Hindi ko alam nasaan si Slyvannia at Alessa. Hindi naman sila nagtext bakit wala sila ngayon sa araw na ito. At ito ako ngayon, nagiisang naglakad pagkatapos ng klase. Pero akala ko lang pala iyon. Agad nakabuntot sa likuran ko si Alvino at kanina pa ako kinukulit na ihahatid niya ako ulit. Syempre, hindi ako pumayag, kasi nga susunduin ako ni Enzo!
"May susundo saakin, Alvino. Kaya huwag na!" Sabi ko at pinagpatuloy ang paglalakad. Natanggap ko na rin ang text ni Enzo na nasa labas na siya kanina pa.
"Sino?"
"Basta!"
Hindi parin ito umalis kaya hinayaan ko nalang. Bahala siya diyan!
"Ako na kasi maghahatid, Licia."
"Sino ba maghahatid sa'yo? Kuya mo?"
"Pwede ba, hindi ko nga siya kuya!"
"E, ano nga? Ako na kasi maghahatid!"
Ang kulit talaga!
Nang namataan ko na si Enzo sa tapat ay lumapad na ang ngiti ko. Kumaway ako at agad na tinakbo ang distanya namin dalawa. Ni walang bahid na saya ang mga mata niya kung hindi pagsusuplado lang.
"Enzo!"
Hindi ko na napansin na nakasunod pala si Alvino. Hinarap ko ito.
"Sabi ko naman kasi, may maghahatid saakin."
Kunot noo na napatingin si Alvino sa katabi ko.
"Akala ko kas-
Bago niya pa matuloy ay inunahan na siya ni Enzo.
"Thanks. You can leave now. Licia, lets's go." Malamig na sabi niya. Nagulat pa ako roon at nahiya ng bahagya kay Alvino. Tumango lang si Alvino at umalis na rin sa harapan namin.
"Is he courting you, Licia?" Agad na tanong niya nang makapasok na kami pareho.
"Hindi, no!" Mabilis na sagot ko.
Muling napatingin siya saakin at mukhang hindi pa naniwala sa sinabi ko. Binalik niya ulit ang mga mata sa daan at nagtagal ang titig doon kung sana kami nakatayo ni Alvino kanina. Sa ganitong anggulo, kapansin-pansin ang pagsusuplado niya.
"Hindi siya nanliligaw saakin. Kung manliligaw man, hindi naman ako papayag." Agap ko. "Tsaka, ikaw lang kaya ang gusto ko." Dugtong ko.
Pagkatapos kong sabihin iyon ay nagkatinginan kami. Pero mabilis naman umiwas saakin. Mukhang napansin ko rin na umangat nang kaonti ang gilid ng kanyang labi, o baka naman guni-guni ko lang?
Abot-abot ang tahip ng aking puso habang pinagmasdan ito.
"Saan tayo pupunta?" Tanong ko nang makabawi sa nararamdaman kanina. "Uuwi na ba tayo?"
"Where do you want to eat? Kakain nalang muna tayo bago umuwi."
"Kahit saan basta merong beef steak!"
Hindi ko alam saan niya ako dinala. Pero sa laki ng restaurant at magarang kagamitan. Palagay ko masarap naman dito at mamahalin pa!
"I never been here, before. Paano mo 'to nalaman?" Tanong ko habang sinusuri ang chandelier at iyong floating sa gitna.
"I've been here countless times." Simpleng sagot lamang niya.
"Sino kasama mo?" Hindi ko na maiwasang maging kuryoso.
"Elena."
Elena? Kasapi rin ba iyon ng Roanne niya?
"Elena? Sino 'yan? Ilang taon? Secretary mo o babae mo?"
"Here, pumili ka na anong gusto mo."
Sumimangot ako dahil ni kahit isa hindi niya sinagot ang mga katanungan ko. Napansin niya agad iyon.
"Just a co-worker, Licia."
Hindi parin iyon sapat saakin. Nanliit ang mga mata ko at nilapit ang mukha sakanya. Nagulat naman ito sa ginawa ko.
"Licia, what are you doing?" Mariin niyang sabi.
Hindi ko na napigilan ang humalakhak.
"She's forty eight, Licia. If that's you want to know!" Ngayon ay iritado na.
"Okay!" Iyon lang naman ang hinintay ko.
Nang makapili ay tinawag niya agad iyong babae para sa oorderin namin. Hindi ko naman napigilan pagmasdan ang babae sa harapan ko kung paano dumapo ang mga mata niya kay Enzo. She's a petite girl..medjo maganda narin. I immediately checking out Enzo kung napansin niya ang paninitig ng babae sakanya, pero wala man lang itong pakialam at seryosong sinabi lahat ang oorderin namin. Umirap ako. Napansin ng babae ang ginawa ko kaya siya nahihiyang yumuko.
