"Anong sasalihan mong club?"tanong ni Tria sa akin. Dandito kasi kami ngayon nakatayo sa harapan ng bulletin board, kung saan nakapaskil ang list ng club na pwedeng salihan at mga venue nito.
"Honestly, wala akong maiisip."sagot ko. Wala naman talaga akong gustong salihan.
"Huh? Pwede ba naman yan?"tanong niya. Ewan ko lang. Wala talaga akong maisip.
"Eh, kung pwede lang walang sasalihan."compulsory kasi toh, atleast isang club may masalihan ang bawat estudyante sa school na ito. Hindi tulad sa dating school na pinasokan ko, ok lang kung wala. "Eh.. ikaw?"tanong ko sa kanya. Ngumiti siya. Panigurado may sasalihan nato.
"Ehhhh alam mo na."sagot niya with a big smile.
"Theater club?"tanong ko. Mahilig kasi siya umarte at saka marunong din siya sumayaw at kumanta.
"Ohh yeesss!"mahinang sigaw niya, marami rin kasing taong tumitingin sa bulletin board. Ngumiti lang ako, wala naman kasi akong masabi.
"G!"sigaw ni Jasper na tumatakbo papalapit sa amin.
"Speaking of theater club may kasama kanang sumali dun."sabi ko kay Tria.
" Huh?"tanong ni Tria na may pagtataka sa mukha. Siguradong may hint na siya kung sino ang tinutukoy ko.
"G ano na, anong sasalihan mo?"tanong ni Jasper na nasa harap na namin ngayon at hinihingal, malayo yata ang tinakbo.
"Hindi ko pa alam eh."sagot ko.
"Ok, pero dapat may maisip ka na."sabi ni Jasper. Nginitian ko si Tria na hanggang ngayon nagtataka parin.
"Ah Jasper, di ba sa Theater club ka sasali?"tanong ko. Nagulat si Tria.
"Oo, bakit?"tanong niya.
"Si Tria kasi sasali rin sa theater club."sagot ko.
"Talaga?"tumingin si Jasper kay Tria. Nagngitian lang sila. Tumingin ako sa relo ko, exactly 1:30 pm na.
"Ahh 1:30 na. Baka malate kayo."sabi ko. May sasalihan na sila eh. Tumingin si Jasper sa relo niya.
"Oo nga, aalis na siguro kami."pag-agree niya sa akin. "Tara"anyaya niya Kay Tria. Ngayong alam na niyang sinong tinutukoy ko, paniguragong kinakabahan na siya ngayon. Hindi kasi siya komportable kung may kasamang lalaki habang naglalakad, para sa kanya para sa magkasintahan lang yun.
"Ok, paano ka May?"tanong ni Tria sa akin.
"Ok lang ako, paniguradong may masasalihan din akong club."sagot ko. I really hope so.
"Ok, bye godbless"paalam ni Tria.
"Bye G"paalam din ni Jasper.
"Bye B, bye Tria. Godbless"paalam ko rin sa kanila sabay wave ng kamay ko.
Umalis na silang dalawa. I'm alone, here I go again. Tiningnan ko ulit ang list ng club na pwedeng salihan.
"Ano kayang pwede kong salihan dito?"
Kring!!!! Tumunog ang cellphone ko. Sino kaya toh? Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa. Nagtext si Tria.
From Tria
Ayyieee anong G and B all about?
Anong ibigsahin niya?
To Tria
Call sign lang yun.
Nilagay ko ulit ang cellphone sa bulsa. Hayyy... Ano kaya ang sasalihan ko? Hindi naman pwede sa theater club, wala naman ako talent sa pagkanta, pag-acting kahit sa pagsayaw. Hindi naman pwede sa science club o math club, I hate them both, kahit nabelong ako sa responsible at active section. Binibigay ko lang ang best ko sa mga subjects na yan para sa future, pero hindi ko sila talaga bet. Ang ibang club naman hindi ko rin hilig. Ano kaya? Wala talaga akong maiisip, kahit ano nalang siguro ang pipiliin ko. Ano kaya ang mas better?
Kring.... Tumunog ulit ang cellphone ko. Sino naman kaya toh? Incoming call from.... BF?!! Ano naman kaya ang kailangan ng asungot na ito?
