Chereads / Book of You and I / Chapter 18 - I WILL NEVER GET OVER YOU

Chapter 18 - I WILL NEVER GET OVER YOU

Nandito kami sa harap ng pintuan ng isang room. Hindi ko alam kung ano ang nasa loob, nakasirado kasi ang mga bintana at may mga kurtinang nakasabit. Hindi ba mainit sa loob?eh ang init ngayon.

"Anong gagawin natin dito?"tanong ko kay Kasper. Hindi kasi siya nagsalita at nakatayo lang kami dito sa labas. Ano ba ang iniisip nito?

"Hindi ba halata?"tanong niya. Ano bang klaseng tanong yan? Bakit hindi niya ako diretsohin?

"Hindi"sagot ko. Paano ko naman mahahalata? Eh nasa harap lang kami ng isang room at walang namang nakapaskil na anuman na makakapagsabi na ano ang tawag sa room na ito. Don't tell me?

"Diba club selection ngayon?syempre sasali tayo ng club. Halata naman siguro. Diba wala ka pang naisip na sasalihan?."tanong niya. Mabuti naman, akala ko wala na siyang balak sumali ng club. Pero paano niya nalaman na wala pa akong naisip salihan na club? Mine reader ba siya? o ito yung sinabi niyang "I KEEP MY EYES ON YOU"? sino kaya ang nagsabi o ang espiya? It could be Tria or Jasper sila lang naman ang nakakaalam na wala pa akong naiisip na salihang club. Well, mabuti na rin to atleast hindi na ako mahihirapan mag-isip pa kung anong sasalihan ko. "Ehhhh... Akala mo siguro na hindi tayo sasali ng club at magdedate lang tayo somewhere."dagdag pa niya. Ano daw? Yung akala ko na hindi kami sasali ng club, oo totoo yun. Pero makipag date somewhere? ewan ko lang.

"Ano ba ang pinagsasabi mo? At teka paano mo pala nalaman na wala pa akong naisip na sasalihan?"tanong ko para magkaalaman na kung sino ang espiya. Ngumiti lang siya. Bakit palagi nalang siya ngumingiti?

"Secret"sagot niya. Ano daw? Secret? Bahala na nga siya. "At diba sabi ko I keep my eyes on you. Tara na"anyaya niya at akmang hahawakan na sana ang doorknob para buksan ang pinto pero pinigilan ko siya. May gusto lang ako malaman.

"Teka, anong club to?"tanong ko. Baka kasi malagay ako sa alanganin, kasi wala akong kaalam-alam kung ano itong pinasok ko o sasalihan ko.

"Glee club"

"Ano???"sigaw ko. Lumaki ang mata niya, sa gulat yata. Anong glee club? Hindi ko ito bet. Sa banyo lang ako kumakanta. Hindi ito maari, gusto yata akong ipapahiya ng jerk na ito. Well, 2 times na nga niya ako pinahiya. Hindi na bago yun. Biglang bumukas ang pinto.

"Hey students!! Mag au-audition ba kayo sa glee club?"tanong ng magandang guro na siyang bumukas ng pinto. Gusto ko sanang sumagot ng no pero biglang sumagot si Kasper.

"Yes po ma'am."nakakainis, kung hindi lang talaga dahil sa kontrata. Ehh humindi na talaga ako ngayon kahit sumagot na siya ng oo. Nakakainis lang. Nakakulong na talaga ako.

"Yun pala eh, bakit nandito pa kayo sa labas, pumasok na kayo."anyaya ni maam. Yun na nga, pumasok na kami. Naku, ano na self? Kayanin mo yan. Go lang. Kung hindi lang talaga para sa nagawa ko sa balikat niya, magteteleport na talaga ako dito. FLASH!!! BATMAN!!!! HELP ME.

In fairness ang laki ng room nato, music room yata ito, ang dami kasing instruments na nakadisplay. Ang daming ring mga studyante tulad ko ang nandito, naka indian sit silang lahat. Patay na talaga ako ngayon. Mahilig lang ako kumanta pero hindi ako marunong. Pero kung hindi ako matanggap ok sana pero napahiya naman ako sa maraming tao. Masaya na siguro 'tong jerk na ito.

"Isulat niyo ang pangalan niyo diyan."sabi ng guro sabay abot ng isang record book yata. "Pagkatapos umupo na kayo at hintayin niyo nalang na tawagin ang pangalan niyo para sa audition."dagdag pa niya. Keep calm self, kaya mo yan. Isusulat na sana ni Kasper ang pangalan niya nang biglang nagsalita ulit ang guro. "Don't forget to prepare 1 song."

