Chereads / Heart Whisphers / Chapter 3 - Chapter 2

Chapter 3 - Chapter 2

Niyaya ako ni Alessa at Slyvannia pagkatapos ng klase pero umayaw ako agad dahil may pupuntahan pa ako.

Sino pa nga ba? Tsaka..pagkakaalam ko andoon daw si Enzo sa bahay at may inasikaso. Hindi ko naman alam kung ano. Kailangan ko rin siyang kausapin dahil sa inasta ko kahapon. May mali rin naman ako. Hindi ko na sana siya tinaasan ng boses. Kagabi pa lang, dinadalaw na ako ng konsensya ko. Hindi niya naman ako masisi doon. Talagang, umaapaw ang emosyon ko dahil iyon lagi ang naririnig ko galing sakanya, but then, I have to say sorry.

"Mama, punta muna ako kay Tita Jory." Paalam ko nang makapagbihis na ng strap at isang short. Iyon naman lagi ang sinusuot ko sa bahay.

"Manggugulo ka na naman doon. May bisita si Enzo doon."

Kunot ang noo na sumulyap ako sakanya.

"Sino?"

"Ewan ko? Architect din ata iyon."

Iyon ba ang inasikaso niya sa araw na ito? Bakit hindi doon sa opisina niya at dinala niya pa talaga sa mansyon nila? Nawala lang ang inisip ko nang magsalita ulit si Mama.

"Licia, huwag ka nga manggulo doon. Nakakahiya na kay Enzo."

"Ikaw lang naman ang nahihiya, Mama. Ako, hindi, eh!" Agap ko.

Tinampal naman agad ako sa braso na ikinagulat ko.

"Aray!"

"Ikaw talaga!" Pinandilatan ako nito ng mata.

Ngumisi lang ako at nilapitan ito. Umuga naman ang inupuan niya dahil sa ginawa ko.

"Mama, may nahanap na bang heart transplant sakanya?"

Bumuntong hininga ito at malungkot na hinarap ako.

"Hindi ko alam.."

"Kahit isa Mama, wala? Ang labo naman nun."

"Dr. Levi tried good few treatments, but nothing worked. Pero ang sabi ng Tita Jory mo, he was put on the list for a Heart Transplant. Sana nga magtagumpay na. It's been over a year now."

Hindi ako kumibo sa sinabi ni Mama. Pilit kong sinasabi sa sarili kong gagaling siya. Na balang araw matutupad na iyong hinihiling ko para sakanya.

"Mama, wala na bang ibang paraan? Hindi ko kakayanin pag nangyari nga iyon.." Hindi ko na napigilan sabihin itong naramdaman ko. Umangat agad ang kamay ni Mama para haplusin ang mahaba kong buhok. Tumitig ako sakanya at ngayon lang napansin kung paano ko namana ang espanyadang balat ni Mama.

"Huwag mo na iyon isipin. Bata ka pa, Licia. Ang isipin mo muna ang iyong pag-aaral."

"Pero, Mama..alam mo naman po na gustong-gusto ko si Enzo, noon paman."

Tumango ito at ngumiti saakin.

"Alam ko, Licia. Ang bata mo pa. Huwag mo masyadong seryosohin ang mga bagay na ito. Masasaktan ka lang sa huli. You're the precious thing that ever happened to me at sa Papa mo. Kaya please, Licia, huwag mo masyadong ituon ang sarili kay Enzo. Baka napabayaan muna ang pag-aaral mo."

"Hindi naman, Mama..tsaka, ayokong pagsisihan sa huli na hindi ko nagagawa ang mga gusto ko."

Nanatili ang tingin niya saakin pero sa huli ay huminga ng malalim bago tumango.

Alam ko sa sarili ko at sigurado akong totoo itong nararamdaman ko para sakanya. Hindi ko kailanman naramdaman ito sa ibang lalaki. May mga bagay na hindi ko maipaliwanag pag kasama ko siya. Totoo naman na halos umikot na ang mundo ko sakanya. Sa apat na taon, siya lang ang lalaking gusto ko. Kahit kailan hindi ako nagsubok magkagusto ng iba. Kaya paanong hindi niya paniniwalaan itong mga sinasabi ko para sakanya?

Pinayagan din ako ni Mama na pumunta sa bahay ni Tita Jory. Sobrang lapit lang ng bahay namin kaya hindi nakakapagod ang maglakad. Sampong hakbang lang ata at andito na ako!

Sa labas palang ng mansyon nila ay napansin ko na iyong puting auto sa labas. Mabilis na lumapit ako doon at sinuri pa iyon. Inirapan ko nalang iyon at pinagpatuloy ang paglalakad. Agad namataan ko si Tatay Elmer habang inaayos iyong mga taniman.

"O, Licia, naparito ka? Si Enzo ba?"

Nakangiting tumango ako.

"Opo! May kotse po akong nakita sa labas. Sinong may-ari po nun, tay?" Hindi ko na napigilan itanong iyon.

"Ah, oo! Kay Ms. Roanne iyan!"

