AFTER WHAT happen, hindi na gumawa ng kung ano ang mga magulang ni Joshua. Hinayaan din ng mga ito ang dalawa. Wala na rin taong pumupunta sa opisina ni Anniza para lang guluhin ang dalaga. Iilang buwan na rin naman ang lumipas. Alam ni Anniza na hindi ibig sabihin ng pananahimik ng magulang ni Joshua ay tanggap na siya ng mga ito para sa anak ng mga ito. Hindi lang talaga gumagawa ang mga ito ng hakbang dahil paniguradong si Kuya Shan ang makakalaban ng magulang ng asawa.
"Hey! Are you okay?" tanong ni Ate Carila.
Nasa Subic sila at kasama nila ang ilan sa mga kaibigan ng kanilang mga asawa. Wala si Liam dahil ayaw ni Jas na sumama. Si Lay na fiancé ni Prince ang tanging babae na kasama nila. Sasha and Patrick didn't come. Nasa Australia ang magkasintahan at may kailangan asikasuhin doon. Ang mga nobyo naman ng mga kaibigan nila ang kasama nila. MT is with Grayson. Grey Thec's boyfriend Magus comes despite of the facts that the barkada doesn't like him. Veelrich also comes but everyone likes him. Marunong kasing makisama ang binata at nalinis din nito ang pangalan sa mga kaibigan ni Wilsy.
Ang mga lalaki ang nagluluto ng pagkain habang silang mga babae ay nasa bonfire at naghihintay ng pagkain.
Tumingin siya kay Ate Carila. "Okay lang ako, Rila." Sagot niya.
Kanina pa masama ang pakiramdam niya. Nahihilo kasi siya pero kaya pa naman. Ayaw naman niyang uminum ng gamot dahil hindi naman siya sanay uminum kapag may sakit. Kung maari kasi ay ayaw niyang dumepende sa gamot sa tuwing nakakaramdam siya ng sakit sa katawan.
"Are you sure? Maputla ka." Hinawakan ni Ate Carila ang braso niya.
"Okay lang talaga ako, Ate. Nahihilo lang ako ng kunti," sagot niya.
"Gusto mo ba uminum ng gamot. Meron yata ako sa bag ko." Tatayo na sana si Ate Carila para kumuha ng gamot ng hawakan niya ito sa braso.
"Wag na, Ate Rila. Mawawala din itong pagkahilo ko."
Pinakatitigan siya ng ilang minuto ni Ate Carila bago ito tumungo bilang pagsunod sa gusto niya. Pinagmasdan nila ang mga bituin.
"Lay, kamusta pala baby niyo ni Prince?" tanong ni Veelrich kay Lay na siyang fiancé ni Prince.
"Okay naman siya. Nasa Lola't Lolo niya ngayon."
Pa-ikot na sila ngayon sa bonfire. Katabi nila ang kanya-kanya nilang partner. Katabi niya si Ate Carila na tahimik din ng mga sandaling iyon. Magkahawak-kamay ang mag-fiancé na si Lay at Prince. Habang ang tatlong lovers ay mas sweet pa sa kanilang mag-asawa. Si Quinn na niyaya nila ay hindi sumama dahil wala daw itong kaparehas. Out of place daw ito sa kanila na siyang ikinatawa lang nila.
"Ang laki na rin pala ni Penny, ano? Parang kailan lang at kinakarga pa siya ng grupo." Natatawang kumento ni Wilsy.
Penny is two year old baby. Ang baby ni Prince at Lay. Noong una ay hindi alam ni Prince na may anak ito kay Lay, tanging si Wilsy at MT lang ang nakakaalam.
"Oo nga eh. Ang kulit nga eh." Nakita niya ang pagkislap ng saya sa mata ni Prince. May biglang kirot na naramdaman si Anniza. May isang alala ang sumilay sa kanyang isipan. Yumuko siya para itago ang lungkot na lumandas sa kanyang mukha.
"Hey, okay ka lang?" agad siyang napansin ni Ate Carila.
Nagtaas siya ng tingin at tumingin kay Ate Carila. May pag-aalala sa mukha nito. Ngumiti siya kahit alam niyang mapapansin nitong hindi iyon totoo.
"Okay lang ako, Ate Rila. May naalala lang ako." Sagot niya.
