(Flashback)
*MAG-USAP TAYO*
*"Naku friend, yan ang huwag na huwag mong sasabihin. Hindi mo pa siya kilala. Kaya hindi mo masasabi ang katotohanan. Alam mo para sa akin, sakyan mo nalang kaya siya. Para malaman mo ang totoong dahilan ng ginagawa niya. Di ba nga may kasabihang "Don't judge a book by its cover" kailangan basahin mo muna siya para malaman mo ang reason behind the title, in short kilalanin mo siya. At saka huwag mo siyang i-compare sa kambal niya. Hindi dahil kambal sila, eh dapat pareha na sila ng katangian. You don't know the reason about that. Kaya get closer to him nalang para makilala mo siya. At huwag mong kalimutang sinabi mo sa kanya na gagawin mo ang lahat para sa kanya. Wala kanang takas May, harapin mo nalang ito."*
*I KEEP MY EYES ON YOU*
*I will do everything for you*
(End of flashback)
O my God! Help me. Naglalakad ako ngayon kung saan man ako dadalhin ng paa ko. Iniisip ko kasi ang sinasabi ni Tria at ang message ni Kasper, dumagdag pa yung sinabi kong "I will do everything for you". Nalilito kasi ako kung anong gagawin ko. Pupunta ba ako o hindi. Tama naman si Tria, "Don't judge a book by its cover" kailangan basahin ko muna siya para malaman ko ang reason behind the title, in short kilalanin ko siya. Pero ayokong makipag-interact pa sa lalaking yun. Pero kung hindi ako makikipag-usap sa kanya, may possibility na hindi niya ako titigilan, ika nga niya "I KEEP MY EYES ON YOU". Ayoko naman mangyari yan. Ang tanging paraan lang ang naiisip ko ay.... O MY GOSH Kasper? nandito na pala ako sa canteen, naka-upo siya sa round table na inupuan ko kahapon, noong wala akong magawa sa classroom. Yun din ang araw na.... Alam niyo na.
Nakangiti lang siya akin habang ako'y nakatulala lang sa kanya sa gulat. Don't tell me dito yung sinasabi niyang " DATING TAGPUAN". Paano to natawag na dating tagpuan? Di ba nga hindi kami nagkikita at saka second time pa namin nagkita dito, take note yung first meet namin dito hindi planned kaya hindi matatawag itong dating tagpuan, maliban nalang kung plano niya yun. Well, plano naman niya talaga ngayon. Bahala na nga, mukhang wala na akong takas nito. By the way nandito na rin naman ako, why not I should follow Tria's advice. Wala naman sigurong mawawala sa akin.
"Alam kong pupunta ka." sabi niya at ngumiti. Talaga lang ha, alam niyang pupunta ako. Manghuhula ba siya? Umupo ako sa upuan opposite sa kanya, so bale magkaharap kami ngayon. "OK ontime ka naman, miss mo narin siguro ako."tumingin ako sa watch ko. Its true, on time talaga ako. Anong namimis ko na rin siya?no way. Hindi ko nalang pinansin ang sinabi niya.
"Anong pag-uusapan natin?"ngayon dapat maging straight to the point na ako. Wala ng paligaw-ligaw pa. Ngumiti ulit siya. Bakit ang hilig nila ng kakambal niya ngumiti? Saan kaya nagmana? Whatever pake ko ba?
"About us"sagot nito. Anong pinagsasabi niya?
"What about us?"tanong ko ulit. But this time hindi na siya ngumiti. Sa totoo lang alam ko naman talaga ang ibig sabihin niya. May kinuha siyang papel sa bag niya. Actually isang bond paper ito. Inabot niya sa akin. Ano naman kaya ito?
"Nakalagay diyan ang lahat ng rules ko sayo bilang girlfriend at sevant ko."sabi nito. Seryoso? May time pa siya para iprint ito.
"Anong rules ang sinabi mo?"
"Bakit hindi mo nalang basahin?"tama naman siya.