Roanne? Sino naman iyon? Matanda na ba? Pero ang pangalan niya tonog babae na. Sabi naman ni Mama Architect iyon.

Gusto ko pa sanang tanungin si Tatay Elmer tungkol sa Roanne na iyon pero baka naabala ko na. Kaya huwag nalang. Nasa loob naman sila kaya tatanungin ko nalang si Enzo tungkol doon.

Architect si Tita jory. Si Tito Benz naman ay isang Engineer kagaya rin ni Papa. At sa dalawang iyon, walang kinuhang kurso si Enzo gaya sakanila. Business pa iyong kinuha niya. Okay lang naman din iyon kay Tita Jory at hindi sila ganoon kahigpit sa mga gusto ni Enzo. Kaya nga..hinayaan nila akong magkagusto kay Enzo at hindi pinipigilang kulitin iyon araw-araw. Tsaka, sa tingin ko gusto nila ako para kay Enzo, no!

Mag kasing laki rin ang mansyon namin. Sa isang buwan laging gumagawa si Tita Jory ng iba't-ibang klaseng desinyong furniture, Kaya hindi na ako magtataka kung ganoon ka garbo ang kagamitan nila sa loob ng mansyon. Lalo na iyong binili nilang Maxalto squab sa london. Is a B&B Italia brand. Ang ibang kagamitan din nila ay gawa rin sa antique. Mahal iyon. Gusto ko nga magkaroon din gaya nun, pero iba kasi ang hilig ni Mama.

Nakapagtapos narin ng Business si Enzo, last year. Umabot ng isang taon bago siya pinahawak ng De Martino. Hindi iyon kadali at sobrang tuwa ko nang makuha niya na iyon. Isa din iyon sa pinaka-kilalang companya at magandang pinupunang design sa Manila. Nasali din sila sa 'The World of Interior. Kaya kilala sila sa ibang bansa, hindi lang rito sa pinas.

Dahil hindi ko naman sila nakita sa sala kaya pumunta agad ako ng pool area para silipin sila doon. At tama nga ako, may tao doon. Hindi pamilyar ang babae saakin. Tumigil ako at pinagmasdan ito sa malayo. Nakaharap ito sa laptop at mukhang seryosong may tinipa doon. Dumating rin si Manang Ada para pagsilbihan iyong babae. Nilapag niya ang juice at dalawang pirasong cake. Kumunot ang noo ko at hindi nagustuhan itong nakikita ko.

Ang mahaba niyang buhok ay hinayaang nakabagsak. Kung ikokompara ko, mukha siyang latina. Hindi naman naiwasang bumaba ang tingin ko sa dibdib niya. Malaki at mukhang luluwa na iyon. Napasulyap ako sa hinaharap ko at iritadong napansin na sobrang malayo itong akin kesa sa babaeng ito. Ano naman ngayon? Hindi naman doon nakikita ang pagmamahal. Umirap ako at iniwasan ang pamumuri sa babaeng ito. Ayokong sayangin ang oras ko sakanya. Si Enzo ang hinahanap ko.

Napagdesisyunan ko narin na lapitan siya doon. Taas noo ay tumigil ako sa harap niya. Nakuha ko naman agad ang atensyon nito. Maarteng sumulyap ito saakin at hinagod pa ako ulo hanggang paa. Alam kong maganda ako kaya huwag mo na akong suriin pa.

"Si Enzo?" Diretsahang tanong ko.

Tumikhim ito at tinaasan ako ng kilay.

"Pinagluto pa ako, e." May panunuya niyang sagot sa tanong ko.

"Sino ka?" Tanong ko at hindi pinansin ang sinabi nito.

"So, ikaw ba si Licia Ordoveza? Enzo talks about you a lot."

Wow? Nice talking!

At ano raw? Kinukwento ako ni Enzo sakanya? Gusto kong tanungin siya kung ano iyon. Pero wala ako sa mood makipag-usap rito.

"Na maganda ako? Alam ko na iyon." Hindi ko na napigilan ang sariling umirap. Narinig ko naman ang bahagyang pagtawa nito na ikinagulat ko.

"Oh, you're funny! Well, nevermind. Tama nga si Enzo, bata ka pa para sakanya."

Umawang ang labi ko at hindi makapaniwalang sinabi niya iyon sa harapan ko. Kinalma ko agad ang sarili at pinigilan huwag siyang maitulak sa pool na ito. Palihim na kinuyom ko naman ang kamao ko.

Sino ba ito? Ang kapal naman ng mukha kung umasta rito! Ngayon lang kami nagkita at feeling niya pa ang close-close namin sa isa't-isa!

"How old are you?" Huminto ito at mapang-asar na sinuri ang buong katawan ko. Mapang-insultong ngumiti naman ito saakin. "You're seventeen, right?"

Napakurap-kurap ako sa huli niyang tanong. Tumaas ang kilay ko at hindi na maitago ang iritasyon ko sa babaeng ito. Bakit ba ang daming alam nito saakin? Fan ko ata 'to, eh.

Gusto mo ng gulo? Sige, pagbibigyan kita. Akala mo aatrasan kita.

"Opo, ate." I smirked.

