Hindi ko alam kung bababa ba ako o mananatili rito. Pero mamamatay naman ako sa gutom kong mananatili at magtatago ako sakanya. Pagkatapos maisuot ang spaghetti strap at shorts ay lumabas na ako mula sa loob ng kuwarto. Sumilip muna ako sa baba at nakitang wala naman siya doon. Buti naman at umuwi na iyon at ayoko pa siyang makausap. Magtatalo lang kami!
Bago ko pa tuluyan maihakbang ang mga paa ko ay napatili na ako sa gulat nang sumulpot ito bigla sa harapan ko.
"Enzo, ano ba!" Mabilis na hinawakan ko ang dibdib sa takot. Ni walang bahid na reaksyon ang nakikita ko sa itsura niya.
"Bakit ka pa andito?!" Medjo napataas ang boses ko.
Tumitig ito saakin hanggang sa suot ko. Uminit naman ang pisngi ko nang mapansing huminto ang mga mata niya sa dibdib ko. Tumikhim ako. Nanatili ang seryosong mga mata niya saakin bago nagsalita sa harapan. Kung nakakalusaw lang ang paninitig niya baka kanina pa ako nagiging tubig dito!
"Why? You expect someone to visit you?"
Kumunot ang noo ko sa naging tanong niya.
"Huh? Umuwi ka na nga!" Sabi ko nang makabawi sa sarili. Syempre, ayokong umuwi pa siya kahit galit ako.
"I'll be babysitting you, today."
Nagulat ako sa sinabi niya. Babysitting? Baby? Sumimangot ako.
"Are you insulting me?"
Ngumuso ito at kaonting may sumilay na ngiti sa labi. At kung may ikairita pa ako lalo, ito na 'yon!
"Hindi makakauwi ang mga magulang natin kaya ako ang pinagbantay sa'yo rito."
Nagulat ako sinabi niya.
"Huh? Bakit hindi nasabi ni Mama ito saakin? Tsaka, kaya ko naman bantayan ang sarili ko, ah!"
"Really?" Sarkistong tanong nito.
Inirapan ko ito at mabilis na kinuha ang cellphone para matawagan si Mama. Alam kong pinapanood niya ako dahil pansin ko iyon. Matalim na tiningnan ko ito bago tinalikuran.
Dalawang ring bago sinagot ni Mama ang tawag ko.
"O, lici--"
"Mama, andito si Enzo at sinabing hindi raw kayo makakauwi. Totoo ba 'yon?" Putol ko agad dito at naibaling sakanya ang kaonting iritasyon ko.
"Oo, totoo nga 'yon, Licia. Andiyan na ba si Enzo? Bakit ayaw mo ba? That's new for me!" Tumawa pa ito sa kabilang linya.
"Hindi naman sa ayaw ko." Mahinang sagot ko dito. Alam ko kasing maririnig ako ni Enzo.
"Bakit? magkaaway ba kayo?"
"Hindi!" Agap ko.
"Iyon naman pala-"
"Mama, Kailan kayo uuwi? At bakit hindi mo ako tinawagan kanina?" May bahid pa na pagtatampo sa boses ko at hindi na pinatapos kung ano man ang sasabihin niya.
"Hindi pa kami sigurado, Licia. Kasama ko sila rito, si Tita Jory at ang Papa mo. Susunod din dito si Tito Benz mo. May aasikasuhin lang kami rito sa Butuan para sa Alucia. Tatawagan na sana kita pero inunahan mo agad ako."
Sa dami ng sinabi niya, isa lang ang tumatak sa isipan ko.
"Ibig sabihin ba niyan..kami lang ni Enzo?" Halos binulong ko na iyon. Nilingon ko ulit ang lalaki sa likuran ko at nakitang seryosong pinapanood lang ako. Lumayo naman ako ng kaonti sakanya.
"Oo, kaya huwag ka gumagawa ng kalokohan diyan."
"Hindi naman, ah!"
