"Gusto ko ito mommy" sabi ng isang cute na bata habang tinuturo ang chocolate cake na may rosas sa ibabaw,syempre icing lang iyon..
"Ok baby" sabi ng magandang babae,na hindi maipagkaila na sa kanya nagmana ang bata kasi sa kinis at flawless ng balat nito at syempre sa taglay ng ganda nito. Humarap siya sa akin at ngumiti. "I'll take this one" sabi niya sabay turo sa chocolate cake. Kitang kita sa mata ng bata ang saya.
"Ok ma'am take in or take out" sabi ko sa kanya sabay ngiti. Syempre naman kailangan good mood ako baka mawalan ako ng costumers kapag lungkot-lungkutan ako dito.
"Take out miss" sabi niya with smile. Ang ganda talaga niya.
"Ok maam,wait lang po kayo ng ilang minuto" nagsmile lang siya. Binalot ko na ito,saka nag bayad na siya.
Hinawakan ng bata ang kamay ng nanay niya."Thank you mommy". Ngumiti ang bata na para bang wala ng katapusan. "Happy birthday baby". Birthday niya pala, sana lahat reregalohan ng cake pagbirthday. Para talaga akong bata. Eh sa akin lang naman, sana may makapiling akong pamilya tuwing kaarawan ko. May nanay Ester naman ako,pero pumanaw nga lang siya. Pero iba talaga kung totoong magulang. Duh whatever , wala naman akong magagawa kung hindi gusto ng tadhana na magkaroon ako ng mga kahilingan ko.
"May!!"sigaw ng isang babaeng tumatakbo papalapit sa akin. Tria?. Opps Hindi ko alam nakatulala na pala ako at may luha na palang tumutulo sa pisngi ko.
"May OK ka lang ba?,bakit nakatulala at may luha sa pisngi mo?don't tell me iniisip mo na naman kung sino kaya ang totoo mong pamilya"
"Ikaw ha kilalang kilala mo talaga ako"
"Syempre naman , ako kaya ang best friend mo" umakbay siya sa akin, nasa tabi ko na kasi siya ngayon. Ang sweet talaga niya.
"Ahh si Tito pala nasa loob nagbabake, baka gusto mo siyang sopresahin" bigla siyang naexcite sa sinabi ko. Birthday kasi ng tatay niya. Pero nabati ko na siya kanina.
"Oo nga ,sige pupuntahan ko na siya. Basta kung may problema ka , nandito lang ako" sabi niya. Kitang-kita sa mata niya na excited na siya batiin ang tatay niya.
"Ok po, sige na baka magtampo pa si tito" nagsmile lang siya saka umalis. Si Tria ang nag-iisa kong kaibigan. Simula ng bata pa ako siya na ang kasama ko at siya na ang nasasandalan ko. Siya rin ang nag-iisang anak ng may-ari ng mini bakeshop na ito. Mabuti mabait ang pamilya niya at pinayagan niya ako na magtrabaho dito, simula kasi ng namatay si nanay Ester, sila na ang tumulong saakin. Kaya feeling ko maswerte parin ako sa kabila sa mga nangyari saakin.
Marami ding akong naging costumer. Isa-isa silang nagsidatingan. Owws and sakit ng katawan ko ,sa dami kasi ng costumers hindi na ako nakauupo. Ang sakit na ng legs ko. Mabuti na lang wala ng masyadong customer dito , hindi naman sa nagpapasalamat ako na wala ng customers nagpapasalamat lang ako na makakaupo na ako sa wakas. I stretch my feet,ahh ang sarap sa pakiramdam,and my hands also,o my god nabali na yata ang ang mga buto ko. Para namang hindi ako sanay sa trabahong toh, mahigit 5 years na akong nagtratrabaho dito,since namatay kasi si nanay Ester noong 12 years old pa ako,nagtaratrabaho na ako dito ,dati palinis-linis pa ako dito pero ngayon ako na talagang nakikipag -usap sa mga tao. Hindi sana ako pa patrabahoin dito nina tito at tita kasi nga bata pa ako , sa kanila muna daw ako, eh ayaw ko namang umasa sa kanila at may bahay namang ibinilin sa akin ni Nanay Ester bakit pa ako titira sa kanila. Kaya Simula noon natuto na akong maging independent.
