Chereads / Book of You and I / Chapter 21 - SINCERITY

Chapter 21 - SINCERITY

Nakks!!ang lamig. Kahit umiinom ako ngayon ng kape still ang ginaw parin. Kulang na lang mag-snow dito. Asa self? Huwag kang umasang mag-snow dito, nasa tropical country tayo at wet and dry lang ang klima dito. Huwag kang umasang may winter sa pilipinas.

Nandito ako ngayon sa kusina habang dinadamdam ang panibagong umaga. Nakasuot ako ngayon ng makapal na jacket para malabanan ang lamig. Ganito ang temperatura dito tuwing umaga, nasa probinsiya kasi ako at napalibotan ito ng magandang bukirin.

It's around 5 am pa kaya may time pa akong magkape. Natapos narin kasi ako maligo, mag-ayos sa sarili at maglinis kaunti sa hindi naman masyadong maruming bahay, wala namang magkakalat dito kasi nga ako lang ang nakatira. Maliban nalang kung may multo.

Kinilabotan naman ako bigla, hindi ko alam kung dahil sa lamig o sa sinabi kong multo. Wala naman sana.

Nang natapos na ako magkape naglibot-libot muna ako sa buong bahay, to see kung may dapat bang ayosin. Nang biglang tumahol si bachoychoy sa labas. I think sa bandang gate yata. May mini gate kasi kami.

Dali-dali akong lumabas para malaman kung may tao ba.

When I open the door, nakita ko kaagad si.... KASPER?

Paano niya nalaman kung saan ako nakatira?

Ito rin ba ang sinasabi niyang " I KEEP MY EYES ON YOU"?

Sinong nagsabi sa kanya?

May espiya ba siya? Or he's stalking me?

Bahala na. Nandito na siya eh.

Nakatingin siya sa akin with wide smile while bachoychoy still barking him.

Tinawag ko si Bachoychoy para tumahimik siya. Nilapitan ko si Kasper with an emotionless face. Emotionless face? Hindi ko alam kung bakit umaarte akong ganito sa kanya. Maybe he deserves it.

Habang lumalapit ako sa kanya still nakangiti parin siya. Anong kinain niya sa almusal? Naku! Masanay ka na self, ganyan talaga yan, parang si Jasper. Tama, kambal pala sila.

They're the same. Parang kinain ko na ang sinabi kong hindi sila magkatulad, well hindi siguro lahat ng characteristics ni Jasper nasa kanya. Tingnan natin sa susunod na araw.

Nang nakalapit na ako sa kanya. Saka na siya nagsalita.

"Good morning May."bati niya then he smile. Binigyan ko lang siya ng nagtatakang mukha habang siya'y ngumingiti parin. Nakakain ba siya ng saging? Happy fruit kasi 'yon. Baka lang, parang ang saya niya kasi. O sadyang ganyan lang talaga siya.

"Anong nakain mo?"tanong ko. Nawala bigla ang ngiti sa kanyang labi. Then he give me an emotionless face like I did before.

"Ganyan mo ba ako babatiin?"tanong niya.

"Bakit ka ba nandito?"

Ang emotionless niyang mukha napalitan ng angry face.

"Nakalimutan mo siguro na may kontrata kang pinirmahan."sabi nito.

Kontrata? Tulad ng sinabi niya nakalimutan ko nga. Patay!!! Baka dagdagan niya ang consequences ko.

"I'm sorry Kasper"naku!! Kung wala lang talaga akong kasalanan sa balikat niya. Pinaalis ko na ito ngayon. "Gusto ko lang sabihin na, good morning din sayo."

"OK lang, girlfriend kita kaya iintindihin kita."sabi niya at nagsmile. Ano daw? Corny naman.

Binuksan ko ang gate para makapamasok siya. Maginaw na loob, dito pa kaya. Lalo na ngayon naka t-shirt lang siya. Wala ba siyang jacket sa kanila? Bahala na, life niya 'yan.

Nandito na kami ngayon sa loob, sa may sala. Umupo siya kaagad sa malambot na sofa. Feel at home?

Hindi ko nalang siya pinansin, dahil baka giniginaw na talaga siya kaya hindi nakatiis. Wala namang problema sa akin, ako lang naman mag-isa.

Pumunta ako sa kusina para sana magtimla ng kape para sa kanya. Para narin mabawasan ang lamig na nararamdaman niya.

Hindi pa nga ako nakapasok, bigla siyang nagsalita.

"Kung titimplahan mo ako ng kape, huwag nalang, allergic ako sa kape."paano niya nalaman?

"Sinong nagasabi? Kukunin ko lang ang kape ko."palusot ko.

"Ehh kunwari pa!"sabi niya habang nakayakap sa sarili. Ngayon ko lang napansin na kayakap na pala niya sa sarili niya. Giniginaw na talaga siguro siya. Bakit ba kasi nag T-shirt lang siya?

"Bahala ka."sabi ko at nag-iba ng direksyon. Pupunta lang ako sa kwarto para kumuha ng blanket para sa lalaking naka t-shirt lang sa umaga at ngayon nag-suffer na sa lamig.

"Saan ka pupunta? Akala ko ba kukunin mo ang kape mo?"biglang tanong ni Kasper.

"Nakalimutan ko pala, naubos ko na 'yon kanina. At kung saan ako pupunta wala kanang pakialam. Mag-enjoy ka nalang sa pagyakap sa sarili mo."sagot ko. Ngumiti siya.