"OK boss"hindi ko pa nga nasimulan basahin ang nakasulat, bigla siyang sumigaw.
"Huwag mo akong tawaging boss!"sigaw niya. Ang dali namang magalit nito. Pake ba niya?
"Eh anong itatawag ko sayo?"nilakasan ko lang ang boses ko. Syempre ayokong sumigaw, baka may makarinig. Mahirap na.
"Diba sinabi ko na?"
"Oo nga sinabi mo na."
"Bakit boss ang tawag mo sa akin?"
"Eh sa ayokong...."hindi niya ako pinatapos sa pagsalita.
"OK palitan natin."sabi nito. Good. "Anong gusto mo?"tanong nito. Himala.
"Talaga ako ang masusunod?"tanong ko. Hindi kasi ako makapaniwala.
"Halata naman siguro noh!"
"OK" "Gusto ko sanang pangalan nalang natin."
"Ok May"seryoso siya?iba yata siya ngayon. Well ngayon lang naman kasi kami nakapag-usap ng medyo matino. At kilala niya ako ha? Pero at least mukhang friend lang kami kung pakikinggan. Mas mabuti nato. "Pero, you should follow all the rules written in that paper."sabi niya sabay turo sa paper na hawak ko. May kapalit din pala.
"OK"inalis ko ang mukha niya sa paningin ko at sinimulan ko ng basahin ito..
Servant Girlfriend Contract|
May Sanchez dahil sinabi mong gagawin mo ang lahat para mabayaran ang ginawa mo sa balikat ko. Ikaw na rin ang nagsabi, wala na akong magagawa sa parteng yan. Kaya panagutan mo ito.|
Bakit ko kasi sinabi yun?nakakainis talaga.
As what I said you'll be my girlfriend and a servant also. Pero I think mas gusto mong maging girlfriend ko, sa gwapo kong ito.|
Ano daw?ang hangin niya.
Sigurado akong adik na adik ka na sa akin. Huwag kang mag-alala maliit lang ang gagawin mo bilang servant ko, happy kana siguro.|
Hoy jerk! Mas gusto ko ngang maging servant mo nalang kaysa maging girlfriend mo.
Para sa mga rules ko sayo bilang GIRLFRIEND and SERVANT ko read below:|
RULES|
AS A GIRLFRIEND|
Sabay tayong papasok sa paaralan at uuwi.|
Paano mangyayari yun? Alam ba niya saan ako nakatira? Bahala siya. Wala akong pakialam.
Sabay tayong kumain sa recess.|
Bahala siya. Wala akong pakialam.
Huwag mo akong ipagkaila bilang boyfriend mo. Hindi tulad kanina sa flag ceremony. Lagot ka sa akin kung gagawin mo iyon ulit.|
OK. Wala na akong pakialam. Bahala na si Batman at si Flash i-rescue ako. Pero parang bago palang ito naiprinta. Nasama pa kasi ang nangyari kanina.
Huwag kang sumama sa ibang lalaki except kung teacher o kaibigan mo sila. NOTE: SELOSO AKO|
Napakastrikto naman. Ano naman kung seloso ka?
Ang panghuli pero napaka-importante ay "JUST ACT LIKE REALLY MY GIRLFRIEND"|
Bahala na si Flash....
AS A SERVANT|
Simple lang naman ang gagawin mo bilang alipin ko. GAWIN MO LANG ANG LAHAT ANG SASABIHIN KO.|
Paano magiging simple ang ipapagawa niya kung mabigat ito?Bahala siya, wala na akong magagawa. Na-stuck na ako sa sitwasyon na ito.
KUNG MAYROON KANG KAHIT ISANG HINDI NAGAMPANAN SA MGA RULES. ANOTHER CONSEQUENCE NA NAMAN.|
THIS CONTRACT IS VALID UNTIL MY SHOULDER IS FULLY HEALED| yan ang nakalagay sa huling part ng bond paper.
Tiningnan ko siya, nakangiti lang siya sa akin. Masaya na siguro siya. Wala ng akong pakialam. Bahala na si Batman at si Flash, isama narin natin si Superman.