"Ahh ma'am kakantahin po ba ang song ng buo?"tanong ni Kasper.

"Yes, actually hindi sana buo, pero hindi kasi masyadong marami ang nag-audition ngayon kaya buo nalang, para hindi masayang ang natitirang oras at para ma-enjoy na rin natin ang audition na ito."sagot ni ma'am. Ngumiti si Kasper. Ano naman kaya ang iniisip nito?

"Ok thank you ma'am."pagpapasalamat ni Kasper. Ngumiti siya sa akin. Ito ba ang sinabi niyang date? Ang balak niya akong ipahiya?puwes lalabanan ko siya. Sa tagal ko namang kumakanta sa banyo siguro may nakuha din akong kahit kunting kagandahan ng boses. Hayyy bahala si batman at si flash.

Sinulat na namin ang pangalan namin at umupo na sa pinakadulo, syempre nag-indian sit din kami. Nagsimula ng mag-audition ang iba, may ibang maganda ang boses. May iba ding mga sintunado, naku!nakakahiya kasama ako sa mga yun, mas lalo pang nakakahiya na ang mga taong nasa likod namin ay tumatawa sa ibang contestant lalo na pagsintunado, o my gosh. Ano ang gagawin ko? Ay teka ano din pala ang kakantahin ko? Mind is a prison nalang kaya?tulad sa sinabi ko kanina nakakulong na ako sa jerk na ito. Speaking of jerk, nakaupo lang siya at hindi nagsasalita. Seryoso siguro talaga siya sa auditiong ito, well wala akong pakialam sa kanya. Tinawag na ang pangalan niya. Tumingin siya akin.

"This is for you."sabi niya pagkatapos kumindat at ngumiti. Ano bang balak niya? Hindi ko siya pinansin. "Hindi mo ba ako ichecheer at bibigyan ng magandang ngiti?"tanong niya. Hindi ko parin siya pinansin. "Gusto mo ba ng another con.."

"Go kasper kaya mo yan!"mahinang sigaw ko at ngumiti. Hindi ko na siya pinatapos pa, alam ko naman kung anong ibigsabihin niya.

"Good. Remember, this song is for you, my girl."sabi niya at tumayo, as usual ngumiti ulit siya. Nakakainis!!napapagod na ako sa ngiti niya hindi tulad sa ngiti ni Jasper.

Flashback

At saka huwag mo siyang i-compare sa kambal niya. Hindi dahil kambal sila, eh dapat pareha na sila ng katangian.

End of flashback

Tama naman si Tria pero... Ahhhh ewan ko lang talaga. At ano daw? Ang kakantahin niyang kanta ay para sa akin? Ito ba ang date na sinasabi niya? Ewan ko lang kung ano ang irereact ko sa sinabi niya. Nakatayo na siya ngayon sa harapan at may hawak na gitara. Saan naman kaya niya nakuha ang gitara?ano ka ba self, syempre music room ito. Syempre may instruments. Ano kaya ang kakantahin niya?

Nag-start na siyang mag strum. Its sounds familiar to me. Mmm... Ano kayang kanta ito? Para siyang isa sa mga kanta ni Alec Benjamin, yung kumanta ng " Mind is a prison". Well, most of the times naman puro lang kanta niya ang pinakikinggan ko.

"🎤I've been falling much more deep than I wanna.🎤" intro niya. Tama na nga ba, isa siya sa mga kanta ni Alec. As what I remember, "Swim" ang title ng kantang ito. Mahilig din pala siya sa mga kanta ni Alec Benjamin. Nagtilian ang mga babae, maliban sa akin. Bakit naman ako titili?. Mmmm... Pero ang ganda ng boses niya. Well, hindi naman siya magau-audition dito kung sintunado siya. Pero ako? Patay! Paano na ako nito?

"

🎤I've been wishing I could breathe underwater. I hold my breath. I can't see what comes next. I don't know when. I'll see dry land again.🎤" tumingin siya sa akin at ngumiti. Nagsitinginan ang mga girls na nasa gilid at likuran ko sa mga katabi nila. Ako naman, nakatingin lang din sa kanya ng walang emosyon. Hindi ko kasi alam kung ano ang dapat kong reaction sa kanta niya.

" Ako yun"girl number 1.

