BALIK TRABAHO na nga talaga si Anniza at masaya siya na tinanggap siya sa main office ng The Imperial City. Iyon ang kompanya ni Tita Aliya at kahit na kilala niya ang may-ari ng kompanya ay dumaan pa rin siya sa tamang proseso. Maganda naman ang record niya sa MDHGC at may recommendation galing sa CEO ng kompanya kaya tinanggap agad siya. Dalawang linggo na rin siya sa trabaho bilang HR sekretary. At maayos ang pakikitungo sa kanya ng mga kasamahan kaya naman mabilis siyang nakapag-adjust.
"Anniza, pwede ko bang mahingi ang mga listahan ng mga applikante natin bukas?" tanong ng HR manager nila na si Ms. Santos.
"Sandali lang po, Ma'am."
"Sige. Ipasok mo na lang sa loob ng opisina ko," anito at tinalikuran na siya.
Sinundan niya ng tingin ang manager ng kanilang departamento. Huminga siya ng malalim. Minsan talaga ay may pagkamataray ang manager nila. Kagaya ni Joshua noon ay marami din itong ginagawa. Halos lahat kasi ng empleyado ng kompanya ay hawak nila. Maliban sa restaurant dahil hawak iyon ng ahensya.
Hinanap na lang ni Anniza ang listahan na hinihingi ito. Kumatok muna siya bago pumasok sa loob ng opisina nito. Nasa telephone ang babae ng mapasukan niya. Lumapit siya dito at inilapag ang hawak na folder. Tatalikod na sana siya pagkatapos ilapag ang hawak sa mesa ng tinawag siya nito.
"Yes po. May ipag-uutos pa po kayo." Magalang niyang tanong.
"Wala naman. May itatanong lang sana ako sa iyo." Sumandal ito sa upuan at hinagod siya ng tingin.
Umayos naman siya ng tayo. Inilagay niya ang dalawang kamay sa likuran. Sa loob ng dalawang linggo ay maayos naman ang pakikitungo sa kanya nito kaya nagtataka siya ngayon kung bakit biglang nagbago ang asta nito sa kanya.
"Ano po iyon?"
"Do you like my position?"
"Ho!" gulat niyang sabi. Hindi iyon ang inaasahan niyang tanong mula dito.
Tumaas ang isang sulok ng labi ng babae. "May nakakagulat ba sa tanong ko? Wala naman, di ba?"
"Hindi ko lang po inaasahan na tatanungin niyo po ako ng ganyan, Ma'am."
"Hindi mo inaasahan? Ako nga dapat ang magsabi niyan sa iyo. Hindi ko inaasahan na ang asawa ng taga-pagmana ng Wangzi ay magtatrabaho sa Emperial City bilang sekretarya. Hindi ba mas nakapagtataka iyon?"
May nahimigan na pang-iinsulto sa boses ng kaharap si Anniza. Alam na niya kung saan patungo ang usapan na iyon at hindi niya iyon na gugustuhan. Pinagsalikop niya ang dalawang kamay sa kanyang likuran. Hindi niya pwedeng sagutin at kalabanin ang babaeng ito. Bago lang siya sa kompanya at ayaw niyang magkaroon agad ng issue. Nakakahiya sa ina ni Kaze na malugod siyang tinanggap doon.
"Ma'am, dati na po akong sekretarya ng HR head sa MDHGC kaya ito din ang gusto kong pasukuan dito sa Emperial City. At kahit naman po na taga-pagmana ang asawa ko ng Wangzi ay hindi noon nagkakahulugan na manatili ako sa bahay namin. Hinahanap po ng katawan ko ang trabaho." Sagot niya.
Tinaasan lang siya ng kilay ng babae. "Talaga? Iyon ba talaga ang rason mo o hindi ka na buhay reyna sa piling asawa mo."
Siya naman ang nagsalubong ang kilay. "A-anong sinasabi mo?"
Umayos ng upo ang babae at pinakatitigan siya sa mata. "Naririnig ko na maghihiwalay na kayo ng asawa mo at wala kang matatanggap na kahit isang kusing. Hindi lang iyon, narinig ko din na pinakasalan ka lang naman niya dahil sa nabuntis ka niya."
Nagbago bigla ang timpla ng mukha ni Anniza. Napakuyom ang dalawang kamay niya. Hearing those words from this lady bowls her blood. Saan naman nito narinig ang balitang iyon?