Nakita ko ang pag-awang ng labi niya sa huli kong sinabi. Unti-unting sumilay ang ngisi sa labi ko nang makita ang iritasyong gumuhit sa itsura niya.

"Anong pakiramdam na hindi na seventeen, ate?" Humalakhak ako at tinaasan siya ng kilay. Nanatili naman ang iritado niyang tingin saakin. See, don't mess with me. Bata nga ako pero kayang-kaya kong guluhin buhay mo.

"Opps! Hindi mo pala iyon maramdaman kasi nga matanda ka na at puno n--"

Bago ko pa matuloy ang sasabihin ko ay napatalon ako nang marinig ang baritonong boses na 'yon sa likuran ko.

"Licia!" Mariin na tawag niya sa pangalan ko bago ako hinila paalis sa kinatatayuan ko. Fine!

Nang makalabas na kami ng mansyon ay tuluyan niyang inalis ang pagkahawak saakin. Hinarap niya ako at nakita ang galit sa mga mata nito.

"What are you doing, Licia?Nakakahiya kay Roanne." Mariin at pagalit na sabi nito.

"Bakit? Siya naman iyong nangunguna, a!"

Pumikit ito nang mariin at paulit-ulit na umigting ng panga.

"Licia. You're insulting her."

Parang pinipiga ang puso ko nang sabihin niya iyon. Ni hindi niya na ako hinintay na maipaliwanag ang sarili ko at inakusahan agad!

"She deserves it! Pinagtatanggol mo pa siya! she insulted me too, Enzo. Ang sabi niya ang bata-bata ko pa raw para sa'yo!" Hindi na napigilan tumaas ang boses ko sa iritasyon. Hindi ako makapaniwalang kinakampihan niya iyon. Ang panget na iyon!

"She's not insulting you, she's stating the fact." Mariin niyang sabi.

Umawang ang labi ko sa gulat. Bumagsak ang mata ko at naramdaman ang pangingilid ng luha.

"Go home and just do your homeworks." Dugtong niya sa mahinahong ng tono.

Muling umangat ang tingin ko sakanya at mabilis na pinaalis ang luha. Umawang ang kanyang bibig dahil sa nakita. Kumuyom pa ang panga nito. Nanatiling matalim naman ang titig ko sakanya.

"Licia.."sinubukan niyang hawakan ang siko ko pero agad na iniwas ko iyon.

"Sige, doon ka sakanya! Tsaka, Andito lang naman ako para humingi ng tawad sa ginawa ko kahapon! And now, I'm taking it back! Huwag na pala!" Muling may lumandas na luha saakin.

"Licia, hindi k-"

"And right, mukhang atat ka na talagang paalisin ako. Magsama kayo!" Bayolenteng tinulak ko naman ito kaya agad itong napaatras.

"Licia!"

Hindi na ako lumingon pa at mabilis na tinakbo ang labasan. Tumigil naman ako saglit nang namataan ulit ang kotse ng Roanne na iyon. Muling bumalik ang iritasyon ko. Sa galit ko ay mabilis na tinadyakan ko ito kaya tumunog. Agad na tumakbo ako. Buti nga sa'yo!

"O, bakit ganyan itsura mo?" Tanong agad ni Mama nang makauwi ako. Padabog na umupo ako sa sofa at nakaekis ang braso.

"Wala, Mama!" Iritadong sagot ko.

"Wala? Mukhang gusto mo na nga akong kainin sa itsura mong 'yan."

"Si Enzo kasi Mama, eh!" Parang bata na sumbong ko.

"O, anong meron?"

Biglang naalala ko ang babaeng iyon. Sino nga iyon ulit? Akala mo kung sino! May gusto iyon kay Enzo, panigurado!

"Mas pinagtatanggol niya pa kasi iyong panget na iyon!"

"Licia!" Sita niya at mukhang nagulat pa ito sa sinabi ko. Totoo naman kasi!

"Ano nanaman ang ginawa mo? Huwag mong sabihin inaway mo ang bisita ni Enzo doon? Naku!Nakakahiya ka talaga! Sana hindi na kita pinayagan!"

"Hindi ko naman siya inaway, e! Siya nga iyong sinabihan ako ng bata! Ano naman ngayon kung bata, Mama? siya nga..matanda na!"

"Licia!" Putol nito ulit saakin. "Ikaw talaga!"

"Nakakainis kasi Mama, e!"

"Ang bata bata mo pa sa ganyan, Licia. Tumigil ka nga diyan! Nakakahiya pa sa bisita niya!"

Bisita? Baka bwisita kamo!

Hindi-hindi ko papalampasin ito. Hindi talaga! Tignan natin!

Naramdaman ko naman na iniinsulto ako ng babaeng iyon!

Gumilid ang ngiti ko at may naisip na plano. Pakiramdam ko tuloy parang ako pa ang nagmukhang kontrabida dito sa dalawa. And..Yes, I'm Licia Rain Ordoveza at walang takot sa lahat. At sandali lang, paano ba ako nakilala nun?

Mabilis na tumayo ako at sinimulan na ang plano.