Chereads / Book of You and I / Chapter 5 - HOW UGLY?

Chapter 5 - HOW UGLY?

Naglalakad ako ngayon patungong kiosk, sabi ni Tria doon ko na lang daw siya hintayin, sabay kasi kami uuwi, kahit hindi pareha ang street namin. Mabuti na lang din, matapos kong malaman na kaklase niya ang lalaking yun. Parang ayaw ko ng pumunta ulit sa classroom nila.

Nandito na ako sa kiosk, umupo ako sa bakanteng round table. Kakaunti pa naman kasi ang tao dito.

Iba din ang school nato, color coded pala ang bawat grade level. Sa grade 7 ay kulay Green, sa grade 8 kulay yellow, sa grade 9 ay red at grade 10 ay blue. Kaya kulay blue ang building namin. At saka dito sa kiosk may mga inspiring quotes at sayings. Ito na naman ako grabe ang pagka-amaze.

Wala pa naman si Tria. Kinuha ko muna ang cp ko, mag facebook muna ako. Kanina pa ako scroll ng scroll wala naman akong napapala. Tiningnan ko nalang ang profile ko, matagal-tagal na rin hindi ko ito na check at napalitan.

"How ugly?"Biglang may nagsalitang boses ng lalaki sa may taingahan ko. Ugly? Alam ko naman iyon bakit kailangan pang sabihin, nakakasakit kaya iyon. Sa gulat ko nasiko ko siya. Hindi ko naman kasi alam na malapit siya sa akin.

" Ouch!!!"sigaw ng lalaki.

Tumayo ako at nilingon siya..."Sor.." Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil narealize ko kung sino siya, that boy again. Nakahawak siya ngayon sa balikat niya, sa balikat ko yata siya na siko.

"Ikaw?!!!" Sigaw ko, tumingin siya sa akin.

"Who are you doing this to me?!" Sigaw niya sa akin, at ako pa talaga ang tinanong niya ng ganyan. Sino ba ang nanguna?. At kanina pa toh pa english english, balak ba niya paduguin ang ilong ko.

"Ikaw!, bakit ka kasi nagsalita sa may taingahan ko?at ugly talaga ha!" Sigaw ko sa kanya.

"Nagtataka ka pa, tingnan mo nga yang sarili mo kahit isang parte walang maganda!" Sigaw niya. Talaga lang ha sinigaw pa niya na wala akong kaganda-ganda. Ano bang kinain nito noong bata pa siya, bakit hindi siya naging kasing bait ni Jasper.

"Ikaw!!, alam ko naman na hindi ako maganda bakit kailangang isigaw pa!" Sigaw ko. Tumingin ako sa gilid ko, ang dami na pa lang tao. Naka-dalawa na siya sa pagpapahiya sa akin ah. Hindi na siya nagsalita at tumingin lang siya sa akin, habang nakahawak pa din sa balikat niya. Ano kaya ang iniisip nito?, kung may nakita lang ako na pwedeng ilait sa kanya physically, kung hindi lang talaga siya kagwapuhan. Ibabalik ko talaga sa kanya ang sinabi niya.

"Di porket...." Hindi ko nalang tinapos, tumalikod na lang ako , hindi ko nalang hihintayin si Tria, mukhang wala parin naman siya.

"Di porket ano?"tanong niya. Hindi ko siya pinansin, inayos ko na lang ang gamit ko.

"Na gwapo ako?" Tanong pa niya. Hindi lang pala siya mahilig manlait, feelingiro rin pala.

Nilapitan ko siya at ningitian"Gwapo mo mukha mo!" Sigaw ko sa kanya sabay sapak sa balikat na nasiko ko kanina, saka umalis. Kainis. "Ouch!!"sigaw niya. Buti naman sa kanya, hindi ba niya alam na mas masakit pa ang ginawa niya sa akin.

Naglalakad ako ngayon sa street na nakakunot ang noo, kainis naman kasi yung Kasper na yun. Unang araw pa lang sa school, nakadalawa na siya sa akin. Ano bang trip niya?sinasadya niya ba ang lahat, siguro nakita niya akong mahina kaya ako ang pinagtripan.

Uuwi lang ako sandali sa bahay, magbibihis at kakain lang ako bago magtrabaho ulit sa mini bakeshop nila Tria. Oo, may trabaho parin ako kahit school days, syempre pangtustos sa sarili.

Aw...aw..aw..my dog barking at me. Lumapit siya sa akin kasabay ng buntot niyang hindi mapakali at noo niyang nakakunot. Galit rin ba ang asong ito? o sadyang trip lang niyang salubongin akong nakakunot. Pareha yata kami ng nararamdaman.

Nilagay niya ang dalawa niyang paa sa lap ko habang ako'y nakatayo, with matching labas ng dila niya. Cool talaga ng aso ko, umupo ako at hinapo ang ulo niya. Ang pangalan niya ay Bachoychoy, marinig ko lang ang pangalanan na yan, cute na aso na ang nasa-isip ko. Kulay itim siya at saka may pagkakulot ang balahibo niya. Ang asong ito ang nagpaalala sa totoo kung pamilya, sabi kasi ni Nanay Ester kasama ko daw siya nang nakita niya ako sa bakuran, mabuti nga daw hindi ako inano ng asong ito ng araw na iyon. Hayyy ito na naman ako, ang drama ko na naman.

Bago pa ako maluha dito pumasok na ako sa bahay at ginawa ang totoong pakay ko, pinakain ko muna si Bachoychoy saka ako nagbihis at kumain, pagkatapos pumunta na ako sa bakeshop.