"OK students you can go to your respective rooms right now." Sabi ng principal namin pagkatapos ng flag ceremony. Nakakapagod maglakad ang layo pa naman ng classroom namin, feeling ko kasi ang bigat ng katawan ko, dahil siguro sa pagod. Sana nandiyan si flash para kargahin ako at para narin mapadali ang pagrating ko sa classroom.
"May!" Sigaw ng boses ng lalaki sa likod ko. Si flash na ba toh? At saka bakit palagi na lang may tumawag ng pangalan ko sa likuran ko, hindi ba pwedeng sa harapan na naman. Duh whatever. Nilingon ko siya, si Jasper pala. Bakit hindi ko parin makilala o madetermine ang boses niya?.
"Bakit?" Tanong ko sa kanya, 6 meters lang yata siya kalayo sa akin.
"Sabay na tayo!" Mahinang sigaw niya habang naglalakad sa direksyon ko.
"OK" sabi ko. Hinintay ko siya sandali saka umalis na kami.
"Pagod ka ba?bakit ang tamlay mo?"tanong niya. Parang kagabi lang may nagtanong din sa akin ng ganyan. Saka ang tamlay ko ba talaga.
"Bakit ko ba tinatanong?syempre pagod ka, ikaw pa namang ipagsabay ang pagtatraho sa pag-aaral."sabi niya saka ngumiti. Oww medyo katulad din ang sinabi niya sa nagtext kagabi. Napakaweird naman. Tiningnan ko lang siya ng nakakunot ang noo ko.
"Oh bakit?"nagtatakang tanong niya. Ikaw pa namang tiningnan ng nakakunot ang noo, syempre magtataka ka.
"Anong oras ka ba natulog kagabi?"tanong ko sa kanya. Tinanong ko na para magka-alaman na kung iisa lang ba sila ng nagtext.
"Around 9 pm yata, pagka-uwi ko kasi pagkatapos namin kumain sa bakeshop na pinagtrabahoan mo natulog na ako kaagad" sagot niya. Mmm... Sayang naman around 11pm yun, akala ko pa naman iisa lang sila, kikiligin na sana ako. Ahhhmmppp.... "OK"
"Bakit mo pala natanong?"tanong niya at ngayon siya na naman ang nakakunot ang noo. What should I say?. Baka iba na ang iniisip niya. Ayaw ko namang sabihin ang tungkol sa nagtext kagabi. Hmm... Alam ko na.
"Ahh ang fresh mo kasi."sagot ko with big smile. Ohh lusot na ako kasi nagsmile lang din siya .
"Oh talaga, gwapo na ba ako?"tanong niya with a big smile also. Bakit ko ba sinabi iyon.
"Sino nagsabi?sa pagkakaalam ko fresh lang ang sinabi ko" sagot ko. Pero gwapo naman talaga siya.
"Eh..ok."sabi niya. He pouted his lips and stared at me. Galit na yata siya.
"Oh galit ka ba?"tanong ko. Hindi parin nagbago ang mukha niya. "Sige na gwapo ka na" baka mawalan pa ako ng friend nito, siya pa naman ang nag-iisang close ko sa classroom.
"It was a joke!!!"sigaw niya with wide smile. Naloko ako ha...
" Anong sabi mo?!!"tanong ko ng pasigaw. Tumakbo siya, hahabulin ko sana siya kaya lang ang daming tao. Tumigil siya saka lumapit sa akin. Ano naman kaya balak nito?
"Ah kaya pala fresh ako ngayon kasi hindi ako gumawa ng assignment kagabi, pakopya naman friend."pagmamakaawang sabi nito. Friend? First time ko yatang narinig sa kanya na tawagin niya ako ng friend.
"Kung hindi mo lang talaga ako tinawag na friend, sige na nga pakokopyahin na kita."sabi ko, bakit naman ako magdadamot.
"Yeeheyy!!" Mahinang sigaw niya. Para naman siyang bata.
"Ngayon lang toh ha."sabi ko. Dapat hindi konsentihin ang malaking batang toh.
"Yes of course, thank you."sabi niya saka nagsmile. Nagsmile lang din ako. Pumasok na kami sa classroom, hindi ko nga namalayan nandito na pala kami sa tapat ng classroom namin. At salamat na rin kay Jasper kahit papaano hindi ko na naramdaman ang bigat ng katawan ko, good vibes kasi ang nabibigay niya sa akin hindi tulad ng kambal niyang si Kasper. Speaking of Kasper balak ko sanang humingi ng tawad sa kanya tungkol sa nangyari sa balikat niya, kahit sa kabila ng pagpapahiya niya sa akin. Totoo mang masakit talaga ang balikat niya o hindi, dapat parin akong humingi ng tawad, kung hindi kasi ako humingi ng tawad para naring ginawa ko sa kanya ang masakit na ginawa niya sa akin. Kahit mentally at physically ang ginawa niya sa akin at physical lang ginawa ko sa kanya, its the same aspects that gives pain.
