Chereads / Book of You and I / Chapter 20 - I'M PLAYING " LEAN ON ME"

Chapter 20 - I'M PLAYING " LEAN ON ME"

Gabi na at nandito parin ako sa kama, umiiyak parin. Mabuti nalang pumayag si tito, huwag muna akong magtrabaho. Naiintindihan naman niya kasi ang sitwasyon ko.

Oo, nag-iisa lang ako, wala akong pamilya, wala akong matatawag na totoong nanay, tatay, ate, kuya at bunso. Wala akong masasandalan kundi ang sarili ko lang. Tanggap ko na ito dati eh, pero bakit ang sakit parin? Bakit hindi ko parin matanggap?

Bumangon ako at tiningnan ang reflection ko sa salamin. Namamaga at namumula na ang mga mata ko.

Hindi ba ako mahal ng magulang ko? Bakit nagawa nila sa akin 'to? Paano sila nabubuhay na kinalimutan ako, bilang anak nila? Ito na ba ang kapalaran ko, ang lumaking nag-iisa? at umaasa nalang sa pagmamahal ng mga kakilala? I'm glad naman I have them. Pero, iba eh!

Nag-vibrate ang cellphone ko na nasa tabi ko lang. Nag-text si Tria. Pinunasan ko muna ang luha ko bago binasa ang mensahe.

From Tria|

May, ok ka lang?|

To Tria|

Thank you Tria, for having you in my life. I'm so Glad for having you.|

Ang oa ko naman. Nag-vibrate ulit ang cellphone ko. Text from Tria na naman.

From Tria|

WOW!! English|

Napangiti ako, ngiting abot sa tenga. Masaya lang talaga ako dahil meron akong kaibigang tulad niya.

To Tria|

Ganyan talaga! Basta drama, mas magandang mag-english.

Pero sa tanong mo, ok na ako. Salamat sa pag-alala.|

At least gumaan na ang loob ko. Its corny but helpful. To heal a broken heart. Ehhh???

Nag-vibrate ulit ang phone ko. May nag-text ulit. Akala ko galing kay Tria, pero hindi. Galing ito kay.... BF?!! Bakit ba ako nagugulat? I'm pretty sure may kailangan na naman ito. Pagkatapos niya akong saktan kanina, hindi ko alam kung babasahin ko pa ang message niya.

Ilalagay ko na sana ang cellphone ko sa small table na nasa tabi ng kama ko, nang biglang nag-vibrate ito ng paulit ulit. Sino naman kaya ang magtetext ng ganoon ka dami?

It was from..... BF?!! Again!!! Bakit ba, hindi siya titigil hanggat hindi niya nakukuha ang gusto niya. Well, hindi ko parin siya papansinin. Anong tingin niya makukuha niya ang gusto niya. I don't care kung dagdagan niya ang consequences ko. I hate him, I really hate him.

Hindi ko sinulyapan o binasa ang message niya. Bahala siya. Basta makita ko na galing sa kanya. I don't care. Nilagay ko na ang cp ko ng tuluyan sa small table.

Humarap ulit ko sa salamin at tiningnan ang reflection ko. Pinahiran ko ang natitirang luha ko na nakakalat sa buong mukha ko at sa leeg ko.

Don't cry self, huwag kang mag-alala malalagpasan mo rin ang lahat ng ito. Huwag mo ng isipin o hanapin ang wala sayo. Isipin mo ang mga taong nandyan para sayo, ang mga taong nagmamahal sa iyo. Don't cry self! Everything will be ok.

I comb my wet hair, nabasa kasi ng luha at saka tinalian ito.

Yan maganda na ako ulit. Well, depende sa maka-appreciate. Pero namamaga parin ang mga mata ko at namumula pa. Ahhh!! Bahala na nga, mawawala rin naman ito lahat soon. Ngayon, medyo masakit na ang tiyan ko. I'm hungry na ata. Kailangan ko ng kumain. Ayoko namang mamatay dahil sa gutom.

Bago ako pumunta sa kitchen, nagbihis muna ako ng pambahay at inayos ang sarili. I'm brave. Remember self, You're brave. Kahit mag-isa ka lang.

Pumunta na ako sa kitchen at kumain. Kumain ako ng marami pagkatapos uminom ng softdrinks. Tataba na yata ako nito.

Malapit na akong matapos kumain nang biglang nag-ring ang cellphone ko na iniwan ko sa kwarto ko, malakas kasi ang speaker nito at saka tahimik naman dito kaya rinig na rinig ko dito sa kusina. Hindi naman masyadong maliit ang bahay na iniwan ni nanay Ester sa akin and you know, gabi na. Ako nalang yata ang gising ngayon, around 11 pm na kasi.

Sino na naman kaya ito?

Pumunta ako sa kwarto. Kinuha ko ang cellphone ko. At tawag ito galing.... As what you expected. Its from Kasper again.

Hindi niya ba ako titigilan? Well, bahala siya. Hindi ko parin siya papansinin.