" Teka lang may tanong ako?"tanong ko.
"Ano yun?"
"Gaano ba kasakit ang balikat mo para sa consequences na ito?"tanong ko ulit. Baka kasi hindi talaga masakit ang balikat niya at pinaglalaruan niya lang ako. Hindi na siya ngumiti. Tinatakot niya ba ako?
"Gusto mo talagang malaman?"hinubad niya ang jacket niya, nakajacket kasi siya ngayon. "Dahil girlfriend kita, ipakikita ko sayo."sa seryoso ng mukha niya, hindi ko maiwasang matakot. Paano kung malala?. Hinawi niya ang collar sa left side ng damit niya. O my gosh! Pale ang kulay ng left shoulder niya at namamaga ito. At ang nakakatakot pa parang malala na ito. Shoulder sprain ba ang tawag nito?
"Gulat ka diba, siguro may dahilan kanang gawin ang nasa contract."sabi niya na nakangiti. Sinuot niya ulit ang jacket niya.
"Huwag ka ngang ngumiti diyan, seryoso yan. Ako ba ang may kasalanan niyan?"tanong ko.
"Ang totoo pinalala mo ito."sagot niya. Naalala ko tuloy yung nayari sa kiosk, nasiko at nasapak ko ito. O MY GOSH. Look what you've done self. It's your wrong self.
"Sorry, sorry talaga."ngumiti siya.
"Alam mong hindi sapat ang sorry mo diba?"tanong niya.
"Oo na, gagawin ko na."alam ko anong ibig sabihin niya.
"Ok, pirmahan mo na" tulad ng sinabi niya, pinirmahan ko na ito at ibinigay ang bond paper sa kanya.
"Good girl."sabi nito. Kung hindi lang talaga sa nagawa ko.
"Teka, pinacheckup mo na yan sa doctor?"tanong ko. Baka kasi malala na talaga ito.
"Not yet" sagot niya.
"Bakit hindi mo pinacheckup?!"sigaw ko. Ngumiti siya.
"Nag-aalala na yata ang girlfriend ko."sabi niya at ngumiti.
"Hindi ako nag-alala bilang girlfriend mo noh, nag-aalala ako bilang taong nagpapalala sa condition ng balikat mo."depensa ko, totoo naman. Ngumiti ulit siya.
"I don't care, basta nag-aalala ka parin. Don't worry magpapacheckup na ako kinabukasan."sabi niya. "Ok, kailangan ko ng umalis. See ya mamaya."dagdag pa niya. Aalis na sana siya pero biglang siyang napatigil. "Cellphone mo?"cellphone ko? Ano naman ang kailangan niya sa cellphone ko?
"Bakit?"
"Akala mo sigurong maloloko mo ako, cellphone mo bilis."anong pinagsasabi niya? Maloloko? Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa at inabot ito sa kanya. Binuksan niya ito kaagad, wala rin naman kasi itong password, pass code o pattern. Kaya madali lang niya na nabukasan ito.
" Anong gagawin mo sa cellphone ko?"tanong ko. Pero hindi siya sumagot. Nagtype siya sandali at sinauli niya kaagad ito.
"Remember I keep my eyes on you" sabi niya at umalis. Anong kayang ginawa niya? Binuksan ko ito kaagad para malaman ko na. Tiningnan ko ang recent application na binuksan niya. Contacts? Yes contact. Don't tell me??? Nag search ako agad ng "KASPERANGGOT" pero walang tumumpak. Anong kayang pinalit niya?.. What if sa messages ko tingnan?. Binuksan ko agad ito. Walang ng KASPERANGGOT pero may "BF". Paano niya nalaman na hindi ko sinunod ang utos niya? Wala naman akong ibang sinabihan maliban kay Tria. Mmm.... Hindi naman siguro niya sasabihin ito. Pero atleast " BF" ang pinalit niya hindi yung napakataas at nakakadiring pakinggan.
O MY GOSH!! WHAT I'VE DONE?