"Ikakasal din pala si Mr. Wang pagna-annual ang kasal niya. Kung hindi nagkakamali ang source ko ay kay Andria Lee siya magpapakasal. Kaya ka ba pumasok dito sa Emperial City para masigurado ang future mo? Well, Imperial City is the most amazing company in the country. Kapag naging HR head ka dito ay kaya kang buhayin hanggang sa makakita ka ulit ng mayamang mabibiktima. Oh wait! May social gathering nga pala ang Imperial City at minsan ay nakakapunta kaming mga head. Sigurado akong makakakilala ka doon ng bagong mabibiktima."
Lalong kumulo ang dugo ni Anniza sa narinig. Masyadong mababa ang tingin ng babaeng ito sa kanya. Hindi lang siya nito ininsulto, hinusgahan pa nito ang pagkatao niya. Ang akala niyang mabait na head ay may itinatago palang sungay. Ngayon ay tinatanong niya ang sarili kung totoo ba ang kabaitan na pinakita nito sa kanya sa loob ng dalawang linggo.
Isang usa na nagbabalat kayong tupa at sa huli ay susunggaban pala siya ng sungay. She hates this kind of woman.
"Are you mad at me, Mrs. Wang? Or should I start calling you, Ms. Jacinto."
Huminga ng malalim si Anniza. Gusto ng maputol ng tali nang pagtitimpi niya pero hindi niya bibigyan ng kasayahan ang babaeng iyo. Isang matamis na ngiti ang sumilay sa labi niya.
"Hindi ko alam kung saan mo narinig ang mga balitang iyan, Ms. Santos. Pero iisang bagay lang sasabihin ko sa iyo, hindi kami maghihiwalay ng asawa ko. Hindi siya magpapakasal sa ibang babae at lalong hindi namin pinapawalang bisa ang kasal namin. Ako ang humingi sa kanya ng permisong magtrabaho ulit. Ako ang may gustong magtrabaho at hindi magbuhay mayaman."
Nakita niyang nagdikit ang labi ng babaeng kaharap. Nasisigurado niyang naiinis na ito sa kanya dahil hindi nito nagustuhan ang sinabi niya. Pero sinasabi lang naman niya ang totoo. At saka nauna ito. Dalawang linggo palang siya pero handa niyang ipakita dito ang totoong ugali kung ang asawa na niya ang pinag-uusapan.
"Kung wala na po kayong sasabihin ay lalabas na po ako. Mrs. Aliya Lu pay me to be responsible employee, not to mind the life of the other employee," aniya at tinalikuran na niya ito.
Nagpapasalamat siya at hindi na siya nito tinawag pang muli dahil pagnagkataon ay masasagot na talaga niya ito. Naririndi siya sa sinabi nito. Anong karapatan nitong husgahan siya? Hindi sapat ang dalawang linggo para sabihin ito ang mga bagay na iyon. Wala itong alam patungkol sa kanila ng kanyang asawa.
Hindi umupo si Anniza sa kanyang table bugkos ay pumunta siya ng pantry para uminum ng malamig na tubig. Kumukulo pa rin ang dugo niya at umiinit ang ulo niya.
Siya pinakasalan ni Joshua dahil sa nabuntis siya nito. Nagpapatawa ba ito? Oo nga at nagpakasal sila bigla ni Joshua, na wala sa plano nila ang pagpapakasal pero hindi naman ibig sabihin noon ay dahil lang sa bata. Mahal nila ni Joshua ang isa't-isa. They love each other to the point that they already thinking of living with each other forever. Balak naman talaga siyang pakasalan ni Joshua, sadyang na una lang dumating sa buhay nila ang anak nila.
Nanatili si Anniza sa pantry hanggang sa maramdaman niyang kalmado na siya. Ayaw niyang may pagbuntunan ng inis kaya mas mabuti na iyong magtago muna siya doon. Naglalakad siya pabalik sa kanyang mesa ng may napansin na babaeng nakatayo sa table niya. Napahinto sa paglalakad si Anniza ng makilala ang taong iyon. Kahit na likuran lang nito ang nakikita niya ay kilala niya kung sino ito.
Biglang nanginig ang katawan ni Anniza. Iyong ala-ala ng isang madilim na nakaraan ay muling bumalik sa kanyang isipan. Napahawak siya sa pader para suportahan ang katawan dahil biglang nanghina ang kanyang mga tuhod. Anong ginagawa ng ina ni Joshua sa opisina niya?
