"What's all about B baby?"tanong niya. Baby?ibig sabihin si Kasper toh?. Tinutukoy niya bang B ay yung tawag ko Kay Jasper? Paki naman niya.
"Alisin mo nga yang braso mo."sigaw ko sa kanya at aalisin ko na sana ang braso niya kaso hinigpitan pa niya lalo ang pag-akbay sa akin. "Ano ba!!"
"Aalisin ko lang ito kung sasabihin mo ang tungkol sa freaking B na tinawag mo kay Jasper."sabi niya at diniin pa talaga ang salitang Freaking B.
"Bakit ba? Paki mo?"tanong ko. Hinigpitan niya pa lalo. "Ano ba?tangalin mo nga yang braso."sigaw ko habang pilit na makawala sa pagka-akbay niya pero hinigpitan niya pa lalo ito.
"WHAT'S ALL ABOUT B?"sigaw niya. Hinigpitan niya pa.
"Ok sasabihin ko na, tanggalin mo lang ang braso mo, nasasaktan na kasi ako."sigaw ko rin sa kanya. Tinanggal na niya ito. Parang akong bilanggo na nakawala sa kulungan sa higpit kasi sa pagka-akbay niya.
"Ok What's all about B?"tanong niya ulit pero mahinahon na ito. Hindi man lang nagsorry at akala ko ba masakit ang balikat niya?
"Ok halata naman siguro na tawag ko yun kay Jasper, bale Call sign yun lang. Gets? Pake mo ba?"paliwanag ko sa kanya.
"Ano ang tawag niya sayo?" Tanong niya ng mahinahon. Anong nakain niya? Kanina lang may pasigaw-sigaw pa siya.
"G"sagot ko at nagsmile siya. Anong nakain niya? Bakit siya nagsmile? At ang ganda yata ng smile niya pero mas maganda parin kay Jasper. Kinunutan ko lang siya ng noo.
"OK, lets go baby."sabi niya at akmang aakbay sa akin.
" Hephephep"sabi ko sabay pigil sa gagawin niya.
"Bakit?" Tanong niya at siya naman ngayon ang nakakunot ang noo.
"Anong gagawin mo?" Tanong ko. Nagsmile siya.
"Aakbay, di ba girlfriend kita at alipin kaya huwag kang aangal." Sagot niya.
"Akala ko ba masakit yang braso mo, bakit makaakbay ka kanina ang higpit?at ngayon aakbay ka ulit."paliwanag ko sa kanya.
"Ito yung masakit."sabi niya sabay turo sa kaliwa niyang braso. Diba connected ang right and left shoulder? Bahala na nga siya, pake ko ba? At bakit ko ba siya tinanong? At pansin ko lang diba sa 1st floor ang classroom ng SSC?
"OK, ano pala ang ginagawa mo dito sa 3rd floor? Hinahanap mo si Kasper?."tanong ko sa kanya. Bakit ko ba tinatanong? Pake ko ba?. At bakit ako nakikipag-usap sa kanya.
" Bakit mo tinatanong? nababahala ka na baka makikipagkita ako sa ibang babae."sagot niya at nagsmile. Ano daw? Pake niya? Gusto ko lang naman sabihin kung sakaling hinahanap niya si Jasper, eh sasabihin kong may pinutahan siya. Bahala na nga siya. Bakit ba ako nakikipag-usap sa jerk na toh?. Lumapit ako sa tenga niya. Habang siya naghihintay sa sagot ko.
"Feelingiro, Eeewwww."bulong ko sa kanya at umalis.
" Hey baby!! Ganyan ka ba magpapaalam sa boyfriend mo?" Sigaw niya habang naglalakad ako. Ang daming taong nagsitinginan. Nakakahiya, ilang beses niya ba ako ipapahiya. Bahala siya.
"At bakit hindi mo ako tinawag na baby? Hindi mo na ba ako mahal?!!" Sigaw pa niya. Pake ba niya.. Minahal ko ba siya? Napaka feelingiro niya talaga. Naku, ang sarap sumagot na kailanman hindi ko siya minahal, kaya lang baka mahalata na ako ang sinisigawan ng jerk nato.
"Bye baby!! See you sa flag ceremony!!."sigaw pa niya. Hindi ba siya nahihiya o sadyang ako ang pinapahiya niya. At anong see you sa flag ceremony? Ang layo kaya ng line nila sa amin. Asa siya.