Chereads / Book of You and I / Chapter 10 - G AND B

Chapter 10 - G AND B

Naglalakad akong matamlay at may malaking eyebags sa mata dito sa street patungong paaralan. Ikaw panamang matulog ng 3:00 am tapos gumising ng 5:00 am. Hindi kasi ako makatulog kagabi, kahit anong pikit ko ng mata ko at kahit palipat-lipat pa ako ng pwesto sa higaan hindi parin ako makatulog. Kaya ganun, 3 hours lang ako nakatulog.

Nandito na ako sa harapan ng gate ngayon nang biglang may umakbay sa balikat ko, kaya napatigil ako. Sino naman kaya toh?don't tell me.

"Good morning May! Ok kalang ba? Parang kahapon lang ang tamlay mo rin at ngayon may additional eyebags pa ang nasa mata mo."sabi ng taong may angelic voice na sumalubong sa araw ko. Yes, si Jasper ang umakbay sa akin. Mabuti naman hindi ang asungot na kakambal niya ito, kundi patay na buhay ko. Ngumiti ako sa kanya.

"Good morning Jasper! OK lang naman ako, hindi lang ako makatulog kagabi kaya ganito."sabi ko sa kanya at nagsmile ulit. Nagpatuloy na kami sa paglalakad habang nakaakbay parin siya sa akin. Wala namang malisya dun.

"Bakit hindi ka makatulog kagabi? Iniisip mo ba ako?sabi niya at ngumiti rin.

"Hindi ko rin alam eh, wala naman akong iniisip." Sagot ko. Kitang-kita sa mukha niya ang pagkadismaya. Ok lang ba siya?bakit ko naman siya iisipin?

"Akala ko pa naman."sabi niya na may pagkadismaya sabay inalis ang braso niyang naka-akbay sa akin. Big deal ba sa kanya na hindi ko siya iniisip kagabi?hindi parin nawala ang pagkadismaya sa kanyang mukha. Problema nito?

"Ok kalang ba?."tanong ko sa kanya. Hindi parin bumalik ang mukha niya sa normal at hindi din siya sumagot. Tumingin lang siya sa nilalakaran niya. "May masama ba akong nasabi?" Ganun parin siya. Ano naman kung hindi ko siya iniisip?. Hindi siya nagsasalita edi hindi rin ako magsasalita. "Bahala ka na nga."sabi ko at akmang iiwan na sana siya at maunang lumakad, ang bagal na kasi namin lumakad. Nang biglang umakbay siya ulit sa akin. Problema niya?parang kanina lang hindi siya nagsalita, ngayon may paakbay pa siya. Nalilito na ako ha. Ngumiti siya.

"Its just a joke, magaling na ba ako umarte?"sabi niya sabay tawa. Joke? Seriously? Tuwing umaga ba siya mag-jojoke?kahapon ng umaga din nag-joke din siya. Hindi ako ngumiti, hindi ko kasi gusto na may nagjojoke sa akin, madali lang ako magalit kung ganun. Well, maliban kay Tria sanay na ako sa kanya. Eh kay Jasper?hindi ako sanay.

"Hey! are you angry?"tanong niya. Halata naman siguro. " I'm sorry, hindi ko alam magagalit ka pala."sabi niya at akmang kukunin ang ang brasong nakaakbay sa akin, pero hinawakan ko ito kaagad kaya hindi natuloy, syempre inalis ko kaagad ang pagkakahawak nito. Nginitian ko siya.

"Ikaw naman kasi! Wala kasi ako sa mood, ang bigat pa ng katawan ko. At may paarte-arte ka pa, may balak ka bang mag-artista?"sabi ko at ngumiti. Ngumiti din siya.

" Sorry talaga, hindi ko alam ganyan pala ang nararamdaman mo ngayon. At tungkol sa pag-aartista, sasali kasi ako sa Theater Club mamaya. Baka gusto mo rin."sabi niya at sa wakas bumalik na ang angelic face and voice niya. Mamayang hapon na pala ang Club Selection.