Lalong hindi nakagalaw si Anniza ng makitang nilapitan ng kanyang manager ang ina ni Joshua. Masayang nag-usap ang mga ito na siyang ipinagtaka niya. Sa nakikita niya ay mukhang malapit ang dalawa sa isa't-isa. Bumalik sa kanya ang tagpo kanina. Ang pagtatanong at sinasabi ni Ms. Santos.
Namutla si anniza ng ma-realize ang nangyayari. Hindi pala talaga siya makakatakas sa mga magulang ng kanyang asawa. Pina-iwas na nga siya ng asawa ngunit heto at may kakilala pala ito sa loob ng kompanya. Ngunit hindi dapat siya umiwas pa dito. Walang mangyayari kung patuloy siyang magtago sa magulang ni Joshua. Hindi habang buhay ay magtatago siya sa likuran ng asawa.
Huminga ng malalim si Anniza. Pinilit niyang tumayo ng tuwid at maglakad palapit sa dalawang babae na nag-uusap pa rin.
"May kailangan po kayo?" Magalang niyang tanong sa dalawang babae.
Sabay na humarap sa kanya ang mga ito. Agad siyang pinagtaasan ng kilay ni Ms. Santos habang ang ina ni Joshua ay hinagod siya ng tingin. Yumuko siya sa ina ng asawa.
"Magandang hapon po, Mrs. Wang," bati niya.
"Anong maganda sa hapon, Ms. Jacinto kung ikaw ang makikita ko?" malakas ang boses na tanong nito.
Hindi siya nagsalita. Alam niyang napatingin sa kanila ang mga kasamahan sa trabaho. Gustong pumikit ng mariin ni Anniza ngunit pinigilan niya ang sarili.
"May kailangan po ba kayo, Mrs. Wang?" Instead of answering her question, she asks one.
Tumaas ang kilay ng ina ni Joshua. "Meron, gusto kitang ka-usapin at ibigay na rin ang cheque na gusto mo."
Magkasalubong ang kilay na sinundan niya ang galaw nito. May kinuha itong isang mahabang papel at inilahad sa kanya.
"It's an empty check. Write whatever you want. Make it million if you want, just stay away from my son. Gusto kong layuan mo ang anak ko. Wala na rin namang rason para magsama pa kayo. Hindi ka na buntis, wala na ang anak niyo. Wala na ang batang siyang dahilan para magsama kayo ni Joshua."
Pinagmasdan ni Anniza ang cheque na nakalahad sa harap niya. Itinaas niya ang nanginginig na kamay. Muling bumalik ang sakit sa puso niya. Hearing those words from this woman, turn her heart into pieces. Ayaw man niyang sisihin ito sa pagkawala ng kanyang ay hind niya magawa. The way she said those words is like, she doesn't care that she lost her son. Para itong hindi nawalan ng apo.
Pumatak ang mga luha sa kanyang pisngi. Nasasaktan siya hindi para sa sarili niya kung hindi para sa anak. Hindi pala talaga ito tanggap ng magulang ni Joshua.
Tinanggap niya ang cheque na ibinigay nito.
"Wow! Good choice, hija. Akala ko naman ay magmamatigas ka pa. Bibigay ka din pala sa pero. Gusto mo pala ay iyong ika----"
Hindi natapos ni Mrs. Wang ang sasabihin nito ng nagtaas siya ng tingin at pinunit ang cheque sa harap nito. Nanlalaki ang mga mata nito. Muhing-muhi siya sa babaeng ito. Ito ang may kasalanan kung bakit nawala sa kanila ni Joshua ang anak nila tapos iyon pa ang maririnig niya mula dito. Nasaan ang konsensya nito.
"What do you think your doing?" sigaw nito.
"Kahit kailan hindi niyo mababayaran ang pagmamahal ko sa anak niya. Mahal ko ang asawa ko at hindi iyon matutumbasan ng kahit anong bagay o pera sa mundong ito. Wala kayong karapatan na presyuhan ang pagkatao ko. Oo at kapatid ako ng taong nanakit at nanluko noon kay Kuya Shan pero hindi ibig sabihin noon ay magkatulad kami. Magka-iba kami ng Kuya ko. Minahal ko ng totoo ang anak niya. Wala mang batang dumating sa buhay namin ni Joshua ay magpapakasal pa rin kami. Ipaglalaban namin ang nararamdaman namin. Kaya wala kayong karapatan na husgahan ang nararamdaman ko sa anak niyo." Sigaw niya.
She have too much with this woman. Palalampasin niya ang lahat ng sinabi nito pero hindi ang patungkol sa anak niyang namayapa.