Lumambot din ang mukha ni Ate Carila. Hahawakan na sana nito ang kamay niya ng may na-una na dito. Napatingin siya sa taong humawak doon. May maliit na ngiti sa labi ni Joshua. Sinuklian niya ng ngiti ang asawa. Kagaya niya ay may lungkot sa mga mata nito. Iilang buwan na rin ba ang lumipas pero nandoon pa rin ang sakit. Kahit anong gawin nila ay hindi mabubura ang sakit na nararamdaman nila.
Pagkatapos nilang magkwentuhan sa bonfire ay may ilan na nagyayang matulog at maglakad-lakad sa dalampasigan. Niyaya naman siya ng asawa na pumunta sa isang cottage na di kaluyan. Pumayag siya at ngayon nga ay nakatingin sila sa kalangitan.
"Nasaan kaya sa mga bituin na iyan ang anak natin?" tanong ni Joshua.
Napatingin siya sa asawa. Napansin niya ang kislap ng kalungkutan sa mga mata nito. Huminga siya ng malalim at tumingin sa mga bituin. Maraming bituin ng mga sandaling iyon. Napakaganda ng kislap ng mga ito.
"Ang pinakamaliwanag sa lahat," sagot niya.
Pinisil ni Joshua ng kamay niyang hawak nito. "He's guiding us, Hon. Nasisigurado akong masaya ang anak natin kung nasaan man siya ngayon. Sigurado akong nakatingin siya ngayon sa atin na may ngiti sa labi."
Anniza didn't said anything. Kinagat niya lang ang ilalim ng kanyang labi. May humaplos sa kanyang puso at may bagay na bumara sa kanyang lalamunan. Nandoon pa rin ang sakit pero kailangan nilang harapin ang katotohan. Kahit anong gawin nila ay hindi na mababago ang lahat pa. Wala na sa kanila ang munting angel nila.
"Hon, I'm sorry for bringing him up. I know you still remember him from time to time, me too. I miss him."
Lalong nakaramdam ng kirot sa kanyang puso si Anniza. Siya na pumisil sa kamay ng asawa. Nais niyang kumuha ng lakas dito. Hindi madali ang lahat para sa kanya.
"I'm so—"
"Don't be. Sa tuwing pinag-uusapan natin siya kumikot ang puso ko pero hindi ibig sabihin noon ay hindi ko tanggap ang pagkawala niya. Alam kung hindi siya para sa atin. Alam kung darating ang tamang panahon para sa atin, Airen. Time can only heal the wounds inside our hear. But always remember this, I will stay at your side until the end." Humarap siya sa asawa na nakatingin din pala sa kanya ng mga sandaling iyon.
"I love you so much, Airen. I always love you." Nakatitig siya sa mga mata nito habang sinasabi ang mga katagang iyon.
Itinaas ni Joshua ang isang kamay at pinunasan ang mga luhang lumandas sa kanyang pisngi na hindi niya namalayan na dumaloy.
"I love you too, Hon. I will love you until the end of my life."
Inilapit ni Joshua ang mukha at binigyan siya ng munting halik sa noo. Anniza holds Joshua's hand tightly. She wanted him to know that she will never let go. No matter what happen in the future, she won't let him go. She will keep him forever.
NAGDIDILIG NG halaman si Anniza ng may napansin siyang kotseng huminto sa tapat ng bahay nila ni Joshua. Pansin iyon mula sa kinatatayuan niyang teresa. Nagtagpo ang kilay niya ng bumaba ang sakay noon. Bumilis ang tibok ng kanyang puso. Inalis ng babae ang suot nitong salamin sa mga mata. Nakipagtitigan ito sa kanya. Sumunod na bumaba sa kotse nito ay ang isa pang lalaki na wala ding emosyon ang mukha.
Ibinaba niya ang hawak na pandilig. Nakita niyang tumakbong lumapit ang isang katulong para ka-usapin ang hindi inaasahan nilang bisita. Hindi na hinintay ni Anniza na pagbuksan ang mga ito ng kanilang katulong. Bumaba na siya para harapin ang mga ito. Pagbaba niya ay nasa gate pa rin ang katulong at kausap ang dalawang bisita.
"Magandang umaga po sa inyo." Bati niya sa mga ito.
"Magandang umaga din sa iyo, Hija. Pwede ka ba namin maka-usap?" Walang emosyon ang mga mata na tanong ng babae.
