Chereads / Book of You and I / Chapter 3 - SMILE

Chapter 3 - SMILE

Unang nahanap ni Tria ang classroom niya at hindi kalaunan nahanap ko narin ang classroom ko , oo hindi kami magkaklase specialize niya kasi ang sports kaya madali lang mahanap ang classroom niya at dahil nag-iisa lang naman ang classroom at section nito , tinawag nila itong SSC or Specialized Sports Class , pero sabi ni Tria pareha lang naman daw kami ng mga lessons o pag-aaralan pero kasabay nito ang pagtratraining ng specialized sports nila. At sa aming hindi mahilig o hindi magtratraining ng anumang sports , sa regular class kami nabibilang. Marami ang section nito , may RC1 , RC2 , RC3 , RC4....until RC10 , diba ang dami kaya mahirap hanapin ang section ko. Pero ok lang nakita ko na naman ito.

Nandito na ako ngayon sa upuan ko. May pangalan ko kasing nakalagay , May Sanchez. Ang short ng name ko noh!! sabi kasi ni Nanay Ester , month of May daw niya ako nakita sa bakuran ng bahay niya kaya May nalang ang ipinangalan niya sa akin.

Siguro bagong gawa pa ang building na ito , wala kasing kadesign-design ang mga classroom dito , plain white lang.

Kinuha ko ang cellphone ko , binukasan ko ang data connection nito at saka binuksan ang IWrite na app , ito yung nag-iisang app ng cp ko. Ito kasi ang inaabalahan ko tuwing free time ko , araw -araw akong nagsusulat dito ng kwento na base sa buhay ko kaya pamagat nito ay "The Story of my Life" at kaya nga ang kabanata nito ay malapit ng umabot sa libo , simula kasi noong fourteen pa ako nagsimula magsulat , syempre kasama na doon ang nangyari sa akin simula noong namulat na ako sa mundo.

Pero iwan ko lang kung may nagbabasa nito. Wala kasing nakalagay kung may bumabasa ba o di kaya views man lang at saka sino naman magbabasa nito wala namang kakulay-kulay ang buhay ko at saka ang dami na nitong kabanata. Hobby ko lang talaga magsulat at nagsisilbi na rin itong diary ko.

Sinulat ko ang nangyari kanina simula sa magandang paggising ko hanggang sa masamang nangayari sa akin dito sa school , tuwing maalala ko iyon umiinit talaga ang buong katawan ko , hindi ko alam kung bakit pero siguro dahil ito sa inis ko sa lalaki kanina o sa kahihiyan na dulot ng pangyayari. Pagkatapos kong magsulat hindi ko muna ito pinost dahil magdadagdag pa ako sa bahay mamaya , hindi pa naman tapos ang araw na ito.

Nilagay ko ang cp ko ulit sa bag. Ang tagal naman ng adviser namin , it's already 9:00 am. "OK class, sorry I am late" sabi ng adviser yata namin habang nagmamadaling lumakad sa harap. Nagulat ako dun ah..

"OK I am Annamae Dela Rosa , your adviser , welcome to section RC1 , the most responsible section among the others and I hope I will see that to you guys. " sabi niya sabay kindat sa huli.

Tulad ng nakasanayan tuwing unang araw sa klase, pinakilala namin ang aming sarili isa-isa sa harapan ng klase. The remaining time its so boring, umalis kasi ang adviser namin kaagad pagkatapos naming magpakilala lahat, may urgent meeting daw sila.

Ito ako ngayon walang magawa, wala naman akong maka-usap dito kasi nga transferee ako at wala naman akong kakilala sa mga kaklase ko.

"Hey miss, May right?"

"Ay kabayo!" sigaw ko pero mahina lang, kaya lang parang narinig niya yata, bigla kasing may lalaking nagsalita at umupo sa lamesa ng armed chair na nasa kanan ko lang , hindi ko sure kung lamesa ng armed chair ang tawag nito basta ito yung patungan ng notebook natin tuwing magsusulat tayo.

"Grabe ka naman kabayo talaga, mukha ba akong kabayo."sabi ng lalaki with sparkling eyes. In fairness his eyes is so cute, pero parang nakita ko na ito dati hindi ko lang matandaan kung kanino at kung saan.

"Ay sorry, hindi ko naman sinadya, bigla ka kasing sumulpot at nagsalita" sabi ko. Ngumiti lang siya sa akin, ang cute ng ngiti niya at sumama pa itong mata niya na halos hindi ko na makita. Napangiti na lang din ako hindi kasi siya nagsalita at huminto sa pag-ngiti. Ano bang problema nito, balak ba niyang ngumiti lang forever.

"Hey! Balak mo lang ba ngumiti dyan."sabi ko na halos matawa nabigla kasi siya nang bigla akong nagsalita.

"Teka lang ha" sabi niya at tumayo saka binuhat ang upuan na inupuan niya at umalis. Anong kayang nakain niya, baka magalit pa ang may-ari ng upuan. Sinundan ko lang siya ng tingin. Binaba niya ang upuan saka may inalis siya na isang upuan sa pwesto nito , na nasa pinakadulo sa row 2, sa kanya yata at pinalit niya doon ang upuan na buhat niya kanina. Pagkatapos nun binuhat niya ang upuan na inalis niya saka bumalik siya sa'kin at binaba ito sa kinalalagyan ng upuan na binuhat niya kanina na nasa kanan ko lang. Inupuan niya ito at humarap siya sa akin saka ngumiti siya ulit. Ano bang nakain nito bakit ang hilig nitong ngumiti at tumabi talaga siya sa akin ha, kinilig naman ako.

"Ano bang ginagawa mo?bakit mo nilipat ang upuan mo dito?"Sunod-sunod kong tanong sa kanya. Hindi na siya ngumingiti ngayon, mabuti naman baka mahimatay ako dito dahil sa ngiti niyang napaka cute."Baka magalit ang may-ari ng upuan na nilipat mo at si ma'am din"dagdag ko.

"Ano ka ba hindi noh, ang may-ari ng upuan na ito ay kaibigan ko at naka-usap ko na siya at si ma'am kilala ko iyon, hindi niya iniisip at wala siyang pakialam sa sitting arrangements ng estudyante niya. Oo nga pala transferee ka."paliwanag niya. Grabe ha halatang dito na talaga siya nag-aaral since then, pero parang hindi siya sumagot sa tanong ko.

"Mukhang hindi mo yata sinagot ang tanong ko"sabi ko at kunyari galit.

"Ah!, oo nga pala, lumipat ako dito, kasi nahihirapan akong bumasa sa malayo"paliwanag niya. Oww kaya pala, nasa unahan kasi ako. At nakaramble yata ang mga upuan kasi hindi naman ito naka arrange alphabetically.

"Ah OK" sabi ko. "Akala ko gusto mo lang ko makatabi"bulong ko sabay tingin sa harapan.

"Anong sabi mo?may sinabi ka ba?"sunod-sunod niyang tanong.

"Ah wala"sabi ko at humarap sa kanya. Ngumiti lang siya. Bakit ang hilig niyang ngumiti.

"Jasper Lopez pala, nice to meet you"

"May Sanchez, nice to meet you too"

Pagkatapos nag-usap kami ng kung ano-ano hindi rin naman kasi bumalik si maam.