"Talaga nagkahalikan kayo?! Omygod! Masarap ba?" Si Alessa.
"Grabe! Your lucky, Licia!" Tumili pa si slyvannia.
"Huy, Ano! Anong masasabi mo sa halik niya?"
Palihim na ngumiti ako at naalala ulit iyon. Anong masasabi ko? Hindi ko mapaliwanag. Kalabog lang ng puso ang naririnig ko sa gabing iyon.
"Malambot ang labi niya.." Iyon lang ang tanging naipaliwanag ko sakanila. Tinukso naman ako ng dalawa nang makita ang pamumula ng pisngi ko.
"Baliw na baliw ka talaga sakanya, no?"
"Baliw na baliw talaga 'yan! Noong nag Grade 10 tayo si Enzo parin bukang bibig niya!" Si Slyvannia at mukhang kinikilig talaga.
Pinigilan ko naman huwag sabihin sakanila, pero hindi ko lang talaga kaya hindi matikom ang bibig ko tungkol sa halikan namin kagabi. Kung paano niya ako halikan sa loob ng kotse niya na para bang pamamay-ari niya ako. Gaya ko, iniisip niya rin ba iyon? Ano ba ang naramdaman niya doon? O baka naman gawain niya na iyon at parang wala lang sakanya ang lahat. Hindi maiwasang pumait ang lalaluman ko sa iniisip.
Tinupad nga ni Enzo ang sinabi niya kagabi na ihahatid ako rito. Maaga pa lang ay nasa bahay na siya. Buti nalang at alas singko ay nagising na ako kaya hindi niya na kailangan hintayin pa ako nang matagal.
"Thank you, Enzo!"
"Anong oras kayo matatapos?"
Napaisip ako sa tanong niya at inisip iyong plano ko para mamaya.
"Hindi ko alam? Itetext nalang kita!" Hindi ako sigurado kung napapansin niya rin ba ang pagiging goodmood ko.
Tipid na tumango ito at mabilis na tinanggal niya ang seatbelt ko. Sa lapit na mukha niya ay halos mahahalikan ko na siya. Halos nanunuot ang mamahaling amoy niya sa ilong ko. He's wearing his business attitire again at hindi maalis ang mata ko doon. Hindi ko alam kung naririnig niya ba ang pagtambol ng puso ko. At kung hindi siya lalayo baka kanina pa ako hindi makakahinga rito!
Omygod! May sakit narin ba ako sa puso? Seryosong tumitig siya saakin bago nagsalita.
"If you need anything, Licia, just text me."
Ngumuso ako at tumango. Gusto ko siyang tanungin tungkol doon sa halikan namin kagabi pero baka mautal lang ako! At ngayon nga, sobrang kinakabahan na ako!
"Okay.." halos pabulong na sagot ko.
Bubuksan ko na sana ang pinto ng kotse nang nilingon ko ito ulit. Seryoso ang mga mata na pinagmasdan niya ako. Saglit ay humugot ako ng malalim na hininga bago pinatakan ito ng halik sa labi. Nakitaan ko naman ang gulat sakanya. Bago pa ito makapagreact sa ginawa ko ay mabilis na binuksan ko ang pinto ng kotse at nagmamadaling lumabas. Ni hindi ko na nakita ang reaksyon niya.
Nakakahiya talaga ang pinanggagawa mo, Licia! Ano naman ngayon? Naghalikan naman kami kagabi, ah! Buti nga isang patak lang iyon!
Ni hindi ko maipaliwanag itong naramdaman ko. Pati ang katawan ko yata ay nag-init rin, hindi lang ang pisngi ko.
Kagat ang labi na umiling-iling ako at natawang binaba ang ininom na tubig. Pawisan ay umupo muna kami sa bench para makapagpahinga saglit. Masakit narin ang paa ko kaka squat pulses. Mag iisang oras narin kami rito pero pagod na ako. Hindi gaya ng dalawa mukhang mas sanay na talaga sa mga ganito.
Tumayo ulit si Alessa at ginawa iyong lunge to kicks sa harapan namin. Hindi ba siya napapagod?
"Ni hindi mo sinabing guwapo pala iyong Enzo!"
"Bakit sinabi ko bang pangit 'yon? Hindi naman, ah!"
"Pero grabe..Ang bata niya pa para maging CEO ng De Martino, Licia."
"Kaya nga pagkatapos nito bibisita ako doon."
"Sama kami!" Agap ng dalawa.
"Huwag na! Magmall nalang kayo!"
Ngumuso sila sa sinabi ko at agad na inirapan ako. Hindi ko naman napigilan matawa.
Hindi pa ako nakapunta roon na mag-isa at laging andoon si Mama o 'dikaya si Papa. Pero ngayon..bibisita ako! Tignan natin kung anong magiging reaksyon niya pagnakita ako doon. Siguro, matutuwa siya!
