Chereads / Heart Whisphers / Chapter 10 - Chapter 9

Chapter 10 - Chapter 9

"Ako parin ang susundo saiyo mamaya, Licia." Paalala niya saakin nang nasa tapat na kami ng University.

Ngumiti agad ako at mabilis na tumango.

"Okay!" Masayang sabi ko.

Nakita kong umiwas ito ng tingin kaya matapang na inangat ko ang sarili para mahalikan ito ng mabilis sa pisngi. Got you!

Pasalamat ka at sa pinsgi lang.

Tumawa ako at mabilis na lumabas. Mura naman ang narinig ko galing sa loob ng kotse. Sus! Alam ko naman nagustuhan niya iyon.

"So..ano itong nabalitaan namin na hinatid ka raw ni Alvino?"

"Nawala lang kami ni Slyvannia, lumabas na agad kayo ni Alvino!" Na hysterical pa niyang sabi.

Hindi ako sumagot at pinagpatuloy lang ang pagguhit ng disenyo sa papel. Ito naman lagi ang ginagawa ko pag nagka-oras ako o dikaya'y nababagot. Hindi rin naman kasi mahilig magtext si Enzo. A man like him is too mature to become my textmate! Tsaka, he's too busy to make time for me. Ngumuso ako at nalungkot nang bahagya.

Seryoso at patuloy parin ang paggawa ko ng lining at sinubukan hindi lingunin ang dalawang ito. Pagtungtong ko siguro ng kolehiyo baka itutuloy ko iyong pagiging architecto.

"Hoy, Licia! Ano? Nagkiss na ba kayo?"

"Magaling ba?"

Dahil sa narinig ay mabilis na tinakpan ko ang bibig ng dalawa at pinandilatan ng mga mata.

"Tumigil nga kayo!" Binaba ko ang kamay ko at binalik sa ayos ang upo. "Hinatid lang naman ako, iyon lang 'yon!"

"Bakit ka nagpahatid?" May kahulugan na tanong ni Alessa saakin. Umirap lang ako at walang magawa kung hindi sagutin ang mga katanungan nila. Kung anu-ano kasing iniisip!

"Nagpumilit. Tsaka..hindi ako interesado doon. Alam niyo naman kung sino ang gusto ko." Mahinang sabi ko at binalik ang sarili sa pagguguhit.

"Ewan ko saiyo! Ano bang itsura ng Enzo na iyan at baliw na baliw ka?"

Napa-isip ako sa Tanong nito. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin o ipaliwanag sakanila.

Ano ang itsura ni Enzo? Hmm..Basta ang alam ko lang, He's  too much and too intimidating. Sa sobrang perpekto nito sa pananaw ko, mukhang lumiliit ako pagkatabi ito.

"You'll meet him, someday."

"Kailan?"

"I'll talk to him about that."

"Ano ba yan! Sige na!"

Hindi na ako umimik pa at seryosong pinuna ang disensyo ko.

Patuloy parin sila sa pangungulit at panunukso tungkol kay alvino. Wala naman akong magawa kung hindi hayaan sila. Buti nalang talaga at dumating na si Mrs. Chanjueco. Kaya natahimik agad sila at umupo na sa sariling upuan.

Nasa Senior High na ako at pagkatapos nito magkokolehiyo na ako. Hindi ko maiwasang maexcite para doon.

Tahimik lang akong nakikinig nang mag announce tungkol sa panibagong project sa final exam namin.

"I have decided na itong gagawin natin ngayon is for our final exam. At may napili na akong magkapares para dito."

Iyon nga ang nangyari, tinawag isa-isa ang magkapares para sa susunod na project. At ang gagawin daw doon ay maghahanap kami ng tourist spot na hindi nakikita sa manila. And I find it so interesting!

"Si Mr. Roque at Ms. Rianne. Magkapares kayo."

Naghiyawan ang lahat at nag-asaran. Pagkakaalam ko kasi may gusto si Rianne sa Roque na iyan.

"Ms. Alessa Primrose Chavez and Cato Rosales."

