Chereads / Wishing Girl 3: Pain 2 Forget / Chapter 43 - CHAPTER FORTY-ONE

Chapter 43 - CHAPTER FORTY-ONE

"MABUTI NAMAN AT WALA na ang batang iyon. Mabuti nga iyon at ng mahiwalayan mo na ang babaeng iyon. May nakita na din naman kaming babae na para sa iyo. She is amazing woman. Nababagay siya para sa pamilya natin."

Ang mga salitang iyon na mula sa kanyang ina ang siyang pumatid sa natitirang respeto ni Joshua para sa magulang. Nabasag niya ang coffee table na nasa harap niya at kung hindi siya pinigilan ni Patrick at Asher ay baka tuluyang siyang nagwala sa bahay ng kanyang magulang. Hinila siya palabas ng dalawa bago pa niya malapitan ang ina.

Galit nag alit siya sa ginawa at sinabi ng mag ito. Talagang walang paki-alam ang mga ito sa nararamdaman niya. Pagkatapos niyang sabihin na ito ang dahilan ng pagkawala ng kanyang anak ay saglit lang itong nagulat. Natuwa pa talaga ito na namatay ang anak niya. It was too much for him.

"Calm down, Joshua." Bulong ni Patrick.

Ito ang nagmamaneho ng kanyang kotse habang si Asher sa kotse nito. Nasa likuran nila ang kaibigan. He is mad kaya naman ang kaibigan ang nagmaneho.

"How can I calm down? Did you heard what my mother said? May puso ba talaga sila?" sigaw niya.

"I heard it. Kahit naman ako ay galit din sa sinabi nila. Hindi ko akalain na ganoon ang magulang mo pero hindi ibig sabihin noon ay dapat mo ng kalabanin ang mga ito. Alam mo naman kung gaano ka makapangyarihan ang ama mo. Kaya niyang sirain lahat ng pinaghirapan mo."

Umiling siya. "Wala na akong paki-alam doon. Hindi ako natatakot sa kaya niyang gawin dahil karapatan kung magalit sa ginawa nila. Oo nga at magulang ko sila pero wala silang karapatan na saktan si Anniza. Asawa ko ang pinag-uusapan natin dito, Patrick. Asawa ko at anak ko."

Umiling si Patrick. Hindi na ito nakipagtalo pa sa kanya. Hinayaan lang siya nito na magmaktol. Alam niyang nais pa sana nito magsalita ngunit dahil nga sa galit siya ay nanahimik na lang ito. Tumingin na lang siya sa labas at pinagmasdan ang mga nadadaanan nilang mga gusali.

Sa ospital siya hinatid ni Patrick. Kasabayan lang nilang dumating ang kaibigan na si Asher.

"Paano tawagan mo na lang kami kapag may kailangan ka?" Hinawakan ni Patrick ang balikat niya.

Tumungo siya. "Thank you."

Pinisil ni Patrick ang balikat niya habang si Asher ay simpleng tungo lang ang ginawa.

"Basta tandaan mo nandito lang kami."

Ngumiti siya kay Patrick. "Thank you. Ingat kayo." Inagaw niya ang susi sa kaibigan at tinalikatan na ang mga ito.

Hindi na siya pormal na nakapagpaalam. Iniwan lang niya doon ang kaibigan na alam niyang uuwi na rin naman. Pagdating niya sa floor kung saan ang kwarto ng asawa ay himinto siya. Umupo siya sa isang upuan doon at tumingala. Kinakalma niya ang sarili. Ayaw niyang humarap sa asawa na ganoon ang mukha. Anniza will surely ask her why he is like that. Wala siyang balak na sabihin dito na kina-usap niya ang kanyang pamilya. Nang makalma niya ang sarili ay tumayo siya. Nasa labas siya ng kwarto ng makita niya ang dalawang tao na nag-uusap. Pamilyar sa kanya ang likuran nito. Nagmamadaling pumasok siya sa loob.

Sabay na lumingon sa kanya ang mga taong nandoon. Tama nga ang hinala niya, kilala nga niya ang lalaking ngayon ay ka-usap ni Anzer.