Nag-aalalang tumingin sa kanya ang katulong. Ngumiti siya dito para sabihin na okay lang siya. Hinarap niya ang dalawang matanda sa harap niya.
"Of course, pasok po kayo." Nakangiting sabi niya.
Pinagbuksan ng katulong ang mga magulang ni Joshua. Tumalikod siya para igiya ang mga ito sa garden chair na nandoon. Hindi naman mainit doon dahil may silong at saka maraming tanin na halaman kaya maganda ang simoy ng hangin.
"Upo po kayo." Itinuro niya ang upuan na katapan ng uupuan niya.
Walang salita na sumunod ang mga ito. Sa katapan niyang upuan umupo ang ina ni Joshua habang ama nito ay sa kaliwang bahagi. Nang maka-upo and dalawa ay tumingin siya sa katulong na nakasunod sa kanila.
"Nay Karen, pwede niyo po ba kami kuhaan ng ma-iinum?" Tumingin siya sa magulang na asawa. "May gusto po ba kayo para makuha po ni Nay Karen?"
Nagkatinginan ang mag-asawang Wang.
"A water is fine." Sagot ng ina ni Joshua.
Tumingin siya kay Nay Karen. "Nay, pakidalhan po kami."
"Sige, hija." Nag-aalala man ay sinunod ni Nay Karen ang utos niya.
Hinintay niya muna na makapasok sa bahay si Nay Karen bago ibinalik ang tingin sa magulang ni Joshua.
"May kailangan po ba kayo sa akin?" tanong niya sa mga ito.
Nakita niyang huminga ng malalim ang ina ni Joshua. Binuksan nito ang bag na hawak at may kinuha doon. Nagtaka siya ng may inilabas itong maliit na box. Ibinaba nito iyon sa mesang nasa harap nila.
"I want you to have that."
Anniza who is confuse pick up the small box. "Ano po ito?"
Hindi nagsalita ang magulang ni Joshua kaya naman binuksan na lang niya ang maliit na box. Napasinghap si Anniza ng makita ang nilalaman noon. Isang sapphire stone ring ang nakita niya. Kumikinang pa iyon at talagang masasabing totoo ang batong nakikita niya. Gulat pa rin na tumingin siya sa ina ni Joshua.
"B-Bakit niyo binibigay sa akin ito?"
"Joshua's grand mother give that ring to me. Ibinigay niya iyan ng ikinasal ako kay Zhel. At ayon sa tradisyon ng mga Wang. Ibibigay ang singsing na iyon sa magiging asawa ng panganay naming anak. Kaya naman ibinigay namin sa iyo ang singsing na iyan."
Lalong nanlaki ang mga mata ni Anniza sa narinig. Ang singsing na iyon ay nang galing pa sa Lola ni Joshua. Ang mas nakakagulat ay ang ina pa ng binata ang nagbigay noon sa kanya. Nanginginig ang kamay na ibinaba niya ang singsing.
"Kung ganoon ay bakit niyo binibigay sa akin ang singsing na iyan? Hindi po ba aya---"
"You have the necklace of the family, Anniza. Ang kwentas na iyon ay dapat kay Carila dahil siya ang asawa ni Shan na siyang panganay ng pamilya. At ikaw ang dapat na tumanggap at gumamit ng singsing ng pamilya Wang," wika ng ama ni Joshua.
Muli siyang napatingin sa kahon ng singsing. "Gusto niyong ibalik ko ang kwentas?"
Tumungo ang mag-asawa.
"Si Carila ang dapat na may hawak ng kwentas, Anniza. Kaya sana ay ibigay mo iyon sa amin para ma-ibigay namin kay Shan."
Huminga siya ng malalim at tumingin sa magulang ng asawa. Wala siyang babasang emosyon sa mga mata ng dalawa. Hindi niya tuloy malalam kung ano ba talaga ang gusto ng mga ito.
"Na ibigay ko na po kay Kuya Shan ang singsing noong nakaraang punta namin ng Subic. Hinanap ko pa kasi kaya hindi ko na ibigay noong pumunta kami ng Kuya ko sa MDHGC," sagot niya.