"Aba't sumasago---" Balak sana siyang sampalin ng babae ng tinabig niya ang kamay nito.
"Sige. Saktan niyo ulit ako. Wala na din naman kayong makukuha sa akin dahil kinuha niyo na rin naman siya. Kinuha niyo na po sa akin ang pagkakataon na maging ina sana sa magiging unang anak namin ni Joshua. Inalisan niyo na po ako ng karapatan na mahalin at mayakap ang anak ko. Pero hindi ko po kayong hahayaan na alisin sa akin ang karapatan kong mahalin at maging asawa ni Joshua. Wala na po kayong makukuha sa akin dahil hindi ko po kayo hahayaan."
"What's happening here?" Magsasalita pa sana ang in ani Joshua ng may narinig silang malakas ng boses mula sa pintuan ng kanilang departamento.
Lahat sila ay napatingin doon. Naglalakad palapit sa kanila si Tita Aliya kasama ang sekretarya nito. Seryuso ang matandang Lu na nakatingin sa in ani Joshua.
"Great. You are finally here, Aliya." Sinalubong ng ina ni Joshua si Tita Aliya.
Napayuko naman siya. Nahihiya siya sa ina ni Kaze. Gumawa kasi siya ng eksena na hindi naman dapat. Ngayon ay pinagtitinginan sila ng mga kapwa niya empleyado.
"Why are you here, Jenny?"
"I'm here to see if that woman is really working here." Tinuro pa siya ng ina ni Joshua.
Tumingin sa kanya ang may-ari ng Imperial City bago ibinalik ang tingin sa babaeng ngayon ay may tagumpay na ngiti.
"Yes. She is working here as HR manager's secretary. Is there a problem with that?"
"Of course, there is. She is my son's wife. At alam mo naman ang ginawa ng babaeng iyan sa pamilya ko. Sinira niya ang pagsasama namin ng anak ko."
Napayuko siya. Nanikip ang dibdib niya sa sinabi nito.
"Anong kinalaman ng personal niyang buhay sa trabaho niya dito, Jenny?"
"Aliya!" nagtaas bigla ang boses ng ina ni Joshua.
Kahit siya ay nagulat sa tanong na iyon ni Tita Aliya. Hindi makapaniwalang tumingin siya sa CEO ng Imperial City.
"Wag kang magtaas ng boses dito, Jenny. Nasa loob ka ng kompanya ko kaya wala kang karatapan na taas ako ng boses. Ngayon ay tatanungin ulit kita. Anong kinalaman ng personal na buhay ni Anniza sa trabaho niya dito?"
Hindi nakasagot ang in ani Joshua. Nagtaas-baba lang ang dibdib nito. Namumula na rin ang mukha nito. Nawala ang saya sa mukha at napalitan ng galit.
"Look, Jenny. Anniza's credibility to work is here suit her position. Tinanggap ko siya hindi dahil sa asawa siya ni Joshua kung hindi dahil sa abilidad niya. Magaling si Anniza sa trabaho niya at sa dalawang linggo niya na pagtatrabaho dito ay wala akong nakikitang problema. Kaya anuman ang problema mo sa kanya ay labas na ang kompanya ko. Kaya kung nandito ka para guluhin ang trabaho ng mga empleyado ko ay nakiki-usap ako sa iyong umalis ka."
Lalong nagalit ang ina ni Joshua. "Are you chasing me away, Aliya?"
"Yes, if that's what you want to hear from me. Nang gugulo ka sa oras ng trabaho, Jenny. And you are causing trouble to my staff. Kung may problema ka sa kay Anniza hintayin mo ang oras ng labasan niya at kung maari ay kausapin mo siya ng maayos. Don't insult my staff and a woman who lost a child because of you."
Nakadama ng paghaplos sa kanyang puso si Anniza ng marinig ang sinabi ni Tita Aliya. Tumingin ito sa kanya bago sa kanyang manager.
"Ms. Santos, I want you on my office now." HUmarap si Tita Aliya sa ibang empleyado nito. "All of you, go back to your work. I'm not paying you all to watch a drama."
Lahat ng mga kasamahan niya sa trabaho ay yumuko at bumalik sa trabaho. Muling hinarap ni Tita Aliya si Mrs. Wang. Namumula pa rin ang mukha nito.
"Jenny, don't make a scene here. Hindi kita nakilalang ganyan kaya sana ay umalis ka na muna."