"Joshua, nandiyan ka na pala." Gulat na wika ni Anzer.

"Anong ginagawa mo dito?" Nakakuyom ang dalawang kamay na tanong niya.

"I just here to visit my best friend. Narining ko ang nangyari kaya agad akong pumunta dito." Seryusong sabi ni Brix.

Sinamaan niya ito ng tingin. This guy in front of him is dangerous. Nalaman niya mula kay Patrick kung sino ba talaga si Brix. Hindi ito simpleng kaibigan lang ni Anniza. May itinatago itong kasamaan na siyang hindi niya nagustuhan dito.

"She is fine." Sagot niya.

"Hindi iyon ang nakikita ko ngayon." Lumingon sa likuran nito si Brix.

Sinundan niya iyon ng tingin. Nakita niyang naka-upo sa kama ang asawa at nakatingin sa bintana ng kwarto. Pero hindi iyon ang naka-agaw pansin kay Joshua. Hindi man lang kasi tumingin sa kanya ang asawa kahit ang pagsulyap sa kanya ay hindi nito ginawa. Binundol siya ng kaba. Malalaki ang hakbang na lumapit siya kay Anniza.

"A-Annie..."

Hindi ito gumalaw at tumingin man lang sa kanya. Nanatili itong nakatingin sa bintana. Nanginginig ang kamay na hinawakan niya ang kamay ng asawa.

"Honey, naririnig mo ba ako?" Mahina ang boses na tanong niya.

Walang response mula kay Anniza. Lalo lang lumakas ang kaba sa puso niya. Tumingin siya kay Anzer na nakamasid lang sa kanila ng mga sandaling iyon.

"Anong nangyari? Bakit ganito si Anniza?"

Malungkot na yumuko si Anzer. "Ganyan na kanina si Anniza ng magising siya. Nagulat na lang din kami ni Tin ng magising siya at agad na tumingin sa bintana. Ilang beses namin siyang tinawag ngunit hindi din niya kami sinagot."

"A-anong sabi ng doktor? Bakit nagkakaganito ang asawa ko?"

Sinulyapan ni Anzer si Brix na walang emosyong nakatingin sa kanya. Pinagkrus nito ang braso. "Anniza have post-traumatic stress disorder. It happens because of her miscarriage."

Nagsalubong ang kilay niya. "Post-traumatic stress disorder?"

Isang malamin na paghinga ang ginawa ni Brix. "Woman is often have it after they experiences unfortunate event. Anniza can't accept everything. So far, iyon ang masasabi ko sa nakikita ko sa kanya. Hindi ako sigurado dahil may iba pa akong nakikita symptoms niya. Kaya kailangan siyang matingnan ng physiologist para mas maintindihan natin ang sitwasyon niya."

Umiling siya. "Do you have someone to recommend?"

"This hospital surely has one."

"How about you?" Tumayo siya.

"I'm a surgeon, Joshua. Wala akong alam pagdating sa utak ng tao. Why don't you ask the help on the owner of this hospital? Sigurado akong may alam silang pwedeng makatulong sa inyo."

Hindi siya nagsalita. Tumingin lang siya kay Anniza. Muling nadurog ang puso niya ng makita ang luhang dumaloy sa pisngi nito. Umiiyak na naman ito. Ipinantay niya ang sarili sa asawa at hinawakan ang kamay nito. Bakit ba nangyayari ito sa kanila? Bakit kailangan nilang masaktan ng ganito?

"PLEASE! DO something?" puno ng paki-usap ni Joshua kay Cathness

Tumungo ang kaibigan na doktor. Humingi siya ng tulong dito para tingnan ang asawa. Hindi niya kayang makita si Anniza sa ganoon sitwasyon. Tulala lang ito. Ate Tin tried to feed her earlier. Nagpapasalamat siya ng kumain naman ito, iyon nga lang wala pa rin salita na namutawi mula dito. Kahit na tingnan sila ay hindi nito ginawa. Anniza just seating there like a statue and he can't take it anymore. Dinudurog ang puso niya.