Napabaling agad ako sa kaibigan at nakita ang busangot sa mukha nito. At mukhang hindi sang-ayon sa kapares.  Nakita ko rin na hindi nagreak si Cato doon. Seryoso at mukhang malalim ang iniisip.

Hindi ko akalain anak siya ng katulong ni Alessa! Hindi mo mapagkamalang katulong lang ang ina niya. Gwapo naman ito at hindi ko alam bakit naiirita lagi si Alessa sakanya. At..magkapares pa sila! Hmm..this is more interesting. Baka itong na siguro ang rason para makilala nila ang isa't-isa?

"Mr. Alvino Buendia at si Licia Rainn Ordoveza."

Biglang umangat ang ulo at halos mabingi sa hiyawan. Kahit si Slyvannia ay niyugyog pa ako.

"Quiet!" Si Ma'am Lorie.

Nakita ko ang pagsulyap ni Alvino dito at kinindatan pa ako. Wala naman problema saakin na makasama ko siya sa project. At bakit ba naghihiyawan sila lahat? Umirap ako at hindi nalang ito pinansin.

"I told you! Para talaga kayo sa isa't-isa!" Mahinang tili ni slyvannia saakin. Umirap ako sa kaibagan.

"Ugh! I hate him! Sa dami-dami pa talaga ng lalaki, siya pa iyong kapares ko! Naiinis nga ako na nakikita ko siya sa bahay! paano pa kaya na makasama siya sa project na ito? Nakakainis!" Si Alessa na kanina pa nag-aalbularyo sa tabi namin ni slyvannia.

Pagkaalis ni Ma'am Chanjueco ay lumapit agad ang dalawa saakin.

"Ano bang problema doon? Ang gwapo niya kaya!"

"Anak siya ni Nanay daisy! Basta, ayaw ko sakanya!"

"See, you call her 'Nanay'. Parang kay--"

"Shut up, Licia!" Napipikon at nairita niyang sabi. Hindi naman namin maiwasang humagalpak ng tawa ni slyvannia.

Sa minutong paghihintay namin sa susunod na subject ay reklamo lang ang narinig namin galing kay Alessa.

Nang makitang malapit na kaming matapos sa huling klase ay tinext ko agad si Enzo.

"We're almost done."

Sinend ko agad iyon.

Ilang minuto bago napagdesisyunan idismissed and klase. Tumayo agad ako at nagmamadaling nagligpit ng gamit.

"Ano, sama ka saamin?" Lumapit agad ang dalawa saakin. Ano pa nga ba? Shopping lang naman ang laman ng mga utak nito. Saakin si Enzo lang naman!

"Susunduin ako ni Enzo kaya huwag na." Sabi ko at hindi maiwasan ang tuwa sa boses ko.

Nakita ko ang pag-awang ng labi ng dalawa sa gulat dahil sa sinabi ko.

"Really? Sama kami! Gusto namin makita ang Enzo na iyan, 'diba Alessa?"

Nagdadalawang isip pa ako, pero pumayag din naman.

"O, sige!" Masayang sabi ko at agad na sumunod ang dalawa.

Sinilip ko rin ang cellphone ko at nakitang wala pang mensahe doon. Baka nagmamaneho na iyon tungo rito.

Gaya ko, nakita ko rin ang excitement ng dalawa.

"Andito na ako sa labas, nasaan ka na?"

Text ko iyon sakanya pero wala paring reply ang natanggap ko. Sumimangot ako. Baka traffic kaya hindi nakapagtext.

"Talaga bang susunduin ka dito, licia?" Si Alessa na mukhang nababagot narin kakahintay.

Halos mag-iisang oras narin kami rito. At ngayon pa talaga siya natagalan na andito ang dalawa kong kaibigan na gusto siyang makita!

"Baka naman nakalimutan kana?"

"Hindi, no! Baka busy lang yun.." mahinang sabi ko at paulit-ulit na sinusulyapan ang cellphone.