Kung susuriin mo parang gusto niya ng hubaran ang kasama ko. Ngumuso ako at iritadong binalingan ito ulit. Buti nalang talaga at mukhang walang pakialam ang isang ito.
Hindi lang bata ang nagkagusto kay Enzo, minsan matanda pa! Kaya hindi parin ako magtitiwala sa Elena na iyon. Baka nga may gusto rin iyon kay Enzo. Umirap ako sa rami nang iniisip.
Tignan mo nga kung paano kalagkit ang mga tingin niya. Baka hindi alam ng isang ito na andito ako? Hoy, miss! Andito ako. Paalala lang! Hmp!
Ano bang meron sa lalaking ito na hindi ko makita sa iba?
"S--sige po..sir!" Nauutal na sagot ng babae bago kinuha ang menu at umalis. Buti naman at umalis na. Nagpapacute pa, e!
Kung hindi ko lang napigilan ang sarili baka kanina ko pa siya tinataboy sa harapan ko.
"She likes you." Sabi ko habang nakanguso. Napatingin ito saakin bago sa babae na kakaalis lang. Mas nairita ako lalo sa ginawa niyang pagsulyap doon. Tumaas ang kilay nito saakin.
"She isn't."
"She is!" Medjo napataas ang boses ko.
"How's your school?"
Tapos ngayon, iniba niya na naman ang usapan. Alam ko naman na napansin niya iyon!
Hindi ako sumagot at nakasimangot parin. Nakita ko naman ang pagsapo ng noo niya at parang gusto pang tumawa sa inasta ko. I glared at him.
"Do I look funny to you?" Iritado kong tanong.
Bago niya pa ako masagot ay tumunog ang cellphone nito sa harap. Sige, unahin mo 'yan! Parang bata ay padabog na inekis ko ang braso.
Siguro, iyong Elena ang tumatawag. Nakakainis!
"Yes, Mama? Yes, she's with me."
Napaayos ako nang upo at nahiya sa iniisip. Akala ko si Elena, Si Tita jory pala! Nakita kong umangat bahagya ang labi niya. Napahiya pa ako!
"Uuwi naba sila?" Singit ko. "Sana hindi pa.." pabulong kong sabi. He's scowling at me, but I saw the ghost smile on his lips.
"Okay, po. Yes. Take care." Iyon lang ang huli kong narinig bago niya iyon binaba. Sinimangutan ko siya.
"Hindi pa ako tinawagan ni Mama, ah!"
"They're too busy. But they will call you, later."
"E, kailan sila uuwi?"
"I still don't know yet.."
"Sana matagalan pa!"
Iyon nga ang ginawa namin. Nawala naman ang iritasyon ko pagkatapos ko matikman ang beef steak nila. I would love to come back here..pero may parte saakin na huwag isama si Enzo at baka iyong babae nanaman ang kukuha saamin ng order. Kung pwede nga lang, magrequest ako ng lalaki. Pero baka tanungin pa ako kung bakit ako namimili o dikaya'y isipin pa na may gusto ako sa mga waiter dito. Ayoko naman mangyari iyon!
"We're on our way home, Mama!" Sabi ko.
Tama nga si Enzo, tumawag agad si Mama saakin pagkaalis namin.
"Siguraduhin mo lang. Baka binigyan mo na naman ng sakit na ulo si Enzo?Huwag matigas ang ulo at baka ma paano 'yan. Alam mo naman ang kalagayan ng tao.." halos hindi ko na marinig ang sinabi niya sa huli.
"Hindi, Mama. Siya nga iyong nakakainis, e!"
Biglang naalala ko ang mga babae niya. O, ha! Totoo naman talaga!
Lumingon rin ako kay Enzo at nakita ang paglalaro niya sa labi habang nakatukod iyon sa bintana ng kotse. At parang kay dali lang sakanya ang pagmamaneho.
"Licia!" Tawag niya saakin sa kabilang linya. "Ikaw talagang, bata ka! Tatawag kami saiyo pag nagka oras kami ng Papa mo. May meeting parin kami bukas at sa susunod na araw kay architect layla. Tsaka, plano namin idevelop pa iyong Resort natin. Sinabi ko na saiyo iyon noong isang araw."
"Namiss ko na po pumuta diyan, Mama. Sana sinama mo ako."
