First period na namin ngayon. Pero wala parin si Jasper, nasaan na kaya siya. Baka may nangyari na sa kanya, huwag naman sana.
"Sorry ma'am I'm late."may biglang nagsalita sa may pintuan. Si Jasper pala, mabuti naman. Umupo na si Jasper sa kaniyang upuan, na katabi ko lang. Anong nangyari? Bakit may band-aid sa gilid ng kanyang labi. Mmmm.... Nakipag-away ba siya?kanina wala pa ito ah. Magtatanong na sana ako kung ano ang nangyari sa kanya nang biglang nagsalita si ma'am.
" Anong nangyari sa iyo Lopez? Galing ka ba sa infirmary?"sunod-sunod na tanong ni Ma'am Dela Rosa.
"Yes Ma'am galing po ako sa infirmary may minor accident lang po kasing nangyari sa akin. Pero ok na po ako."sagot ni Jasper at ngumiti. Minor accident?anong naman kanyang minor accident yun?.
"Anong namang minor accident ang nangyari sa iyo?"tanong ni ma'am ulit. Pareho yata kami ng iniisip ni ma'am, well ganyan naman talaga siguro ang itatanong natin sa iba kung sinabi nilang may minor accident na nangyari sa kanila.
"May bumato kasi sa akin, at saktong sa gilid ng labi ko po tumama. Kaya ganoon. Pero hindi naman sinadya dahil hindi naman sana talaga ako ang babatuhin, ang taong nasa likod ko po sana. Kaya aksidente lang yun."sagot ni Jasper. Nagulat ang lahat, kahit ako. Sino naman kaya ang bumato sa kanya?
"Sino naman ang bumato sa iyo? Kilala mo ba?naku dapat isumbong yan sa principal. Ang taong ganyan dapat bigyan ng leksyon."tanong ni ma'am na parang galit. Tama si ma'am dapat bigyan ng leksyon ang mga taong ganyan. Lalo na kung mabuting tao ang nabato niya, tulad ni Jasper.
"Hindi ko po nakilala ma'am. Umalis kasi siya kaagad kaya hindi ko medyo nakita ang mukha, medyo malayo po kasi siya. Pero ma'am, ok na po ako kaya huwag nalang po nating alamin at hanapin kung sino yun. Baka gumulo pa. At hindi rin niya sinadya yun. Kaya huwag nalang."sagot ni Jasper ng mahinahon at ngumiti pagkatapos. Napakabait talaga niya. Ngumiti rin si Ma'am Dela Rosa. Siguro humanga din siya sa kabaitan ni Jasper.
"Ok kung yan ang gusto mo. Sigurado ka bang ok ka na?." Tanong ni ma'am.
"Yes ma'am" sagot ni Jasper
"Ok let's go back to our discussion, saan nga tayo tumigil?"tanong ni ma'am sabay ayos sa sarili.
Tulad ng sinabi ni ma'am nagpatuloy na siya sa naputol na discussion namin. Hindi ko na rin tinanong si Jasper ehh tinanong na kasi ni ma'am ang gusto kong itanong at nasagot na rin ni Jasper. Pero gusto ko sana siyang kausapin, namiss ko kasi siya kaagad, pero baka mapansin ni ma'am at pagalitan pa ako. At baka madamay pa siya. Mamaya nalang sa recess.
"Ok class, class dismiss"sabi ni ma'am. Buti naman. Napakaboring naman kasi ng topic. Nagsilabasan na ang iba kong kaklase para kumain.
"G, tara bili tayo ng pagkain!"sigaw ni Jasper sa may pintuan. G?ay tama iyan pala ang tawag niya sa akin, nakalimutan ko kaagad. Bakit siya nandiyan?kanina katabi ko lang siya dito. Baka gutom na. "Bilis gutom na ko!"dagdag pa niya. O kita mo.
"Sandali lang!"sigaw ko. Kinuha ko ang pera ko at lumapit sa kanya.
" Ang tagal mo naman babe"reklamo ni Jasper. Huh? Anong babe? Nakakunot lang ang noo ko ngayon. Anong bang pinagsasabi niya? Nagbibiro ba siya? Yan ba ang epekto ng pagbato sa kanya? Sinapian ba siya? O pinagtripan niya lang talaga ako.
"Joke lang!"mahinang sigaw nito at tumawa. Joke lang? Nakadalawa na siya ngayon ah. Ngumiti nalang ako kahit ayoko ng nagjojoke kasi nga madali lang ako magalit. Mabuti nalang medyo nasa mood ako ngayon.