"Ok class you can take your recess now."sabi ni Maam Gonzalez saka umalis, siya ang math teacher namin.
Lumabas agad ako pagkaalis ni Maam, balak ko sanang ngayon na humingi ng tawad kay Kasper.
" May!"sigaw ng isang lalaki sa likuran, sa likuran na naman. I know its Jasper, medyo nakikilala ko na ang boses niya. Nilingon ko siya. "Pupunta ka na sa canteen?"tanong niya.
"Hindi may pupuntahan pa ako."sagot ko
"OK, gusto mo ba ng kasama?" tanong niya ulit. Gustohin ko mang makasama ka huwag na, malaman mo pa na ako ang dahilan ng pagsakit ng balikat ni Kasper.
"Huwag na, gusto kong ako lang mag-isa."sagot ko sa kanya. Wow..self ha gusto mo talagang ikaw lang mag-isa.
" Ok, God bless bye."sabi niya at kumaway sandali. Nahhh kunti nalang mahulog na talaga ako nito sayo Jasper.
"OK thank you bye" sabi ko at umalis na kaagad, bago pa ako mahalatang kinilig sa kanya.
On the way na ako sa SSC o classroom nila Tria. Kinakabahan na ako, baka may gulo na namang mangyayari mamaya, baka ipahiya na naman ako ni Kasper. Kung mangyari man yun, bahala na basta makahingi lang ako ng tawad sa kanya, ok na yun.
Nandito na ako sa tapat ng pinto. Hindi pa pala sila lumalabas o nagklaklase pa sila. Maghihintay na lang ako. "Goodbye class."pagpapaalam ng teacher nila. "Goodbye and thank you maam Delaya, may God bless us always."sabi naman ng mga estudyante niya. Ok ito na, sabi nga ni Jasper Good bless sa akin. Bahala na sa mangyayari, flash get ready to save me.
Nagsilabasan na sila, hinintay ko na lang lumabas siya. Mmm... Ilang minuto na ako dito bakit wala man lang akong nakitang lumabas na Kasper. Sinilip ko ang loob ng classroom nila, nang biglang lumabas si Tria. Mabuting tanungin ko nalang siya.
"May,anong ginagawa mo dito?"tanong niya sa akin.
"Ehh kasi Tria hinahanap ko si Kasper, nandyan ba siya?."tanong ko naman sa kanya.
"Bakit mo hinahanap ang taong nagpahiya sa iyo?."medyong galit na tanong ni Tria. Kaya pala, nasabi ko na sa kaniya ang tungkol sa nangyari sa amin kiosk.
"Ahh gusto ko lang humingi ng tawad sa kanya."sagot ko, nagulat yata ko siya lumaki kasi kaagad ang mata niya sa pagbanggit ko ng salitang tawad. Ikaw pa namang ipinahiya tapos ikaw pa ang hihingi ng tawad. Syempre magugulat ka rin noh. Iba kasi ang case namin ni Kasper, may kasalanan din ako sa kanya kaya hihingi ako ng tawad. Bahala siya kung hindi siya humingi ng tawad sa akin, that's his life so I don't care.
"Sure ka ba diyan my friend?"tanong niya na may pagtataka sa kaniyang mukha.
" Oo, diba nga nasiko at nasapak ko siya, sabi kasi ni Jasper sobrang sakit daw ng balikat ni Kasper, kaya hindi siya nakasama sa pagkain nila sa labas"sagot ko sa kanya.
"Ok, wait lang tawagin ko lang siya."pag-agree ni Tria sa balak ko at pumasok ulit siya sa classroom nila.
Hinintay ko siya ng ilang minuto, bago siya lumabas ulit. Kaya lang hindi niya kasama si Kasper.
" Sorry May, nakalimutan ko absent pala siya ngayon."pagpapaumanhin niya sa akin. Wala siya?paano kong malala na pala ang sakit sa balikat niya. OMG.
"Ok baka mamaya papasok na siya, bye."malungkot kong sinabi at umalis na.
"Teka, pupunta ka ba sa canteen?!"mahinang sigaw na tanong ni Tria sa akin. Wala na akong ganang kumain. Nilingon ko siya.
"Hindi, kasi may assignment pa ako na hindi natatapos."pagdadahilan ko sa kanya.
"Ok"pagkasabi niya umalis ako agad.