Nilagay ko ulit ang cellphone ko sa table at lalabas na sana ako nang biglang, nag-ring na naman ang cellphone ko. Its from him again.

Kainis!! Hindi ba niya ako titigilan? Para matahimik na ang jerk na 'to. Ok, sasagotin ko na. Medyo napatawad ko na naman siya eh, na-realize ko kasi hindi naman niya alam na wala akong pamilya at nag-iisa lang ako sa buhay.

"Hello"medyo mataray kong sagot sa kabilang linya.

"May"sabi niya na may malungkot na boses. Ano naman kaya ang trip nito?

"Yes, anong kailangan mo na naman?"tanong ko na medyo mataray parin.

"Napanood mo ba ang ang sinend kong video?"tanong niya na malungkot parin ang boses. May problema ba siya?

"Huh? Video? Nag-send ka ng video?"taka lang besh. Syempre hindi ko kaya binasa ang sandamak-mak na message niya.

"At what I heard, hindi mo binasa ang lahat ng message ko at hindi mo napanood ang videong pinasa ko. Basahin at panoorin mo kaya."sabi niya at ganoon parin ang boses niya. Ewan ko lang!! Bakit ganyan ang boses niya. I don't care. Pero bakit hindi ko nga basahin at panoorin ang video na pinasa niya.

"Ok. Ibaba ko na."

"Bakit?"anong klaseng tanong 'yan.

"Syempre babasahin at panonoorin ko ang mga message mo. Syempre kailangan nating mag end call muna."paliwanag ko. Oops bakit ko sinabing muna? Ibig sabihin mag-uusap pa kami ulit? Ang bibig ko talaga!

"Hahaahaha. Sinabi mo yan ha. Kailangan nating mag end call MUNA."sabi niya pero this time hindi na malungkot ang boses niya. Nakakainis inulit pa talaga niya at diniin pa talaga ang salitang muna. Ahh bahala na, nasabi ko na naman.

"Hehehe, gusto mo bang hindi ko basahin at panoorin ang mga message mo?"banta ko sa kanya. Agad naman siya nagsalita.

"Ok, ibaba mo na."yun pala eh. Tulad ng sinabi niya in-end call ko na ito. Gaano ba ka-importante ang mga message at video na pinasa niya para patulan ang banta ko? Mmm... Why not basahin ko nalang.

Pinindot ko ang messaging app. 14 messages from him at ang last message nito ay "po". Bakit po? Na-curios tuloy ako. Interesting!! Pinindot ko ang message niya.

At doon nakita ko na isang word lang ang nilalaman ng bawat message niya. I scroll up para magsimula sa first message niya.

Video? Yes video ang first message niya. Nakaupo siya at may dalang guitar. Mmm... Kakanta ba siya? Halata naman siguro self, pero kung kakanta siya. Bakit pinasa niya sa akin 'to? Ano naman kaya ang trip nito?

Binuksan ko ito.

"Hi May. My only girlfriend. Ginawa ko ang videong ito para humingi sa iyo ng tawad digitally sa ano mang nagawa kong pagkakamali sayo. Hindi ko alam kung ano ito, pero panoorin mo nalang muna ito. Ok here we go."|

Sabi niya habang nakaupo sa kama niya yata. Kwarto yata niya ito.

Mabuti naman na alam niyang may kasalanan din siya. Nagsimula na siyang i-strum ang guitar. Familiar siya. Tulad noong kinanta niya sa audition kanina. It's also familiar, para siyang isa rin sa mga kanta ni Alec Benjamin. Mmm...pangalawa na ito ah. Fan din siguro siya ni Alec Benjamin. Well, I don't care.

"🎀I heard glass shatter on the wall. In the apartment above mine. At first, I thought that I was dreamin'. But then I heard the voice of a girl. And it sounded like she'd been cryin'. Now I'm too worried to be sleepin🎀'"|

Tama na mga ba, isa ito sa mga kanta ni Alec Benjamin. Ang title nito ay "It must have been the wind". Bakit ito ang kinanta niya?

🎀"So I took the elevator to the second floor. Walked down the hall and then I knocked upon her door. She opened up, and I asked about the things I've been hearing."🎀|Mmmm.. Anong ibig niyang sabihin?

🎀"She said, I think your ears are playing tricks on you. Sweater zipped up to her chin. Thanks for caring, sir, that's nice of you. But I have to go back in. Wish I could tell you about the noise. But I didn't hear a thing."🎀|

🎀"She said, It must have been the wind, must have been the wind. Must have been the wind, it must have been the wind."🎀|hindi ko talaga gets...

🎀"She said, It must have been the wind, must have been the wind. Must have been the wind, it must have been the wind."🎀|

Finorward ko ito para matapos na. Hindi ko na naman alam anong ibig sabihin niya at saka alam ko na ang kantang ito. Kaya minadali ko na at saka gabi na gusto ko ng matulog.