Hindi ko alam kung paano nagawa ng dalawa iyong side shuffle na sinasabi ng trainor namin. Gusto ko man tapusin ang pinagawa, pero pagod na pagod na talaga ang buong katawan ko at hanggang 20seconds lang ang nakayanan. Kaya umupo na agad ako at iniwan ang dalawa doon. Pawisan narin kaya napagdesisyunan kong kunin iyong mga dala kong damit sa locker para makapagbihis narin. Isang knitted gray button shirt top ang suot ko kaya kita ng kaonti ang tiyan ko. Isang sneakers at black leggings din ang pinares ko.
"Wow! Someone's trying to show off herself, later, huh?" May panunuyang sabi ni Alessa nang makita ako.
"Tignan mo naman anong nagawa ng halik ng Martino!" Mapang-asar na tumawa si Slyvannia.
Matalim na tinitigan ko naman ang dalawa.
"Hindi, ah!"
"Sabi ko naman saiyo magmodelo kana. Matangkad ka naman at maganda na ang katawa mo, Licia. Sayang iyong offer saiyo noon."
"Hindi nga gusto ni Enzo iyon."
"Hmm Your kuya Enzo is too overprotective, huh?" Pang-aasar ulit ni Alessa
"Hindi ko siya kuya!" Giit ko.
Tumawa lang ang dalawa na ikinairita ko lalo. Wala talagang magawa ang dalawang ito!
Naalala ko tuloy iyong designer na gustong kumuha saakin para sa Summer swimwear parade. I was happy someone's offered me to be part of it. Sobrang tuwa ko pa noong sinabi ko iyon kay Enzo. Akala ko nga matutuwa rin siya pero sa itsura niyang ito, mukhang hindi nagustuhan ang binalita ko. Iritadong binalingan niya pa ako.
"You're still sixteen, Licia. And that thing will explain that you will showing too much skin." Mariin niyang sabi.
"Pero minsan lang iyon! Hindi na ako bata, Enzo. Tsaka sabi noong nagimbita saakin kukunin din niya ako pa-"
"No, Licia."
Hindi ko alam kung bakit ayaw niya nga akong isali doon. Kasi bata ako? Hindi na ako bata! Tsaka, hindi ako nahihiyang ipakita itong katawan ko. I was born ready, you know..Sabi ni Mama may potential din naman ako sa pagmomodelo. Pero ewan ko ba, at bakit importante iyong mga opinion ni Enzo saakin. Kaya kahit gusto ko, tinanggihan ko nalang iyon.
Alas diez ng umaga nang matapos kami. Nakapagbihis narin ang dalawa at as usual may lakad ulit. Ano ba nga ba? Shopping is their thing. Pero ang akin, Enzo is my..kinagat ko ang labi ko at nag-isip. Ano ko nga ba si Enzo? Well..future boyfriend..husband?
Mabilis na nagbayad ako sa taxi at bumaba na. Inayos ko muna ang suot ko bago naglakad. Binati rin ako nang iilan.
"Miss. Ordoveza, Andito po kayo! Magandang Umaga." Bati ni Lila saakin na matagal nang nagsisilbi sakanila bilang Information desk.
"Hi, Lila! Nasaan si Enzo?" Nakangiting tanong ko.
"Ah, si Sir Enzo ba, He's on his office, Miss."
"Sige, pupuntahan ko nalang. Huwag mo nalang sabihin na andito ako." Sabi ko.
Aalis na sana ako nang namataan ko iyong pamilyar na lalaki papalapit rito. Tumigil ako at hinintay na makalapit ito saakin. Nagulat din ito nang makita ako.
"Bagong pomec 'yan, Miss." si Lila na agad napansin ang paninitig ko sa lalaki.
"Magandang Umaga, Ma'am Licia." Bati niya saakin at mukhag nahihiya pa.
Gulat parin ako. Bagong pomec? Talaga? Alam rin ba ito ni Alessa? Sasabihin ko ito sakanya!
"You're too pormal, Cato! Bago kang pomec dito?"
Nagkamot ito sa batok at ngumiti. Ito ata ang pinakaunang interaksyon namin dalawa. Guwapo naman si Cato, ah? Kaya paanong hindi nagkagusto si Alessa rito? Ah! Kasi nga anak lang ng kasambay nila? Hmm, wala naman sigurong masama doon kung magkagusto ka sa hindi mo ka estado.
"Ah, oo. Noong nakaaran lang ako natanggap rito. Kailangan kasi."
Tumango-tango ako.
"Saang floor ka?" Tanong ko nang makapasok na kaming dalawa sa loob ng elevator.
"Fifth floor. Nasira daw kasi iyong Telepono ni Sir Enzo kaya ako pinatawag. Bakit ka nga pala andito?"
"Great timing! Doon din ang punta ko." Ngumiti ako sakanya at pinindot na iyong floor. "Bibista lang ako sakanya."
