"In the story, describe how Daedalus planned to escape from the island prison of Crete"tanong ni ma'am English. Hindi English ang pangalan niya ha, English ang subject namin ngayon. Nakalimutan ko kasi ang name ni ma'am kaya ma'am English nalang ang tawag ko sa kanya. Tungkol naman sa story na sinabi niya. Pinabasa kasi kami ng myth ni ma'am entitled "Daedalus and Icarus" by Nick Pontikis. Nagsitaasan ng kamay ang mga kaklase ko pagkatapos nagtanong si ma'am. Hindi na ako nagtaas ng kamay, hindi dahil hindi ko alam ang sagot. Sigurado naman akong mas pipiliin niyang sumagot ay yung hindi tumataas ng kamay. "Sanchez!"kita mo na.
"Because King Minos controlled the land and the sea routes around Crete, there was no route to escape there. However, Daedalus realized that the only way to escape in the Crete was by air, but, only the gods could fly. So, he made/built wings for himself and for his son, Icarus that is made out of feathers with wax.........."sagot ko. Ang taas ng sagot ko di ba? Nakasulat na kasi ang question na yan sa libro kaya pinaghandaan ko, just in case.
" Very good Sanchez"nagsipalakpakan ang iba kong kaklase. Oww thank you.
13 minutes bago mag class dismissal. Nang biglang Zzzzzzzz....nagvibrate ng paulit ulit ang cellphone ko na nasa bulsa ko lang. May nagtext or tumawag yata, mabuti nalang maingay ang mga kaklase ko kaya hindi napansin ni maam. Pero napasin yata ni Jasper tumingin kasi siya sa akin. Hindi parin tumigil ang pag-vibrate. Patay! Baka marinig ni maam. Nasa-unahan pa naman ako. "Cellphone mo?"tanong niya.
"Oo, may nagtext or tumawag yata"sabi ko ng mahina baka marinig ni ma'am. Mahirap na. Ayaw pa naman ni ma'am na madistorbo ang klase niya ng dahil sa gadgets. Napaka strict niya sa mga gadgets. Bakit ba kasi hindi ko ito na silent mode?
"Sanchez may problema ba?"tanong ni ma'am na nagtataka. Napansin yata ni ma'am ang reaction ko. Hindi parin tumigil sa pag-vibrate ng cellphone ko. Patay! Anong sasabihin ko? Oops alam ko na. Punta nalang ako sa cr.
"Ma'am personal necessity"sabi ko ng mahina, nakakahiya naman kasi kung lalakasan ko. Tumango lang siya. Yes lusot na ako. Dali-dali akong lumabas sa classroom at pumunta agad cr na nasa right side lang ng classroom namin, para kunyari na-iihi na talaga ako. Sino kaya to? Mabuti nalang hindi napansin ni ma'am, kung hindi patay ako. Oops parang totoong naiihi na talaga ako. Siguro karma ko na ito o sadyang nakakaihi lang talaga kapag pumasok sa cr. Whatsoever, atleast totoo ang excuse ko kay maam. Umupo na ako sa toilet bowl, nailabas narin. Kinuha ko ang cellphone sa bulsa ko. Sino kaya to?
O my gosh! From KASPERANGGOT. One missed call from him and 10 messages from him also. Seryoso? Ano naman kaya ang kailangan nito? At naka uppercase pa talaga lahat ng letters sa message niya.
From KASPERANGGOT|
HEY YOW! MY BABY! HOW ARE YOU?|
Ano daw?
HUWAG MONG SABIHING NAKALIMUTAN MO ANG SINABI KO KANINA.|
(Flashback)
"Mag-usap tayo mamaya. Lagot ka sa akin."
(End of flashback)
Ano namang meron doon? Bahala siya sa buhay niya.
MAG-USAP TAYO|
As what I said bahala siya. Pero naalala ko yung naging conversation namin ni Tria.
(Flashback)
"Pero alam mo, gaano ba kasakit ang balikat niya para sa parusahan niya ako ng gaanong consequences? Naku, hindi talaga masakit yun at I swear trip lang niya yun. Wala bang magawa sa mundo ang lalaking yun? Bakit hindi nalang niya gayahin si Jasper na kambal niya na napakabait?"
"Naku friend, yan ang huwag na huwag mong sasabihin. Hindi mo pa siya kilala. Kaya hindi mo masasabi ang katotohanan. Alam mo para sa akin, sakyan mo nalang kaya siya. Para malaman mo ang totoong dahilan ng ginagawa niya. Di ba nga may kasabihang "Don't judge a book by its cover" kailangan basahin mo muna siya para malaman mo ang reason behind the title, in short kilalanin mo siya. At saka huwag mo siyang i-compare sa kambal niya. Hindi dahil kambal sila, eh dapat pareha na sila ng katangian. You don't know the reason about that. Kaya get closer to him nalang para makilala mo siya. At huwag mong kalimutang sinabi mo sa kanya na gagawin mo ang lahat para sa kanya. Wala kanang takas May, harapin mo nalang ito."paliwanag niya.
(End of flashback)
What if sundin ko si Tria? What if sakyan ko nalang siya?
Ahh naguguluhan na ako, hindi ko na talaga alam ang gagawin ko.
SA DATING TAGPUAN|
Sa dating TAGPUAN? Saan yun? Hindi naman kami nagkikita.
DON'T TELL ME HINDI KA PUPUNTA.|
Ehh kung pupunta nga ako? Hindi ko naman alam saan ang dating tagpuan na sinabi mo.
KUNG HINDI KA PUPUNTA, AKO MISMONG PUPUNTA DIYAN SA CLASSROOM MO.|
Dapat ba ako matakot? Pwede naman akong hindi mag-stay sa classroom.
HUWAG MONG ISIPING HINDI KO MALALAMAN KUNG UMALIS KA SA CLASSROOM MO AT HINDI PUMUNTA SA SINABI KO. I KEEP MY EYES ON YOU!|
Stalker ba siya? O hindi kaya may espiya siya sa mga kaklase ko? Kung meron man, hindi naman siguro si Jasper kasi umuuwi yun tuwing lunch. Pero in fairness alam niya ang iniisip ko.
AT EXACTLY 1:00 PM NANDOON KA NA.|
1 pm? Mmmm... 1:30 pm ang club selection namin ah, so within 30 minutes and below kami mag-uusap. KUNG, sakaling pupunta ako.
HINDI MO AKO MATATAKASAN BABY! REMEMBER I KEEP MY EYES ON YOU!|
Hindi ko na talaga alam... Haayyy
I LOVE YOU BABY! AND I REALLY MISS YOU RIGHT NOW! SEE YA!|
Ano daw? I love you? I love you niya ang mukha niya. I really miss you? Puwes ako hindi kita namimis. Umasa ka jerk.
Hindi ko siya nireplyan, wala rin naman akong load. I just turn off my phone at nilagay ulit sa bulsa ko. Pagkatapos lumabas na ako sa Comfort Room. O my gosh! This life! Hindi ko na talaga alam kung anong gagawin ko.
Napansin kong nagsilabasan na ang mga ibang estudyante sa mga classroom nila, including my classmates. Natagalan ata ako sa cr. Pumasok agad ako sa classroom baka makita ko pa ang jerk na yun.
WHAT SHOULD I DO?