"Bakit ang hilig mong magjoke B!!"mahinang sigaw ko sabay kurot sa cheeks niya ng matindi. Kaya hindi na siya nakatawa pa.
"Araay!!tama na G"sigaw niya pero hindi ko siya tinigilan. Naalala ko tuloy ang sinabi ni Tria na nagseselos daw ako dahil kinurot niya ang cheeks ni Kasper. Kinurot ko pa ng mas todo ang cheeks ni Jasper, nakakainis kasi. "Araaaayyy!!"sigaw pa niya. Hindi ko parin siya tinigilan.
"Bakit naman ako magseselos?"
"Huh? Anong pinagsasabi mo G? Kanino ka ba nagseselos?!"sigaw ni Jasper. Kaya natauhan ako bigla.
"Anong nagseselos?"tanong ko sa kanya na ngayon parang nagbablush dahil pulang-pula na ang mukha nito at parang galit na yata. Bakit ko ba natanong yun. Ang bibig ko talaga hindi nag-iisip, sa bagay wala namang isipan ang bibig. "Ay sorry B, matindi yata ang pagkakurot ko"nakatingin lang siya sa akin na parang nagtataka. Nagtataka siguro siya dahil sinabi ko na matindi YATA. Bakit ko sinabing yata. Na matindi naman talaga ang pagkakurot ko. "Ok kalang ba? Galit ka ba?" Ngumiti lang siya. Anong nangyari? Hindi siya galit?.
"Bakit naman ako magagalit, ehh kasalanan ko naman. Kung hindi ako nagjoke ng ganoon hindi mo sana ako kinurot ng matindi. Kaya sorry G"sagot niya. Oo nga naman.
"May kasalanan din ako, kaya sorry din B."pagpapatawad ko. Ngumiti lang siya.
"By the way ano ang ibig sabihin sa tanong mo na.."hindi ko na siya pinatapos pa. Baka ano pa ang sabihin niya.
" Wala may naalala lang ako sa pinanood kong movie kagabi, yan kasi ang tinanong ng babae sa lalaki nang kinurot niya ang cheeks nito. Hindi ko namalayan natanong ko rin pala sayo. So yun"paliwanag ko. Ano bang pinagsasabi ko? Saan ba nanggaling ang ideyang yun? Baka magtanong siya kung ano ang pamagat ng movie ang pinanood ko?hindi naman talaga ako nanood ng movie kagabi at wala rin akong maalala na movie na may line na ganoon. Ayaw ko rin kasing sabihin ang totoong dahilan bakit ko yun natanong, ayaw ko ng balikan ang pangyayaring yun. Maalala ko pa ang asungot na yun, nakakainis kahit ano-ano lang ang sinasabi tungkol sa akin, gwapong-gwapo daw ako sa kanya, ewww asa siya at ako daw ang nanligaw?wala nga akong gusto sa kanya at wala namang nanyaring pagliligawan kasi nga hindi ko siya boyfriend, siya lang ang nagsabi dahil consequences lang yun. Aaahhh!!! Stop thinking about him self, nakakasira lang yun ng mood. Pero mabuti nalang parang naniniwala naman si Jasper ngumiti kasi siya. Kaya ngumiti nalang din ako.
"OK" sabi niya. "O nga pala, katabi pala natin ang SSC?"tanong niya
"Oo" sagot ko. Speaking of SSC saan si Tria?lagot sa akin yun, mas kinampihan pa niya ang asungot na yun kaysa sa akin na mas kilala niya. Sino ba ang bestfriend niya ako o yung asungot? Patay ka sa akin Tria, kakainin kita ng buhay. Sinulyapan ko ang classroom nila na kung saan nasa tapat na namin ngayon, walang tao at nakapadlock ang mga pinto. Asan kaya sila? Ahh mabuti nalang wala kayo Tria, kundi.... Ano May?best friend mo parin yun.
"Nakakainis naman"bulong ni Jasper. Anong pinagsasabi niya?
"Anong nakakainis B?"tanong ko. Nagulat siya, Hindi niya yata inaasahan na narinig ko ang sinabi niya.
"Ayy wala, never mind" sagot niya. Mmmm... Mayroon ba siyang hindi sinasabi sa akin? Malay ko ba? Baka personal matter, kaya huwag magtanong pa.
"Ok"
"Tara na, gutom na gutom na ako."sabi niya sabay hila sa akin. Gutom na rin ako.