Tumango-tango ito sa naging sagot ko. Mukhang kasing tangkad din sila ni Enzo.
"Akala ko kung sinong Ordoveza ang tinutukoy nila. Kayo nga talaga. Narinig ko kasi na mukhang malapit kayo sa mga Martino. Engineer ba ang papa mo?
"Oo, Cato. Kilala mo siguro si Enzo, hindi ba?"
"Oo, naabutan ko siya noon. Naging senior namin noon, si Ares din."
Tumango-tango ako. Mukhang mabait naman si Cato at maganda kausap. Dapat pala magustuhan ito ni Alessa.
Tumunog narin ang elevator hudyat na nasa tamang palapag na kami. Unang lumabas ako bago ito sumunod saakin.
"Kasama mo ba si Alessa kanina?"
Napalingon ako sa kanya at mapanuksong nilingon ito sa gilid ko. Ilang sandali ay iniwas ang tingin saakin.
"Binanggit niya kasi iyon kay Ma'am Sonya na mag gigym kayo." Agap niya.
"Oo, magkasama kami. Pero ngayon si slyvannia na kasama nun. Alam mo naman saan iyon pagkatapos, hindi ba?"
Tumawa ito at tumango. Nakita kong naglaho ang tawa nito at umayos nang tayo nang binalingan niya ang kung sino sa harapan. Malamig na boses ang tumawag sa pangalan ko kaya nabaling ang atensyon ko doon.
"Enzo!" Mabilis na lumapit ako pero taliwas na reaksyon lang ang pinakita niya at seryoso parin ang mga mata. Ni hindi naalis ang tingin niya kay Cato.
"Sige, Licia! Mauna na ako. Sir, titignan ko na po iyong pinagawa mo."
"Sige, Cato." Paalam ko bago hinarap muli ang katabi.
Ni hindi man lang siya kumibo kay Cato at seryosong hinagod lang ako ulo hanggang paa. Umiigting ang panga ay iritadong binalik ang tingin sa mga mata ko.
"What are you wearing, Licia?" Nahimigan ko ang iritasyon sakanya. Kunot noo ay tinignan ko ang suot ko.
"I'm wearing knitted button-"
"Your in my office tapos iyan ang suot mo?"
"Bakit? Ano bang masama rito? Wala naman, ah! At kagagaling ko lang mag gym para makapunta rito para surpresahin ka, kahit pagod na pagod ang katawan ko." Padabog na inekis ko ang braso ko.
"Alam mo naman na hindi kaya ng katawan mo, sumubok ka pa."
Umawang ang labi ko ng makita ang pag-irap niya saakin. Hindi ko alam bakit natatawa ako. Bumaling ito ulit saakin kaya naabutan niya ang tawa ko ko. Agad na tinikom ko ang bibig.
"Let's go." Ngayon ay hila-hila niya na ako. Pumiglas pa ako sa hawak niya.
"Kakarating ko lang, Enzo. Saan tayo pupunta?"
"Kakain tayo at iuuwi na kita pagkatapos."
"Ha? Hindi ako gutom! Doon nalang tayo sa office mo." Protesta ko.
Nang makapasok na kami sa loob ng elevator ay mabilis niyang pinindot iyong groundfloor. Ngayon, nasa akin na ang buong atensyon niya. Nakapamulsa at seryosong tiningnan ako.
"Hindi ko magagawa ang trabaho ko pag andito ka."
Nagulat ako sa sinabi niya. Anong walang matatapos? Hindi ko naman siya guguluhin, ah!
"Uupo lang ako at pagmasdan ka. Hindi kita guguluhin!"
"That irritates me more. Halika na."
"Enzo, dito lang tayo!"
Bumaling ito saakin at matalim akong tiningnan. Tumunog na ang elevator hudyat na nasa tamang palapag na kami.
"Ako ba talaga ang sadya mo o may iba kang pakay rito?" May kahulugan na sabi niya. Kumunot naman ang noo ko.
"Huh? Ikaw nga ang sadya ko!"
May sinabi pa siya pero hindi ko naman narinig.
Busangot ang mukha ay hinayaan ko nalang ang sariling sumunod sakanya kahit iritado na. Marami rin nakatingin saamin. Yes, Your boss is grabbing me!
Paano siya magiging iritado sa presensya ko? Wala akong gagawin!
Tulad sa napag-usapan hinatid niya ako pagkatapos namin kumain sa isang cafe. Right! Hindi niya nagustuhan ang pagbisita ko sakanya. Dahil lang ba sa suot ko? Walang mali sa suot ko!
Akala ko pa naman matutuwa, iyon pala ako lang iyong natutuwa.
Hindi ko alam anong nakikita niya saakin. Kapatid lang ba? Pero kung kapatid, para saan iyong halik? Gustong-gusto ko siyang tanungin pero pakiramdam ko hindi niya naman ako sasagutin. Nakakainis!