"Theater Club? No, ayoko. Pero sigurado akong makakapasok ka sa club na yan, magaling ka kaya, kanina nga naniwala ako sa arte mo."sagot ko sa tanong niya. Ayoko naman talaga, ang pangit ko kaya umarte.

"Ok, thanks pala sa paghanga sa pag-arte ko. By the way, kung hindi ka sasali sa Theater Club ano ang sasalihan mo?.tanong niya. Oo nga noh, ano nga ba?

"Ahh wala pa akong maiisip."sabi ko at ngumiti. Ngumiti rin siya. Ang cute niya talaga.

"Ah By the way, napag-isipan kong maganda yata ko may tawagan tayong dalawa."sabi niya. Oo nga noh. Speaking of tawagan, naalala ko naman yung jerk na yun. Baby pa naman itawag ko sa kanya. Bahala na nga, panira ng mood. " OK kalang ba?"tanong niya na may pagtataka sa mukha. Napansin niya yata ang reaction ko nung sinabi niya ang salitang tawagan.

"I'm ok, kung magkakaroon tayo ng call sign ano naman yun?."tanong ko sa kanya. Napakamot siya sa ulo niya, nag-iisip yata siya. Hinintay ko lang siya sumagot.

"Mmm...how about GF and BF?" Tanong niya.

"What?!!Seriously?!!"hindi ko naiwasang mapasigaw. Ikaw panamang sabihan ng friend mo na GF at BF ang tawagan niyo, magugulat ka siguro lalo na kung lalaki ito. Ano kami magjowa. Nagulat siya sa reaction ko. "Ayoko ko."

"Why? Is there anything wrong?"tanong niya. Problema nito, hindi ba niya alam ang ibig sabihin nito?

"Bakit GF and BF ang naisip mong call sign?" Tanong ko. Bakit naman kasi?

"Eh kasi GF acronym sa Girl Friend so it means babaeng kaibigan at ganun din sa BF. So babaeng kaibigan at lalaking kaibigan. Hindi naman yung sa magjowa."paliwanag niya.

"OK, pero ayaw ko niyan. Mag-isip ka ng iba."request ko sa kanya. Kahit ganyan pa ang ibig sabihin niyan hindi parin ako papayag, nakakadiri pakinggan.

"Ok, paano kung G ang B nalang?para G for girl and B for boy"tanong niya. Marinig ko lang ang letrang B nakakadiri pakinggan. Pero papayag nalang ako, baka magalit pa siya kung aangal pa ako ulit. At mas better pa ito kaysa sa GF at BF. At lalo na sa Baby, nakakainis!mabuti naman hindi nagpakita ang jerk na yun.

"That's better."sagot ko.

"So bale G tawag ko sayo at B tawag mo sa akin."pagpapaliwanag niya. B?nakakadiri pakinggan. Bahala na, wala namang malisya sa kanya.

"OK B."pag-agree ko. Bahala na.

"OK mauna na ako, may pupuntahan pa kasi ako eh, magkita nalang tayo sa flag ceremony. Bye G."pagpapaalam niya sabay tangal sa braso niyang nakaakbay sa akin at lumakad ng mabilis kaunti sa akin. Haay mabuti pa ang G hindi pangit pakinggan.

" Bye.... B"pagpapaalam ko sa kanya. Tuluyan na siyang umalis. Mag-isa na naman ako.

Nandito ako ngayon sa may hagdanan patungong 3rd floor, sa 3rd floor kasi ang classroom namin. Nang biglang may umakbay na naman sa akin sa left side. Sino kaya toh? Impossible naman siguro kung si Jasper to kasi sabi niya sa flag ceremony lang daw kami magkita. Impossible din na si Tria, lalaking-lalaki ang kamay nito at sigurado akong mataas siya kahit nakayuko ako ngayon at hindi ko siya nakakita. DON'T TELL ME!!!