"Kukunin niyo na ba ma'am?" Tanong ko sa ika-tatlongput pito kong costumer. Sikat kasi ang bakeshop na ito dito, kahit na maliit lang toh, hindi naman kasi diyan nakabase nasa kalidad yan ng produkto, masarap kasi magluto ang pamilya ni Tria kaya paborito itong puntahan ng mga tao eh. At saka nabilang ko talaga ha, eh kasi naman recorded siya kung ilang costumer na ba ang bumili at kung ano at ilan ang binili nila, baka kasi malugi sila Tito.
"Yes miss" sagot nito. Binalot ko na ang binili ng ale at saka nagbayad na siya.
Mmm... Mukha yatang may engrandeng pamilya ang kakain o bibili dito, may kotse kasing pumarada sa labas. Well, hindi na toh bago sa akin. Di ba nga kasi, sikat ang bakeshop na ito. Hinintay ko na lang sila lumabas wala pa naman kasing sumunod na costumer pagkatapos ni costumer #37.
Kring.... Tumunog ang cp ko. Nagtext si Tria.
From Tria
May, bakit hindi mo ako hinintay? bakit wala ka sa kiosk kanina?πππ
Dahil sa tanong niya naalala ko na naman ang asungot na Kasper na yun. Tssk.. Panira ng mood.
To Tria
Sorry ha, sasagotin ko na lang ang tanong mo pag-nagkita tayo. Busy kasi ako eh, alam mo na sa bakeshop niyo. Okππ.
"Miss" familiar na boses ng lalaki. Nagulat ako doon ah, muntik ko pang natapon ang cp ko.
"Jasper?"madali ko siyang nakilala dahil sa buhok at mala-angelic na ngiti niya, di tulad sa kambal niya iba kasi ang gupit ng buhok nito at evil smile naman kasi palagi kong nakita sa kanya at saka diba hindi naman sila masyadong magkamukha, kaya madaling lang sila ma-identify. Nakita ko siyang nakasmile lang sa akin.
"Dito ka pala nagtatrabaho."sabi niya. By the way pala alam na niya na working student ako pero hindi niya alam na dito ako nagtatrabaho, di ba nga nag-usap kami kanina. Tumango lang ako.
Siya ba yung may-ari ng sasakyan?. Halata namang lumaki sa mayamang pamilya si Jasper, sa porma pa nga klarong-klaro na. Kasama yata niya ang pamilya niya. May babae kasing nasa 40 na yata pero parang hindi parin tumatanda dahil sa makinis at maputi nitong balat at saka ang mata niya, sa kanya yata namana ang cute na mata ni Jasper. Meron ding bata na napaka-cute din ang mata tulad ni Jasper, nasa 6 or 7 lang yata ang edad nito. Kaka-upo pa lang nila sa table.
"Hinahanap mo ba si twinny, Kasper?"tanong ni Jasper sa akin, nahuli yata niya ako tumitingin sa pamilya niya. Si Kasper? Bakit ko naman hahanapin ang asungot na yun?oo nga noh, bakit wala siya?diba twinny siya ni Jasper?..pag marinig ko talaga tinatawag siya ni Jasper na twinny, hindi ko talaga maiwasang matawa, pero sa isipan ko lang. Baka kasi magalit si Jasper.
" Ako?hinahanap si Kasper?asa siya."sagot ko sa kanya, ehh totoo naman. "Bakit ko naman hahanapin ang asungot na yun" bulong ko pa. And lalaking yun dapat hindi hinanap. Tumawa lang siya so its means nakita niya ang nangyari sa amin sa hallway at sa kiosk. Omg.... Nakakahiya tohhh. Para makasigurado tanungin ko nga.
"Ahh Jasper, nakita mo ba ang nangyari sa amin ni Kasper sa hallway at sa kiosk kanina?"bahala na si flash kung anong isagot niya.
" Mmmm...sa hallway, oo, kasama kaya ako niya nun. Sa kiosk naman mmm... May nangyari din sa inyo sa kiosk?"tanong niya. Omg so ibig sabihin habang sumisigaw ako sa hallway nando'n si Jasper, nakakahiya toh. Naks mabuti nalang hindi niya nakita ang nangyari sa amin sa kiosk.
"Ahh wala, kalimutan mo na." Sagot ko. Nagsmile lang siya.
"Kaya pala wala siya kasi masakit daw ang balikat niya, napakasakit daw kaya magpapahinga muna siya."sabi ni Jasper sabay hawak sa balikat niya pero biglang nawala ang ngiti sa kanyang labi. Pinapaconsensiya niya ba ako?akala ko ba hindi niya kami nakita sa kiosk. Pero teka tungkol sa balikat niya, masakit ba talaga. The way na magsalita si Jasper parang totoo talaga. Paano kung masakit na talaga nung na siko ko siya tapos lumala nung sinapak ko pa ito. Parang hindi na ako makatulog nito mamayang gabi, kailangan ko nang tapusin ang usapan. Baka saan pa toh mapunta ang usapan eh, baka mapagalitan pa ako nito ni Tito dahil nakipagdaldalan lang ako.
" Ahh OK, ano pala order mo?" Tanong ko with cold voice.
Pumili na siya kung ano ang oorderin niya. Mabuti nalang wala pang ibang costumer, puro kasi ako daldalan.
Nasa bahay na ako ngayon, pagod na pagod na ako hindi lang dahil sa trabaho kundi dahil na rin sa paggawa ng mga assignment, first day ng school pa lang sandamakmak na ang mga gawain, ang hirap naman kasi ipagsabay ang pagtatrabaho sa pag-aaral. It's already getting late, 11 pm na kailangan ko nang matulog.
Hihiga na sana ako nang biglang tumunog ang cellphone ko. May nag text na unknown number.
From unknown number
Hey! Are you tiredππ? Bakit ko ba tinatanong? Ok I know you're tired, matulog ka na...goodnight..
Sino kaya toh, bakit niya alam na pagod na ako?. First time na may nag-aalala sa akin ha, well maliban nila Tria. Saka tama din ang timing niya ha, duh bahala na. Mareplyan nga.
To unknown number
Sino to? Kung sino ka man, salamat sa pag-aalala. Goodnight.