Walang nagawa ang ina ni Joshua kung hindi sundin si Tita Aliya pero bago ito umalis ay tumingin ito sa kanya at binigyan siya ng masamang tingin. Binaliwala na lang niya iyon. Nang tuluyang maka-alis si Mrs. Wang ay humarap sa kanila si Tita Aliya.
"Ms. Santos follow Mr. Cardinal. We talk later."
Mabilis na sumunod ang head manager niya. Naiwan siya na kaharap ang ina ng kaibigan.
"I'm sorry for causing trouble to you, Ma'am." Yumuko siya.
"Stand up straight, Anniza."
Sinunod niya ang inuutos nito. May ngiti sa labi ni Tita Aliya. Hinawakan nito ang braso niya at hinila siya papasok sa loob ng opisina ng head manager niya. Si Tita Aliya na rin ang nagsara ng pinto.
"Mabuti at sinabihan ako ng guard ng dumating si Jenny kung hindi ay napagbuhatan ka na naman niya ng kamay. Ayos ka lang ba, hija?" Malumamay na tanong nito.
May humaplos sa puso ni Anniza ng marinig ang tanong na iyon. Kung ganoon ay talagang bumama ito para lang puntahan siya. Talagang pinigilan nito si Tita Jenny sa balak nito pagpapahiya sa kanya.
"Okay lang po ako. Maraming salamat po. Kung hindi po kayo dumating baka po nagkasakitan na kami ng ina ng asawa ko. Pasensya na din po at nagkagulo kanina." Malungkot niyang wika.
Hindi naman niya talaga gustong sagutin ang ina ni Joshua pero sumusobra na kasi talaga ito. Umiling si Tita Aliya at hinawakan ang kanyang dalawang kamay.
"Hindi mo kailangan humingi ng kapatawaran sa akin. Kahit naman ako ay sasagutin din si Jenny kapag iyon ang narinig ko. You know my story, hija. Kaya na iintindihan ko ang nararamdaman mo. At kagaya mo ay lalaban din ako kapag anak ko na ang pinag-uusapan."
Napangiti siya dahil sa sinabi nito. Tita Aliya is one of a kind people. Mag-ina nga talaga ito at si Kaze. Parehong mabait at marunong makisama. Kapag kasama niya si Kaze noon ay hindi niya maramdaman na magka-iba sila ng antas sa buhay.
"Ako na ang humihingi sa iyo ng pa-umanhin sa sinabi ni Jenny kanina. Sana ay hindi ka magtanin ng kahit anong galit sa magulang ni Joshua. At asahan mo na kapag nandito ka sa loob ng building ko ay hindi ka niya malalapitan."
Ngumiti siya sa ina ni Kaze. "Maraming salamat po, Ma'am."
Ngumti din ng matamis sa kanya si Tita Aliya. "I promise to Joshua that I will take care of you. Kaya sana ay wag mong bitawan ang asawa mo."
Tumungo siya. "I won't. Mahal na mahal ko po ang asawa ko. Kagaya nga ng sabi ko kanina sa ina niya. Wala na siyang makukuha sa akin. Handa akong ipaglaban si Joshua sa kanila.
"Masaya akong marinig iyan mula sa iyo." Saglit na tinitigan siya ni Tita Aliya. "M-may sasabihin ako sa iyo, hija. Alam kong wala akong karapatan na sabihin ito sa iyo pero sa tingin ko ay walang balak si Joshua na ipaalam ito sa iyo. His father over him to be the CEO of Wangzi but Joshua refuse."
"What?!" Kaya ba galit na pinuntahan siya ng ina nito.
Bakit hindi man lang iyon nabanggit sa kanya ni Joshua? May kinalaman ba ang pagkawala ng anak nila sa desisyon nito?
"Tinanggihan ni Joshua ang posisyon ng dahil sa iyo. Mas gusto ka kasi niyang alagaan at kapag naging CEO siya ng Wangzi malaking bahagi ng oras niya ang mapupunta sa trabaho. Kaya naman nagdesisyon si Joshua na tanggihan dahilan para magalit ang kanyang magulang."
Ngayon ay na-iintindihan na niya kung bakit galit nag alit kanina ang ina nito. Kaya pala sinabi nitong sinira niya ang relasyon ni Joshua sa mga ito. And Anniza feel the guilt that building up to her heart. Hindi niya mapigilan ang guilt sa puso niya dahil pinipigilan niyang maging matagumpay na tao ang asawa.
Ngayon ay hindi niya alam ang gagawin. What she should do knowing her husband sacrifice something for her.