"Sa bakasyon mo sa susunod. Tsaka, ang ganda ng disensyo ni architect Layla nagustuhan ko talaga! Pati narin kay Tita Jory mo kung ipagsama." Nahimigan ko ang tuwa sa boses niya.
"Si Tita jory mo naman gustong maghanap ng lupain at gustong magpatayo ng mansyon dito!" Natatawa niya pang sabi at mukhang na aaliw na talagang magkwento.
"Talaga po?!" Gulat na sabi ko. Sana naman magkalapit parin ang bahay namin kung sakaling magpapatayo nga si Tita jory sa Butuan.
"Oo! Tsaka.. nga pala! Isesend ko saiyo iyong mga dokumento at baka mawala ko pa."
Tumango-tango nalang ako sa mga sinabi ni Mama kahit hindi naman talaga ako interesado sa iba niyang sinasabi. Marami pa siyang bilin at pangsesermon saakin na ikinabagot ko. Sa huli ay natapos na rin ang tawag.
"Mabuti naman at natapos na!" Sabi ko nang maibaba na ang tawag.
"You should give your attention to her, Licia."
"I did!" Sagot ko agad. "Paulit-ulit lang kasi iyong bilin ni Mama saakin." Dugtong ko. Huminto na ang kotse sa labad ng mansyon, kaya ngayon nasa akin na ang buong atensyon niya.
"It's for your own good."
"I know!"
"Let's go and do your homeworks. I know you have one."
Bago pa ako makaapela ay lumabas na ito. Irritated and offended halos sumigaw na ako sa loob ng kotse sa inis. Wala akong magawa kung hindi sundin siya. Pakiramdam ko para akong bata na pinagalitan ng nakakatandang kapatid at naiinis ako doon!
And I know, I have my homeworks! Hindi niya na kailangan iyon ipaalala saakin. Nakakainis naman!
"Sa kuwarto na tayo matulog, Enzo. Hindi kasi ako nakatulog nang maayos sa sala kagabi."
Wala naman talagang problema sa pagtulog ko kagabi. Mukhang napasarap nga, e.
He glanced at me at tinitimbang ang bawat galaw ko. Tinaasan ko siya ng kilay.
"Kung ayaw mo..idi, hindi ko gagawin itong homeworks ko!"
O, ano, Aangal kapa?
Nakita ko ang pag-iling niya at tahimik na hinalungkat niya ang bag ko.
"Anong ginawa m--Enzo!" Tawag ko at nagmamadaling inilag ang bag sakanya.
"Let me see your notebook. I'll help you."
"Hindi na ako bata!" Apila ko.
"Tutulunga-"
"Sa itaas nalang tayo gagawa kung gusto mo 'kong tulungan!" Nice shot, Licia.
Hindi ko na hinintay ang sagot nito at mabilis na umakyat sa itaas. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya at walang magawa kung hindi sumunod nalang saakin. Palihim na tumawa ako.
Kami lang dalawa rito kaya hindi naman siguro masama na samahan niya ako. Gusto ko rin maging sigurado na wala siyang mararamdaman mamayang gabi. Ayokong maulit iyon. Hindi ko kakayanin kung...nevermind! That would never happen, anyway!
"Maliligo lang ako at babalik din ako kaagad."
Nakangiting tumango ako.
"Okay!"
Natapos ko na ang pinagawang assignment. Syempre, tinulungan ako kanina ni Enzo matapos ang lahat. Kaya ngayon, bumalik siya sa trabaho. Nasa study table ito ngayon at mukhang may inatupag na papeles sa harapan.
Naghanap-hanap rin ako ng ibang kaka-abalahan. Nagbasa-basa at sinagot ang ibang katanungang nakasulat. Nag-isip din ako nang ibang dahilan para makuha ang atensyon niya.
"Ang hirap naman nito!" .
Sumulyap lang ito saakin saglit pero binalik din naman kaagad ang sarili sa harapan ng laptop. Ngumuso ako.
"Enzo, turuan mo naman ako nito, oh..ang hirap pala."
Ang galing mong umarte, Licia!
Seryoso at tahimik na bumaling ulit si Enzo saakin. Umiigting ang panga na na dumapo ang tingin niya sa damit ko. Napatingin din ako doon at ngayon lang napansin na umaangat na pala ang suot kong short. Mabilis na binaba ko iyon at tinakpan ng kumot. Tumikhim ako at kumalabog ang puso nang makitang palapit na pala siya rito.
O, mukhang umaatras ka ata ngayon, Licia?
"Let me see, then."
Gusto niya makita ang alin?
Uminit ang pisngi ko at ngayon lang napagtanto ang karumihan ng iniisip. Right! Iyong libro ko pala!