Bahagyang natawa pa ito.
Dahil sa sinabi niya mukhang bumalik ang pag-init ng pisngi ko. Sinabi niya ba iyon? At ano..Milyones?! Malulusyang ako kung ganoon!
"Naku! Gusto ko 'yan!" Si Tito Benz.
"Ano ba kayo..Ang babata pa nila para isipin iyan!" Si Tita Jory na mukhang hindi rin nagustuhan ang iniisip ni Papa at Tito Benz.
Narinig ko parin ang halakhak ni Enzo sa tabi ko. Umangat ang mga mata ko at matalim na tinitigan ito pero tinaasan niya lang ako ng kilay
"Alam niyo na pala lahat?"
Malapad ang mga ngiti nila na tumango sila sa tanong ko, maliban kay Mama. Mukhang hindi na pala ako mahihirapan nito at mukhang tanggap naman nila itong relasyon namin. Tignan mo nga, humihingi na ng apo!
"Naku! Hindi na ako makapaghinatay talaga."
"Tapusin na muna ni Licia ang pag-aaral, Alberto. Ikaw talaga!" Gusto ko nalang matawa sa naging reaksyon ni Mama.
"So ibig sabihin..payag kang magpakasal agad ako pagkatapos ng kolehiyo ko, Mama?" Hindi ko na napigilan ang sariling makisali.
Napansin ko ang gulat ni Mama sa Tanong ko. Dahil sa lapit ni Enzo saakin, rinig na rinig ko ang mahina niyang tawa.
"You still have to handle the Alucia Resort, Licia. Maaga pa para sa kasalanan." May bahid na iritasyon sa boses niya.
Ganoon ang madalas na nangyari sa sumunod na araw. Pagkatapos ng klase ay nagulat ako ng dinala niya ako sa condo na pamamay-ari ni Tita Leona Campbell. Ngayon ko lang alam na may suite rin si Enzo rito. Hindi narin ako magtataka dahil pamangkin ni Tita Leona si Enzo. Gusto niya raw mapag-isa muna kami. Syempre, pumayag agad ako. Aangal pa ba ako? Buti nalang talaga at maaga ang uwi namin kaya mahaba pa ang oras para makasama ko siya rito.
Nakahilig ang ulo ko sa matigas niyang dibdib habang nanonood kami ng palabas kahit wala naman talaga akong maintindihan.
"Baka nagdadala ka rito ng mga babae?" Hindi ko na mapigilan itanong iyon.
"Minsan lang ako rito kung late na ang uwi ko galing trabaho, Licia."
Hindi ako kumibo kaya sinundan niya ito.
"Wala akong babae."
"Talaga? Hindi ko gusto iyong Arianne at si Roanne. Ang hilig mo pala sa dobleng letter N, no?" Tonog sarkisto pa iyon.
Kumawala ito ng malalim na hininga. Agad na inangat ko ang sarili para matignan ito.
"Totoo, hindi ba?" Hindi maiwasang maging pumait ang boses ko sa iniisip.
"I don't know what you are talking abou-"
"At bakit hinalikan ka ni Arianne na iyon? Hindi ko parin makakalimutan iyon!"
"I cancelled all my meetings because of what happened, Licia. Baby, don't you trust me?"
Ngumuso ako at umiwas ng tingin.
"Sa mga babae na iyon, hindi!"
Bahagya akong tumili nang inangat niya ang dalawa kong binti at nilagay iyon sa kandongan niya. Mukhang hindi pa sapat ang distanya namin kaya umusog pa siya saakin nang kaonti. Ngayon, amoy na amoy ko na ang mabango niyang hininga. Sinubukan ko pang umatras pero nanatili ang mga kamay niya sa likuran ko. Mabilis napakapit naman ako sa braso niya.
"Baby, don't move. Stay still."
Hindi na ata ako makakahinga sa lagay na ito. Halos nag-uunahan ang tambol ng puso ko sa kaba. At ibang klaseng kaba iyon. Sa rahan ng paghawak niya saakin mukhang mawawalan na ako ng lakas.
"I only have you, Licia. Please, believe me. I don't care the other girls."
"Hindi mo nga sila gusto pero gusto ka naman nila!"
"Hindi ko sila gusto. Ikaw ang gusto ko, Licia."
Hindi ko na talaga alam ano itong ginagawa ni Enzo saakin. Mukhang umaapaw na ang pagkagusto sa taong ito. Alam kong hindi ko na kayang magmahal ng ibang lalaki, maliban sakanya. Siya lang ang gusto ko. Mas gugustuhin ko pa siguro ako iyong unang mawala, kesa iwanan niya ako. Alam kong hindi ko iyon kakayanin. Ikakabaliw ko iyon. Hindi ko kayang isipan kung sakaling mangyayari nga iyon.