"Ako kaya yun"girl no. 2

"My God, tumingin siya sa akin."girl no. 3. Well, hindi naman ako sure ako ba talaga ang tinitingnan niya. Kung ako man I really don't care. Sa inyo na siya mga girls.

"🎤Another 40 days, I'm lost at sea. I'm just gonna swim until you love me. Hopin' that your heart will rescue me. I'm just gonna swim until you love me.🎤"kanta niya, chorus na yata ito. Tumingin parin siya sa akin, parang titig na nga ito. Ano bang trip nito? Ako ba talaga ang tinitingnan niya? Bahala na nga siya. Tumingin siya kung tumingin, wala akong pakialam. "🎤Swim until you love me. Swim, swim, swim. Swim until you love me. Swim, swim, swim.🎤" Hindi parin niya inalis ang tingin niya sa akin. Habang ako nanatili lang, no reaction mode.

"O my god, yan ba ang girl na tinitingnan niya?"narinig kong tanong ng isang babae na nasa gilid ko. Tiningnan ko sila. Ako ba ang tinutukoy niya?nakatingin kasi sila sa akin. Hindi ko nalang sila pinansin. Bahala sila

" Yata besh, pero ang panget naman niya para tingnan ng gwapong lalaki."ano daw? Ako panget? Ano naman kung panget ako? Is there something wrong? Bahala kayo mga girls kung anong isipin niyo, inggit lang kayo dahil hindi kayo ang tinititigan.

"🎤I've been drowning in these sheets, feeling lonely. Wishing you were here with me, every morning. Over my head. The tide comes rolling in. I don't know when. I'll see dry land again.🎤"nakakatitig parin siya sa akin. Ano ba ang nakain niya? Wala ba siyang balak tumingin sa iba. As what I said bahala siya.

"🎤Another 40 days, I'm lost at sea. I'm just gonna swim until you love me. Hopin' that your heart will rescue me. I'm just gonna swim until you love me. Swim until you love me. Swim, swim, swim. Swim until you love me. Swim, swim, swim.🎤"

"🎤I will never get over you.🎤"nakatitig parin siya sa akin. Bigla akong napangiti. Hey self!!wake-up. Bakit ka ngumiti? Ngumiti din siya. Inalis ko ang ngiti ko at ang tingin ko sa kanya, I don't feel comfortable kasi. Bakit ba kasi ako ngumiti? At doon pa talaga sa lyrics na "I will never get over you". Baliw na talaga ako. Hindi na ako tumingin ulit sa kanya hanggang matapos ang kanta. Hanggang hindi ko namalayan na naka-upo na pala siya ulit sa tabi ko.

"Hey! Ok kalang?"tanong nito. Hindi ko namalayang nakatulala na pala ako.

"No" sagot ko.

"No I mean, I'm very much ok"OMG bakit ko sinabing no kanina? Baka sabihin niyang apektado ako sa kinanta niya. At magtanong pa ng kung ano-ano.

"Ehh.... Kinilig ka siguro no?"tanong niya. Ano daw? Ako kinilig? Never.

"Sino ang nagsabi?"tanong ko rin sa kanya.

"Ako, halata naman diba"ano daw? "Kanina ka na palang tinatawag"

"May Sanchez, wala bang May Sanchez dito"

"Ano? bakit hindi mo ako sinabihan?"sigaw ko sabay tayo. Tumawa silang lahat. Hindi pa nga ako kumakanta napahiya na ako. Ngumiti lang si Kasper, masaya na siguro siya sa nakikita niya.

"Ikaw ba si May Sanchez?"tanong ng emcee.

"Yes po"

"Ok start now."pupunta na sana ako sa harapan nang biglang nagsalita si Kasper.

"Hey! Ang kakantahin mo pala ay "If We Have Each Other" by Alec Benjamin."

"Ano?"anong pinagsasabi niya? Bakit ngayon lang niya sinabi?

"Diba paborito mo yun?"tanong niya. Paano niya nalaman?

"Bakit mo alam?"tanong ko.

"May Sanchez? Mag au-audition ka ba o hindi?"tanong ng emcee. Nainip na siguro. Ang sarap sabihing hindi.

"Yes po"dali-dali akong pumunta sa harapan. Tiningnan ko si Kasper with an evil face. Bakit ba kasi ngayon niya lang sinabi ang kakantahin ko? Ngayong tinawag na ang pangalan ko? Sinadya niya talaga to, para mapahiya ako. Puwes lalabanan kita. Sana nga. I really hope so! Batman!!!! Flash!!! Where are you?