Chereads / Book of You and I / Chapter 4 - DID YOU MISS ME?

Chapter 4 - DID YOU MISS ME?

Naglalakad ako ngayon mag-isa patungong canteen, wala kasi si Tria sa classroom nila sabi niya ililibre niya ako, eh saan siya ngayon. Pumila na ako para bumili ng snacks ang dami kasing estudyante, bakit ba kasi iisa lang ang canteen dito, sa amin kasi dati iba-iba ang canteen sa bawat grade level.

"May!"may boses ng lalaki ang tumawag sa pangalan ko galing sa likod, balak ko sanang hindi lumingon kasi baka hindi ako, hindi naman siguro ako lang ang nagngangalang May, kaya lang natatakot ako baka mangyari ulit ang nangyari sa hallway kanina. Kaya nilingon ko siya. Si Jasper pala, lumapit siya sa akin.

" Oy ikaw pala, bibili ka ba ng snacks?" Tanong ko sa kanya.

"Oo syempre recess time ngayon." sabi niya at ngumiti. Kanina pa toh ah, adik yata siya sa pagngiti, pero mabuti na lang toh kaysa sa maadik siya sa masamang bisyo.Tumawa lang ako. "At diba sabi mo may kasama ka, bakit parang wala" dagdag pa niya, mabuti hindi na siya ngumiti.

"Ah eh kasi hindi ko siya nakita sa classroom niya" paliwanag ko. "Eh ikaw wala ka bang kasama?"

"Hindi naman kailangan may kasama kapag kumain sa recess" sabi niya. Tama naman siya pero mas maganda kung merong kasama alam niyo na daldalan. "At saka hindi ko kasi nakita si bro."dagdag niya.

"Bro?sino si bro?"tanong ko. Sira bakit ko ba siya tinanong, halata namang kaibigan niya.

"Si bro? Ah kakambal ko iyon"sagot niya. May kakambal siya, hindi halata ha.

"Ah may kambal ka pala, sigurado akong cute din iyon." Omg bakit ko ba sinabi yun, daldal ko talaga.

"Bakit mo nasabi yan, ibig sabihin cute ako."sabi niya with wide smile. Patay, flash where are you?kailangan kita ngayon.

"May!"oww that voice is so familiar, Tria, my savior. Kumakaway siya ngayon sa akin habang ngumingiti, naka-upo siya sa isang round table na may kasamang lalaki. Lalaki? Bakit lalaki?

Kumaway din ako at ngumiti para lusot na ako. Bumili na ako at umupo sa tabi ni Tria, at dahil wala namang kasama si Jasper nakisama na lang din siya, katabi ko siya ngayon.

"May, sorry ha, hindi ko natupad na ililibre kita ngayon"pagpapatawad ni Tria.

"Ok lang yun. Ikaw naman kasi may papromise-promise ka pa tapos nakakita ka lang ng bagong kaibigan kinalimutan mo na ako."sabi ko at kunwari nagtatampo.

"Sorry talaga at anong sinabi mo na kinalimutan kita dahil nakahanap na ako ng ibang kaibigan, kilala mo ako hindi ako ganun, gutom na kasi ako at baka mamatay ako kung hihintayin pa kita"paliwanag niya at ngayon mukhang siya na naman ang nagtatampo.

"Eh joke lang, kilala mo rin ako hindi ako matampuhin."patawa ko sa kanya at mukhang effective naman kasi nagsmile siya.

" Alam ko naman yun. By the way their are our new friends, mga transferee din sila, the two beklish."sabi niya sabay turo sa kanila. Akala ko straight sila hindi pala. "Marx" tinuro niya ang nasa kanan."Alex"tinuro niya naman ang nasa kaliwa.

"Nice to meet you guys" sabi ko with smile.

"Nice to meet you too May"sabi nilang dalawa. Kilala nila ako ha, sigurado akong pinakilala na ako ni Tria sa kanila.

" May, mukhang may bago ka ring kaibigan, kaibigan ba yan o ka-ibigan?."sira ano ba itong sinasabi ni Tria, anong ka-ibigan?.

"Anong ka-ibigan, si Jasper toh classmate ko." Paliwanag ko. "Ok" sabi niya. Ngumiti lang si Jasper, ito naman siya.

"Jasper, mmm.. may kamukha ka, lalo na iyang mga mata mo."sabi ng baklang si Alex. Syempre may kakambal siya, hindi ko nalang sinabi hindi ko naman kasi kilala.

"Oo nga eh"agree ng baklang si Marx.

" Ay si Kasper Lopez, yung tennis player."sabi ni Tria. Ah Kasper pala ang kakambal niya. Iba din ang magulang niya, initial letter lang ng pangalan nila ang iniba. Pake ko ba, mabuti nga sila may magulang.

"Actually he is my twin brother."sabi ni Jasper. Nagulat silang lahat maliban sa akin, syempre alam ko na "And actually there he is"dagdag niya sabay turo sa likuran ko. "Bro!"sigaw niya sabay taas ng kanang kamay.

Lumingon ako syempre curious ako kung identical o magka-mukha ba talaga sila. O MY GOSH, that face. Kaya pala napaka familiar ng mata ni Jasper. Hindi naman sila masyadong magkamukha, maliban na lang sa mata nila hindi kasi ma-identify kung sino sa kanila si Jasper, kung mata lang ang titingnan o pagbabasehan. Ang buong katawan ko ngayon ay umiinit na naman lalo na itong ulo ko, maalala ko lang yung nangyari sa amin.

"Hey miss!, did you miss me?"sabi niya sa akin saka nagsmile. May pangiti-ngiti pa siya, mas maganda ang ngiti ni Jasper noh!. Lumapit siya sa amin.

Siya iyong lalaking nabangga ko at nakapatong sa akin sa hallway kanina. Nakalimutan ko na sana siya eh, yun pala kapatid siya ni Jasper. Totoo nga pala talaga hindi magka-ugali ang kakambal. He just staring at me with killer smile in his face. I just smirk at him saka bumalik sa pwesto ko kanina.

Kainis naman toh o, nakita kaya ni Jasper ang nangyari sa akin kanina. Nakakahiya toh, flash kunin mo na ako.

Tringgggg... Ow thank you bell you save me. Tumayo na ako, tumayo din sila Tria, Marx and Alex. Bakit kaya hindi tumayo si Jasper ?

"Ahh... May, mauna ka na , kausapin ko muna si twinny." Sabi ni Jasper. Twinny? tinawag niyang twinny si kasper?ang sarap tumawa. Pero baka magalit si Jasper.

"Ok, alis na ako"

"May, tara na." Anyaya ni Tria. Nagsimula na kaming maglakad, hindi ko sila nilingon lalo na iyong Kasper na iyon. Hayyy..may hindi na namang magandang pangyayari akong isusulat sa story ko.

"May, siya pala iyong ..."hindi ko na pinatapos magsalita si Tria..

"Oo siya yung bwesit na yun."galit kong pagputol sa sinabi niya.

"May sorry hindi ko sinabi agad."pagpapatawad ni Tria. Hindi naman yun big deal ang hindi niya pagsabi agad.

"Hindi, ok lang huwag kang humingi ng tawad, wala ka namang kasalanan."sabi ko sa kanya at ngumiti. Ngumiti lang din siya at niyakap ako.