"I will do my best, Joshua. Ipapadala ko agad dito si Ms. Rosales para matingnan niya si Anniza."

"Maraming salamat."

Ngumiti ang kaibigan at hinawakan ang kamay niya. "Magpakatatag ka sana, Joshua. Hindi madali itong pinagdadaanan mo. Alam kong mahirap pero kailangan mong lakasan ang loob mo. Mas kailangan ka ngayon ng asawa mo."

Tumungo siya kay Cathness. Isang malalim na paghinga ang ginawa ng kaibigan. "Kailangan ko ng bumalik sa station ko. Tawagan mo ako kung may kailangan ang pasyente."

"Okay."

Nang makaalis si Cathness ay tumingin sa loob ng kwarto si Joshua. Nakikita sa maliit na bintana ang kanyang asawa. Mabilis siyang umiwas ng tingin ng makitang umiiyak na naman ito. Ganoon lang lagi ang response ni Anniza. Mga luha nito. Sumandal siya sa pinto ng kwarto. May dumaloy na luha sa kanyang pisngi.

Masakit makita sa ganoong sitwasyon ang taong minamahal. Lalo na at alam niyang isa siya sa naging dahilan. Dumagdag pa doon ang katotohanan na ang kanyang magulang ang taong gumawa ng masama dito. This won't happen if his mother didn't do such things.

"Joshua?"

Nagtaas ng tingin ang binata. Napako si Joshua sa kina-uupuan ng makita ang taong nakatayo sa harap niya.

"Anong ginagawa mo diyan?" Salubong ang kilay na tanong ng matandang Lee.

Napakurap siya at mabilis na tumayo. Pinunasan niya ang mga luha na dumaloy sa kanyang pisngi. Hinarap niya ang dalawang matandang nasa harap niya. Parehong seryuso ang mga ito.

"Magandang gabi po, Sir, madam." Bati niya sa magulang ni Jassie.

"Walang maganda sa gabi namin, Joshua." Malamig na wika ng matandang lalaki.

Pinalo ng matandang babae ang asawa nito. "Wag mong pansinin ang sinabi ng asawa ko, Mr. Wang. Anong nangyari sa iyo? Bakit ka naka-upo at nakasandal sa pinto?"

Mabait talaga sa kanya ang ina ni Jassie. Nang humingi siya ng tawag ilang taon na din ang lumipas ay pinatawad siya nito. Tinanggap nito ang pagsisisi na meron siya.

"My wife is here. N-na k-kunan po siya."

Napasinghap ang matandang babae habang ang ama ni Jassie ay nawala ang tapang sa mukha.

"N-nag-asawa ka na pala? Kamusta ang asawa mo?"

Sasagot na sana siya ng magsalita ang matandang lalaki. "Hindi yata nabalita ang kasal mo, hijo? Knowing your parents, your wedding will be grand."

Tumikhim siya. "Sa huwes po kami kinasal, Sir. At... at hindi po alam ng magulang ko."

Nagsalubong ang kilay ng dalawa. Nagkatinginan pa ang mga ito. Humarap sa kanya ang mag-asawa. May pagsimpatyang hinawakan ng ina ni Jassie ang kamay niya.

"Sana ay maging okay na ang asawa mo. Ipagdarasal ko siya."

"Maraming salamat po." He feels the sincerity of her.

Binitiwan na ng matanda ang kanyang kamay. Sakto naman na bumukas ang pinto ng kwartong kinaruruonan ni Anniza. Lumabas si Ate Tin.

"Joshua!"

"What happen?"

Hindi pa siya sinasagot ni Ate Tin ng may narinig siyang malakas na sigaw. Mabilis siyang pumasok sa loob. Hawak ni Anzer si Anniza. Nagwawala ang asawa niya.

"Wag mo akong iwan. Please!" sigaw ng asawa.

Lumapit siya dito at kagaya ni Kuya Anzer ay hinawakan niya ang isang kamay ng asawa. Nagpupumiglas naman si Anniza.