Halos nagkatuwaan na ang dalawa sa tabi ko. Pero wala man lang akong ganang makisali at nakatuon lang ang sarili sa kalsada. Umaasang makikita ko ang kotse niya. Pero wala!

"Whatever, Licia. Uuwi nalang kami. O gusto mong sumabay?"

Sa huli, sumuko na ang dalawa.

"Hindi na..hihintayin ko si Enzo rito." Agap ko.

"Halos dalawang oras na ang hinintay natin, a? Baka naman nakalimutan talaga?"

Hindi ako nakasagot.

"Sige na, umuwi na kayo."

"Ikaw? Hindi ka ba--"

"Huwag na!" Ngumiti ako ng pilit kahit ramdam ko ang paninikip sa dibdib ko.

Umalis narin ang dalawa at nagpaalam saakin.

Hindi makakalimutan iyon ni Enzo. Baka may inasikaso lang ito. He handled big company in De Martino kaya possibleng matatagalan nga siya.

Halos nawala na ang kulay na kahel sa langit at natabunan na ito.

Guma-gabi na rin. Pero umaasa parin akong darating siya at magpapapaliwanag bakit late na ito nakarating. Matatanggap ko naman, eh!

Gusto kong sumigaw sa iritasyon. Sabi niya susunduin niya ako. Sana man lang magtext siya kung hindi matutuloy!

Nangingilid ang luha ay mabilis na pumara ako ng taxi.

Alam niya bang hinintay ko siya rito? Ni hindi man lang ito tumawag o nagtext. Pinahiya pa ako sa mga kaibigan ko. Nakakainis!

Agad na pinaalis ko ang luhang lumandas sa pinsgi ko. Bwisit talaga!

Sa susunod pala, gagamitin ko na 'yong kotse. Kaya ko naman umuwi!

Hindi ko alam para saan itong mga iyak ko. Maliit lang na bagay ay naiiyak na ako. Hindi lang naman ako sinundo, nagkakaganito na ako!

Handa-handa ko na sana siyang sigawan at hampasin dahil sa iritasyon ko pero pagkapasok ko sa loob ng bahay ay walang kahit anino niya ang nakikita ko.

Mabilis na nagtext ako.

"Where are you?!"

Mabilis na nagmartsa ako tungo sa bahay nila at nakitang may tao doon. So andiyan ka lang pala!

Padabog na pinindot ko ang doorbell doon ata agad naman akong pinagbuksan.

"Licia-"

Hindi na natuloy ni kuya Edwin ang sasabihin dahil mabilis na nilagpasan ko ito at halos hindi na maitsura dahil sa iritasyon ko. Dalawang oras niya akong pinaghintay tapos ito..andito lang pala siya! Sana man lang nagreply siya sa mga text ko!

"Enzo!" Tawag ko.

Pero wala siya noong nakapasok ako.

"O, Licia? Andito ka?" Si Manang Ada ang sumalubong saakin. Kumunot ang noo ko at luminga-linga.

"Si Enzo po?"

Bago pa maibuka niya ang bibig ay sinundan ko na ito.

"Hindi niya po ako sinipot kanina, Manang! Pinaghintay niya pa ako!" Na-iiritang sumbong ko.

Nakita kong umawang ang labi niya sa gulat, pero kalaunan din ay lumambot ito at malungkot akong tiningnan.

Nagtaka ako doon at kinabahan sa pinapakita niyang reaksyon

"Manang, si Enzo?" Ulit ko.

"Akala ko ba andoon ka sa hospital? Dinala si Enzo doon kanina.."

Umawang ang labi ko sa narinig at ramdam ang kalabog sa puso.

"Ano po?! Saan? Hindi ko alam, Manang!" Nataranta na sabi ko.

"Umuwi kanina si Jory at Benz dito, kasama na ang mga magulang mo."

Mahinang nagmura ako at nangingilid ang luha na kinuha ang cellphone. Agad nagsisi ako bakit hindi ko sinagot ang iilang tawag ni Mama saakin kanina. Nanginginig pa ang kamay ko at nag-uunahan ang takot sa sarili.