"Pero, E-
Hindi na natapos ay isang halik ang bumalot sa bibig ko. Nalunod sa mga halik niya ay halos lumiyad na ako. Kung hindi lang ako hawak, baka napahega na ako sa sofa na ito. Nakakahiya ka, Licia!
Dismayado ay humiwalay ang mga labi niya saakin. Kagaya ko, namumugay rin ang kanyang mata dahil sa halikan.
"My Heart only whisphers for you, Licia.."
Taas-baba ang paghinga ko ay nanatili akong nakatitig sakanya at bahagyang nakaawang ang mga labi. Gusto ko man magsalita sa harapan niya ay hindi ko na magawa. Hindi parin talaga ako sanay na marinig ang lahat ng ito sa lalaking noon ko pa gusto. Dahil kontento na sa narinig ay hindi na ako nakipagtalo pa.
Bumalik sa ganoong posisyon ay dinarama lang namin ang isa't-isa. Dahil nakahilig ang ulo ko sa dibdib niya, rinig na rinig ko ang tibok niyang puso. Sumilay ang ngiti ko sa labi habang ina-alala ang sinabi niya saakin kanina. Sa rahan ng haplos niya sa mahaba kong buhok ay parang gusto ko nalang matulog. Kung pwede lang mananatili sa ganitong ayos ay talagang hindi na ako gagalaw pa. Hangga't andito siya sa tabi ko, masaya na ako.
Hindi sinasadya ay bumaba ang tingin ko sa pantalon niya at nagulat nang makita ang umbok doon. Napalunok ako at hindi maiwasang maging kuryoso. Noon paman, napapansin ko na ang umbok na iyan. Lalo na pag suot niya lang ang manipis na short. Sa tingin ko..malaki nga siya!
Hindi na natanggal ang nga titig ko roon. Ngayon lang napansin na umiinit na pala ang buong katawan ko dahil sa pagnanasa sakanya. Hindi ko alam ano itong nararamdaman ko. Dahil curiosity kills the cat, inangat ko ang kanang kamay at mabilis na dinampi ang palad sa umbok na iyon. Mukhang natusok ata ang palad ko kaya agad ko itong inalis. Narinig ko ang mura nito kaya agad akong nagulat at tumuwid ng upo.
"Licia!"
Bumaling siya saakin at kapansin-pansin roon ang pagdidilim ng kanyang mata. Mukhang nagalit ko pa ata. Doble-doble na ata ang kaba ko ngayon.
Hindi ito pinansin ay bumaba ulit ang tingin ko at napansin ang lalong pag-umbok sa pantalon niya.
"What the fuck, Licia? What the hell are you doing?!"
"Huh?" Lumunok ako at ngayon lang nakaramdam ng kahihiyan sa ginawa. "I was just curious.." Sabi ko habang nasa baba parin ang tingin.
Pumikit ito ng mariin at muling nagmura sa harapan ko.
"Huwag mo iyon gagawin!" Mariin at iritado niyang sabi. "Fuck! Eyes on here, Licia!"
"Huh, Bakit? Boyfriend naman kita, kaya hahawakan kita kung kailan ko gusto, Enzo!"
Laglag ang kanyang panga ay nakita ko roon ang pag-iba ng kanyang ekspresyon. Umigting ang panga at mukhang nawawalan na ng pasensya.
"You're too young for that!"
"Young? I'm on legal age! Ano naman ngayon? I'm just curious! At bakit..." Mabilis na tinuro ko ang umbok na iyon. "Ano 'yan? Lumaki ata lalo noong hinawakan ko?"
Malutong na mura ang narinig ko at nagulat nang mag walk-out ito at nakitang pumunta ito sa banyo.
"Enzo-"
"Give me a minute!" Iritado niyang putol saakin at gusto ko nalang matawa.
Mangha-mangha ay hindi na ako makapagsalita. Ano 'yon?! Unti-unti ay sumilay ang ngiti ko. Alam ko ano iyong nakikita ko at hindi naman ako ganoon ka inosente para hindi iyon maintindihan. Hindi ko naman talaga iyon sinasadya, ah! I'm just curious! And He's....Imean..he's really, really, turn on because of my touch!
Hindi na napigilan ang sarili ay tumili na ako at natatawang humandusay sa sofa.