"Let me go! I want to hold him. Gusto kong hawakan ang anak ko. Bitiwan niyo ako." Sigaw nito.

"Annie, calm down." Bulong niya.

"Please! Bitiwan niyo ako. Hahawakan ko siya. Umiiyak siya at kailangan ko siyang yakapin." Sigaw nito.

Hindi niya alam kung anong sinasabi nito. Wala siyang ma-intindihan sa sinisigaw nito. Mabilis na tumawag si Tin ng doktor. Dalawa naman sila ni Anzer ang humawak sa braso ni Anniza.

"Ang baby ko. Ang baby ko. Bitiwan niyo ako. Ang baby ko." Sigaw ni Anniza.

Nadudurog ang puso ni Joshua na makita sa ganoong sitwasyon ang asawa. Sinasakal ang puso niya kaya naman di niya napigilan ang mga luhang pumatak sa kanyang mga mata. Anniza keeps on shouting like she is a crazy person. Wala siyang ma-intindihan sa mga sinasabi nito. Ang tanging na-iintindihan niya lang ay tinatawag nito ang anak nila at gusto nitong mayakap.

Hindi nagtagal ay dumating ang doktor at tinurukan ito ng pangpatulog. Saka lang sila nakahinga ng maluwag ng tumigil ito sa pagwawala at nakatulog.

"What happen?" tanong ni Cathness.

Isa ito sa mga doktor na tumakbo doon. Isang doktor ang tumingin sa kalagayan ni Anniza habang ang mga kasama nitong nurse kanina ay lumabas na.

"Bigla na lang siyang sumigaw at nagwala." Si Anzer ang sumagot sa tanong na iyon.

"Hindi ba niya sinaktan ang sarili niya?" May pag-alalang tanong ni Cathness.

Umiling si Anzer. "Nahawakan ko agad siya ng magsimula siyang sumigaw."

"Cathness, wag mong sabihin na...."

"It's early to conclude that Mr. Wang." Ang babaeng tumingin kay Anniza ang nagsalita.

Lahat sila ay napatingin dito. "Hindi pa naman ganoon ang asawa mo. Maagapan pa natin ang sitwasyon niya. She just needs some rest and right medication."

Tumingin siya kay Cathness. "Vanessa Rosales is physcologist, Joshua. Siya ang irerekomenda kong doktor sa iyo."

Nakadama siya ng kaginhawahan. Humarap siya sa babae. "Magiging okay lang ba si Anniza? Magiging okay din ba ang asawa ko?"

Tumingo ang babae. "She will. I will do my best for her to be okay. Nasa early stage palang naman siya. Mas mahirap kapag sinasaktan na niya ang sarili niya. Cathness told me what happen to your wife, Mr. Wang."

"Are you sure?"

Ngumiti ito. "Early stage can easily cure. Tamang gamot at pagka-usap ng mga taong mahal niya ang tanging makakatulong sa kanya."

"Kung ganoon ay bakit siya tulala at walang response kapag kinaka-usap namin."

"She is depressing, Mr. Wang. Ganoon ang nararamdaman ng inang nawalan ng anak. They feel numb. At nagiging defense mechanism ni Anniza ay pagkatulala."

"Kung ganoon ay bakit siya umiiyak." Gusto niyang malaman ang totoong kalagayan ng asawa.

"Part of her depression is sadness. Kapag naalala niya ang pagkawala ng anak niyo ay nakakaramdaman siya ng lungkot. That's why she is crying. She has a roller-coaster emotion right now, Mr. Wang."

Napakagat siya ng labi. "Kung ganoon ay ano ang dapat naming gawin? I want my wife back."

Huminga ng malalim si Dr. Rosales. "Talk to her. She is listening. Hindi dahil tulala siya at hindi siya nagsasalita ay hindi na niya kayo naririnig. Ka-usapin niyo lang siya."

"May gamot ba na dapat niyang inumin?" Si Kristine ang nagtanong.

"I will give you the list of medicine she needs but the better way is to talk to her."