Hindi ko alam..shit!

Nagsisi agad ako nang maalala ang iritasyon sakanya kanina. Ni hindi ko inisip na maaaring napagod siya dahil sa kalagayan niya. Ang tanga mo, Licia!

"Manang, saan siya dinala? Please..." pagmamakaawa ko pero malungkot niya lang ako tiningnan.

"Sabi ng Mama mo, dito ka muna matulog. Uuwi din sila kaaga--"

"Gusto ko pong makita si Enzo!" Putol ko at hindi na napigilan ang sariling mapaluha sa harap nito.

Mabilis na pinindot ko naman ang pangalan ni Mama. Dalawang ring ay sinagot niya agad ito.

"Mama! Si Enzo po?! Please, pupunta po-"

"Licia, calm down. Kanina pa ako tawag ng tawag saiyo, bakit ngayon mo lang sinagot? Nakauwi kami ng Papa mo dahil tumawag kanina si Manang Ada. Dinala si Enzo sa hospital. Halos mangiyak-ngiyak at nataranta kami ni Jory!"

"Mama! Pupunta po ako diyan!" Nangiyak-ngiyak na sabi ko.

"Licia, huwag na!" Pagalit na sabi nito sa kabilang linya.

"Pero Mama-"

Pumikit ako nang mariin nang pinutol agad ni Mama ang gusto kong sabihin.

"Enzo is fine, iha. May pasok ka pa bukas. Sinabi ko na kay Manang Ada na diyan ka muna matutulog."

"Mama, I told you, Gusto kong makita si Enzo!" Hindi maiwasang mairita at tumaas ang boses ko dahil desperada na akong makita si Enzo kung ayos lang ba talaga ito.

"Licia! Listen to me, alam kong nag-alala ka kay Enzo. But he's fine. Nahirapan lang siya kaninang huminga. Please, makinig ka naman.." Halos narinig kong nahihirapan si Mama na kobinsehin ako sa kabilang linya.

Kumawala ako ng malalim na hininga.

"Mama...He will be fine, right?" Malungkot at may bahid na sakit ang boses ko.

"Yes, Licia..worry your studies, okay? Malakas si Enzo, alam mo iyan..kami na bahala sakanya."

Nagpaalam narin ito sa tawag. Halos nanghina ang buong katawan ko na binagsak ang sarili sa sofa. Hinilamos ko ang buong mukha at nagmura. Ramdam ko parin ang kaba sa dibdib ko.

"Tangina!"

Bahagyang umuga ang inuupuan ko at tumabi si Manang Ada saakin. Hinagod niya pa ang likod ko.

"Huwag kang matakot, iha. Malakas iyon si Enzo. Dapat nga susunduin ka niya kanina, pero nagulat nalang kami noong bumagsak siya. Gaya mo, masasaktan din ako ng sobra pag meron mangyayari sakanya. Anak narin ang turing ko doon."

Nang marinig iyon ay bumagsak ulit ang mga luha ko.

"Ni hindi ko iniisip ang kalagayan niya.."

"Gagaling iyon, tiwala ka lang.."

Hindi ako sumagot at umiyak lang sa tabi nito.

Kung mangyayari nga itong iniisip ko, hindi ko alam kung mabubuhay pa ako ng normal. I may be happy outside, pero nasasaktan din ako pagnakakikitang nahihirapan siya.

Pilit kong maging positibo pero..hindi ko lang talaga kayang hindi matakot. May sakit siya sa puso at hindi iyon biro. Ito ang ayaw ko..Ito na ang kinatatakutan ko.

Kung pwede lang sana, ako ang magiging heart donor..kayang-kaya ko iyon! Pero alam ko naman, impossible iyon..

Hindi ko kakayanin mawala si Enzo saakin. Sa loob ng maraming taon, siya na ang naging takbuhan ko. Alam ko sa sarili ko na sobra itong pagmamahal ko sakanya at natatakot akong mawasak ako pagnagkataong iwan niya ako.