Ilang minuto ding akong nakaupo dito , wala na ding masyadong costumers gabi na rin kasi. Ang sarap damdamin ang katahimikan , pakinggan ang sasakyang nagsidaanan at mga ibong nagsiawitan. "Ay Kabayo" biglang kasing bumukas ang pinto na nasa gilid ko lang 5 meters yata kalayo sa akin. "Ay Tito"
"May, bakit hindi ka pa umuwi tapos na ang shift mo ha" sabi ni Tito na may pagtataka sa mukha. Ang gwapo parin niya kahit pagod na pagod na siya. "At saka pagod na pagod ka na" na pakacaring pa niya. Siguro noong kabataan niya maraming nagkakagusto sa kanya kasi hindi lang siya gwapo , caring pa at saka mabait.
"Ahh Tito good evening po sa inyo" kailangan akong maging magalang noh baka masesanti pa ako dito. "Ah mag-aayos na po ako"
"Sige, bago ko malimutan ito pala ang sahod mo" sabi niya. Kinuha ko ang inabot niyang maliit na envelope. "Salamat po Tito" pagpapasalamat ko, halatang pagod na rin siya.
"At saka unang araw niyo pala bukas sa school ni baby Tria umuwi kana para makapaghinga ka pa" ang cute talaga ni Tito baby parin ang tawag niya kay Tria. OMG muntik ko nang makalimutan pasukan na bukas, may aayusin pa pala ako sa bahay.
"Sige po Tito , kayo rin po magpahinga na po kayo,mahaba pa ang araw natin bukas, saan po pala si Tria?" Kanina ko pa kasi siya hindi nakikita simula kanina, taka lang besh.
"Nasa kusina siya naglilinis" sabi niya at hinawakan niya ang balikat ko. "Huwag mo muna siyang isipin , isipin mo na lang ang iyong sarili pagod ka na , baka bukas hindi ka niyan makaconcentrate sa school, ahh sige dito muna ako" dagdag niya saka umalis. Grabe talaga ni Tito hindi nakakapagtaka na ang bait at caring ni Tria. Kaya siguro ang dami ng blessing dumating sa kanila.
"Ahh Tito!" Sigaw ko medyo malayo na kasi siya. Bago ako umalis may sasabihin muna ako sa kanya.
Lumingon siya sa akin "Bakit May?, may kailangan ka ba?" Tanong niya at lumapit sa akin.
"Ahh Tito gusto ko lang magpasalamat sa lahat ng tulong niyo sa akin" sabi ko,nako ang drama ko naman baka makaiyak na ako dito.
Ngumiti siya. "Sayo rin May, ang daming natulong mo sa amin". Hindi nawala ang ngiti sa kanyang labi. Napangiti narin ako. Tumalikod na siya at bamalik sa kusina. Siguro kailangan ko nang umalis. Inayos ko na ang gamit ko at nagpaalam na sa kanila ni Tito at Tria saka umalis.
Naglalakad ako ngayon sa daan, hindi naman nakakatakot kasi ang daming ilaw at mayroon ding taong naglalakad tulad ko at saka hindi naman kalayuan ang bahay ko sa bakeshop nina Tria. Ang sarap ng feeling ko ngayon kahit ang pagod ko na, ang tahimik kasi, ang yapak lang yata ng paa ko ang naririnig ko. Nang biglang ouch. Ang sakit ng balikat ko,may lalaki kasing bumangga sa kanang balikat ko galing sa likod at muntikan pa akong matumba sa lakas ng impact nito , hindi ko nakita ang mukha niya basta naka black jacket with hood siya saka naka ¾ na black short at naka sapatos ito ng pangsports. Runner ba yun ang bilis kasing tumakbo at ang sakit kasi ng impact ng pagkakatama niya sa kanang balikat ko. At , ang cool niya sana kaya lang hindi man lang siya lumingon at nagsorry sa akin. Naahhh bahala siya bibili nalang ako ng painkillers, oo maraming painkiller dumagdag pa kasi tong balikat ko eh