Tumungo siya. "Thank you."

"You're welcome." Tumingin ito kay Cathness. "I will go back to my station now. Kapag nagising na ang pasyente, tawagan niya ako para matingnan ko siya."

"Salamat, doc. Samahan ko na po kayo para mahingi namin ang resita," sabi ni Anzer.

"Okay." Lumapit si Dr. Rosales at lumapit kay Cathness.

Sumama ang mag-asawang Jacinto kay Dr. Rosales kaya na-iwan silang dalawa ni Cathness doon. Lumapit sa kanya ang kaibigan at hinawakan ang kanyang balikat.

"She will be okay," anito.

"I know. Matapang ang asawa ko. Malalampasan namin ito." Hindi niya alam kung sinasabi niya ba iyon kay Cathness o sa sarili niya.

After hearing what Dr. Rosales said, he feels so weak. At sa buong buhay niya ay natatakot siya sa maaring mangyari. He is afraid to loss Anniza too. Ito na lang ang meron siya. Hindi niya kakayanin kapag ito ang nawala sa kanya. Baka pati siya ay mabaliw na rin.

"WANGZI IS in big trouble, right now."

Pinatawag siya ng pinsan kaninang umaga. Ayaw man niyang iwan si Anniza ay wala siyang nagawa ng tumawag si Kuya Shan kay Anzer para hayaan siyang makapunta ng MDHGC. Importante daw ang pag-uusapan nila at kailangan nandoon siya.

"What? Anong ibig mong sabihin?" Napa-ayos siya ng upo.

"Narinig mo ang sinabi ko. May kinakaharap ngayon na problema ang Wangzi. Hindi mo siguro narinig ang nangyari sa condominium na pinapagawa ng kompanya ng ama mo. Nag-collapse ang kaliwang bahagi at trabahador ng kompanya ang nasaktan. May dalawang tao ang namatay dahil sa pangyayari. Your father faces the media. Everything is under control but thing happen again. May ginagawa ulit na gusali sa Bohol ang nawasak. Mas marami ang nasaktan doon. Wangzi is facing a lot of charges." Hindi maitago ang lungkot sa mukha ni Shan.

"How this happen? Parang napaka-imposibleng gumuho na lang ng ganoon ang tinatayong gusali ng Wangzi. Kilala mo kung gaano ka mahigpit ang ama ko pagdating materyales."

Hindi siya makapaniwala sa narinig na balita. Matagal na ang kompanya ng ama at kilala na sa industriyang iyon. Marami ng itinayo na gusali ang Wangzi na talagang dekalidad. Kaya paanong may ganoong pangyayari?

"Pinapa-imbestigahan na ni Tito Zhel kay Patrick at Asher ang nangyari pero hindi mapatahimik ni Tito ang media. Patuloy ang paninira nila sa kompanya kaya may iilang investor na ang nag-pull out. May ilang client na rin ang umatras. Kung hindi ito maa-agapan ay malulugi ang Wangzi."

"Anong plano ngayon ni Daddy?" Tanong niya.

"I want you to help your father, Joshua."

Sabay sila ni Joshua napatingin sa pinto ng opisina ng pinsan. Nakatayo si Tito Shawn kasama si Ate Carila.

"Tito." Tumayo siya at nagbigay galang sa matanda.

Suminyas si Tito Shawn na umupo siya. Sinunod naman niya iyon. Umupo si Tito sa kabilang sofa. Inilapag ni Carila ang hawak nitong tray na may nilalamang kape. Nang makalabas si Ate Carila ay may nilabas na brown envelop si Tito Shawn.

"Ano po iyan, Tito?" Nagtatakang tanong niya.

"Shilo email that to me. Si Andrie ang may kagagawan ng nangyari sa Bohol. Ang impormasyong iyan ay bigay sa kanya ni Andria. Si Andrie din ang nagsabi sa magulang mo ng tungkol sa pagpapakasal mo kay Anniza. He is behind all of this."