🎀"Aim my boombox at the roof, I'm playing "Lean On Me" Just so that she knows that she can lean on me. And when she hears the words, I hope she knows she'll be okay. Aim my boombox at the roof, I'm playing "Lean On Me". Just so that she knows that she can lean on me. And when she hears the words, I know exactly what I'll say."🎀|

🎀"Promise I'm not playing tricks on you. You're always welcome to come in. You could stay here for an hour or two If you ever need a friend."🎀|

🎀"We can talk about the noise, when you're ready, but 'til then. I'll say, It must have been the wind, must have been the wind. Must have been the wind, it must have been the wind. I'll say, It must have been the wind, must have been the wind. Must have been the wind, it must have been the wind."🎀|dito na nagtatapos ang kanta. Pagkatapos ngumiti siya na may lungkot sa kanyang mata. Bakit kaya? Naglast ito for a seconds at natapos na ang video.

Binasa ko ang ibang message niya and it goes...

Baby?|first message niya except sa video.

Di ba sinabi ko ng...

Este May?|mmmmm... Good.

Are|

You|

Ok?|iniisa-isa pa talaga.

Kanina galit ako pero ngayon, ok na ako. Nakakain na kasi. Best pain reliever.

Meron|

Ba akong|

Nagawang|

Mali?|meron. Pero di ba na realized kong hindi naman niya alam na wala akong pamilya and that song hurt me so much kahit favorite ko, dati, ngayon hindi na. At the end wala siyang kasalanan. Pero bakit nga ba niya alam na paborito ko ang kantang yun?

Sorry|its ok. Ok na rin naman ako.

Sorry|paulit-ulit.

Sorry ulit|its looks like, sincere talaga siya. Pero still hindi ko parin maintindihan ang kinanta niya.

Sorry|again!

Po!|message ends here. Mmmm.. At least mas bumuti pa ang pakiramdam ko dahil humingi siya ng tawad kahit hindi niya alam kung anong kasalanan niya.

Tinawagan ko siya, to say na ok lang ako at tanongin siya kung ano ang ibig sabihin ng kinanta niya. Ayaw ko kasing magtype ng message, matatagalan lang at waste of time.

Nag-ring na sa kabilang linya.

Agad namang niya itong sinagot. Gusto niya talagang tawagan ko siya. Excited much?

"Hello?"sagot niya sa kabilang linya. Halatang masaya ito.

"Ahmm... Gusto ko lang sabihing.."

"It's OK"masayang sabat nito. Ano daw?

"Huh? Anong ok?"

"Di ba sasabihin mo sanang may kasalanan ka rin."

"Ano?"ako may kasalanan din? Sa balikat niya, Oo may kasalanan ako. Pero hindi naman ito tungkol sa balikat niya. "Sinong nagsabi?"dagdag ko pa. Napakayabang kasi.

"Bakit hindi ba?"

"Oo naman, bakit naman ako hihingi ng kasalanan sayo."

"Mmm.. Ok"sabi nito with sad voice. Ano namang drama ito?

"Gusto mo bang magsorry ako?"

"Mmmm.."sagot niya at ganoon parin kunyari malungkot. Naku!!! Parang bata.

"OK, sorry po!!!"medyo nilakasan ko ang boses ko para marinig niya talaga.

"It's ok, ok na ako"ewan ko lang talaga.

"Ewan ka sayo"tumawa siya.

"OK, ano ba ang gusto mong sabihin?"he ask seriously.

"Tulad ng sinabi mo. OK na ako, at least hindi ka pala gaano kasama. Tinatanggap ko ang pagpapatawad mo, hindi mo rin naman alam ano ang dahilan bakit hindi kita pinansin kanina. Pero ano naman ang ibig mong sabihin sa kinanta mo? I mean bakit mo 'yon kinanta."

Huminga siya ng malalim.

"Hindi ba halata?"tanong niya.

"Bakit magtatanong ba ako, kung halata naman pala?"tumawa siya sandali.

"Gusto ko sanang sabihin sayo na..."sabi niya with a serious voice. "You can lean on me"ahmmm.. Seriously? Sinabi niya 'yon?

"Anong ibig mong sabihin?"

"Hayy naku!! Slow mo talaga!"mahinang sigaw niya sa kabilang linya. Tumawa lang ako. Bakit ba ako tumawa?

Napahikab ako bigla. I'm sleepy na siguro.

"Bukas nalang siguro natin ipagpatuloy ang pag-uusap natin. Matulog ka na."kalmadong sabi nito.

"Ok, ikaw rin. Bye"

"Bye goodnight, sweetdreams. Sana ako ang mapanaginipan mo."ano daw?

"Ewan ko sa iyo."sabi ko at pinutol na ang linya.

Hayyy!!!ang daming nangyari sa araw na ito.

Bago ako natulog nag-update muna ako sa Iwrite. Bale summary nalang ang sinulat ko. Ano daw? Di joke lang.. Hindi na ako nag-update, pagod na ako at saka hindi ko naman masusulat ang lahat ng nangyari kanina ngayong gabi. Sa dami namang nangyari kanina, baka hindi ako makatulog nito.

Humiga na ako sa kama at natulog. Have a sweetdreams self. Pero huwag mong isama sa panaginip mo ang jek na iyon.