Nasa tapat na ako ng kwarto ko ngayon nang biglang nagsalita siya ulit.

"Kung kukuha ka ng blanket para sa akin. Go lang! Saka salamat."medyo malakas na sabi nito, medyo malayo kasi ang kwarto ko sa sala.

Paano niya nalaman? Mind reader ba siya? O sadyang halata lang talaga ako.

"Oo na, umupo ka nalang diyan at mag-relax. Parating na ang magbibigay ng mainit na yakap sa'yo."

"Sarili mo ba ang tinutukoy mo?"tanong niya with nakakalokang ngiti.

"Sira, umasa ka"sagot ko at tuluyan ng pumasok sa kwarto ko.

Kinuha ko kaagad ang kumot sa cabinet, 'yong makapal talaga para madaling mawala ang lamig na nararamdaman niya.

Binigay ko ito sa kanya at agad naman niya itong tinakip sa malamig niyang katawan. Umupo ako sa sofa, opposite sa sofa na inupuan niya bale kaharap kami ngayon.

Mukha na siyang malaking baboy sa sitwasyon niya ngayon. Pink kasi ang kulay ng blanket saka napaka kapal nito. Bedsheet siguro 'tong nakuha ko. Bahala na siya, at least mainit na siya ngayon.

"Bakit ka nakangiti?"tanong niya sa akin. Hindi ko namalayan nakangiti na pala ako. Pahamak talaga 'tong labi ko.

"Ako ngumingiti?"

"Siguro nacucutan ka sa akin noh?"tanong pa nito. Ano daw?

"Sinong nagsabi?"

"Ehhh.. Kunwari pa 'to"dagdag pa niya.

"Bahala ka, kung ano ang iisipin mo."sabi ko. Ngumiti lang siya.

"Bakit ka ba nandito sa pamamahay ko?"change topic ko.

"Di ba nakasaad sa kontrata na sabay tayong papasok sa school."sagot nito. Tama pala.

"Ok."kaya pala. "Pero paano mo nalaman na dito ako nakatira?"tanong ko sa kanya. Wala kasi akong naalala na may sinabi ko sa kanya kung saan ako nakatira.

"Secret. Di ba sinabi kong "I keep my eyes on you"."sagot nito. Tssk... Bahala siya.

Tahimik lang kami ng ilang minuto. Nang bigla siyang nagsalita.

"Tungkol kagabi."sabi niya na may lungkot sa mata. Sincere talaga siguro siya. "Umiyak ka ba?"

"Di ba sinabi ko na ok na ako. At paano mo nalaman na umiyak ako?"

"Namumukto kasi ang mata mo at medyo hindi na ito makita."sagot niya. Still malungot parin ang mukhang nakikita ko sa kanya.

Halata parin pala.

"Ahh, tulad ng sinabi ko kagabi. Ok na ako at hindi na ako galit sayo."

"Galit? Bakit ka pala nagalit sa akin?"sincere na tanong nito. Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita.

"Ah ang kanta kasing pina kanta mo sa akin sa audition, 'yong paborito ko. Makes me feel that I'm alone, na wala akong pamilya. Kaya nagalit ako sayo pero na realized ko hindi mo naman alam ang tungkol nito kaya I'm sorry dahil hindi kita pinansin kahapon."paliwanag ko sa kanya. Ngayon ko lang nasabi sa isang lalaki na nakakaramdaman din ako ng pag-iisa.

Sa iba kasi sinasabi kong ok lang ako sa buhay ko at hindi ako nakakaramdam ng pag-iisa dahil nandiyan sila. First time in the history ito.

"Sorry May, hindi ko alam ganyan pala ang sitwasyon mo."malungkot na pagpapatawad nito.

"Di ba sinabi ko na ok na ako. Kaya huwag mo ng isipin ang tungkol doon. Dahil parang sincere ka naman kaya I'm much more ok na ngayon."I said with a smile. Another first time in the history again. Nag-smile talaga ako? Whatsoever.

Nag-smile din siya.

"Kumusta na ba 'yang balikat mo?"tanong ko. May responsibility kasi ako dito.

"Ganoon parin. Still swelling"sagot niya.

"OK, wait lang."sabi ko sabay tayo.

"Saan ka pupunta?"tanong niya with matching converging forehead.

"Ahh may kukunin lang ako."hindi ko na siya hinintay na magsalita pa, umalis na agad ako at dumiretso sa kusina.

Nagresearch kasi ako kaninang paggising ko tungkol sa shoulder sprain and how to cure it immediately. At base sa na-research ko lagyan daw ng ice pack and injured part for 20 minutes, for every one or two hours in the first day. Pero hindi ko alam kailan nagsimula ito.

Pero bahala na, lagyan ko nalang ang injured shoulder niya nito. Para mabawasan naman ang sakit at pamamaga nito. At base din sa na-research ko pwede daw gumamit ng acetaminophen or ibuprofen to control pain.

Kaya pagkatapos kong kumuha ng ice na nilagay sa plastic bag sa refregirator kumuha na din ako ng ibuprofen sa medicine kit.

Bumalik na ako sa sofa. Syempre kinuha muna niya ang kumot na nakayakap sa kanya bago ko nilagyan ng ice pack ang injured shoulder niya for about 20 minutes. Pagkatapos kumuha ako ng tubig sa kusina para ma-inumin na rin niya ang gamot.

He just smiling at me while I'm doing the procedure. Hindi ko siya pinansin. I don't care kung magsmile siya diyan forever.