"And don't worry about money, Licia. May laman lagi iyang account mo." Sabi nito kahit hindi ko naman tinatanong.
"Mag-ingat ka diyan. At huwag masyadong matigas ang ulo. Baka kung anong kalokohan naman ang gagawin mo." Paalala niya ulit.
Bago pa tumaas ang pangsesermon niya ay mabilis na nagpaalam ako at binaba ang tawag.
Narinig ko naman ang pagbuntong hininga ni Enzo sa likuran ko. Sumulyap ako sakanya at inirapan lang ito.
"Sige na, Mama, Bye!"
Tumaas ang kilay niya saakin at mukhang inabangan ako. Wala akong sasabihin kung iyan ang hininhintay mo. Pairap na tinalikuran ko agad ito.
Pumunta agad ako sa kusina at padabog na umupo doon. Kanina pa ako nagugutom!
"Be careful, Licia."
"Alam ko itong ginagawa ko!"
"Really? It seems like you don't know how to open it."
Umangat ang ulo ko at mariin siyang tinignan. Bakit ba kasi itong crab pa ang niluto niya? Lintek! Pahamak talaga. Pinahihirapan pa akong buksan ito!
"Let me do it for you." Lumapit na ito at kukunin na sana iyong tinidor ko pero iniwas ko iyon. Bumuntong hininga naman ito at umatras dahil sa ginawa ko.
"Kaya ko." Mariin na sabi ko.
Tahimik na pinanood niya lang ako at hindi naman maiwasang maging kabado ako. Nagbubukas ka lang mg crab, Licia!
Akala ko mabubuksan ko na pero biglang tumalon iyon kaya nahulog sa sahig. Bwisit!
Sa iritasyon ko ay padabog na nilapag ko ang kubyertos. Saglit na sumulyap ako at mabilis naabutan ang kanyang ngiti. Nakakahiya!
Sa huli ay hinayaan ko siyang tulungan ako. Hindi ko naman maiwasang mamangha kung ganoo niya kabilis na buksan ang crab na ito at nakuha ang laman. Nilagay niya iyon agad sa pinggan ko.
"See, it's easy if you just use your hands, instead of using that fork."
Ngumuso ako at hindi na nagbigay ng komento. Alam ko naman talagang buksan ito, ah! Hindi ko lang alam bakit 'diko nagawa ngayon.
Kanina pa ako naiilang sa mga titig niya. Pwede naman huwag niya akong panoorin dito habang kumakain.
"How's your school?" Simula niya.
"It was fine." Sabi ko nang hindi nakatingin sakanya.
Hindi na ito nagtanong ulit at muling pinagmasdan ako. Tumikhim ako nang may naalala kahapon.
"Ikaw..kamusta kayo ni Roanne?" Hindi ko na napigilang itanong iyon.
Nag-angat siya ng mga mata ngayon. Nagkatingin kami. Tumaas ang kanyang kilay sa naging tanong ko. Hindi ito sumagot agad at pinapanood lang ang bawat galaw ko. Busangot ang mukha ay umiwas agad ako ng tingin. Ang tagal niyang sumagot at mukhang nag-iisip pa!
May ngiting nakatago sa labi niya o guni-guni ko lang siguro?
"You look so happy everytime I mentioned her name." Mariin kong sabi. Hindi naman maitago ang pait ng tono sa boses ko.
"Do I?" And now he looks more happy!
"Ayoko ng kumain." Sabi ko at mabilis na tumayo. "Nakakawalang gana."
Hindi ko na nakita ang reaksyon niya dahil tumayo agad ako. Sa laki ng mansyon, hindi talaga naisipan ni Mama kumuha ng kasambahay!
"I will sleep here tonight. Don't worry, sa sala lang ako matutulog."
Hindi ko pinansin ang sinabi niya at umakyat nang mabilis. Hindi naman maiwasan mag-alala ako dahil sa sala siya matulog. Pwede naman magkatabi kami.
Akala ko ba galit ka,Licia?