Noong nakaraan pa niya ibinalik iyon kay Kuya Shan. Sinabi niyang wala siyang karapatan na hawakan ang kwentas na iyon dahil nga sa hindi naman talaga iyon para sa kanya. Nalaman niya mula kay Patrick ang tungkol sa kwentas kaya naman hinanap niya agad sa mga gamit niya. Nagpapasalamat siya at hindi niya iyon bininta noon. Naalala pa niyang ibinigay iyon ng Ate Tin niya noong nag-aaral pa lang siya. Alam niyang mahal ang kwentas kaya naman hindi na niya iyon sinuot. Isang beses lang talaga niyang sinuot iyon at natakot na siyang gamitin.
"Kung ganoon ay wala na sa iyo?"
Tumungo siya. "Hindi po para sa akin ang kwentas kaya naman ibinalik ko na kay Kuya Shan. At saka alam ko pong wala akong karapatan na suotin iyon. Kaya naman po..." Itinulak niya ang maliit na box. "... hindi ko din po iyan matatanggap."
Napatingin ang ina ni Joshua sa box bago muling ibinalik sa kanya. "B-bakit?"
Ngumiti siya kahit hindi iyon umabot sa kanyang tainga. "Pagmamay-ari po iyan ng pamilya niyo at wala akong karapatan na gamitin po iyan dahil hindi naman po ako isang Wang."
Tumaas ang kilay ng ama ni Joshua.
"Anniza---"
Itinaas ni Sir Zhel ang isang kamay nito para pigilan si Mrs. Jenny sa kung anong sasabihin nito. Napatingin pa ang matandang babae sa asawa nito.
"Anniza, parte ka na ng Wang family. Asawa ka ng anak namin at dala mo ang apelyido ng pamilya kaya masasabi namin na isa ka na ring Wang. Kaya sana ay tanggapin mo ang kwentas na iyan." Itinulak ni Sir Zhel ang maliit na kahon.
"Po?"
Tama ba siya ng pagkakarinig. Parti na siya ng pamilya ng mga ito. Hindi ba at hindi siya tanggap ng mga ito para sa kay Joshua. At kahit kailan ay hindi siya matatanggap bilang parte ng pamilya Wang.
"Tama ka nang pagkarinig, Anniza. Parte ka na ng pamilya namin."
"A-anong i-ibig niyong s-sabihin?" Pigil ang paghinga na tanong niya sa dalawa.
Huminga ng malalim ang ina ng asawa bago ngumiti ng maliit. "Tanggap na namin na ikaw ang pinili ng anak namin bilang asawa niya kaya wala kaming magagawa kung hindi tanggapin ka. At saka..."
Tumigil si Ms. Jenny sa pagsasalita at yumuko. Nakita niyang humigpit ang pagkakahawak nito sa hawak na bag. Alam niyang may naias talaga itong sabihin at iyong puso nito ay nahihirapan. Magsasalita na sana siya ng bumukas ang maliit na gate. Malalaki ang hakbang na lumapit sa kanila ang humihingal na asawa.
"Joshua..." napatayo siya at sinalubong ang asawa.
Agad niyang hinawakan ito sa balikat para pigilan sa paglapit sa magulang nito. Base sa nababasa niyang emosyon sa mukha nito ay galit ang kanyang asawa.
"What are you doing here? Hindi ba at sinabi kong tigilan niyo na ang asawa ko." Malakas ang boses na sabi nito.
"Airen, calm down," aniya sa asawa.
Nakatayo na rin ang magulang. Walang emosyon ang mga mata at mukha ng mga ito. Joshua wanted to come near with his parents but she is on his way. He can't push her because she knows that he is afraid to hurt her.
"Ano bang kailangan niyo sa asawa ko at nandito pa talaga kayo? Nais niyo na naman ba siyang saktan kaya ka---"
"AIREN!!! Stop it!" sigaw niya kay Joshua para tumigil ito sa pagsisigaw sa magulang nito.
Nakuha naman niya ang atensyon ng asawa kaya tumigil ito. Nagtatakang tumingin sa kanya ang asawa.
"Please, calm down first!"
Hindi nagsalita ang asawa at nakipagsukatan lang ng tingin sa kanya pero ito din ang unang sumuko. Umayos ito ng tayo kaso hindi pa rin nagbabago ang emosyon sa mukha nito.
"Ano bang kailangan niyo?" kalmado na nitong tanong ngunit kahit ganoon ay pansin pa rin ang galit sa tono ng boses nito.
"Nandito kami para ibigay sa kanya ang singsing ng pamilya." Ang ama ng asawa ang sumagot.
Nakita niya kung paano nanigas ang asawa sa kinatatayuan nito. Mabagal ang galaw na tumingin ito sa magulang.