Joshua's heart suddenly tightens. All of this happen because of one man. Nais talaga nito silang ipabagsak. Hindi nito nagawa sa negosyo ng pamilya sa China kaya ang negosyo ng ama niya ang pinunterya nito.

"Anong gagawin natin ngayon, Tito?" Nagtaas-baba ang dibdib niya.

"I want you to help your father. At tutulong din ako. Nag-usap na kami ni Shan at may na-isip na din akong plano. Ang kailangan ko lang ay kooperasyon mo."

"Papayag kaya si Dad na pumasok ako ng Wangzi. Hindi maganda ang huling pag-uusap namin ng magulang ko."

Kahit na galit siya sa magulang dahil sa ginawa at sinabi ng mga ito patungkol sa anak niya ay hindi ibig sabihin noon ay hahayaan na niyang mawala ang pinaghirapan ng mga ito. Nakita niya kung paano binuhos ng ama ang oras at panahon nito para lang umangat ang Wangzi. Wangzi Estate is his father greatest pride. Mula iyon sa dugo't-pawis nito.

"Wag kang mag-alala ako ang bahala sa ama mo. Hindi nila pwedeng tanggihan ang tulong na ibibigay natin. Ikaw ang tatanungin ko ngayon. Handa ka bang tulungan ang magulang mo?"

Sinalubong niya ang mga tingin ni Tito Shawn. "They still my parents, Tito. Of course, I'm willing to help. Just tell me what to do."

Tumungo si Tito Shawn. Tumingin ito kay Kuya Shan. Nasisigurado niyang maganda ang plano nito. Tito Shawn is a great business man. Dito nagmana si Kuya Shan at Shilo. Alam niyang magiging maayos ang Wangzi kapag ito ang gumalaw.

"NASISIGURADO KA BA na siya ang may kagagawan ng nangyari kay Anniza?" tanong ng binata sa tauhan niyang ngayon ay nasa harap niya.

"Sigurado po ako, Boss. Nagsimula ang problema ng mga Wang sa China kung saan hawak niya ang mga tao. Nang walang nangyari sa plano niya ay pinadalhan niya ng sulat ang magulang ni Joshua Wang. Siya ang nag-utos sa ina ni Joshua na sugurin si Anniza kapalit ng pagpayag nito na ipakasal ang binata sa anak nito."

Napakuyom ang binata dahil sa narinig. Sumalin siya ng alak sa basong nasa harapan nito. Inisang inum lang nito ang alak.

"Alam mo na ang gagawin sa kanya," anito.

"Opo, boss. Sisigurahon po namin na mararanasan din niya ang ginawa niya kay Anniza." Tumayo na ang tauhan niya at iniwan siya doon.

Hindi siya makakapayag na may taong manakit sa kaibigan niya. Si Anniza lang ang babaeng hindi siya hinusgahan pagkatapos niyang sabihin dito ang mga ginawang kasamaan.

"May iniutos ka sa tauhan mo?"

Ang tanong na iyon ang nagpahinto sa pagsalin niya ng alak sa baso. Tumingin siya sa babaeng kakapasok lang sa bar area ng mansyon niya. A woman with a tight red dress is walking towards him.

"Oo." Sagot niya.

"Sino naman ang naka-away ng isang Brix Montemayor?" Tumaas ang sulok ng labi ng babae.

"Someone hurt my best friend. And I won't let him get away with it." Nanlilisik ang mga matang tinitigan ni Brix ang basong hawak.

"Someone is going to be dead tonight. Why don't you kill my brother also?" Malanding pinaglandas ng babae ang daliri nito sa braso ng binata.

"Trixie, you know how dirty your brother is. I want him to be dead after what he did to you pero buong organisasyon naman ang makakalaban ko. Hindi pa ito ang tamang panahon para siya ay mamatay." Dinampian ni Brix ng halik sa noo ang kasintahan.

Sumimangot lang ito pero hindi na nagsalita. He is a doctor and he is supposed to save life but he can also kill. Kaya niyang pumatay ng mga taong nakasangla ang kaluluwa sa demonyo.