Flashback
*JUST ACT LIKE REALLY MY GIRLFRIEND*
*KUNG MAYROON KANG KAHIT ISANG HINDI NAGAMPANAN SA MGA RULES. ANOTHER CONSEQUENCE NA NAMAN.*
End of flashback
OK self... Relax.. Umasta ka lang parang girlfriend niya. Isipin mo nalang na close friend mo siya.
Flashback
*Hinawi niya ang collar sa left side ng damit niya. O my gosh! Pale ang kulay ng left shoulder niya at namamaga ito. At ang nakakatakot pa parang malala na ito.*
*"Gulat ka diba, siguro may dahilan kanang gawin ang nasa contract."*
End of flashback
Ok... Para sa condition ng balikat niya. Kaya mo yan self. Don't hang up, everything will be ok.
"Anong kailangan mo? May iuutos ka ba?"tanong ko in a friendly way sa kanya sa kabilang linya.
"Hey! Wala akong iuutos sayo. Saan ka ba?"pake ba niya kung saan ako at akala ko ba I KEEP MY EYES ON YOU. Duh whatever, relax lang self para sa ikatahimik ng balikat niya. Tiis lang.
"Bakit?"tanong ko in the friendly way ulit para kunyari ginampanan ko ang nasa kontrata, "JUST ACT LIKE REALLY MY GIRLFRIEND". At para narin walang dagdag na consequence. My God gusto ko nang matapos ito.
"Magdadate tayo"'sagot niya. Mag dadate? Patay! Ayoko ko, ayokong makipagdate sa jerk nato at diba club selection ngayon. Wala ba siyang sasalihan na club? Kung wala man, idadamay pa niya ako.
"Ehh.... Ok"sagot ko. Bakit ko ba sinabi yan? Kung hindi lang talaga para sa ikatatahimik ng balikat ng asungot na ito, kanina ko na siya tinatarayan.
"Saan ka ba?"tanong niya.
"Nandito ako sa may bulletin board."
"OK May. Wait for me."sabi niya at pinutol na ang linya.
Hayy... My life.. Ano ba tong pinasok ko? Mawawalan na siguro ako ng kalayaan nito. What if tatago ako? What if pumanta nalang ako sa kahit anong venue ng mga club? At sumali nalang?mas mabuti siguro yan kaysa makipagdate sa jerk na yun. Pero baka madagdagan pa ang consequences ko, mas ayoko namang mangyari yan. Feel na feel ko na talaga ang kantang " Mind is a prison" by Alec Benjamin. 🎵I guess my mind is a prison and I'm never get out🎵. Gets niyo ba? Huwag mong isipin ang literal na meaning. Bale siya ay si mind na siya ring kulungan at hindi ako makawala.
"Hey!"may biglang nagsalita sa harapan ko, nagulat ako dun ah. Speaking of mind na siya ring kulungan ko, nandito na siya. Hindi ko man lang siya napansin, medyo nakayuko kasi ako kanina. Nakangiti lang siya sa akin. Mabuti pa siya mukhang masaya. Hayy bahala na. "Naghintay ka talaga?"tanong niya. Ehh syempre na sa kontrata na sundin ko ang lahat na sasabihin niya. Ehh sabi niya "Wait for me" utos narin yun noh.
"Di ba sabi mo hintayin kita? Diba utos narin yun?"tanong ko habang nakakunot ang noo. Nagtataka lang besh. Ano bang problema nito?
"Malay ko ba na susundin mo yun. Pwede mo naman yun hindi sundin diba bakit mo sinunod?"kinunutan ko lang siya ng noo. Ano bang nakain niya? Di ba ito ang gusto niya? Di ba nakasaad sa kontrata na susundin ko ang lahat ng gusto niya? Don't tell me na amnesia siya? Kung mangyari man yan, I'm the happiest girl in the world a universe rather. Finally makakalaya na ako sa kulungan!!!. Hindi ko namalayan nakangiti na pala ako. Pero bigla siyang tumawa ng malakas at napakabongga. Anong problema niya?