Dalawang oras na ata ako rito sa kama pero hindi parin ako dinadalaw ng antok dahil sa lalaking 'yon. Sana pala dito na siya sa kuwarto ko natulog. Sa laki niya, nakasya kaya siya doon sa sofa? Baka tuloy nahirapan na 'yon. Tulog nakaya siya? Baka nga tulog na dahil mag a-alas dose na nang madaling araw.
Palusot ko nalang na iinom ng gatas sa baba para makatulog kahit alam ko naman na sisilipin ko lang siya doon. Maraming okyupadong kuwarto rito, kaya bakit hindi nalang siya doon? At pinili pa talaga sa baba.
Nang makababa ako ay namataan ko agad ito. And now I'm starting to appreciate the view of silhouette. Madilim na sa salas at isang lamp sa gilid lang ang nagsisilbing ilaw. Nakapatong ang mahabang braso niya sa noo at hindi ko maiwasang pagmasdan siya nang matagal. Laking pasalamat ko at malaki naman ang sofa at nakasya siya diyan.
Ilang sandali ay pumunta na ako ng kusina para uminom nalang ng gatas kahit hindi naman talaga 'yon ang pakay ko.
Nakatulala ako habang iniinom iyon at iniisip parin ang pagtulog niya kanina. Paano kaya pagnagkatabi kami? Ngumuso ako at hindi maiwasang may sumilay na ngiti saaking labi.
Ganoon lang ang naging ayos ko at halos lumamig na nga ang gatas dahil sa rami nang iniisip. Inubos ko na agad ang hawak bago hinugasan ang ginamit. Nagpasyang bumalik na rin ako sa kuwarto ko. Pero bago ko pa iyon magawa ay nanlaki ang mga mata ko sa nakita. Akala ko guni-guni ko lang. Pero noong nakita kong nahihirapan na itong huminga ay mabilis na tinakbo ko agad ang distansya namin.
"Enzo!"
Nakita ko ang gulat sakanya nang makita ako. Mahinang nagmura ito.
"Enzo! Dalhin na kita sa hospital!" Nataranta na ako at hindi na alam anong gagawin ngayon.
Pumikit ito nang mariin habang hinihimas ang dibdib nito. Sa kaba ko halos hindi na ako makahinga.
"Enzo, Ano ba!"
Hindi parin ito kumibo kaya hindi ko maiwasang makaramdam ng takot para sakanya. Biglang sumagip sa isipan ko ang sinabi ni Mama saakin noon.
"Hindi natin alam kung kailan iyon mangyayari, Licia. Malubha na ang puso ni Enzo kaya kailangan talaga ng transplant doon."
Nanginginig ang buong kamay ay pinagmasdan ko parin ang paghihirap niya. Halos ramdam ko ang pawis sa noo ko. Hahawakan ko sana ito pero mabilis na iniwas niya iyon. Nagtataka pa ako kung ano iyong hawak niyang maliit na box at may nakitang maraming puting gamot doon. Agad nilagay niya ang isa sa bibig. Ngayon ko lang din napansin na merong isang basong tubig na nakahanda sa maliit na mesa. Inabot ko agad iyon sakanya.
Hindi ko alam bakit nakahanda na ang lahat. Madalas ba ito nangyayari sakanya?
"Bakit ka pa andito? Matulog kana." Sabi nito nang makabawi sa sarili. Hindi ko naman maiwasang mairita dahil iyon lang ang sasabihin niya. Ni hindi niya alam mas ako pa ata iyong unang mamamatay dahil sa pag-alala rito!
"Iyan lang ang sasabihin mo? Halos mahimatay na ako sa pag-alala sa'yo!"
Huminga siya nang malalim tila may gusto pang sabihin.
"I'm fine now, Licia."
Kagat ang labi ay umiling-iling ako.
"Dito nalang ako matutulog. Natatakot ako, Enzo!"
Nakita ko ang pag-igting ng panga niya dahil sa sinabi ko. Kahit madilim ay napansin ko parin kung paano dumilim ang kanyang mga mata.