"Ang singsing na bigay ni Lolo sa kay mommy?"
"Yes! At ibinibigay namin iyon sa asawa mo."
"What?! B-bakit?" Hinarap ng maayos ni Joshua ang magulang nito.
Ngumiti ang ina ni Joshua. "It's our way to say that we accept her as your wife and part of our family."
Napasinghap si Joshua dahil sa sinabi ng ina nito. Ilang minuto itong tulala bago nakapagsalitang muli ang kanyang asawa.
"What did you say mom?"
Humakbang palapit ang ina ni Joshua sa kanila at hinawakan ang kamay niya bago hinawakan ang kamay ng kanyang asawa. Pinagdikit nito ang kamay nila.
"We give our blessing for you two. Tanggap na namin ng ama mo na si Anniza ang babaeng pinili mong pakasalan at makasama habang buhay."
Dahil sa malapit ang ina ng binata ay nakita niya sa wakas ang emosyon sa mga mata. Love and sadness are written at her eyes. Nagniningning ang mga mata nito. Tanda na na-iiyak si Ma'am Jenny.
"Mom..." Joshua said her mom name with sadness.
"I'm sorry for hurting you, son. Patawarin mo sana kami kung ngayon lang namin na pagtanto lahat ng kamalian na ginawa namin sa inyong dalawa. I'm sorry for what I did. Alam kong walang kapatawaran ang ginawa ko sa inyo ng anak ko. Ako ang may kasalan kung bakit nawala sa inyo ang munting angel niyo. Na-iintindihan ko kung hindi niyo pa ako kayang patawarin ngayon. Na-iintindihan ko, Anniza, Joshua."
Tuluyan ng dumaloy ang mga luha sa mga mata ng ina ni Joshua. Anniza who doesn't know what to do, froze at where she standing. May kurot na nararamdaman sa puso niya ang dalawa. Ito ang unang pakakataon na narinig niya ang mga salitang iyon sa magulang ni Joshua.
Joshua on other hand is also shock at what he heard but still, he feels pain at his heart. May umayos na tubig sa kanyang pisngi na nagmula sa kanyang mga mata. For his 27 years on existence, he never saw his mother cry. His mom is a very proud woman. Matapang ito at hindi nagpapakita ng kahinaan. Galing ito sa marangyang pamilya at lumaking nasusunod ang gusto. Saying sorry was never his mom part of dictionary. Kaya naman talagang ikinagugulat niya ang mga sinabi nito.
"Joshua, anak, alam ko na ang mga pagkakamali ko bilang ina. Alam ko na kung saan ako nagkulang sa iyo. Patawarin mo sana ako. Patawarin mo sana si mommy."
Malakas na umiyak si Jenny. At nang muntik na itong matumba ay agad itong nadaluhan ng kanyang asawa. Sa unang pagkakataon ay naging mahina sa harap ng ibang tao ang matapang na ina ng binata.
"Mom..." Joshua held his mom tightly.
Naging maagap naman si Anniza. Tinulungan niya ang asawa na buhatin ang ina nito. Tumulong na rin ang ama ng binata. Binuhat nito ang asawa para maka-upo sa upuan na nandoon. Anniza is about to go inside the house to get some water when Jenny hold her hand tightly.
"Anniza..."
Pabulong ang pagtawag nito sa pangalan niya. Napatingin si Anniza sa mother-in-law nito. Pansin na pansin ang lungkot na meron ito.
"I'm sorry. I'm sorry if you lost him."
Tuluyan na rin pumatak ang mga luha ni Anniza. Yumuko ang dalaga para ma-ipantay ang sarili sa babae.
"Wag na po kayong umiyak." Mahina ang boses na sabi ni Anniza. Pinunasan niya ang luha ng ina ni Joshua.
"I'm so sorry. Patawaran mo ako. I'm sorry." She keeps on chanting those words to her while she cried so hard.
Walang tigil sa pagpatak ang mga luha ni Anniza ng dahil doon. Muling bumalik ang sakit ng nakaraan. Iyong sugat na lumatay sa kanyang pagkatao ay muling bumalik. Ang sakit na pilit niyang ibinabaon sa limot ay muling sumusugat sa puso niya.
"I'm so sorry."
Anniza didn't said anything. She just cried there while listening to Joshua's mother chatting. She doesn't know if she can accept her apologize.