"Hahahaha!!! Akala mo siguro nakalimutan ko na ang kontrata. Hey my shoulder still not ok. Huwag kang umasa girl."mahinang sigaw nito. Niloko niya ako. Is he joking? Bakit ang hilig niya rin magjoke tulad ni Jasper? Hayyy saan naman kaya nagmana?wala na akong pakialam, nakakainis siya. Kinunutan ko lang siya ng noo with matching angry face. Nakakainis talaga siya? Pinaasa niya ako. Akala ko pa naman makakalaya na ako sa kulangan.
"Happy?"balak ko sanang umalis na pero bigla niya akong inakbayan. Ano na naman kaya ang trip nito. Diba masakit ang balikat niya?
"Galit ka ba?"
"Ano ba sa tingin mo? Diba masakit yang balikat mo? Alisin mo nga yan baka mas lumala pa, ako pa ang sisihin mo."sabi ko. Ngumiti lang siya.
"Eto yung masakit oh."sabi niya sabay turo sa kaliwang balikat niya, kanang braso kasi ang inakbay niya sa akin. Ehh ano naman, pwede rin naman itong makapagpalala sa condition niya. "Huwag kang mag-alala kung lumala ito. Dapat nga sumaya ka dahil makakasama mo pa ako ng matagal."dagdag pa niya at ngumiti. Nagbibiro ba siya? Hindi ba siya nag-alala anuman ang maging resulta kung lumala ito? Ewan ko lang kung may paki pa ito sa health at buhay niya.
"Ano bang pinagsasabi mo? Hindi na nga ako masaya ngayong hindi pa yan masyadong malala. At sino ba ang nagsabi na gusto kitang makasama? Seryosohin mo nga yang sakit mo. Tangalin mo yang braso mo!."sigaw ko sa kanya. Hindi parin niya tinanggal ang braso niya kahit pilit ko itong tinatanggal, ngumiti lang siya sa akin. "Ano ba?!"sigaw ko at pilit paring tinatanggal ang braso niya. Napakalakas niya.
"Nakalagay ba sa kontrata na pwede mo akong utusan?"tanong niya. Nakakainis siya.
"Ano ba? Alisin mo na nga yan, kung ayaw mong lumala pa ang balikat mo.!"sigaw ko.
"Sabihin mo munang nag-aalala ka dahil girlfriend kita hindi dahil isa ka lang taong mas nagpalala sa condition ng balikat ko."kondisyon nito. Tigas ng ulo..
"Eh sa ayaw ko?"
"Edi ayaw ko ring tanggalin ito."sabi niya at pilit ko paring tinatanggal ang braso niya. Hindi parin siya nagpainag.
"Ano ba? Nasasaktan na ako!"dahil sa sinabi ko inalis niya ito kaagad. Yan lang pala ang dapat kong sabihin kanina pa. "Alam mo? Tulad ng sinabi ko kanina. Nag-aalala lang ako dahil ako ang nagpapalala sa kondisyon ng balikat mo. Yun lang."dagdag ko pa. Hindi na siya ngumiti. Bahala siya.
"Tulad din ng sinabi ko. I don't care, basta nag-aalala ka parin."sabi niya at ngumiti. Bahala siya kung anong isipin niya.
"So, ano na?"tanong ko. Hindi na kasi siya nagsalita pa at nakangiti lang sa akin, wala narin kasi akong masasabi pa. Kung pwede lang umalis na ako dito at tumakbo fastest than flash. Kaso baka madagdagan pa ang consequences ko. How sad this life?
"Excited ka na siguro sa first ever date natin."sabi niya at ngumiti. Ano daw? Ako excited? Sa first ever date namin? Eww sinong nagsabi? Asa siya. Hindi na ako nagsalita pa, baka ano na naman ang sabihin ng jerk to. "Tara"anyaya niya. " Dahil ayaw mong akbayan kita, holding hands nalang tayo."sabi niya. Tulad ng sinabi niya hinawakan niya ang kamay ko. Hindi na ako pumalag pa. Hindi dahil gusto ko ha, ayoko ko na kasing makipag-usap sa jerk nato. Sa totoo lang, siya lang talaga ang nakahawak sa kamay ko ngayon. So bale hindi ko siya hinawakan, hindi ko siya hinawakan pabalik. Bahala siya. Nagsimula na kaming naglakad. Saan kaya kami pupunta?