"Licia..will you stop worrying about me? I hate it.." sa sobrang hina nang pagkasabi ay parang hangin na iyon.
Mas lalo akong nairita sa sinabi niya. Ano bang gusto niya? Tumawa lang ako rito at magpakasaya dahil sa nakita ko? Nag-alala ako, at totoo iyon!
"Then what do you want me to do?Nag-alala ako, Enzo! Hindi ko kakayanin pag..."hindi ko na natuloy at pinigilan ang sariling pagsabog sa harapan niya. "Dito ako matutulog!" Iyon lang ang nasabi ko.
Ilang sandaling katahimikan ang bumalot saamin bago narinig kong kumawala ito ng malalim na hininga at sumulyap saakin.
"We'll sleep here then." Seryoso na sabi nito.
Nagulat ako dahil pumayag siya sa gusto ko. O 'dikaya ayaw niya nang makipagtalo saakin kaya pumayag din agad.
Bakit hindi nalang sa kuwarto ko? Bakit dito? Mukhang hindi ata kami magkasya rito, ah!
"Paano tayo kakasya?" Hindi ko na napigilan magtanong.
Hindi siya nakasagot sa tanong ko dahil natanto niya rin sigurong maliit itong sofa para saamin. At kung kakasya man kami, didikit ang mga katawan namin. Okay lang naman saakin...pero..syempre 'di ako papayag! Hindi naman ako ganoon ka desperada!
"Sa kuwarto nalang tayo matutulog!" Sabi ko.
Nakita ko ang pag-awang nang kanyang labi at iritadong umiwas ng tingin. At mukhang sa lagay na ito, hindi niya nagustuhan ang plano ko. Bakit may mali ba akong sinabi?
"That's not a good idea, Licia." Mariin na sabi niya.
Kumunot ang noo ko. Paano hindi naging maganda ang idea ko? Baka akala niya gagapangin ko siya? Kahit naman gustong-gusto ko ito wala naman akong balak na gawin 'yon, no! Kung iyan nga ang iniisip niya.
Kung gusto niya rito, sige, sasamahan ko siya. Kung iiwan ko naman siya rito ay hindi naman ako makakatulog kakaisip sakanya rito!
Bigla itong umusog at parang binigyan ako ng ispasyo sa tabi niya.
"Here, sit beside me."
Kumunot ang noo ko.
"Matutulog tayo nang ganyan ang ayos? Baka sasakit ang leeg ko!"
"Kung ayaw mo, doon ka nalang sa itaas." Simpleng sabi nito.
"Ayoko!" Padabog na umupo naman ako sa tabi nito. Naka-ekis ang braso na mariin na sinulyapan ko ito. "I'm not going to harass you if that's what you think!"
Ngumuso ito at mukhang natatawa pa saakin. Sumimangot ako.
Nakakabinging katahimikan ang bumalot saamin saglit. Unti-unti naman bumalik ang lambot sa mukha ko nang maalala iyong nangyari kanina.
"Enzo.." Tawag ko.
Tuwing iniisip ko iyon, parang tumindi iyong kaba at takot ko.
Nanood lang siya saakin habang marami akong iniisip. Bumagsak ang mga mata ko at walang pag-alinlangan na tanungin ito.
"Ikaw, hindi kaba natatakot sa possibilidad, Enzo? Kasi ako takot na takot ako."
Gumalaw ang kanyang panga dahil sa naging tanong ko at pumikit ng mariin. Minulat niya iyon muli at hinarap na ako ngayon.
"Gusto ko pang manatili nang matagal para makasama..."hindi na ito natuloy at umiwas agad ng tingin saakin. "Matulog na tayo."
Unti-unting tumango ako kahit gusto kong ituloy niya iyong gusto niya mang sasabihin sa tanong ko.
Hindi ko alam paano naging komportable ako sa ayos namin at bakit dinalaw agad ako ng antok.